You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

FILIPINO 7

Kumbensyon sa Pagsulat
ng Awiting-Bayan

Ikalawang Markahan
Ikasiyam na Linggo
Modyul 9

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang kumbensyon sa pagsulat ng awiting-bayan (sukat, tugma, tayutay,
talinghaga at iba pa).

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin
sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang lawak ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag
na pagsasanay para lalong maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay
magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman,kasanayan at konseptong kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may kapareha
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang lawak ng iyong pagkatuto sa bagong
aralin.

9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahat ang natutuhan


o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin

Kumbensyon sa
1 Pagsulat ng Awiting_Bayan

Inaasahan
Sa huling bahagi ng kwarter na ito, makabubuo ka na ng isang tiyak na gawain na
susukat sa iyong mga natutuhan. Ito ang gagabay sa iyo upang maisagawa ang pagganap
na iyong dapat na magawa kaya naman sa araling ito inaasahang:

Magagamit ang kumbensyon sa pagsulat ng awiting-bayan (sukat,


tugma, tayutay, talinghaga at iba pa).

Panimulang Pagsubok

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang kasagutan sa kwaderno

1. Lahat ay kumbensyon sa pagsulat ng awiting-bayan maliban sa:


A. Aliw-iw C. Tugma
B. Sukat D. Intonasyon
2. Ang awiting-bayan ay mga anyong tula na nilapatan ng tono upang:
A. Maging maganda sa pandinig
B. Makatulong sa pag-unawa sa awitin
C. Maging madaling bigkasin
D. Maging madali ang pag-alaala sa mga ito
3. Ito ang indayog na nagtatakda ng himig ng tula
A. Himig C. Aliw-iw
B. tono D. Intonasyon
4. Ito ay ang magkakaparehong tunog sa dulo ng bawat taludtod.
A. Saknong C. Sesura
B. Tugma D. Aliw-iw
5. Ang taglay na ganda sa paggamit ng salita tayutay, talinghaga at
mensaheng pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng nakikinig o bumabasa.
A. Kariktan C. Larawang-diwa
B. Kagandahan D. Sesura

Balik-tanaw

Panuto: Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga awiting-bayan sa pagpapanatili ng ating


kinagisnang kultura. Isulat sa loob ng kahon ang inyong kasagutan.

3
Pagpapakilala sa Aralin

Naranasan mo na ba ang umawit ng mga kilalang awiting-bayan, tulad ng Bahay-


kubo, Dandansoy, Leron-Leron Sinta at iba pa? Ano ang napansin mo sa anyo ng mga
awiting-bayang ito?

Tama! Ang anyo nito ay tila tula. Sapagkat ang mga ito ay anyong tula muna at
nilapatan lamang ng musika sa kadahilanang higit na madaling maaalala ng mga tao ang
nilalaman at mensahe nito kung ito ay may musika. Ito ang tinatawag nating awiting-bayan
na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.

Nais mo bang subuking bumuo ng isang awitin gaya ng mga ito? Kung gayon ang
araling ito ay maghahanda sa iyo sa pagsulat ng isang awiting-bayan.

Gaya ng naunang nabanggit na, ang mga awiting-bayan ay mga tula muna bago ito
nakilalang awiting-bayan kaya simulan natin ang Gawain sa panonood ng isang video
tungkol sa mga elemento ng isang tula. https://youtu.be/uhF8F1Y90zY

Gawain 1

Panuto: Basahin ang tula, pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na katanungan.


Isulat ito sa iyong kwaderno.

4
PAG-IBIG
Para kay Inay

P— pag-ibig ang tanging nag-utos sa akin,


Sa likha ng puso--hitik ay habilin;
Lumikha ng tula’t sa iyo’y ihain,
Lakip ang pagsintang walang pagmamaliw

A— ng pagmamahal mo’y aking iingatan,


Pagyayamanin ko nang may kabanalan;
Magsisilbing lakas sa puso’t isipan,
Sa kaligayaha’t mga kalungkutan.

G— amundo mang sakit at mga panimdim,


Pighati at luha, bagabag, hilahil;
Ang lahat ng ito’y kaya kong batahin
Kapiling ka lamang …Inang ginigiliw.

I— niibig nang taos sa dibdib


Ng isang pagsintang di kayang malupig;
Tanging ikaw, ina—yaman sa daigdig
Habang itong puso’y may tibok at pintig

B— antayog, moog ka, O ina kong mahal,


Parola sa unos ng kasiphayuan;
Kislap ng liwanag sa ‘king kalungkutan
Ang iyong pag-ibig, O ina kong liyag

I— dinambana ka at tanging minahal


Dito sa puso ko’y hindi mapaparam:
At sa bawat saglit ang nararamdama’y
Mainit na daloy ng iyong pagliyag

G— abutil mang hiyas walang maialay


Sa pagsapit nitong natatanging araw
Kundi sa tulang sadyang nakayanan
Buhat sa anak mong sa ‘yo’y nagmamahal.

