You are on page 1of 5

1

Araling Panlipunan 2
Learning Packet # 2.2

Date: November 3-9, 2020

Name:

Grade & Section:

Date Submitted:

Teacher/s: Bb. Finah Grace S. Soco

Pagsasanay 2.1, Pagsusulit 2.1 at Proyekto 2.1


Ang Kwento ng Aking Komunidad

Magiliw na araw!

Sa pag-aaral natin sa kwento ng komunidad ay ating napag-


alaman na ito ay tunay na katangi-tangi. Sa komunidad,
maaaring makakita ng mga bagay na may kaugnayan sa
mahahalagang kuwento o kasaysayan nito.
Sa bahaging ito ay inaasahan na ang mag-aaral ay;
➢ nasasagutan nang may kaayusan ang pasulit; at
Introduksyon ➢ nakapagbibigay halaga sa mahahalagang lugar sa
komunidad
2

Pagsasanay 2.1 Iskor


Ang Kwento ng Aking Komunidad

I. Tukuyin ang uri ng produkto na inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon at isulat ito sa patlang.

Bibingka Masareal Tagaktak Walis

_________1. Isa ito sa napakasarap na produktong nagmula sa Mandaue City,


Cebu at hinahain ng nakaparihaba.
_________2. Ito ay uri ng rice cake na gawa sa ground rice, gata ng niyog
asukal at lebadura.
_________3. Kilala ang produktong ito sa Lungsod ng Mandaue na karaniwang
ginagamit sa paglilinis.
_________4. Isang uri ng meryenda na napakalutong at hugis tatsulok.

II. Pagtapatin ang palalarawan sa Hanay A sa salita sa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

______1. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Lungsod A. 28


ng Mandaue B. 27
______2. Kabuuang bilang ng barangay ng Lungsod ng C. Barangay Looc
Mandaue D. Demetrio M. Cortes
______3. Dito nagmula ang pangalan ng Mandaue E. Labogon
______4. Dito matatagpuan ang tinatawag na
F. Mandaue
Bantayan sa Hari o (The King’s Watchtower)
G. Mantawi
______5. Ito ang nagkokonekta sa Lungsod ng Lapu- Lapu
H. Marcelo Fernan
at Lungsod ng Mandaue
______6. Siya ang tinaguriang “Ama ng Mandaue City Bridge
Charter”
______7. Ang pangalan ng barangay na ito ay nagmula pa
sa isang katutubong pagkain na labog.

III. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga sumusunod na barangay ay kabilang sa
Lungsod ng Mandaue at ekis (x) naman kung hindi.

_____1. Paknaan _____5. Basak


_____2. Looc _____6. Banilad
_____3. Subangdaku _____7. Alang-alang
_____4. Maribago _____8. Marigondon
3

Iskor
Pagsusulit 2.1
Ang Kwento ng Aking Komunidad

I. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.

_____1. Nagmula ang pangalan ng Mandaue sa isang baging na kung tawagin ay mantawi.
_____2. Binubuo ang Lungsod ng Mandaue ng 27 barangay.
_____3. Ang pinuno ng sinaunang Mandaue ay tinawag na “datu” o “apo”.
_____4. Ang Bantayan sa Hari ay kilala rin sa tawag na The King’s Watchtower na
matatagpuan sa Barangay Looc.
_____5. Maaaring pagkukunan ng hanapbuhay ang mahahalaga at makasaysayang pook
sa komunidad.
_____6. May mga produktong ipinagmamalaki ang isang komunidad.
_____7. Dapat palitan na ng mga makabagong gusali ang mga makasaysayang
estruktura sa komunidad.
_____8. Walang makikitang ano mang pagbabago sa Mandaue.
_____9. Ang mga palatandaan ay bahagi lamang ng nakaraan at walang kaugnayan sa
kasalukuyan.
_____10. Mas naging mabagal ang pag-unlad ng Mandaue ngayon.
_____11. Bawat komunidad ay may kwentong pinagmulan.
_____12. Napapanatili ang kaayusan ng mga mahahalagang lugar sa komunidad.

II. Basahing mabuti ang bawat tanong. Tukuyin ang sagot at bilugan ang titik nito.

1. Ang pangalan ng barangay na ito ay nagmula pa sa pangalan ng matapang na pinuno


na si “Mantu”
a. Basak b. Mantuyong c. Casili
2. Ang barangay na ito ay nagmula pa sa katutubong salita na “basakan” o taniman ng
palay.
a. Centro b. Basak c. Banilad
3. Ang barangay na ito ay medyo maburol ang lugar kung saan may maraming
residente.
a. Bakilid b. Alang-alang c. Cubacub
4. Ang barangay na ito ay nagmula pa sa katagang “come and borrow” at
pinaniniwalaan na may maraming nagpapahiram ng pera sa lugar na ito noong araw.
a. Cambaro b. Jagobiao c. Labogon
5. Ang barangay na ito ay nagmula pa sa salitang “pana” na ginamit ng mga residente
noon para labanan ang mga mananakop.
a. Paknaan b. Tabok c. Umapad
6. Sa barangay na ito makikita ang Gaisano Grand Mall?
a. Banilad b. Alang-alang c. Centro
7. Dito matatagpuan ang Saint Louis College-Cebu.
a. Cambaro b. Maguikay c. Basak
8. Ang Our Lady of Fatima Parish ay makikita sa barangay na ito.
a. Basak b. Cubacub c. Bakilid
4

PROYEKTO
Panuto: Basahing mabuti ang talata sa ibaba at gumawa ng poster base sa
sitwasyong inilahad.

Maraming mga mahahalagang lugar na makikita sa Lungsod ng


Mandaue na naging parte na ng kasaysayan. Isa na rito ang Bantayan sa
Hari o The King’s Watchtower na siyang matatagpuan sa Barangay Looc.
Hanggang ngayon ay makikita pa rin ang toreng ito ngunit isa na lamang
itong abandonadong lugar.

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng kahalagahan at


pagpapanatili ng mahahalagang lugar sa komunidad.

Rubrik
5

Rubrik sa Paggawa ng Poster

MGA PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (3) MAHUSAY (2) KAILANGAN PANG


MAGSANAY (1)
PAGLALAHAD NG Malinaw na nailahad Hindi gaanong Malabo ang
MENSAHE ang mensahe sa malinaw ang mensahe at magulo
ginawang poster. mensahe sa ang pagkakalahad.
ginawang poster.
KAAKMAAN Akma ang poster na May isa o dalawang Hindi akma ang
ginawa sa araling detalye ang ginawang poster sa
tinalakay maiuugnay sa aralin araling tinalakay.
PAGKAMALIKHAIN Makulay, malinis at Gumamit ng ilang Simple at limitado
kawili-wili ang malikhaing ang istilo sa
ginawang poster. pamamaraan sa ginawang poster.
paggawa ng poster.
PAGHIKAYAT Lubhang Nakahihikayat ang Hindi nakahihikayat
nakahihikayat ang mensahe ang mensahe
mensahe.

Iskor:

Mga Sanggunian

Agno, Lydia et.al. 2016. Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan2. Manila. Vibal Publishing
House, Inc.
Antonio, Elearnor D. 2017.Kayamanan 2. Rex Bookstore. Manila.

Marasigan, Emily.2014. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2. Quezon Avenue, Phoenix


Publishing House, Inc.

Tenorio, Rosario. 2017.Bayanihan 2. Quezon.The Inteligente Publishing Inc.

You might also like