Professional Documents
Culture Documents
Quarter 4, Week 5
Magbigay ng mga lugar kung
saan nagkaroon ng pag-aalsa
noong panahon ng mga
Espanyol.
Nakakita na ba kayo ng mga
sasakyang pandagat?
Kalakalang Galyon
Nagsimula ang kalakalang galyon
noong 1565. Kilala sa dalawang
pangalan ang kalakalang ito – kalakalang
galyon dahil ginamit na sasakyang –
pandagat ang mga galyon sa pagdadala
ng mga kalakal. Tinawag din itong
kalakalang Maynila – Acapulco dahil
mula sa Maynila patungong Acapulco
ang direksiyon ng palitan ng produkto.
Ang mga kalakal tulad ng seda
mula sa China at mga pampalasa
ay inilululan sa galyon. Pagdating
nito sa Acapulco, ipinagbibili ang
mga ito sa higit na mataas na
halaga. Mula sa Acapulco,
babalik ang galyon lulan naman
ang mga produktong galing sa
mga bansang Kanluranin.
Ang mga Espanyol din ang
unang nagpaunlad ng kabuhayan
sa bansa. Dinala nila rito ang mga
pananim tulad ng kape, mais,
atswete, kakaw, magey, mani,
tsiko, papaya, at trigo. Mula rin sa
kanila ang mga hayop tulad ng
kambing, kabayo, kalabaw,
manok, pato, tupa, at mga ibon.
Ang kakaunting Espanyol sa
Pilipinas tulad ng gobernador-
heneral at mga kawani ng
konsulado at ilang mayayamang
Pilipino ang nakinabang sa
kalakalang galyon.
Gayunpaman, nakatulong ang
kinita sa kalakalang ito sa mga
gastusin ng pamahalaan.
Gawain 2
* Gumuhit o maghanap ng
larawan ng isang galleon at idikit
ito sa malinis na kupon sa inyong
portfolio.
*Hanapin at tukuyin ang mga sumusunod :
1. 1782 10. Oktubre 11, 1762
2. 1596 11. Nobyembre 2, 1762
3. 1785 12. Disyembre 14, 1762
4. 1882 13. Pebrero 10, 1763
5. 1745 – 1746 14. Abril 1764
6. 1756 – 1763 15. 1832
7. Setyembre 23, 1762
8. Oktubre 3, 1762
9. Oktubre 6, 1762