You are on page 1of 2

Gwen Stefani Trinidad 10 SSC NEWTON

ESP SUMMATIVE ASSESSMENT


Q2 – WEEK 1

Ang aking napili ay ang artikulo 1 dahil ang makataong kilos ay mga kilos
na nangangailangan ng paglikha ng mga pagpipilian, at paggamit ng
responsibilidad ng isang tao. At dahil dito, masasabi ko na ang artikulong ito ang
pinakamainam magpaliwanag at ito’y nauugnay tungkol dito.
Maraming tao ngayon ang naimpluwensiyahan na sa kanilang paligid lalo na
ng teknolohiya. Dahil sa mga ito, naapektuhan na tayo lalo na sa ating pag
dedesisiyon. Sa panahon ng mga kabataan mas lalo na itong dumarami, maraming
tao ang napapariwara at ang iba naman ay nabuntis dahil sa kakulangan ng gabay
ng magulang, may mga kabataan, mga estudyante na nadedepress dahil sa
kahirapan, at hirap nila sagutan ang mga modules sa eskwelahan.
Araw-araw bawat isa sa atin ay nahaharap sa maraming desisyon. Ang ilan
ay mas karaniwan, tanong tulad ng “Ano ang dapat kong isuot?” “Ano ang
kakainin ko sa tanghalian?” “Panahon na ba para bumili ng bagong kotse, o huwag
ko munang palitan ang luma ko?” Pero madalas din tayong nahaharap sa
malalaking desisyon gaya ng “Babalik na ba ako sa pag-aaral?” “Dapat ko bang
tanggapin ang trabahong ito?” “Dapat ba akong lumipat sa isang bagong lungsod?”
“Dapat ba akong bumili ng bahay?” “Dapat ko bang ideyt ang taong ito?” “Dapat
ko bang pakasalan ang taong ito?” at iba pa.
Kapag nahaharap sa malalaking desisyon, tayo ay sa angkop na paraan
gumugugol nang mas mahabang oras para gumawa ng isang pagpili. May nabasa
akong bersikulo sa bibliya na kung saan sinabi ng Panginoon:
“Subalit, masdan, sinasabi ko sa iyo, na kailangan mong pag-aralan ito sa iyong
isipan; pagkatapos kailangang itanong mo sa akin kung ito ay tama, at kung ito ay
tama aking papapangyarihin na ang iyong dibdib ay mag-alab; samakatwid,
madarama mo na ito ay tama.”
“Subalit kung ito ay hindi tama wala kang madaramang gayon, kundi ikaw
ay magkakaroon ng pagkatuliro ng pag-iisip na magiging dahilan upang
makalimutan mo ang bagay na mali.”
Bagamat totoong isang magandang payo ito, pagdating sa malalaking
desisyon, kung minsan ay masyado tayong umaasa sa bahagi kung saan ay sinasabi
sa atin ng Diyos kung ano ang tama at hindi sa bahagi kung saan ay sinasabi niya
sa atin na pag-aralan ito sa ating isipan. Masyado tayong nakatuon sa paghihintay
na kukumpirmahin ng Diyos ang ating mga desisyon na hinahayaan natin na
lumampas ang mga napakagandang pagkakataon. Maaaring kinikilala natin ang
papel na ginagampanan ng kalayaang pumili, pero natatakot tayong gumawa ng
isang desisyon na maglalayo sa atin sa ating napagdesisyunang “plano” at sa huli
ay isipin na ang anumang bagay maliban sa pag-aalab ng dibdib o isang tinig na
mula sa langit ay nangangahulugan na ang ating desisyon ay mali.

Sa panahon at edad natin ngayon, hindi na bago ang magdesisyon pero ang
gumawa ng mahalagang desisyon ay ibang usapan na. Marami sa atin ang
nagkukulang pagdating sa paggawa o pagpili ng tamang desisyon dahil tayo ay
bata pa kaya naman ang pagsasanay para dito ay isa sa mga paraan upang
maiwasan ang di kaaya-ayang pagkakataon habang tayo'y lumalaki. Ang
kakayahang makagawa at makapili ng tamang desisyon ay nararapat lamang
taglayin ng mga tao lalo na ng mga kabataan ngayon dahil inaasahan at tiyak
nating napakarami pang sitwasyon ang kinakailangan ng ating tamang desisyon.
 
Hanggang sa oras na ito, marami ang nagsisisi sa mga pinili nilang desisyon
maaaring dahil sila ay hindi humingi ng tulong o payo sa nakatatanda at humiling
sa Diyos o maaari ring magulo lang talaga ang kanilang mga isipan noong
panahong kinakailangan ang kanilang desisyon. Marami ang maaaring mangyari
na kalalabasan ang pagsisisi kaya laging tandaan na humingi ng tulong sa
nakatatanda at sa Diyos.

 Ang paggawa ng tamang desisyon ay tulad lamang sa pagpili ng daang


tatahakin kaya mabuting isipin ng daang beses kung ano ang sa tingin natin ay
nararapat. Sa paggawa ng tamang desisyon, lagi nating isipin ang sikat na linyang
"Nasa huli ang pagsisisi."

You might also like