You are on page 1of 2

FILIPINO 10 ARALIN 2.

4
IKALAWANG MARKAHAN
PANGKATANG GAWAIN 4
PANGKAT I: Unawain Mo
PANUTO: Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Paano sila
pinarusahan ni Thor?
2. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyari kapag sa galit niya
ay hinahampas niya ng maso si Skrymir?
3. Ano-anong paligsahan ang nilahukan ng mga panauhin sa kaharian ni Utgaro-Loki?
Ilahad ang mga nagging result anito.
a. Loki vs Logi
b. Thjalfi vs Hugi
c. Thor vs cupbearer
4. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na? Ilahad
ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan.
5. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ilarawan ang iyong magiging
damdamin kapag nalaman mong nilinlang ka sa paligsahan? Bakit?
6. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa sa pamumuhay
ng tao ngayon?

PANGKAT II: Pagsusuri ng Elemento ng Mitolohiya


PANUTO: Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong sa flow chart. Gumamit ng PowerPoint Presentation sa pagtalakay.

Elemento ng Mitolohiya
Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni
Thor.

Ilarawan ang tagpuan at panahon na


pinangyarihan ng akda.

Saan nakatuon ang mga pangyayari


o
banghay?
Ano ang tema o paksa ng binasang mitolohiya?

Pangkatang Gawain │ Website: bsedfil3agroup4.wordpress.com 1


ARALIN 2.4
FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN

PANGKAT III: Dagdag… Pagsusuri


PANUTO: Palawakin mo pa ang iyong kaalamn sa pamamagitan ng pagbasa ng buhay ni
Samson, isang kilalang karakter sa Bibliya. Alamin mo kung paanong katulad ni Thor ay may
pinagmumulan din ang lakas na taglay ni Samson. Gayundin, aalamin mo kung paano
magagamit sa pagsusuri ng mitolohiya ang pokus tagaganap at pokus sa layon.

Ang Pakikipagsapalaran ni Samson


Mula sa Bibliya (Mga Hukom 16)

Umibig si Samson kay Delilah na taga- Sorek na naging dahilan ng kaniyang


pagkabagsak. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang mga Philistino ang kanilang ugnayan.
Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang makipagsabwatan sa kanila. Nais nilang
malaman ang sikreto ni Samson kung saan nagmumula ang kaniyang pambihirang lakas.

Gamit ang kaniyang kagandahan at husay sa panlilinlang, ilang beses niyang tinanong si
Samson kung saan nanggagaling ang lakas nito. Hanggang sa ipagkatiwala ni Samson ang
kaniyang sikreto sa dalaga. Ang Panginoon at ang mga magulang ni Samson ay may kasunduan
na hindi maaaring gupitin ang buhok ni Samson kung hindi siya ay manghihina. Ang sikretong
ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng mga Philistino.

Isang araw, habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah tinawag nito ang
kanilang kasabwat at ginupit ang mga buhok nito. Si Samson ay nanghina kaya’t nahuli siya ng
mga kalaban.

Sa halip na siya ay patayin, mas pinili ng mga Philistino na ipahiya si Samson. Dinukot
ang mga mat anito at pinagtrabaho ng mabigat sa kulongan ng Gaza. Habang siya ay nasa
kulungan, humaba na ang kaniyang buhok na hindi pinansin ng mga kalaban. Nagbalik-loob si
Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim.

Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang pagsamba sa kanilang


paganong diyos. Nakaugalian na nila na magparada ng isang bilanggo sa harap ng mga
naghihiyawang manonood. Inunat ni Samson nang malakas ang kaniyang mga kamay kaya’t
nawasak ang mga haligi ng templo. Libo-libong Philistino ang namatay kabilang na si Samson.
Sa kaniyang kamatayan, nalipol niya ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbuwis ng
sarili niyang buhay.

PANGKAT IV:
PANUTO: Talakayin ang pokus tagaganap at pokus sa layon na makikita sa inyong handout.
Magbigay ng iba pang halimbawa at pagsasanay.

Pangkatang Gawain │ Website: bsedfil3agroup4.wordpress.com 2

You might also like