You are on page 1of 6

1

Araling Panlipunan 2
Learning Packet #3.3

Date: Enero 18-25,2021

Name:

Grade & Section:

Date Submitted:

Teacher/s: Bb. Finah Grace S. Soco

Ang Pakinabang sa mga Likas na Yaman at Mga Suliraning


Makikita sa Sariling Komunidad

Ang kapaligiran ay mahalagang salik sa paghubog sa


pamumuhay ng mga mamamayan. Dito nanggagaling ang mga
hilaw na materyales na pinagmumulan ng mga produktong
kinukonsumo ng mga tao. Sa kabila ng pakinabang na
nakukuha natin mula sa kalikasan, nakalulungkot na tila ba
hindi natin nakikita ang halaga nito. Nakalilimutan natin na
pangalagaan ito bagkus tayo pa ang dahilan ng pagkasira
nito. Sa kasalukuyan, nahaharap tayo sa samu’t saring
suliraning pangkapaligiran. Ang usaping ito ay nakaaapekto
sa mga mamamayan sa iba’t ibang aspekto ng kanilang
Introduksyon pamumuhay.

Layunin ng araling ito ay;


 matukoy ang pakinabang sa mga likas na yaman na
makikita sa sariling komunidad;
 matalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa
isyung pangkapaligiran sa sariling komunidad; at
 masuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning
pangkapaligiran sa komunidad;
2

Ating Balikan!

Tingnang mabuti ang mga larawan. Ang Butuanon river ay nasa isang delikadong
sitwasyon na kasalukuyan. Ito ay sanhi ng maling pagtapon ng mga tao sa kanilang mga
basura at ang kakulangan ng disiplina ay higit ding nakadagdag sa kinakaharap nating
problema ngayon.

Paano kaya ito nakaapekto sa mga mamamayan sa komunidad?

Ating tunghayan sa araling ito ang mga painabang ng mga likas na yaman at ang mga
suliraning kinakaharap nating ngayon at kung ano ang mga naging epekto nito sa mga
mamamayan.

Ating Alamin!

Ang Lungsod ng Mandaue ay isang unang-klaseng lungsod. Matatagpuan dito ang


iba’t ibang mga pabrika at paggawaan. Alam niyo ba ang iilan sa mga pinakukunan ng mga
hilaw na materyales ng mga pabrika at pagawaan na matatagpuan dito?

Halika at sabay nating alamin


ang mga ginagamit sa paggawa
ng produkto ng paggawaan o
bahay-kalakal.

Buli o Buri. Isa sa mga native na puno


karamihan sa mga ito ay makikita sa barangay
ng Paknaan noong araw kaya naman naging kilala
ang barangay bilang isa sa mga gumagawa ng
mga walis o “silhig lanot”. Marami ang gamit ng
puno na ito. Ang bunga nito ay ginagawang sago.
Maaari din naming makalikha ng iba’t ibang
produkto mula sa dahon nito gaya ng bag,
sombrero, tsinelas, banig, at iba pa.
3

Ang niyog ay isang halaman na maraming gamit kaya


tinawag itong “Tree of Life” dahil nagagamit ng tao
ang iba’t ibang bahagi nito. Noong araw may mga
niyog na makikita sa Lungsod ng Mandaue at ito ay
kadalasang makikita noon sa Centro Mandaue. Isa din
ito sa mga sangkap sa paggawa ng bibingka kaya
naman ito ay isa sa mga naging rason kung bakit
pagluluto ng bibingka ang isa sa pinagkakakitaan ng
mga tao dito.

Ang poltri o poultry ay tumuturing sa mga manok, na


karaniwang pinapalaki para ibenta, lutuin at kainin
ang kanilang karne maging ang itlog nito. Ang
barangay Sudlon Maguikay ay isa sa mga barangay na
mayroong poltri ngunit, di naglaon ay naipasara din
ito.

Alam mo ba na maliban sa
pagiging urbanisado ng Lungsod
ay may mga suliranin din itong
kinakaharap?

Marami sa mga suliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan ang resulta ng


mga hindi tamang gawain ng mga tao sa kani-kanilang lugar. Kaya ang isang paraan
upang matukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling
pamayanan ay ang tuklasin ang mga kapabayaan o hindi makakalikasang aktibidad
ng mga tao na nagaganap sa pamayanang kinaruruonan gaya ng bayan, barangay,
baryo, village o subdivision.

Pagkakaroon ng baha

Hindi lamang pag-ulan ang sanhi ng pagbaha na


ginagawang kumplikado ang sitwasyon. Nagsisimula
din ito sa isang hindi matapos tapos na “drainage
system” na isa sa mga dahilan ng pagbaha. Noon
lamang nakaraang taon Oktubre 16,2020 halos
3,000 ka tao sa Mandaue City ang apektado ng
pagbaha at pagguho ng lupa sanhi ng matinding
pagbuhos ng ulan. Ayon sa panayam kay Felix Suico
Jr. pinuno ng CDRRMO ng lungsod ay nagsabing
ang mga apektadong barangay ay Umapad,
Maguikay, Tabok, Paknaan, ALang-alang at
Casuntingan.
4

Narito ang ilan sa mga


suliraning pangkapaligiran na
nararanasan ng mga tao sa
sariling pamayanan.

