You are on page 1of 2

LEARNER’S COPY

PANGKALAHATANG TAGUBILIN:
May mga kamaliang nakita sa Modyul ng Filipino 10-Kuwarter 2-Linggo 3: Ang Aking Pag-
ibig/Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita. Mangyaring gamitin ang mga
impormasyong nasa ibaba na siyang gabay sa pagsasakatuparan sa mga gawain sa modyul.

Maligayang pag-aaral!

I. Pagwawasto
Pahinang
Bahagi ng Modyul Kinaroronan ng Kamalian Pagwawasto
kamalian
ISAISIP p. 11 Ang gawain na ito ay Maaaring tanggalin na
Gawain 5: nasusukat din sa iba ang bahaging ito.
Pagpapahayag pang gawain.
TAYAHIN pp. 13 Ang gawain na ito ay Maaaring tanggalin na
Gawain 7: maaring masukat sa ang bahaging ito.
Diwa ng Makata ibibigay na Lagumang Isagawa na lamang ang
Pagsusulit (Summative Lagumang Pagsusulit
Assessment). (Summative
Assessment).
KARAGDAGANG p. 14 Ang gawain na ito ay Maaaring tanggalin na
GAWAIN nasusukat din sa iba ang bahaging ito.
pang gawain.

II. Lagumang Pagsusulit (Summative Assessment)

PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT)


MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (D)
 Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-IIc-d-72)
 Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65)

SITUATION:
Tila nag-iwan ng bakas ng karimlan ang pandemiyang bumalot sa mundo at mga pinsalang dulot ng mga
kalamidad. Kaya bilang isang kabataang may likas na paniniwala at pagmamahal sa edukasyon, nais mong
iparating ang iyong pagmamalasakit at pakikibahagi sa kanilang hirap lalong- lalo na sa mga kabataan
sapagkat napansin mong kahit sa murang edad ay masalimuot na ang mga suliraning kanilang kinakaharap.
Naisip mo na magpaskil ng tula ng pagbangon sa iyong FB (Online DL) at magbahagi ng kopya o sipi nito
(Modular DL) na may mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng
pagiging masalimuot nito. Sa ganitong paraan ay parang nabigyan mo na rin ng bagong pag-asa ang bawat
makababasa ng iyong tula. Limang saknong na may tig-aapat na taludtod na tula ang iyong isusulat ngunit
huwag mag-alala sapagkat ang mga unang taludtod ng bawat saknong ay naisulat na kung kayat
ipagpapatuloy mo lamang ito. Ang tula ay tatayain batay sa mensaheng nais iparating at paggamit ng
talinghaga o tayutay.
Gawing gabay sa pagbuo ng tula ng pagbangon ang kalkip na pormat:

Tula ng Pagbangon
Ni:

Ang kalikasan ay biyaya ng Maykapal

Ngunit kailangan natin itong alagaan

Sa ganitong ating kalagayan kailangan nating pag-isipan

Tayong mga kabataan na inaasahan sa kinabukasan

Ako’y kaisa ninyo sa inyong laban

GOAL: Magpaskil ng tula ng pagbangon sa iyong FB (Online DL) at magbahagi ng kopya o sipi nito
(Modular DL) na may mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng
pagiging masalimuot nito
ROLE: Isang kabataang may likas na paniniwala at pagmamahal sa edukasyon
PRODUCT: Magpaskil ng tula ng pagbangon sa FB (Online DL) at magbahagi ng kopya o sipi nito
(Modular DL) na binubuo ng limang saknong na may tig-aapat na taludtod sa bawat saknong
AUDIENCE: Mga kabataan
STANDARDS:
PUNTOS PAMANTAYAN
4 Naiparating nang malinaw ang mensahe ng tula at nagamit nang tama ang mga
talinghaga o tayutay sa masining na paraan
3 Naiparating ang mensahe ng tula at nagamit nang tama ang mga talinghaga o
tayutay
2 May kalabuan ang mensahe ng tula at kulang sa paggamit ng angkop na talinghaga
o tayutay
1 Mayroong mensahe at talinghaga o tayutay ang isinulat na tula ngunit hindi natapos
0 Walang ginawang awtput

Pinahusay ni: Sinuri nina:

RICHARD M. COLLADO RICHARD M. COLLADO ALLAN M. UTLEG

JANE S. DANCEL

You might also like