You are on page 1of 12

3 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 3
Makasaysayang Pook sa Aking Lalawigan

Manunulat: Beverly R. Garza

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 0
Ang mga Kuwento ng mga
Aralin Makasaysayang Pook sa Aking
1 Lalawigan at Kinabibilangang
Rehiyon

Alamin

Sa araling ito inaasahang ikaw ay:

1. naiuugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang


mga kwento ng mga makasaysayang pook o pangyayaring
nagpakilala sa sariling lalawigan at iba pang lalawigan ng
kinabibilangang rehiyon.

1.1 nalalaman ang kuwento ng mga makasaysayang pook o


pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at iba
pang lalawigan ng kinabibilangang rehiyon.

1.2 naipaghahambing ang kuwento ng mga makasaysayang


pook o pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at
iba pang lalawigan ng kinabibilangang rehiyon sa
pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.

Subukin
Subukan mong sagutin ang mga inihandang katanungan
1. Ano-ano ang mga makasaysayang pook ang iyong
napuntahan sa inyong lalawigan o lungsod?
2. Alam mo ba ang kuwento ng inyong makasaysayang
pangyayari sa iyong lalawigan o lungsod? Ibahagi mo ito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan

Bago tayo dumako sa bagong aralin, sagutin ang mga


tanong ukol sa pagbabago sa iyong komunidad.
Sagutin
1. Ano-ano ang mga bagay na nagbago sa iyong
lalawigan/lungsod?
2. Ano ang naging epekto ng pagbabago sa buhay ng mga
naninirahan sa lalawigan?
3. Bakit nakabubuti ang pagbabagong ito sa mga naninirahan
dito?

Tuklasin

Ang bawat lalawigan ay may kaniya-kaniyang kuwento


ng kasaysayan. Makikita ito sa mga pook o lugar at pati na rin sa
kani-kanilang bantayog o monumento. Subukin nating alamin
ang ilan sa mga makasaysayang pook o lugar sa iba’t ibang
lalawigan.
Alam mo ba ang kuwento ng simbahan ng Barasoain sa
Bulacan? Bukod pa sa dinarayo dahil sa antigo ang simbahan,
dito rin pinagtibay ang kauna-unahang Saligang Batas ng ating
bansa. Ang Saligang Batas ay isa sa pinakauna sa buong Asya.
Ang dambana ni Aguinaldo ay isang makasaysayang lugar
hindi lamang para sa mga taga Cavite ngunit para sa buong
bansa. Sa balkonahe ng sariling bahay sa Kawit Cavite idineklara
ni Heneral Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
1898. Kasabay din nito ang unang pagwagayway ng watawat
ng Pilipinas at ang pagtugtog ng Lupang Hinirang.

Ang tahanan ni Don Laureano Guevara na kilala sa tawag na


“Kap. Moy” at itinuturing na “ama ng Industriya ng Sapatos sa
Pilipinas”. Itinayo ang bahay na ito may 200 taon na ang
nakalipas. Sa bahay na ito ginawa ang unang pares ng sapatos
na nagpasimula sa industriya ng sapatos sa Marikina. Ito ang
nagsilbing tahanan ng mahihirap at nangangailangan at naging
pampublikong paaralan. Sa kasalukuyan ito ang nagsilbing
sentrong pangkultura ng Marikina.

Rizal Park o Luneta dito binitay ang tatlong paring martir na


sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o kilala
bilang GOMBURZA noong Pebrero 17, 1872. Dito din binaril si Jose
Rizal noong Disyembre 30,1896.

Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel


ang mga sagot.
1. Ano ang ipinakikita ng mga makasaysayang pook o lugar o
bantayog?
2. Bakit mahalaga ang mga bantayog o palatandaan upang
gunitain ang mga makasaysayang pangyayari ng
lalawigan?
3. Magbigay ng isang mahalagang pangyayari sa inyong
lalawigan/lungsod.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
4. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga bantayog upang
gunitain ang mga mahahalagang pangyayari sa inyong
lalawigan/lungsod? Bakit mo nasabi ito?

Pagyamanin
Gawain 1
Isulat sa hanay B ang kaukulang pangyayari na naganap sa
maka-saysayang pook na makikita sa hanay A. Piliin ang tamang
sagot sa ibaba.

