You are on page 1of 18

5

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 4.2
ANG PAMUMUHAY NG MGA
SINAUNANG PILIPINO SA PANAHONG
PRE- KOLONYAL
“Sulyap sa Nakaraan”
(Ang Pamumuhay ng mga Sinaunang
Pilipino Noong Sinaunang Panahon)
Alamin
guide Card

Bago pa man dumating ang mga mananakop sa


Pilipinas may sarili ng paraan ng pamumuhay ang mga
sinaunang Pilipino. Sila ay may sariling pamumuhay,
pamamahala, at paniniwala.
Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga sinaunang
paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Paano nga
ba sila nakiangkop sa kanilang kapaligiran? Anong sistema ng
pamumuhay, pamamahala at paniniwala mayroon sila noon?

Halina’t atin nang tuklasin at alamin ang pamumuhay ng mga


sinaunang Pilipino noon.

Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong


Pre- kolonyal.

Learning Objectives:
• Natutukoy ang antas ng panlipunan na pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino sa panahong Pre-kolonyal.
• Napahahalagahan ang uri ng pamumuhay, pamamahala at
paniniwala ng mga sinaunang Pilipino noong panahong Pre-kolonyal.
Learning • Naipakikita ang pagpapahalaga sa sinaunang kabihasnan sa
Competency paggawa ng maikling dula.

1
Subukin
PANUTO: Bilugan ang titik ng iyong sagot ukol sa konseptong binibigyang-
kahulugan sa mgasumusunod na katanungan. Kung ang lahat ng sagot mo ay
tama, hindi mo na kailangang magpatuloy pa ngunit kapag may mali kang sagot,
kailangan mong magpatuloy hanggang sa huling gawain.

1. Kung ang pagbabatayan ang teorya ng wave migration, alin sa mga


sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ninuno ng mga Pilipino?
A. Si Alik na isang Negrito C. Si Kho na isang Taiwanese
B. Si Abdulah na isang Indones D. Si Makih na isang Malay
2. Ang hanapbuhay ng mga unang Pilipino ay ibinatay sa kanilang __________.
A. Kalawakan C. Kapaligiran
B. Kalikasan D. Kasipagan
3. Ayon sa teoryang Wave Migration na iminungkahi ni Henry Otley Beyer, ang
lahi ng mga Pilipino ay nagmula sa tatlong pangkat na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng Asya. Ano-ano ang mga lahing tinutukoy ni H.O.Beyer sa
kanyang teorya?
A. Indones, Intsik, Hapon C. Negrito, Indones, Malay
B. Malay, Indones, Espanyol D. Negrito, Intsik, Malay
4. Anong panahon tinatayang nabuhay ang mga Taong Tabon na nanirahan
sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas na magagaspang na bato
bilang kasangkapan?
A. Panahon ng Bagong Bato C. Panahon ng Lumang Bato
B. Panahon ng Bato D. Panahon ng Metal
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang
Aliping Saguiguilid?
A. Hindi maaaring magkaroon ng sariling ari-arian
B. Nagsisilbi araw man o gabi sa kanyang datu
C. Naninirahan sa tahanan ng datu.
D. Tumutulong sa paghahanda ng mga kakailanganin sa paglalakbay ng
Datu.
6. Ang mga sumusunod ay mga uri ng Oripun na kabilang sa
pinakamababang antas ng lipunan na naninirahan sa gawing Bisaya.
MALIBAN sa isa.
A. Aliping Namamahay C. Tumarampuk
B. Ayuey D. Tumataban
7. Ano ang tawag sa uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang datu?
A. Barangay B. Sultanato C. Corigimiento D. Hudisyal
8. Sa pamumuno at pagpapanatili ng kaayusan sa nayon kasa-kasama ng
isang sultan ang mga kagalang-galang na tagapayo na tinatawag
na__________?
A. Katalonan B. Ruma Bichara C. Datu D. Alipin
9. Sa paniniwalang Animismo, sino ang tinuturing na pinakamataas, kagalang
galang at maylikha ng langit, lupa at tao?
A. Bathala B. Apolaki C. Dallang D. Abu Bakr
10. Ang mga malalayang tao at mga taong lumaya mula sa pagkakaalipin ay
tinatawag na timawa o taong __________?
A. Alipin B. Maharlika C. Malaya D. Katalonan

