You are on page 1of 1

Ang Kahalagahan ng

Edukasyon Para sa Akin.


Edukasyon daw ang tanging paraan tungo sa magandang Kinabukasan. Gaano nga ba
Kahalaga ang Edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang yan sa mga
katanungan ng bawat isa sa atin.

September 18, 2009 namatay ang pinakamamahal kong Ama. Halos dinamdam ko ng
sobra ang pagkawala niya. Unti-unti akong nanghina, nawalan ng lakas ng loob at
unti-unting nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit ang naramdaman ko noong mga
panahong yon. Parang nadurog yong puso ko at nawalan ako ng ganang mag-aral.
Kaya noong 2010, tumigil ako sa pag-aaral. Siguro nga sinayang ko lang ang mga
oportunidad. Ang bawat pagkakataon ay binalewala ko lang. Kaya heto ako ngayon,
walang natapos at punong-puno ng pagsisisi.

Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting
asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman
umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa mahaba-habang panahon na
lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang Edukasyon. Para sa akin kasi, ang
Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng natapos na kurso. Kailangan mo
ring panindigan na talagang may Pinag-aralan ka. Kailangan mong matutunan kung
paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang
masasabi kong pinaka-matibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil
ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang
magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin
ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa’yo na
abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay.

Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng


bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas.
EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MA-AAGAW ninuman. Hindi
SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa’kin kailangan BAONIN mo rin ang
KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PA-ARALAN.

You might also like