A B
1. simbahan ng Barasoain

2. dambana ni Aguinaldo

3. tahanan ni Don Laureano Guevarra

A. Ito ang pook na kung saan nagsimula ang industriya ng


sapatos sa bansa
B. Dito unang pinagtibay ang kauna-unahang Saligang Batas ng
ating bansa .
C. Dito idineklara ang kalayaan ng Pilipinas.

Isaisip

• May mga makasaysayang pook na matatagpuan


sa bawat rehiyon.
• Sa bawat makasaysayang pook ay may naganap
na mahalagang pangyayari na bahagi nang
kasaysayan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isagawa

Punan ang patlang ng tamang sagot. Magkaroon ng


paglalakbay isip na pupunta sa iba’t ibang makasaysayang
pook.
1. Dumaan ang bus na sinasakyan ng mga bata sa
lansangang ito kung saan nangyari ang pagbaril kay Dr.
Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ito ay pook ng
__________________.
2. Pagkatapos tumungo sila sa malayo, sa lugar ng
_____________ na kung saan makikita nila ang isang tahanan
na gawa sa tabla. Sa balkonahe nito idineklara ni Heneral
Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 Hunyo
1898.
3. Pagbalik nila sa kanilang bayan sa ____________ pinuntahan
ng mga bata ang isang lumang bahay na ngayon ay
sentrong pangkultura ng lungsod.

Tayahin
Piliin ang mga tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Luneta Kap. Moy Building Simbahan ng Barasoain


Dambana ng Aguinaldo Bantayog ni Andres Bonifacio
Edsa Fort Santiago

_______________1. Ito ang lugar kung saan binaril si Dr. Jose Rizal.
_______________2. Ito ang pook kung saan nagsimula ang
industriya ng sapatos.
_______________3. Dito unang pinagtibay ang kauna-unahang
Saligang Batas ng ating bansa.
_______________4. Dito sa balkonahe ng sariling bahay sa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Kawit, Cavite idineklara ang kalayaan ng
Pilipinas.
_______________5. Dito ginugunita ang kabayanihan ng isang
magiting na anak ng Tondo na naging ama ng
rebolusyon laban sa mga Espanyol.

Pagtambalin sa pamamagitan ng guhit ang makasaysayang


pook at kung saang lugar ito matatagpuan.
A B
1. Luneta A. Marikina
2. Simbahan ng Barasoain B. Kawit, Cavite
3. Kap.Moy C. Maynila
4. Bantayog ni Andres Bonifacio D. Bulacan
5. Dambana ni Aguinaldo E. Lawton, Ermita
Manila

Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng isang makasaysayang pangyayaring


naganap sa iyong lalawigan. Ipakita ito sa pamamagitan ng
pagguhit sa isang malinis na papel o mangalap ng larawan at
idikit sa papel.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba tungkol sa makasaysayang
pook . Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.
1. Bakit makasaysayan ito ?
2. Ilarawan ang lugar na pinuntahan sa dalawa-tatlong
pangungusap.
3. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa dalawa
hanggang tatlong pangungusap.
A. Bakit kailangang malaman ang kahalagahan ng mga
itinuturing na makasaysayang pook sa Pilipinas?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
B. Paano mo maipakikitang pinahahalagahan mo ang mga
pook na ito?

Sanggunian
Araling Panlipunan 3, Most Essential Learning Competencies, Q2
Week 3
Araling Panlipunan 3, Localized Material, pages 19-25 Q2
Araling Panlipunan 3, Teachers Guide, Learners Material
Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng mag-aaral Tagalog

Susi sa Pagwawasto

5.B 4.C 3.A 2.D 1.C


B.
Bonifacio
5. Bantayog ni Andres
4. Dambana ng Aguinaldo
3.Simbahan ng Barasoain 3.A 3. Marikina
2. Kap.Moy Building 2.C 2. Kawit Cavite
A.1.Luneta 1.B 1. Luneta
Tayahin Pagyamanin Isagawa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Maikling Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3
Quarter 2, Module 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra
ng tamang sagot.