2
Balikan
Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga paksa para sa Araling Panlipunan
baitang lima (5) tungkol sa uri ng pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino.Binibigyang linaw sa panimulang aralin na ito ang kahalagahan ng pag-
aaral sa mga paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng
Pre- kolonyal. Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na
kaalaman sa mga sinaunang nakagisnan o pamumuhay ng ating mga ninuno.
Mahalagang mabigyan mo ng pansin ang mga gawi na nagpabago sa ating
pamumuhay at paano nga ba ito nakaapekto sa ating paghinaharap na
pamumuhay.

 Ano-ano ang mga hakbang na ginawa ng ating mga ninuno upang


mapaunlad ang kanilang pamumuhay sa panahong Pre-kolonyal?
 Ano-anong mga mahahalagang bahagi ang ginampanan ng bawat
pangkat sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino?

activity Card
Tuklasin

GAWAIN 1. Suriin ang mga larawan na makikita sa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ano ang masasabi mo sa mga sumusunod na larawan?


2. Ano sa iyong palagay ang ipinahihiwatig ng bawat larawan tungkol sa
pamumuhay ng ating mga ninuno noong sinaunang panahon?
3. Sa iyong palagay anong uri ng pamumuhay mayroon ang mga
sinaunang Pilipino noon ayon sa mga larawan na iyong nakita?

3
Suriin

Ano ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino


bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa?

Pre-kolonyal na panahon, ito ang


panahon na kung saan hindi pa natutuklasan
o nasakop nang malakas na bansa ang
mahinang bansa. Ang Pilipinas ay nasakop
ng ibang kolonyal kagaya na lamang ng
bansang Espanya. Ngunit bago pa man tayo
magkaroon ng kaalaman tungkol sa
kulturang kanluranin at bago pa dumating
ang mga mananakop sa ating bansa may
sarili ng paraan ng pamumuhay ang mga
sinaunang Pilipino. Sila ay may sariling
hanapbuhay, pamahalaan, at mga
paniniwala. Ang hanapbuhay ng mga
Pilipino noon ay nakadepende sa lugar ng
kanilang tinitirhan.

Antas ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Datu at
Maginoo
kinabibilanagan ng
mga datu at maginoo
ang pinaka mataas na antas ng
panlipunan noong sinaunang
panahon
Maharlika at Timawa
Ang mga maharlika ang katuwang ng
datu sa pagpapanatili ng kaayusan sa
isang baragay. habang timawa naman
ang tawag sa mga tagasunod na
nakalaya sa pagkakaalipin. kabilang sa
pangkat ng mga maharlika ang mga
bagani sila ang mga mahuhusay na
mandirigma ng datu.
Alipin o Oripun
kabilang ang mga alipin o oripun sa pinakamababang
antas ng panlipunan noon. Sila ang kadalasang
naninilbihan sa mga datu at maginoo.

4
Uri ng Pamahalaan

Pamahalaang Sultanato
Pamahalaang Barangay
-pinamumunuan ito ng isang sultan.
-pinamumunuan ng isang datu
-binubuo ito ng 12 o higit pang nayon
-binubuo ng 30 hanggang 100
-kasama ng sultan ang mga
pamilya
Ruma Bichara sa pagpapanatili ng
-kaagapay ng datu ang mga
kapayapaan.
maharlika at mga lupon ng mga
-ang mga batas na ginagawa ng
matatanda sa paggawa ng batas
isang
upang mapanatili ang kaayusan sa
sultan ay dapat nakasunod sa
barangay.
katuruang Islam.

Sistema ng Paniniwala
Ang animismo at paganismo ay kapwa umiiral na uri ng
pananampalataya noon sa Pilipinas.Ang salitang animismo ay
nagmula sa salitang Latin na “anima” na nangangahulugang
“kaluluwa”. Ang paganismo naman ay nagmula sa salitang latin na
“paganus” na nangangahulugang “naninirahan sa nayon”.
Pinaniniwalaan din nila na may iisang Dakilang Nilalang na siyang
maylikha ng langit, lupa at tao. Tinawag siyang Bathala ng mga
Tagalog; Abba ng mga Cebuano; Kabunyian ng mga Ifugao; at
Laon ng mga Bisaya. Kadalasang mga kababaihan ang namumuno
sa mga gawaing espirituwal tinatawag silang Babaylan o
katalonan. Sila ang tumatayong tagapamagitan ng mga tao sa
diyos.

