You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas Division of
Cebu Province

SELF LEARNING
HOME TASK (SLHT)
ARALING PANLIPUNAN 5
Ikatlong Markahan - Week 3
Aralin 1

Natatalakay ang
Impluwensya ng mga
Espanyol sa
Kultura ng mga
Pilipino
SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject : Araling Panlipunan Grade Level: Five


Quarter : Third Quarter Week : Three (3) Aralin 1

Name: Seksiyon: Petsa:


Paaralan:
Distrito:

MELC: Natatalakay ang impluwensya ng mga Espanyol sa kultura ng mga


Pilipino
Competency Code:
None

Objectives:
Knowledge: natatalakay ang impluwensya ng mga Espanyol sa kultura ng mga
Pilipino
Skill: naipapaliwanag ang impluwensya ng kulturang Espanyol
sa kulturang Pilipino
Attitude: naipahahayag ang sariling saloobin tungkol sa
magandang epekto ng pagbabagong pangkultura sa ating bayan
A. Pagbabasa/Pagtatalakay

Sa loob ng tatlong daan at tatlumpung taon na pananakop ng mga


Espanyol sa Pilipinas nagdulot ng malaking impluwensiya sa kultura ng mga
Pilipino. May naganap na pagbabago sa kultura ng mga Pilipino mula sa kanilang
kinagigisnan at kinasanayang pamumuhay noong unang panahon. Ito ay mga
pagbabago na may kinalaman sa halos lahat ng pamamaraan ng pamumuhay ng
mga Pilipino at naghahatid sa atin ng makabagong paniniwala, kultura at
tradisyon. Ilan sa mga pagbabagong ito sa aspektong pangkultura ang nananatili
pa hanggang sa kasalukuyan.

Mga Pagbabago sa Kultura

Mula nang sakupin ang ating bayan ng mga dayuhan, maraming


pagbabago ang nangyari sa ating kultura. Maaaring sabihin natin itong lumago at
napayaman dahil sa ambag na impluwensya ng mga Espanyol. Patuloy natin itong
maaninag at nakikita hanggang sa kasalukuyan.

A. Pananamit at Palamuti

Ang pumalit sa bahag at kanggan na dating isinusuot ng mga katutubo ay


ang pagsusuot ng camisa chino, pantalon, sombrero, tsinelas, ropilla at sapatos sa
mga kalalakihan at baro’t saya naman sa mga kababaihan na sa kalaunan ay
naging kimona. Patunay ditto ang ating pambansang kasuotan, barong tagalog sa
lalaki at baro’t saya sa mga babae.

Pati ang pagsusuot ng palamuti ng mga Pilipino ay naimpluwensyahan din


ng mga Espanyol tulad ng pagsusuot ng peineta o panggayak na suklay sa buhok,
at iba’t-ibang hugis at laki ng hikaw.
B. Musika at sayaw

Palibhasa likas sa mga Pilipino ang pagkahilig sa musika at wala man


silang pormal na pag-aaral tungkol dito ay madali nilang natutunan ang tungkol sa
musika. Madali rin nila natutunan ang mga awit at sayaw ng mga Espanyol.
Natutuhan di ng mga Filipino ang pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika
tulad ng pluta, biyolin, harpa at piano na dala ng mga Espanyol sapagkat
kahalintulad ito sa kanila. Napatanyag din ang harana sa panahon ng nga
Espanyol,isa itong uri ng kundiman o awit ng pagsinta na inaawit sa dalagang
nililigawan. Ang tanyag na organong kawayan sa Las Piñas ay ginawa ni Padre
Diego Cerra noong 1824.

Nahaluan din ng impluwensyang kanluranin ang mga katutubong sayaw ng


mga Pilipino. Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog at tempo ng la jota at
polka. Ang sayaw ng fandango ay kinilala sa bansa na pandanggo sa ilaw. Ang
ilang galaw sa sayaw ng Cariñosa, sayaw Santa Isabel ay sayaw ng pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa waltz. Ang Cariñosa ay isang sayaw
ng panunuyo o panliligaw kung saan ang mga babae ay animo nahihiyang
magpakita ng damdamin sa lalaki at itinatago ang mukha gamit ang panyo o
pamaypay.

C. Pagdiriwang

Natutunan din ng mga Pilipino mula sa Espanyol ang mga pagdiriwang.


Dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay ipinakilala ang iba’t-ibang
kapistahan para sa mga santo.

Ang pagdiriwang ng Pista sa Pilipinas ay isang halimbawa ng


impluwensyang Espanyol. Ang pinakapopular dito ang Ati-atihan na pinagdiriwang
sa Kalibo, Aklan. Dito sa lalawigan nsa Cebu, ipinagdiriwang din natin ang Sinulog
at itinatapat ito sa kapistahan ng Mahal na Patron Senyor Santo Niño. Bukod sa
pista, naging bahagi na ng kaugalian at tradisyong Pilipino ang iba pang mga
panrelihiyong pagdiriwang.

Ang iba pang pagdiriwang na panrelihiyon na natutuhan mula sa mga


Espanyol ay ang Pasko, Mahal na Araw, Bagont Taon, Flores de Mayo, at
Santacruzan.

D. Lutuin

Ipinakilala ang mga lutuing Espanyol sa mga Pilipino kasabay nang


pagdating ng iba’t-ibang prutas at gulay mula sa Kanluran. Halimbawa nito ay
menudo, afritada, relleno, mechado, paella, pochero, caldereta, callos at leche
plan. Sa hapag-kainan ng mga Pilipino ang mga nakapreserbang pagkain tulad ng
hamon, sardinas, longganisa, at mga pagkaing de-lata. Umiinom na rin sila ng
kape at tsokolate. Sa mga Espanyol din natutunan ng mga Pilipino ang gumamit
ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain. Ang mga kasangkapang tulad ng plato,
tasa, baso, mangkok at platito ay impluwensya rin ng mga Espanyol.
E. Panitikan

Upang mapabilis ang pagpapalaganap ng mga aral ng Kristyanismo, dinala ng


mga Espanyol sa Pilipinas ang Sistema ng palimbagan. Ang ilang nasulat na
katutubong panitikan ay ipinasunog ng mga Espanyol at pinalitan ng mga kuwento
na pagpapasakit ni Kristo at ang pangako niyang buhay na walang hanggan.

Noong 1593, nalimbag ang Doctrina Christiana, ang unang aklat sa Pilipinas
na naglalaman ng mga dasal. Isinalin ito sa wikang Tagalog.

Ipinakilala rin ng mga Espanyol ang dasal, nobena, talambuhay ng mga santo
at santa, mga awit, korido, tula, kuwento at sarsuwela.

a. Awit – berso o tulang nagsasalaysay ng kabayanihan at


pakikipagsapalaran ng isang kabalyero
b. Korido – isang tulang may temang panrelihiyon
c. Senakulo – dula tungkol sa pagpapasakit at pagkamatay sa krus ni Hesus
d. Sarsuwela – dulang may saliw ng musika at tungkol sa mga karaniwang
paksang panlipunan at pampolitika

F. Sining

Sa panahon ng Kolonyalismo temang panrelihiyon ang mga likhang pinta at


eskultura sa Pilipinas. Kalimitang ipininta at inukit ang wangis ng mga santo,
Birheng Maria, ang Banal na Santatlo, at ilang mahahalagang tagpo sa Bibliya.
Nag-ukit din sila ng mga disenyo sa pintuan, haligi, sulok, at pulpit ng simbahan,
gayundin sa carroza o sasakyan ng mga imahen ng santo tuwing may prusisyon.

Mula sa paglililok ng anito ay naging imahen ng mga santo at retablo o altar


ng simbahan ang kanilang ginawa. Halimbawa ay ang retablo na matatagpuan sa
Simbahan ng San Agustin na inukit ni Juan de los Santos noong 1617.

Mga bantog na Pilipinong alagad ng sining noong panahon ng


Espanyolsina Juan Luna at Felix Resurrecion Hidalgo. Makikita sa kanilang
ipininta o iginuhit ang nararamdaman ng mga Pilipinong ng panahong iyon. Bhagi
ito ng pagbabago sa kultura at diwang katutubo.

G. Arkitektura

Ang San Agustin Church at Manila Cathedral sa Intramuros ay dalawa


lamang sa maraming simbahang Katoliko na itinayo ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ang mga estrukturang tulad ng simbahan, gusaling pampubliko, at
bahay na bato noong panahon ng kolonyalismo ay ipinatayo batay sa estilong
Antillean.