Pagtatapon ng basura

Mataas ang lebel ng polusyon sa mga urban na dako gaya ng


mga siyudad dahil na rin sa malaki at mabilis pang
nadaragdagan ang kanilang populasyon at marami ang
nalilikhang basura mula sa mga pabrika at iba
pang commercial establishments. Ang pagtatapon ng mga
dumi sa paligid ay may malaking pinsalang naidudulot. Ito ay
ang mga basura, langis at mga bagay na nakalalason sa ating
paligid lalo na sa mga kanal, ilog, dagat at iba pang katubigan.
Gayundin, ang pagtatapon nito sa mga kalsada at iba pang
kalupaan ay nagdudulot din ng polusyon at pagbaha kaya
naman, ang mga kapitan ng barangay sa Lungsod ng Mandaue
lalo na ang mga barangay na malapit sa ilog ng Butuanon at
Mahiga ay inatasan na lumikha ng isang task force upang
subaybayan ang tinatawag na mga “danger zone” o lugar na
madaling kapitan ng baha.

Polusyon sa hangin

Kasabay ng pag-unlad sa ekonomiya ng lungsod ay ang mga


nagsusulputang mga pabrika. Malaki ang epekto nito hindi
lang sa ating kalikasan pati na rin sa ating kalusugan. Ito
ay isang malaking sagabal hindi lamang sa mga tao sa
komunidad kundi maging sa mismong komunidad, Malaki ang
nagiging epekto nito sa atin at makikita natin ito sa ating
kapaligiran. Ang “air pollution” o polusyon sa hangin ay ang
mga masasama at nakalalasong gasolina at iba pang mga
fumes na humahalo sa malinis na hangin. Isa sa kabilang na
dahilan ng pagkakaroon ng “air pollution” ay ang mga
naglalakihang mga pabrika.
5

Trapiko

Ang trapiko ay isa sa mga suliraning


kinakaharap natin ngayon dahil sa lalong
lumalala ang problema sa trapiko sa Lungsod ng
Mandaue. Talagang lulubha ang problema sa
trapiko dahil sa patuloy na pagdami ng mga
bagong sasakyan at hindi naman iginagrahe ang
mga lumang sasakyan at habang dumadami ang
mga sasakyan, hindi naman lumalapad ang kalye
kaya ang resulta ay mas mabigat na problema
ng mga motorista. Sinabi ni Jonas Cortes ang
Mayor ng Lungsod na kailangan ng isang
komprehensibong diskarte upang malutas ang
problema sa trapiko at ang kooperasyon ng
karatig bayan at lungsod ng Metro Cebu. Kaya
nakipagugnayan ang Mayor ng Lunsgod sa
Department of Public Works and Highways
upang magpatupad ng ng isang proyekto na may
halagang 6 na bilyon sa buong distrito. Kabilang
na ditto ang UN Avenue Underpass, Ouano
Avenue Concreting at angn Drainage and Road
Construction ng Mantawi Drive at iba pa na
inaangkop para sa kaunlaran ng lungsod.

Ating isabuhay!

Dapat nating pangalagaan at pahalagahan ang ating kapaligiran sa pamamagitan


ng mga sumusunod na hakbang.
 Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
 Ibaon ang mga basurang natutunaw upang maging pataba ng lupa.
 Iwasan ang pagtatapon ng basura sa anumang lugar sa ating komunidad.
 Panatilihing malinis ang katubigan.
 Makilahok sa mga proyektong pangkapaligiran para mapaunlad ang
komunidad.
6

Magaling!

Mahusay ang iyong ginawang partisipasyon sa linggong ito. Naway ang


iyong mga natutunan ay makatutulong upang mas maipagmalaki mo pa ang iyong
bansaHanggang bukas, magkita ulit tayo.

Magandang araw at maraming salamat!

Mga Sanggunian

Mga Aklat:
Morterl, Daryll A. 2017. Bayanihan 2. Quezon City. Inteligente Publishing Inc.
Salenga, Benilda. 2017. Yugto 2. Manila. Dreambooks Publication
Mga Pananaliksik:
https://philnews.ph/2020/11/26/suliraning-pangkapaligiran-halimbawa-at-kahulugan/
https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-cebu/20161020/281500750781820
https://myinfobasket.com/ang-mga-suliraning-pangkapaligiran-na-nararanasan-sa-sariling-pamayanan/
https://www.sunstar.com.ph/article/1873369/Superbalita-Cebu/Balita/Cebu-City-Mandaue-gibaha
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2015/08/29/1493894/solusyon-sa-trapiko-aksiyunan-na
https://www.sunstar.com.ph/.../Grabeng-baha-trapik-nabara
https://criminologygroup5.wordpress.com/2009/10/08/usok-ng-pabrika/
https://www.pilipinas.bid/2019/11/niyog.html

https://www.philstar.com/the-freeman/cebu-news/2020/02/17/1993770/after-poliovirus-found-butuanon-3-rivers-limits

https://www.philstar.com/banat/balita/2020/10/16/2050027/dul-3-mil-naapektahan-sa-baha-sa-mandaue

https://cebudailynews.inquirer.net/346046/barangay-task-force-eyed-to-help-ease-flooding-in-mandaue

https://www.philstar.com/banat/balita/2019/07/25/1937538/trapik-sa-mandaue-sulbaron-ni-jonas

You might also like