5
Enrichment Card
Pagpapalalim

Mga Uri ng Alipin


Aliping Namamahay
•nakatira sa sariling bahay
•katulong sa pagdaraos ng mga pagtitipon at katulong sa paghahanda ng
mga kailangan ng datu sa paglalakbay
•maaaring magkaroon ng sariling ari-arian

Aliping Saguiguilid
•naninirahan sa tirahan ng datu o maharlika, araw man o gabi; maaaring
bumukod kapag nakapag-asawa.
•hindi maaaring magkaroon ng sariling ari-arian.

Mga Uri ng Oripun

Ayuey
•pinakamababang pangkat ng oripun, naninilbihan kailanman naisin ng datu

Tumarampuk
•naninilbihan ng isang araw sa isang Linggo
•maaaring magbayad ng palay kapalit ng kanyang paninilbihan

Tumataban
•naninilbihan sa datu tuwing may piging o pagtitipon

-Si Sharif ul-Hashim (Abu Bakr) ang


nagtatag ng unang sultanato sa Pilipinas
at siya rin ang tumayong sultan sa Sulu.

-Noong 1478, itinatag naman ni Sharif


Kabungsuan ang sultanato sa
Maguindanao.

6
Pagyamanin

GABAY NA GAWAIN 1

SINO SILA?
PANUTO: Tukuyin ang uri ng antas ng panlipunan na hinahanap sa bawat bilang
isulat ang DM kung ang konsepto ay tumutukoy sa pagiging Datu at Maginoo,
MTkung pagigingMaharlika at Timawa ang tinutukoy, at AO naman kung ito ay
tungkol sa mga Alipin o Oripun.
______1. Kabilang sa pangkat na ito ang mga bagani na nagsisilbing mga
mandirigma ng datu.
______2. Sila ay kabilang sa pinakamataas na antas ng panlipunan sa sinaunang
panahon sa Pilipias.
______3. Ang mga Ayuey at mga Aliping Namamahay ay kabilang sa anong antas
panlipunan?
______4. Kaagapay sila ng mga datu sa pagpapanatili ng kaayusan sa barangay.
______5. Tumataban ang tawag sa mga taong naninilbihan sa datu tuwing may
piging o kasiyahan.

GABAY NA TAYAHIN 1

ALIN, ALIN, ALIN ANG NAIBA?


PANUTO: Tukuyin at bilugan ang salitang hindi kabilang sa bawat pangkat.

1. Ayuey, Tumataban, Timawa, Tumarampuk

2. Maharlika, Timawa, Bagani, Datu

3. Sharif Kabungsuan, Abu Bakr, Koran, Sharif ul-hashim

4. Pangingisda, Pagsasaka, Paghahayupan, Paggawa ng muwebles.

5. Aliping Namamahay, Maginoo, Alipin Saguiguilid, Ayuey

MAHUSAY! Binabati kita!


Ngayon, ipagpatuloy mo lang ang
pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

7
GABAY NA GAWAIN 2

TAYONG DALAWA, WALANG IWANAN!


PANUTO: Tukuyin ang konseptong hinahanap sa bawat tanong na makikita sa
Hanay A at ipares ito sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
___1. Naninilbihan ng isang araw sa A. Tumataban
isang Linggo sa Datu.
___2. Mga tagasunod na nakalaya B. Barangay
na sa pagiging Alipin
___3. Pamahalaang pinamumunuan C. Bagani
ng isang Datu.
___4. Katulong sa pagdaraos ng mga D. Tumarampuk
pagtitipon at katulong sa
paghahanda ng mga kailangan E. Timawa
ng datu sa paglalakbay.
___5. Magigiting na mandirigma ng F. Aliping Namamahay
mga datu.