H. Wika at Sistema ng Pagsulat

Noong 1593 ay inilimbag ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas, ang


Doctrina Christiana- isang aklat – dasalan na nasusulat sa Spanish at may
kasamang pagsasalin nito sa wikang Tagalog. Nagsimula ang pagkatuto ng ilang
katutubo na magsulat sa Spanish at katutubong wika. Tinatawag silang mga

katutubo na magsulat sa Spanish at katutubong wika. Tinatawag silang mga


ladino. Isa sa pinakamatanyag na ladino ay si Gaspar Aquino de Belen, ang
manunulat ng Mahal na Pasion ni Hesu Cristo.

Kinalaunan, ang ilang salitang Spanish ay naging bahagi na rin ng wikang


Pil;ipino tulad ng mesa, silya, litrato, pamilya, at kumusta. Samantala, ipinagbawal
din ng mga Espanyol ang paggamit ng baybayin sa pagsulat.

I. Sistemang Pang – edukasyon

Layunin ng Spain na turuan ang mga Filipino na mamuhay ayon sa


pamamaraang Kristiyano at ang mga pari ang nangasiwa sa sistema ng
edukasyon.

Ang unang paaralan itinayo ay ang paaralang pamparokya kung saan itinuturo
ang mga asignaturang tulad ng relihiyon, Spanish, pagsulat, pagbasa, aritmetika,
musika, sining, at mga kasanayang pangkabuhayan. Ang kaunaunahang
paaralang pamparokya ay itinatag ng mga misyonerong Augustinian sa Cebu.

Sumunod na itinayo ang mga kolehiyo para sa kalakihan. Dito itinuro ang mga
wikang Spanish, Greek, at Latin, gayundin ang pilosopiya, matematika, agham at
sining.

Nagtayo rin ng kolehiyo para sa kababaihan. Inihahanda ang mga kababaihan


sa pag-aasawa o sa pagpasok sa kombento. Isa sa mga kolehiyong itinayo sa
Intramuros noong panahon ng Espanyol ay ang University of Sto. Tomas na
matatagpuan sa España, Sampaloc, Maynila sa kasalukuyan.

Itinayo din nila ang paaralang magturo ng edukasyong bokasyonal. Itinuro


ditto ang mga kasanayan tulad ng agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero, at
pagkulay ng tela.
B. Pagsasanay
Gawain 1
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-anong mga sayaw ang natutunan ng mga Pilipino sa Espanyol?
_____________________________________________________________
2. Ano ang unang aklat na inilimbag noong 1593 sa Pilipinas na naglalaman
ng mga dasal?
_____________________________________________________________
3. Ano ang tawag sa taong tagapagsalin sa wikang Tagalog sa mga salitang
Espanyol?
_____________________________________________________________
4. Paano mo maiuugnay sa pangkasalukuyang panahon natin at sa paraan ng
ating pamumuhay sa araw-araw?
_____________________________________________________________
5. Nakabuti ba o nakasama sa ating mga Pilipino ang mga impluwensyang
dulot ng kolonyang Espanyol?
_____________________________________________________________
B.Panuto
: Pagmasdangmabutiang bawatlarawanat sagutinang mga
sumusunodnatanong.

1.Anoangmasasabi mosabawatlarawan?
______________________________________________________________
2.Kaninokayanatinnakuhaangmgaimpluwensya ngito?
______________________________________________________________
3. Makikita
banatinitosakasalukuyan
?
______________________________________________________________
4.Anongimpluwensya ngmgaEspanyol nanagdudulot
ngkabutihan
saating
mgaPilipino?
___________________________________________________
5.Anoangdimabuting kaugalian
angnaipasangmgaEspanyolsaatingmga
Pilipino?
_______________________________________________________

Gawain2.
Panuto:Paghambingin
sa isang tsart ang aspektongpangkulturanoong
sinaunangpanahon
kumpara
sapanahong kolonyal.
Isulatangtamangsagotsa
sagutang
papel.

Nagkaroonng maraming pagbabagosa lipunansa ilalimng kolonyang


Espanyol.
Itoayangpagbabago namaykinalaman sahaloslahatngparaan
ngpamumuhay ngmgaPilipino.
Itoayangpagbabagong naghahatid
saatin
samakabagongkultura.

