You are on page 1of 3

FILAKAD

Name: Trixie Janella V. Cajimat Date: March 25, 2022


Strand, Gr. Level & Section: STEM 12 – St. Giuseppe Moscati

Gawain 8 - Pagsulat ng Panukalang Proyekto.

Panukala sa kamalayan sa kahalagahan ng 3 R’s (Recycle, Reuse, Reduce) sa


Solid Waste Management sa Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva
Vizcaya

Mula kay Trixie Janella V. Cajimat


Baliton Street, Bonfal West,
Bayombong, Nueva Vizacya
Ika-27 ng Marso, 2022
Haba ng Panahong Gugulin: 6 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang Barangay Bonfal West ay nakikitungo sa solid waste management na may
kamalayan at kahalagahan ng 3R’s (Recycle, Reuse, Reduce). Ang problema ay lumilitaw
araw-araw habang ang mga tao sa komunidad ay nagpapakita ng kakulangan ng wastong
pagtatapon ng basura at hindi alam ang kahalagahan ng 3R's. Dahil walang mga pampublikong
basurahan sa lugar bilang isang resulta, ang mga basura ay matatagpuan na nakakalat sa mga
bakanteng lote at sa mga daanan. Isang basic seminar ang ipapatupad tuwing ika-2 Sabado ng
buwan, ito ay magtuturo sa sinumang pangkat ng edad sa komunidad na malaman ang
kahalagahan ng 3R’s at kamalayan sa solid waste management.

Kaugnay nito, makakatulong ito sa komunidad sa pagharap sa kasalukuyang problemang


ito. Bukod sa kasalukuyang problemang ito sa komunidad ay problema rin ang paghihiwalay
ng pagtatapon ng basura dahil walang kamalay-malay ang ibang tao sa komunidad na itatapon
ng maayos ang kanilang basura. Karaniwang itinatapon ng mga tao ang mga ito sa anumang
mga basurahan na magagamit kung kaya't, ang mga recyclable, biodegradable, non-
biodegradable na basura ay pinaghalo. Pagkatapos ay nagdudulot ito ng hindi kanais-nais na
amoy at mga problema sa kalusugan na dulot ng hindi tamang pagtatapon ng basura. Bukod
dito, makakaapekto rin ito sa kapaligiran dahil ang mga basura sa komunidad ay makikita kahit
saan at magdudulot ito ng polusyon sa mga lugar lalo na sa mga bahay at mga kalapit na water
irrigation system sa komunidad.
II. Layunin

Makapaglagay ng basuran sa ibang bahagi ng komunidad lalo na sa mga tapat ng bahay


dahil ito ay upang mabawasan ang mga kalat sa paligid ng komunidad. Ang bawat basurahan
ay may label kung ito ay nabubulok, hindi nabubulok, at recyclable. Dagdag pa rito, upang
maging malinis ang komunidad at ligtas ang mga residente sa mga sakit dulot ng mga basurang
nagkalat. Upang maturuan ang mga residente, bata man o matanda ang epekto ng 3R’s
(Recycle, Reduce, Reuse).

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Maipatupad ang proyekto at pag-aabroba sa mga opisyal ng barangay sa unang lingo ng


abril.
2. Paghahanda sa pagtuturo sa mga residente tuwing pangalawang sabado kada buwan.
-Ituturo ang kahalagahan ng 3R’s (Recycle, Reduce, Reuse) sa pagtatapon ng basura at
upang ligtas at malinis ang kapaligiran.
3. Pagsasagawa ng pagbili ng mga gamit na kakailanganin gamit ang badyet.
4. Pamamahagi ng mga basurahan na may na label sa bawat bahay at sa ibang bahagi ng
komunidad.
5. Tukuyin ang kabuuang partisipasyon ng mga residente sa kahalagahan ng 3R’s (Recycle,
Reduce, Reuse) sa Solid Waste Management.

IV. Badyet

Bagay na kailangan Halaga


1. Mga gagamiting basurahang ilalagay sa tapat ng bahay at Php 135,000.00
ibang bahagi ng komunidad.

-Tatlong basurahan ang nagkalat sa komunidad upang


mabawasan ang mga nagkalat na basura.
2. Gastusin para sa mga taong maglalagay ng basurahan sa Php 2,500.00
iba’t ibang bahagi ng komunidad. (Suweldo)
Total: Pph 137,500.00
V. Benepisyo ng Proyekto

Ang pagkakalat ng basura ay nakasama sa kalusugan ng tao, kalinisan sa kapaligiran at


ito’y karaniwang problema sa iba’t ibang komunidad tulad na lamang ng Barangay Bonfal
West. Ang paglalagay ng mga basurahan na may partikular na label sa tapat ng bahay ng mga
residente at sa ibang bahagi ng komunidad, nakatutulong mabawasan ang pagkalat ng mga
basura. Gayundin ang kahalagan ang seminar na nagaganap sa pangalawang linggo kada
buwan, upang maturuan ang mga residente upang malaman nila ang kahalagahan ng
paghihiwalay ng mga nabibulok sa di nabubulok, at sa recyclable na mga basura.

Isa pang benepisyo ng proyekto ay maiiwasan ang mga iba’t ibang sakit dulot ng
maduming kapaligiran dahil sa mga nagkalat na basura. Maiwasan din ang polusyon sa tubig
lalo na sa mga water irrigation systems o kanal dahil sa pagtatapon ng basura kung saan saan.
Ang layunin ng paglalagay ng basurahan sa komunidad ay upang mabawasan ang mga nagkalat
na basura sa paligid, dahil magandang manirahan sa paligid na malinis. Ang pakikilahok ng
mga residente sa gawaing ito ay hindi lamang nakatutulong sa malinis na komunidad, bagkus,
para din sa kanila ito dahil sa pagiging responsable sa pagtatapon ng basura. Dagdag pa rito,
ang pagtatapon ng basura sa nararapan na lalagyanan (Biodegratable, Non biodegratable, at
Recyclable.

You might also like