GABAY NA TAYAHIN 2

TAMA O MALI (version 2.0)


PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad sa pangungusap. Kung sa
iyong palagay MALI ang isinasaad itama ang salitang nakasalungguhit. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

________1. Kasama ng sultan ang mga Ruma Bicharasa pagpapanatili ng


kapayapaan sa nayon.
________2. Binubuo ng 30 hanggang 100 nayon ang isang barangay.
________3. Maaaring magbayad ng palay ang isang Tumataban kapalit ng
kanyang paninilbihan sa isang datu.
________4. Ang mga datu at maginoo ay kabilang sa pinakamataas na antas ng
panlipunan noong sinaunang panahon.
________5. Ang hanapbuhay ng mga Pilipino noon ay nakadepende sa lugar ng
kanilang tinitirhan.

MAHUSAY! Binabati kita!


Nawa’y nasisiyahan ka sa iyong pagsasagot,
ipagpatuloy mo lang ang iyong magandang

8
MALAYANGGAWAIN #1

HANAP-SALITA!
PANUTO: Bilugan ang mga salitang mahahanap na may kinalaman sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong Pre-kolonyal.

G A L A H T A B G H K L S Y K S A S
H T T D K R A S B N M H E Y S U A B
H E U A L A L I P I N U T H D L T A
A Y M T K M M A H G Y S D N G T G B
E K A U M N A E T A W A S B H A P A
D A T D M K O K U K R W W G K N O Y
R B A R A N G A Y M T E E S L A O L
Y R B G W L I M K N Y P R U M T Y A
S R A U P W W E M H U I T L B O W N
N T N Y P M S R L Y O U Y T W D A A
M W S D K M A H A R L I K A R D A S
A N I M I S M O S G H K L N W E R T

MAHUSAY! Binabati kita!


Dahil nahanap mo na ang mga
nawawalang salita maaari mo ng sagutan
ang Malayang Tayahin #1

9
MALAYANG TAYAHIN #1

MAS MASAYA KAPAG KUMPLETO


PANUTO: Punan ng wastong konsepto ang bawat kahon upang makumpleto
ang mga hinahanap na salita. Gawing gabay ang mga salitang makikita sa
Malayang Gawain #1.

MAGINOO

ANTAS
PANLIPUNAN

ORIPUN

PAGANISMO

Sinaunang KATALONAN
Paniniwala

ISLAM

SHARIF ul-
HASHIM

Sinaunang
Pamprosesong Tanong Pamahalaan
1. Ano ang ginawang
hakbang ng mga
sinaunang Pilipino SHARIF
upang mapanatili ang KABUNGSUAN
kaayusan sa kanilang
pamayanan?
2. Paano napaunlad ng
mga sinaunang Pilipino
ang antas ng kanilang
pamumuhay?

10
MALAYANG GAWAIN #2

ANO ANG SILBI KO?


PANUTO: Ipaliwanag ang mga gampanin na ginawa ng bawat Pilipino sa pagbuo
ng sinaunang lipunang Pilipino. Isulat sa tapat ng mga larawan ang iyong
paliwanag

Sultan-
____________________________________________
____________________________________________

Datu-
____________________________________________
____________________________________________

Babaylan/Katalonan-
____________________________________________
____________________________________________

Alipin/Oripun-
____________________________________________
____________________________________________

Bagani-
____________________________________________
____________________________________________

Pamprosesong Tanong

1. Sa iyong palagay malaki ba ang naiambag ng mga sinaunang


Pilipino sa pagbuo ng sinaunang kabihasnan? Oo o Hindi?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

11
MALAYANG TAYAHIN #2

PINAGBIYAK NA BUNGA
PANUTO: Itala sa ibaba ang mga pagkakahawig ng sinaunang pamumuhay
sa kasalukuyang panahon.

PARAAN NG PAMUMUHAY

NOON NGAYON

______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ ______________________

URI NG PAMAHALAAN

NOON NGAYON

______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ ______________________

12
Reflection card

Isaisip

PAGSUSURI SA NATUTUNAN
Suriin ang natutuhan at magsagawa ng pagninilay hinggil sa iyong pagkatuto
mula sa araling tinalakay. Isulat sa iyong kuwaderno ang talahanayan. Punan ng
ang wastong hanay sa talahanayan at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Hindi sapat Sapat ang Lubos ang


Mga kakayahan ang kakayahan ko kakayahan ko
kakayahan ko
Natutukoy ang antas ng
panlipunan na
pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino sa
panahong Pre-kolonyal
Napahahalagahan ang
uri ng pamumuhay,
pamamahala at
paniniwala ng mga
sinaunang Pilipino noong
panahong Pre-kolonyal
Naipaliliwanag ang
ugnayan ng mga tao sa
iba’t ibang antas na
bumubuo ng sinaunang
lipunan.

