You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 7
Alamat ng Baysay

Ikalawang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan,
2. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas,
di-gaanao, di-gasino at iba pa)

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga


kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang


antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
pamumuhay at pakikipagtalasan.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


mako mpleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-
aaralang modyul

2
Aralin Alamat ay Basahin, Linangin
1 at Pagyamanin

Inaasahan
Sa pagtatapos mo ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang talataan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong kwaderno.

Ang mga naninirahan sa Balud ay umalis sa kanilang lugar dahil sa


kalupitang naranasan, Sila ay nagbagong-buhay sa Binongtoan, nagtayo ng
bagong kuta na yari sa adobe. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan
ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na
Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang
magandang si Bungangsakit.

1. Bakit umalis sa kanilang lugar ang mga naninirahan sa Balud?


A. dahil sa kawalan ng pagkain C. dahil sa klima
B. dahil sa kalupitang nararanasan D. dahil sa kahirapan
2. Saan nagbagong-buhay ang mga naninirahan sa Balud?
A. sa Binangtoan C. sa Omit
B. sa Kalimbabaw D. sa Guibaysayi
3. Ano ang katangian ng adobe bakit ito ang ginamit ng mga nagtayo ng
bagong kuta?
A. matayog C. makintab
B. matibay D. mura ang halaga
4. Ano ang napagkasunduang ipangalan sa itinayong bagong kuta?
A. Maragtas C. Baysay
B. Makatunaw D. Kabisay
5. Anong katangian ni Bungangsakit ang binigyang parangal ng mga
mamamayan sa kanilang pagbuo ng panibagong bayan?
A. katalinuhan C. kagandahan
B. katapangan D. kabaitan

Balik-tanaw
Magbalik-tanaw sa isang alamat na iyong nabasa o napakinggan, magbigay
ng maikling buod nito sa tulong ng graphic organizer sa ibaba. Isulat ang iyong
tugon sa kwaderno.

3
PAMAGAT NG ALAMAT: _____________________

TAUHAN TAGPUAN MAHALAGANG


PANGYAYARI

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang ating bansa ay nagtataglay ng yamang hindi matutumbasan. Ang
panitikan ang isa sa mga maipagmamalaking pamana sa atin ng ating mga
ninuno. Ang alamat ang isa sa mga hindi mawawalang akdang pampanitikan
sa anumang pook sa ating bansa. Dahil na rin sa kakaibang hatak nito sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng modyul na ito mapahahalagahan ng mga
mag-aaral ang kultura, tradisyon at paniniwala ng ating bayan batay sa
mababasang alamat.

Pagbasa sa Akda:
Ang Alamat ng Baysay
(Alamat ng Visayas)
(bahagi ng “The Beautiful Bungangsakit”)
(Salin ni Reynaldo S. Reyes mula sa
The Legends ni Damiana L. Eugenio, UP Press)
Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan
sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa
Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng
panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag
nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa
marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng
Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy
at Tomas Makahilig.
Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong
Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may
kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si
Bungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit
nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa
halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang
Guibaysayi, na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal
din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.
Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga
tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na
pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang
mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa
matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito
magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang
kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang
mamatyagan ang paparating na mga Vinta. Noong 1832, ang ilang piling lugar sa
Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita.
Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang

4
buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang
malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw,
dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa
napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.
Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay
na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng
lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin.
Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar
na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng mga
katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga
vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at
kublihan kapag may malalakas na bagyo.

Hango sa: http://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-


2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%202nd%20Q.pdf

Mga Gawain
Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit at gamitin
sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta


na yari sa mga batong adobe.
Kasingkahulugan:________________________________________________________
Pangungusap:____________________________________________________________

2. Nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan


sa bukana ng ilog.
Kasingkahulugan:__________________________________________________
Pangungusap:______________________________________________________

3. Subalit sa kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang


buong kuta.
Kasingkahulugan:__________________________________________________
Pangungusap:______________________________________________________
4. Ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling
kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing
pananggalang sa malalakas na hangin.
Kasingkahulugan:__________________________________________________
Pangungusap:______________________________________________________

5. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol
ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag
may malalakas na bagyo.
Kasingkahulugan:__________________________________________________
Pangungusap:______________________________________________________

Gawain 2 Pagtalakay sa Akda


Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Bakit pinili ng mga naninirahan sa Balud na mangibang bayan?

