You are on page 1of 1

Sa anong karanasan mo sa buhay, naramdaman ang pagpapadama ng Diyos ng Kanyang

kagandahang-loob?
Pinapadama sa akin ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob hindi lamang sa mga espesyal na
okasyon o bilang na mga pangyayari sa aking buhay, nararamdaman ko ang lahat ng biyaya at
kabutihan niya sa araw araw ng aking pamumuhay, mula sa pag gising sa umaga hanggang sa
aking pagtulog. Nararamdaman ko rin ang biyaya niya hindi lamang sa mga masasayang
pangyayari o material na bagay na aking natatanggap bagkus pati na din sa mga malungkot na
araw ng aking buhay dahil naniniwala akong ang lahat ng pagsubok na aking nararanasan ay
isang paraan lamang niya ng pagpapatibay sa aking luob at pananampalataya.

Sa paanong paraan pinadama ng Diyos sa iyo ang Kanyang kagandahang-loob?


Sa simpleng pagkakaruon ng komportableng bahay na matitirahan, pagkain ng tatlong beses sa
isang araw, at ang pagkakaruon ng mapagmahal na pamilya ay isang malaking bagay na para sa
akin. Madalas ko din nararamdaman ang kagandahang-loob ng Diyos sa akin tuwing ako ay
malungkot o may problemang nararanasan sapagkat sa mga panahon na iyon napagtatanto ko na
sa kabila ng lahat ng hirap o problema na aking hinaharap hindi ako pinabayaan ng Diyos bagkus
siya ang nagbibigay ng lakas ng luob at nagpapatibay sa akin.

Anu-ano ang mga pagbabago sa iyong buhay?


Sa aking paglaki at pagtuntong sa legal na edad, ako ay naging mas matibay, matapang at naging
mas sigurado sa aking mga gusto sa buhay ngunit sa kabila ng mga positibong pagbabago na ito,
ako din ay nakaranas ng mga hindi kanais nais na pagbabago sapagkat kasabay ng ating paglaki
ang pagkakaruon ng kamalayan sa lahat ng mga bagay bagay, napagtanto ko na hindi isang
paraiso o perpektong lugar ang mundong ating tinitirahan, sa aking paglaki ako ay naging
malungkutin at hindi maiwasang isipin ang kalagayan ng ibang tao at kasamaang bumabalot sa
ating mundo. Kasabay rin ng paglipas ng panahon ang pagtibay ng aking pananampalataya
sapagkat naramdaman ko ang pagalalay ng Diyos sa anumang pagbabagong aking naranasan sa
aking buhay.

You might also like