Pamprosesong Tanong

1. Ano - anong mga kaalaman at kasanayan ang madali mong


natutuhan mula sa aralin?
2. Ano - anong mga kaalaman at kasanayan mula sa aralin ang
nahirapan kang matutuhan?
3. Bakit nahirapan kang matutunan ang mga naturang kaalaman at
kasanayan?

13
Isagawa

LIGHTS, CAMERA, ACTION!


Sa pagkakataong ito, ilabas mo ang iyong galing sa pag-arte. Yayain mo ang mga
kasama mo sa bahay. Bumuo ng isang maikling dula na nagpapakita ng
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong Pre-kolonyal.

Narito ang mga sumusunod na senaryo:

 Unang senaryo: Tungkulin ng isang datu/sultan sa lugar na kanyang


nasasakupan

 Ikalawang senaryo: Babaylan/Katalonan na nagsasagawa ng isang ritwal sa
(pag-kakasal, pag-aani, pagtatanim, paglilibing)

 Ikatlong senaryo: Gampanin ng mga alipin/oripun sa sinaunang panlipunan
ng Pilipinas

Gawing gabay sa pagmamarka ng dula ang sumusunod na rubrik.

Rubrik sa Pagmamarka ng Dula


Mga pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Ang dula o tagpong ipinakita ay
makatotohanan at nakabatay sa napag- 5
aralan at mga karagdagang batayan.
Malinaw na naipakita ang sinaunang
4
pamumuhay ng mga Pilipino.
Natatangi ang paraan/estilong ginamit sa
3
pagdudula.
Nakikiisa ang lahat ng miyembro sa
3
pagtatanghal ng dula.
Kabuuang Puntos 15

MAHUSAY! Binabati ko kayo!


Lagi ninyong tatandaan na lahat ng
pagsubok kayang lagpasan basta’t sama-
sama at nagtutulungan.

14
assessment Card

Tayahin

Kabuuang Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat katanungan, bilugan


ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Ano ang tawag sa panahon na kung saan hindi pa natutuklasan o nasakop


ng malakas na bansa ang mahinang bansa?
A. Pre-historiko C. Panahon ng Bato
B. Pre-kolonyal D. Panahon ng Metal
2. Ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong Pre-kolonyal ay
nakadepende sa kanilang _____?
A. Estado ng pamumuhay C. Kapaligiran
B. Kayaman D. Lahing pinagmulan
3. Anong sinaunang pamahalaan ang binubuo ng 12 o higit pang nayon, na
nakasunod sa katuruang Islam?
A. Barangay C. Sultanato
B. Paganismo D. Islamic laws
4. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng isang datu. Alin ang hindi kabilang
sa mga tungkulin na ito?
A. Pagbuo ng mga batas upang mapanatili ang kaayusan sa barangay
B. Pagpoprotekta sa kanyang mga nasasakupan
C. Pagbuo ng mga batas na lalabag sa karapatan ng mga mamamayan.
D. Pagpapanatili ng magandang samahan sas iba pang mga datu.
5. Sinaunang paniniwala ng mga Pilipino na kung saan pinaniniwalaan nila na
ang kaluluwa ng kanilang mga ninuno ay naninirahan sa kapaligiran.
A. Islam C. Budismo
B. Kristiyanismo D. Animismo
6. Ang pamahalaang barangay na pinamumunuan ng isang datu ay binubuo
ng _________?
A. 12 o higit pang pamilya C. 30 hanggang 100 nayon
B. 12 o higit pang nayon D. 30 hanggang 100 pamilya
7. Sa pagdating ng mga mangangalakal gaya ng mga Instik at Arabo sa
Pilipinas nagpakilala sila ng bagong paniniwala ito ay ang paniniwalang
Islam. Sino ang kauna-unahang sultan sa Pilipinas?
A. Sharif ul-Hashim C. Sharif Kabungsuan
B. Muhammad D. Allah