1. Ito ang taon kung kailan dumating ang mga paring Agustino sa
lambak na ngayon ay kilala na “Chorillo Barangka.”
a. 1687 c. 1570
b. 1787 d. 1822
2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Industriya ng Sapatos sa Pilipinas”
a. Don Juan Gregorio
b. Don Laureano Guevara
c. Don Vicente Gomez
d. Don Benito Mendoza
3. Taon kung kailan naging bahagi ng lalawigan ng Rizal ang
Marikina.
a. 1898 c. 1956
b. 1975 d. 1901
4. Ang Marikina ay tinaguriang Shoe Capital of the Philippines
noong taong ______.
a. 2001 c. 1992
b. 1956 d. 1975
5. Siya ay napabilang bilang isa sa mga finalist sa “World Mayor
Awards.” Tanging siya lamang ang mayor sa buong Asya-
Pasipiko na napabilang dito.
a. Marides Fernando
b. Marcelino “Marcy” Teodoro
c. Del De Guzman
d. Romeo Candazo
6. Taon ng paglalaban ng Kastila at ng mga Katipunero sa San
Juan del Monte at Caloocan na umabot sa Pasig, Pateros,
Taguig, Marikina, at San Mateo.
a. 1896 c. 1901
b. 1899 d. 1942
7. Naparangalan ang lungsod na ito bilang “Most Competitive
Metro City” sa Pilipinas noong taong 2004.
a. Lungsod ng Pasig

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
b. Lungsod ng Marikina
c. Lungsod ng Quezon
d. Lungsod ng Manila

8. Ito ang buwan at taon kung kailan naging isang ganap na


lungsod ang Marikina.
a. Mayo 2007 c. Disyembre 1996
b. Hunyo 1992 d. Nobyembre 1975
9. Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng pangalan ng
lungsod ng Marikina.
a. Mariquina c. Marie Quina
b. Marikit-na d. Lahat ay tama
10. Siya ang naging unang alkalde presidente pagkatapos na
maging capital ng Maynila ang Mariquina noong taong 1900.
a. Don Vicente Gomez c. Don Juan Gregorio
b. Don Benito Mendoza d. Don Laureano Guevarra

Maikling Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3


Quarter 2, Module 2
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Noon, ang Marikina ay isang bayan, kilala na ngayon bilang


lungsod ng Marikina. Anong uri ng pagbabago ito?
A. Pagbabago sa impraestruktura
B. Pagbabago sa transportasyon
C. Pagbabago sa populasyon
D. Pagbabago sa pangalan

2. Ito ay tumutukoy sa pagbabago na may kinalaman sa


bilang ng taong naninirahan sa isang lungsod o bayan na
kinabibilangang rehiyon.
A. Pagbabago sa kapaligiran
B. Pagbabago sa populasyon
C. Pagbabago sa impraestruktura
D. Pagbabago sa pangalan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
3. Ito ay tumutukoy sa pagbabago na may kinalaman sa
kaanyuan ng mga gusali, tulay, kalsada o kapaligiran.
A. Pagbabago sa impraestruktura
B. Pagbabago sa pangalan
C. Pagbabago sa kapaligiran
D. Pagbabago sa populasyon

4. Ang mga lansangan sa Marikina noon ay maputik at


maalikabok. Ngayon, sementado na ang mga kalye. Anong
uri ng pagbabago ang nangyari?
A. Pagbabago sa pangalan
B. Pagbabago sa kapaligiran
C. Pagbabago sa populasyon
D. Pagbabago sa transportasyon

5. Ano ang ipinakikita ng mga pagbabago sa iyong lungsod o


bayan ng iyong kinabibilangan?
A. Umuunlad ang lungsod o bayan na aking
kinabibilangan.
B. Nanatili sa dating kalagayn ang lungsod o bayan
na aking kinabibilangan.
C. Naghihirap lalo ang aking lungsod o bayan na
kinabibilangan ko.
D. Walang ipinakikitang epekto ang pagbabago sa
pamumuhay ng pamayan sa aming lungsod.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Beverly R. Garza

Tagasuri – Panloob: Aaron S.Enano


Hilda Tardecilla
Tagaguhit: Nathalia A. Malaga

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11

You might also like