5
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano-ano ang kanilang ginawang paghahanda upang di na muli magapi


ng kalaban?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang pinagmulan at kahulugan ng salitang Baysay

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 3. Sitwasyunal
Panuto : Ipagpalagay natin na ikaw ay isang pinuno ng pangkat at nagkaroon ng
isang malaking pagsubok ang iyong nasasakupan, ang paglaganap ng
isang pandemya. Ano-anong pamamaraan ang iyong gagawin upang
maging matagumpay ang paglaban ng iyong pangkat sa kumakalat na
pandemya. Itala ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Mga pamamaraang aking gagawin:


1.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tandaan
Alamat – ito ay isang uri ng akdang pampanitikang tuluyan o prosa.
Nabubuo ang alamat kapag tinangkang bigyan ng isang
mananalaysay ang isang bagay, pook, tao o pangyayari ng

6
pinagmulan nito.
Banghay ng Alamat
Ang banghay ng alamat ay nahahati sa tatlong bahagi:
1. Simula - dito ipinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa
alamat at ang papel na kanilang gagampanan, kung sila ba ay
bida o kontrabida. Makikita rin dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena na naghahayag ng
panahon, oras at lugar
2. Gitna - Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga tagpo o eksena. Dito nakapaloob ang mga dayalogo, o ang
usapan ng mga tauhan. Dito rin makikita ang tunggalian ng mga
tauhan, at ang kasukdulan, kung saan dito iikot ang
kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ba ay kasawian o
tagumpay
3. Wakas - Dito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba ng takbo ng
istorya. Dito rin mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga
di-inaasahang naganap. Makikita naman sa katapusan o wakas,
ang kahihitnan ng kuwento, kung ito ba ay magtatapos ng
masaya, malungkot, pagkapanalo o pagkatalo

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gawain 1. Pagtukoy sa tauhan at tagpuan sa akda.

Panuto: Itala ang mga kahanga-hangang katangian ng mga tauhan o pangkat


na masasalamin sa teksto. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Mga
katangian
ng tauhan

Gawain 2. Pagbuo ng Banghay ng Alamat

Panuto: Buuin ang banghay ng binasang alamat. Gamitin ang dayagram sa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno .

Wakas
Gitna
Simula

7
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang seleksyon sa loob ng kahon at sagutin ang mga katanungan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga


tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na
pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang
mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa
matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito
magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang
kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang
mamatyagan ang paparating na mga Vinta.
Bahagi ng Alamat ng Baysay

1. Ang akdang binasa na tumutukoy sa pinagmulan ng isang pook ay


tinatawag na?
A. pabula B. alamat C. sanaysay D. dula
2. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pahayag na “Ang mga
naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na
binubuo ng matatapang na kalalakihan”
A. kakayahang mamuno ng mga kalalakihan
B. katapangan ng mga kalalakihan
C. angking kalakasan ng mga kalalakihan
D. lahat ng nabanggit
3. Sino ang namuno sa itinatag na pangkat ng mga kalalakihan?
A. Bungangsakit B. Makahilig C. Katindoy D. Malaloon
4. Nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan
sa bukana ng ilog. Ano ang kahulugan ng bukana?
A. likuran B. tagiliran C. ibabaw D. harapan
5. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila
ng kuta. Saan maihahalintulad ang mga tulisang-dagat?
A. mangingisda B. pirata C. mangangahoy D. sundalo
6. Saang bahagi ng banghay ng alamat matatagpuan ang pagpapakilala sa mga
tauhan?
A. simula B. gitna C. wakas
7. Saang bahagi ng banghay ng alamat matatagpuan ang tunggalian ng
tauhan?
A. simula B. gitna C. wakas
8. Saang bahagi ng banghay ng alamat matatagpuan ang kinahinatnan o
resulta ng pangyayari sa akda?
A. simula B. gitna C. wakas
9. Anong magandang kaugalian ang ipinakita ng mga mandirigma?
A. kahandaan sa pagdating ng sakuna
B. kasipagan sa pagtatanim
C. kahusayan sa pakikipaglaban
D. kagalingan sa pagtatanim
10. Anong pulo sa Pilipinas ang tinutukoy sa alamat?
A. Luzon B. Visayas C. Mindanao

8
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Kumpletuhin ang pangako ng pakikipagtulungan sa oras ng
pangangailangan. Isulat ang iyong tugon sa kuwaderno.