15
8. Sa panahong Pre-kolonyal bumuo ang mga sinaunang Pilipino ng isang
pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan sa pamayanan, alin ang
nagpapatunay sa pangyayaring ito?
A. Ang mga Pilipino ay nagtalaga ng datu o sultan na mamumuno sa kanila.
B. Ang mga Pilipino ay patuloy na nag-aaway sa mga lupang sinasaka
C. Nawalan ng halaga ang mga sinaunang kabihasnan
D. Hinintay ng mga Pilipino ang pagdating ng mga mananakop na
mamumuno sa kanila.
9. Mahalaga ang ugnayan ng mga tao na bumuo sa sinaunang lipunan. Ito ay
upang____________.
A. Mapanatili ang kapangyarihan ng mga pinuno.
B. Mahikayat ang mga mamamayan na makipagdigmaan
C. Makalikha ng sigalot sa pagitan ng mga datu, maharlika at alipin
D. Maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa bawat pangkat ng mga
Pilipino.
10. Malaki ang naging impluwensya ng mga paniniwala at tradisyon sa buhay ng
ating mga ninuno. Aling pahayag ang angkop dito?
A. Nagbago ang kanilang pamumuhay
B. Nanatili na lamang sila sa kanilang paniniwala
C. Nagkaroon ng alinlangan sa kanilang sarili
D. Naging gabay ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Mahusay! Good Work!


Napagtagumpayan mong tapusin ang modyul na ito..
Dahil diyan bibigyan kita ng dalawang “Very Good

Reference Card
 Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa) Kagamitan ng mag-aaral
at gabay ng guro.
 Araling Panlipunan (Most Essentials Learning Competencies Matrix)
 https://nexxusaeris080795.wordpress.com/category/pre-kolonyal/
 https://indio.fandom.com/tl/wiki/Panahon_ng_pre-kolonyal
 Ang mga ginamit na lararawan para sa modyul na ito ay nagmula sa mga
ibat-ibang website na makikita sa Google.

Upang mapalalim pa inyong kaalaman sa uri ng pamumuhay ng mga


sinaunang Pilipino noong sinaunang panahon puntahan ang mga “link” sa baba
at panoorin ang mga sumusunod na bidyo.
 https://www.youtube.com/watch?v=A9moKY6o9yY
 https://www.youtube.com/watch?v=Vx2YpLQP68U

16
ANSWER Card
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN TUKLASIN GABAY NA GAWAIN 1


1. C 6. A Malayang pagsagot 1. MT 4. MT
2. C 7. A ng mga bata. 2. DM 5. AO
3. C 8. B 3. AO
4. C 9. A
5. D 10. C

GABAY NA TAYAHIN 1 GABAY NA GAWAIN 2 GABAY NA TAYAHIN


1. TIMAWA 1. D 4. F 2
2. DATU 2. E 5. C 1. TAMA
3. KORAN 3. B 2. PAMILYA
4. PAGGAWA NG 3. TUMARAMPUK
MUWEBLES 4. TAMA
5. MAGINOO 5. TAMA

MALAYANG GAWAIN 1
PARA SA:
1. BATHALA 7. SULTANATO
MALAYANG GAWAIN 2
2. BARANGAY 8. SULTAN
MALAYANG TAYAHIN 2
3. ANIMISMO 9. TUMATABAN
ISAISIP at ISAGAWA
4. MAHARLIKA 10. DATU
(Malayang pagsagot ng Bata)
5. ALIPIN 11. AYUEY
6. BABAYLAN

MALAYANG TAYAHIN 1 TAYAHIN


ANTAS PANLIPUNAN 1. B
1. MAHARLIKA 4. DATU 2. C
2. ALIPIN 5. AYUEY 3. C
3. TUMATABAN 4. C
5. D
SINAUNANG PANINIWALA 6. D
7. A
1. BATHALA 3. BABAYLAN
8. A
2. ANIMISMO
9. D
SINAUNANG PAMAHALAAN 10. D

1. BARANGAY 3. SULTANATO
2. SULTAN 4. DATU

17

You might also like