You are on page 1of 1

Name: Gasco Michael John S.

Kurso: BS Criminology 1

MODYUL#1
Gawain 2

Panuto: Panuto : Sumulat ng isang textong nagpapaliwanag kung ang Pandemya ba ay biyaya
o sumpa. Salungguhitan ang mga pangungusap na nagpapahayag ng personal mong opinyon
at ikahon ang nabasang impormasyon , faktwal na tala. Ito ay bubuuin ng 15 pangungusap ,
patalata.

Kapag siguro naririnig natin ang salitang “pandemya” puro mga negatibong kaisipan ang
mayroon tayo dito. Mga kaisipan na bumabago sa positibong pananaw natin sa buhay. Kung
dati ang dami mong mga pangarap at determinado ka sa pagsisikap upang abutin ang mga ito,
ngayon binalutan na siguro ito ng takot at pangamba na bumabagabag sa dati mong
mapayapang mundo. Tunay nga na madaming negatibong bagay ang sa ati’y tumanglaw sa
pagdalaw nitong pandemya na nagtulak sa mga tao na baguhin ang nakasanayang mundo.Mga
pagbabago na siguro mahirap tanggapin ngunit kailangang harapin sapagkat ikaw ay mabibitin
sa hukay ng delikadong panahon kung tatangging tahakin ang bagong mundong sa atin ngayon
ay lumililim. Subalit sa ating pagtahak sa bagong mundo na tinatawag na new normal kailangan
natin itong harapin ng may kasamang lakas ng loob at iwaksi sa ating isipan ang mga bagay
pumipigil sa atin na magpatuloy na lumakad patungo sa ating mga minimithing pangarap. Na
baka sa panahong ito may magandang plano ang Diyos at kailangan natin tumingin lagi dito
upang patuloy na magningas ang ating mga puso sa paggawa ng mga kilos at tamang
aksyon.Naisip ko na tingnan nalang ang panahon natin ngayon bilang isang biyaya kaysa
tignan ito bilang sumpa.Marahil may mga kaakibat na hirap ito, ngunit ang mga paghihirap na
ito ang magpapatatag at magpapatibay sa atin bilang tao upang harapin ang katotohanan na
kakambal ng buhay natin dito sa mundo ang mga pagsubok at hamon na kailangan natin
bagtasin.Tulad ko bilang isang normal na at at mag aaral ng kursong pulisya hindi madali para
sa akin ang biglang pagbabago sa sistema ng pag aaral, ngunit ang mga pagbabagong ito ang
nagpatunay kung gaano ko kamahal ang aking pag aaral upang yakapin ko ang mga bagay na
hindi naman ako sigurado. Ito ang nagtulak sa akin upang tuluyang lakbayin ang makabagong
mundo ng teknolohiya at tuklasin ang mga bagay na maaari kung gamitin upang masagutan ko
ang mga inaatas sa akin ng aking mga titser,gayon din sila ay gumagamit ng teknolohiya upang
maipadala
sa akin o sa iba kong kamag aral ang aming asignatura. Ang panahon din ito ang nagbigay
ng pagkakataon upang magkaroon ng sapat na panahon para sa aking pamilya at gawin sa
loob ng tahanan ang mga bagay na nagpapatibay sa aming samahan. Binigyan diin din ng
panahong ito ang kahalagahan ng bawat biyayang natatanggap natin sa Panginoon maliit
man o malaki. Para sa akin ang
Para sa akin ang pinakamalaking biyaya na aking natanggap sa panahon ng pandemyang ito
ay ang paglago ng relasyon ko sa Diyos. Napakasarap lanng isipin na kapag siya ang sentro ng
buhay mo, siya lang sapat na at kakaibang ligaya ang dulot nito sa iyo.

You might also like