Aspektong
Pangkultura Sinaunang
Panahon Panahong
Kolonyal

Pananamit
atPalamuti

Musikaatsayaw

Lutuin

Edukasyon
C. Pagtataya

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa sulatang papel.


1. Ano ang tawag sa isang dula tungkol sa pagpapasakit at pagkamatay sa krus
ni Hesus?
A. Senakulo B. Pahiyas C. Pasyon

2. Bakit nagtatag ang mga Espanyol ng mga paaralan noon?


A. Upang matuto ng iba’t- ibang kaalaman ang bawat tao
B. Upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino
C. Upang mapalaganap ang relihiyong Katoliko

3. Ang Doctrina Christiana ay ang kauna-unahang babasahing inilimbag sa


panahon ng mga Espanyol. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Upang madali ang pagkakaisa ng mga Pilipino at Espanyol
B. Makatulong upang maipalaganap ang aral ng simbahan at Kristiyanismo
C. Maipakikilala ang kahusayan ng mga Pilipino sa pagsusulat

4. Anong kabutihang dulot sa mga Pilipino ang pagdadala ng mga Espanyol ng


panitikan sa bansa?
A. Nagkaroon ng interes ang mga Pilipino sa pagpapaunlad ng kanilang
kaalaman.
B. Nagkaroon ng libangan ang mga Pilipino.
C. Napayaman ng mga Espanyol ang kanilang panitikan.

5. Ang mga misyonerong pari ang nangasiwa sa Sistema ng edukasyong


pinairal ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ano ang pangunahing paksa ang
itinuro sa mga paaralan? A. Sining at Musika
B. Relihiyong Katoliko
C. Agham at Matematika

B. Panuto: Basahing mabuti at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.


Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.

__________1. Isang prusisyon tungkol sa pagsasadula at pagkakatuklas ni Reyna


Elena sa tunay na Krus ni Hesus. Ito ay ginaganap tuwing
katapusan sa buwan ng Mayo.
__________2. Saan unang natuto ang mga Filipino na gumagamit ng kutsara,
tinidor at kutsilyo sa pagkain?
__________3. Pambansang kasuotan ng mga babae.
__________4. Saan ginawa ang tanyag na organong kawayan
__________5. Isang tula na may temang panrelihiyon
D. Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay sa iyong kuwaderno na naglalarawan kung
paano ipinagdidiriwang ang pista sa inyong lugar.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Sanggunian:
 Araling Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina 198 - 204
 Pilipinas: Bansang Malaya pahina 76-77
Bumuo sa Pagsulat ng Self Learning Home Task(SLHT)

Manunulat:

MYRA H. NEIS, MT1


San Remigio 1
Editor ng Nilalaman, Format at Wika:

JOHN CLIFFORD H. BIO,


District I of Consolacion

SHARMILA T. GARCIA,
District I of Consolacion

RAMIE Q. GELIG, T 1
District I of Consolacion

Tagasuri:

ROSEMARY N. OLIVERIO
EPS- Araling Panlipunan
Susi sa Pagwawasto:

Pagsasanay

Gawain 1: Panuto A

1. La Jota at Polka
2. Doctrina Christiana
3. Ladino
4. Inaasahang iba’t-ibang sagot ng mga bata
5. Inaasahang iba’t-ibang sagot ng mga bata
Panuto B. Inaasahang iba’t-ibang sagot ng mga bata

Gawain 2
Aspektong Pangkultura Sinaunang Panahon Panahong Kolonyal

Pananamit at Palamuti bahag at kanggan Camisa chino, pantalon,


sombrero, tsinelas

Musika at sayaw Kundiman, itik-itik at Pluta, biyolin, harpa at


tinikling piano

La jota at polka

Lutuin Menudo,afritada,relleno,
mechado, paella, pochero
Edukasyon Lalaki lamang ang Mamuhay ayon sa
makapag-aral pamaraang Kristiyano at
ang mga pari ang
nangasiwa sa sistemang
edukasyon

Pagtataya

Panuto A. Panuto B.

1. A 1. Santa Krusan
2. C 2. Espanyol
3. B 3. Baro’t Saya
4. A 4. Las Pinas
5. B 5. korido

You might also like