1. Ang tula ay binubuo ng ____________ taludtod sa bawat saknong.


A. 28 C. 12
B. 7 D. 4
2. Ito ay may ____________ na saknong.
A. 28 C. 12
B. 7 D. 4
3. Ang sukat ng tula ay ___________.
A. Wawaluhin C. Lalabindalawahin
B. Lalabing-animin D. Lalabing-apatin

4. Pag-ibig ang tanging nag-utos sa akin, ang tayutay sa linyang ito ay


________.

5
A. Metaphor C. Personipikasyon
B. Simile D. Hyperbole
5. Ang pahayag sa bilang 4 ay isa sa elemento ng tula na kung tawagin ay
A. Tayutay C. Idyoma
B. Kariktan D. Talinghaga

Gawain 2

Panuto: Batay sa napanood mong elemento ng tula, subukin mong bumuo ng isang tula na
binubuo ng dalawang saknong na may tig-aapat na taludtod. Lagyan mo rin ng
tugma ang iyong tula. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa bubuuing tula

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Orihinalidad Nararapat na sariling likha 30 Puntos

Istruktura Naayon sa mga ibinigay na sangkap 35 Puntos


ng tula

Mensahe Nagpapahayag ng pamumuhay, 35 Puntos


pilosopiya o paniniwala ng isang
kabataan

Tandaan

Dapat ding tandaan na bukod sa sukat at tugma dapat isaalang-alang din sa


pagsulat ng tula at awiting-bayan ang tinatawag na mga tayutay, idyoma o mga talinghaga
na nagdaragdag sa kariktan ng mga ito. Ang tayutay ay patalinghagang pagpapahayag na
nagbibigay ng masining at mabisang pagpapakahulugan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
mga sumusunod:
1. Pagtutulad (Simile)- Ito ay paghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao,
pangyayari at iba pa na ginagamitan ng mga salitang panulad na para, kawangis,
tulad, kagaya,gaya at iba pa.
Halimbawa:
Wikang Filipino’y katulad ng awit
May sariling lambing, aliw-iw at himig

6
2. Pagwawangis (Metaphor)-Ito ay tiyakang paghahambing subalit hindi
gumagamit ng mga salitang panulad.
Halimbawa:
Isang bukas na aklat ang aking buhay
3. Pagtatao (Personipikasyon)- Pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa
mga karaniwang bagay.
Halimbawa:
Ang malamig na hangi’y nagbabalita
Paskong dakila’y parating na

4. Pagtawag (Apostrophe)- ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay o


sa isang di-nadaramang kaisipang na para bang nakikipag-usap sa isang
buhay na tao.
Halimbawa:
O maliwanag na buwan
Nakikiusap ako
Ang aking minamaahal

Iyan ay ilan lamang sa mga uri ng tayutay na nakatutulong sa kasiningan ng akda.


Tula man o awiting-bayan ay nananatili ang sangkap nito na nakapokus sa
paksa, kaanyuan, o istraktura at pamamaraan o estilo na siyang nagpapaganda at
nagpapataas sa kasiningan ng mga ito.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Lumikha ng awit gamit ang sumusunod na pamantayan batay sa
sitwasyong nakatala sa ibaba. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Magkakaroon ng patimpalak sa inyong barangay tungkol sa pagsulat ng awit na


gagamitin upang makapagbigay ng inspirasyon sa kabila ng nararanasang
pandemya sa kasalukuyan. Layunin din ng proyektong ito na hikayatin ang iyong
mga kabaranggay na tumulong upang mapanatili ang kaligtasan at palakasin ang
kanilang pananalig na malalagpasan ang pagsubok na ito.

Narito ang mga pamantayan sa bubuuin mong awit


Pamantayan:
1. Orihinal na liriko …………………………………………. 25 puntos
2. May sukat, indayog, tugma at kariktan ………………… 25 puntos
3. May hikayat ang himig na ilalapat ……………………… 25 puntos
4. Malinaw na mensahe ……………………………….……. 25 puntos
Kabuuan 100 puntos

7
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan. Titik lamang ng
tamang sagot ang isulat sa kwaderno.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa


Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon, ni tao’y hindi na natuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,


Isang kahoy akong malago’t malabay,
Ngayon ang sanga ko’y kurus na libingan
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
-Ang Punongkahoy ni Jose Corazon De Jesus

1. Ang binasa ay isang


A.Tula C. liriko
B. awit D. akda
2. Ang sukat ng akda ay:
A. Aanimin C. lalabindalawahin
B. wawaluhin D. lalabingwaluhin
3. Ang tayutay na ginamit sa taludtod na “Ngayon ang sanga ko’y kurus na libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
A.Simile C. Personipikasyon
B. Metaphor D. Hyperbole

Doon Po sa Amin

Doon po sa amin
Bayan ng San Roque
May nagkatuwaan
Apat na pulubi
Nagsayaw ang pilay
Umawit ang pipi
Nanood ang bulag
Nakinig ang bingi

4. Ano ang himig ng awiting ito


A. Malungkot C.Mabagal
B. Mabilis D.Masaya
5. Alin ang nais ipabatid ng awiting-bayang ito?
A. Maraming may kapansanan sa kanilang lugar
B. Nakagagawa ng mga bagay na kakaiba ang mga may kapansanan
C. Libakin ang may kapansanan
D. Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang lumigaya

8
Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Sa bahaging ito nais kong malaman ang iyong naging saloobin, damdamin
o kaisipan tungkol sa iyong mga natutuhan sa natapos nating aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa tsart sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

AKO AT ANG AWIT NG BUHAY KO


_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Sanggunian

MELCs sa FILIPINO 7 – Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat,


tugma, tayutay, talinghaga, at iba
https://youtu.be/uhF8F1Y90zY
Hilda N. Garcia et al Cañao Yaman ng Diwa, Vibal Publishing House Inc., Manila,Pilipinas,
2007
Rheno Velasco, Kalipunan ng mga Tula, Loacan Publishing House, Manila, 1996

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Liezl M. Evangelista, HT VI
Manunulat: Nelia N. Amoy, MT I
Tagalapat: Alma N. Dimapilis, MT I

9
Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok MGA GAWAIN Pangwakas na


pagsusulit
1. D Gawain 1
1. A
2. D 1. D
2. C
3. C 2. B
3. B
4. B 3. C
4. D
5. A 4. C
5. D
5. A
6. D

10

You might also like