Ipinapangako ko_______________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Aralin
MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING
2
Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas,
di-gaano, di-gasino at iba pa).

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kwaderno.

Ang mga naninirahan sa Balud ay nagtayo ng kuta na mas matibay kaysa


sa dati, ito ay gawa sa adobe na matatagpuan sa bukana ng ilog. Lalong tumindi
ang pagnanais ng mga mamamayan na ipagtanggol ang kanilang bayan laban sa
mga tulisan. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit
nang kanyang kabataan ay nagtayo ng ibang bayan na para sa kanilaý higit na
maganda sa Basay.

1. Ang mga naninirahan sa Balud ay nagtayo ng kuta na mas matibay kaysa sa


dati. Anong salitang naghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. naninirahan C. mas
B. nagtayo D. dati
2. Ang mga taga-Omit ay nagtayo ng higit na magandang bayan. Anong salitang
naghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. higit C. maganda
B. nagtayo D. bayan

9
3. Lalong tumindi ang pagnanais ng mga mamamayan na ipagtanggol ang
kanilang bayan laban sa mga tulisan. Anong salitang naghahambing ang
ginamit sa pangungusap?
A. mamamayan C. lalo
B. laban D. pagnanais
4. Di-gaanong tanaw sa bundok ang mga dumarating na Vinta. Anong salitang
naghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. dumarating C. tanaw
B. di-gaano D. bundok
5. Mas mataas ang bagong kinaroroonan ng mga tiga-Baysay upang maging
ligtas sa pagbaha. Ang ginamit na salitang naghahambing ay?
A. mas C. lalo
B. higit D. lubos

Balik-tanaw
Panuto: Paghambingin ang dalawang larawan sa ibaba na nagpapakita ng
pangyayari sa ating bansa bago dumating ang pandemya at ang
tinatawag na bagong normal. Pumili lamang ng isang pahayag sa
paghahambing. Isulat sa kwaderno ang sagot.

https://www.facebook.com/super8.ph/photos (PNA photo by Robert Oswald P. Alfiler)


/pcb.853529134772171/853523158106102/?t https://www.pna.gov.ph/articles/110121
ype=3&theater 4

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang isang pangungusap na pinagkukumpara ay higit na magiging epektibo
kung gagamit ng mga pahayag sa paghahambing.

Pagbasa sa Akda
Ang mga naninirahan sa Balud ay nagtayo ng kuta na mas matibay
kaysa sa dati, ito ay gawa sa adobe na matatagpuan sa bukana ng ilog. Lalong
tumindi ang pagnanais ng mga mamamayan na ipagtanggol ang kanilang bayan
laban sa mga tulisan kaysa sa pagnanais ng kalaban na masakop ito.
Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang
kanyang kabataan ay nagtayo ng ibang bayan na para sa kanilaý higit na
maganda sa Baysay.

10
Mga Gawain
Gawain 1: Pagsusuri sa akda

Panuto: Isulat ang mga pangungusap na ginamitan ng mga salitang may


salungguhit sa akda.

1. Pangungusap:_________________________________________________________________
Salitang Pinaghambing: _______________________________________________________

2. Pangungusap:_________________________________________________________________
Salitang Pinaghambing: _______________________________________________________

3. Pangungusap:_________________________________________________________________
Salitang Pinaghambing: _______________________________________________________

Gawain 2: Pagbuo ng pangungusap

Panuto: Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng mga salitang nasa kahon.


Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Mas Higit Lalo

1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________

Tandaan

Pahambing o Komparatibo ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang


magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
May dalawang uri ang kaantasang pahambing:

Dalawang Uri ng Paghahambing


a. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitangparis, wangis/
kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha. ka-
nangangahulugan ng kaisa o katulad.

b. Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,


pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap. Gumagamit ng mga
panandang: lalo, higit, mas higit, di-gaano, di-gasino atbp.

11
Pag-alam sa mga Natutuhan

Gawain 1: Pangungusap na naghahambing

Panuto: Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng paghahambing na


magkatulad at di-magkatulad gamit ang mga sumusunod na paksa. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.

