You are on page 1of 1

“Ang Susi sa Tunay na Kaligayahan”

Kamakailan lamang na iniisip ko kung ano ang kahulugan ng tunay na kaligayahan.


Dumating ako sa mundong ito nang walang pahiwatig tungkol dito. Ano ng aba ang tunay na
kaligayahan? Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Maaaring ang tingin ng
ibang tao sa akin ay ang pagiging masayahin at palabiro ngunit sa mga pagkakataong ako ay nag-
iisa, marami akong iniisip. Daig pa ang isang kalkulator sa mga posibleng ekwasyon na maaaring
mailagay subalit hindi gaano kabilis sa paghahanap ng solusyon o sagot. Mahirap makahanap ng
sagot sa mga katanungang ito. Hindi ko na alam paano ulit maramdaman ang tunay na kasiyahan
dahil habang lumalaki ako, nakararanas ako ng mga pangyayari sa buhay kung saan ang
kalungkutan o minsa’y depresyon ay hindi maiiwasan na maramdaman.

Pagtingin sa salamin araw-araw, nakikita ko ang aking repleksyon na minsan nagsasabing


“Kaya mo pa ba?” Ngunit itong simpleng katanungan ay napakahirap sagutin. Ang tanging hiling
ko lamang ay ang maramdaman ang tunay na kaligayahan dahil matagal ko na itong hindi
naranasan. Tunay na kaligayahan. Sa emosyon na ito ay nararamdaman ang totoong saya na
karapat-dapat na mramdaman ng bawat isa. Ang pagiging masaya ay tungkol sa paggising araw-
araw at pagtamasa sa Lunes hanggang Huwebes sa halip na nagnanais na Biyernes ang dumating.
Pagiging masaya dahil sa pagkakataon na muling ibinigay ng Diyos upang magising at maging
totoo sa sarili. Ito ay ang pagmamahal sa kasalukuyan sa halip na patuloy na naninirahan sa
nakaraan o nag-aalala sa kinabukasan. Ang tunay na kaligayahan ay ang pagbabago sa pagtingin
sa isang sitwasyon, tinitignan ang positibong pananaw sa buhay. Ito ay ang paglalaan ng oras para
sa pamilya, mga kaibigan at sa sarili kung saan napakasarap mabuhay. Kung minsan
nararamdaman ko rin ito subalit mahirap ito matamo dahil kinakailangan na makita ang
positibong pananaw sa buhay.

Sa aking buhay, unti-unti kong natututunan na hindi lahat ng pangyayari ay laging masaya
o laging malungkot. Nakadepende ito sa kung papaano ko tignan ang isang sitwasyon. Ang biyaya
ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos ay upang maranasan ang tunay na kasiyahan. Kapalit nito,
kailangan kong maglingkod sa Kanya dahil ito ang regalo sa akin. Madali kong makikilala ang
paglilingkod sa pamamagitan ng simpleng pagsasalamat. Maaari kong harapin ang mga pagsubok
sa buhay sa pagiging mapakumbaba dahil nagpapakita ako sa Diyos na mayroon akong
nagtitiwala sa plano Niya. Ang tunay na kaligayahan ay matatamasa kung sisimulan ito sa sarili at
kung ibibigay ang buong tiwala sa Diyos. Hindi man natin mararanasan agad subalit sa tamang
panahon, ito rin ay mapupunta sa atin.

You might also like