1. PAKSA: Balud at Binongtoan


______________________________________________________________
2. PAKSA: Mga naninirahan sa Balud at ang mga tulisang-dagat
______________________________________________________________
3. PAKSA: Mamamayan ng Omit at mamamayan ng Balud
______________________________________________________________

Gawain 2: Paghahambing ng akda

Panuto: Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng mga salitang naghahambing.


Ikumpara ang lugar ng iyong tirahan sa bayan ng Baysay. Isulat ang
tugon sa kuwaderno.

Lugar na aking tirahan Ang bayan ng Baysay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap gamit ang mga pahayag sa


paghahambing. Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ang
kasagutan sa kwaderno.
1. Ang dalawang namumuno ay __________ tapang sa pakikipaglabanan.
A. di-gaano B. kawangis C. mas higit D. magkasing
2. Ang Balud ay ___________ ng Binongtoan sa taglay na kagandahan.
A. di-gaano B. kawangis C. mas higit D. magkasing
3. ___________ mataas ang kinalalagyan ng Binongtoan kaya ito ay binaha.
A. di-gaano B. kawangis C. mas higit D. magkasing
4. Dahil sa delubyong naranasan ay minabuti ng mga mamamayan na
maghanap ng bagong lugar na _____________ sa dating kuta.
A. di-gaano B. kawangis C. mas higit D. magkasing
5. Ang bayan ng Baysay ay __________ ni Bungangsakit sa taglay na
kagandahan.
A. mas B. katulad C. higit D. magkasing

12
Replektibong Pagkatuto
Bumuo ng isang talaarawan o diary sa iyong kwaderno na nagkukumpara
ng iyong karanasan bago pa magkaroon ng pandemya at sa kasalukuyan. Huwag
kalimutang gumamit ng mga pahayag sa paghahambing.

Sanggunian
San Andres, Teody C. et al. 2003 Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon, Bulacan:
Guiguinto Printing Press
http://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%202nd%20Q.pdf
https://www.slideshare.net/daniholic/dalawang-uri-ng-paghahambing
https://philnews.ph/2020/03/19/elemento-ng-alamat-kahulugan-at-halimbawa-nito/

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Liezl M. Evangelista, HT VI
Manunulat: Mary Rose M. Acal, Teacher II
Tagalapat: Alma N. Dimapilis, MT I

13
SUSI SA PAGWAWASTO
ARALIN 1

Balik-tanaw - Malayang sagot (diskresyon ng guro)


Paglinang ng Talasalitaan:
1. Kahulugan – pagtataguan
2. Kahulugan – harapan
3. Kahulugan – kasawian/kamalasan
4. Kahulugan – pangharang
5. Kahulugan – taguan
Sa pagbuo ng pangungusap ay malaya ang mga mag-aaral
Gawain 2 Pagtalakay sa Akda
1. Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat
2. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban
sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat.
3. Malayang sagot (diskresyon ng guro)
Pag-alam sa natutuhan - Malayang sagot (diskresyon ng guro)

Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1. B 1. B
2. A 2. D
3. B 3. C
4. C 4. D
5. C 5. B
6. A
7. B
8. C
9. A
10. B

ARALIN 2

Balik-tanaw - Malayang sagot (diskresyon ng guro)


Gawain 1: Pagsusuri sa akda
1. Pangungusap - Ang mga naninirahan sa Balud ay nagtayo ng kuta na mas matibay
kaysa sa dati
Salitang Pinaghambing – kuta at dati
2. Pangungusap - Lalong tumindi ang pagnanais ng mga mamamayan na ipagtanggol
ang kanilang bayan laban sa mga tulisan
Salitang Pinaghambing – Pagnanais ng mamamayan at pagnanais ng kalaban
3. Pangungusap - Ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang
kanyang kabataan ay nagtayo ng ibang bayan na para sa kanilaý higit na maganda
sa Baysay.
Salitang Pinaghambing – ibang bayan at Baysay
Pag-alam sa Natutuhan - Malayang sagot (diskresyon ng guro)

Unang Pagsubok Pangwakas na


Pagsusulit
1. C
2. A 1. D
3. C 2. B
4. B 3. A
5. A 4. C
5. B

14

You might also like