You are on page 1of 6

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Asignaturang Introduksyon sa Pilosopiya ng Tao

“OPLAN LINIS KANAL KABATAAN”

Ang Feasible Plan na ito ay pinasa nina:

Group: 3 12-ABM A

Munisa Abdulwahab

Elaine Abelidas.

Arianne Dojillo

Jessica Eroy .

Frances Pates

Nina Lebatique

Mekaela Manacho

Fernando Gonzaga.

Ipinasa Kay:

Mr. Peter De La Cruz


II. Introduksyon/Panimula

"OPLAN LINIS KANAL KABATAAN" Ang proyektong ito ay naglalayon na

mapaganda at masolusyunan ang kapaligiran ng isang komunidad sa problemang kinakaharap

nito tulad ng pagbaha, at pagtatapon sa di maayos na tapunan ng basura na dati ng problema ng

bansa ng pilipinas.

QUOTE:

OUR ENVIRONMENT ENCOURAGES US NOT TO BE PHILOSOPHERS

-WILLAM JAMES

III. Rasyonale/ Background of the Study

BASURA, PANGUNAHING SANHI PA RIN NG BAHA SA METRO MANILA Taun-taon, laging

problema ang baha sa panahon ng tag-ulan. Pangunahing dahilan pa rin ng pagbaha sa Metro Manila ay

ang mga basura na nagdudulot ng pagbara ng mga kanal, imburnal at estero sa bawat komunidad. Sa

kabila nang palagiang pagsasagawa ng paglilinis sa drainages at mga estero ng Department of Public

Works and Highways (DPWH) at ang Metro Manila Department Authority (MMDA) at kahit pa

nagkaroon ng flood control program na ginastusan nang malaki noong 2010, patuloy na inaanod pa rin

ang usaping ito dahil na rin sa katigasan ng mga ulo ng ating mamamayan, partikular sa Metro Manila.

Halos isang Linggo na tayong inuulan ng tuloy-tuloy dulot ng habagat. Maraming mga lugar na ang lubog

sa baha; ilang bahagi ng Quezon City, sa Maynila sa bahagi ng España Blvd., sa kahabaan ng Taft at Rizal
Avenues at ang ilang bahagi rin ng Cavite partikular ang Bacoor, Imus at bayan ng Rosario. Maging ang

Marikina river na patuloy na binabantayan at ang paglilikas sa mga residente roon, maging ang

probinsya ng Oriental Mindoro at iba pa ay nakararanas din ng pagbaha. Ang baha ay nagdudulot sa atin

ng pangambahin dahil sa mga trahedya na dala nito lalo na kung hindi tayo handa, may mga namamatay

dahil sa pagkalunod at may mangilan-ngilang din ang naitatalang nawawala na mga residente bunsod ng

pag-apaw ng mga ilog. Bukod dito, maari ring makakuha tayo ng mga sakit sa baha na gaya ng dengue at

leptospirosis. Kung tutuusin, mula pa noon ito na ang ating kinahaharap na problema. Maliliit pa tayo ay

tinuturo na sa atin sa paaralan ang tamang pagtapon ng mga basura at kung paano ito i-segregate. Tila

hindi yata tayo natututo. Ito rin ay tinuturo sa ating mga tahanan, ngunit hindi naman natin pinapansin.

Binabalewala natin ang mga basura na tayo rin naman ang nagkakalat. Ang ending, tayo rin ang

napeperwisyo. Karaniwang bumabara sa mga daluyan ng tubig-baha ang mga single-used plastic gaya ng

sando bags, grocery bags, sachet ng iba’t ibang 3-in-1 coffee, shampoo, toothpaste, at ang mga basura

na hindi nabubulok gaya ng plastic bottle, styropor, at iba pa. Sa patuloy na paglilinis ng mga otoridad

bago pa man magtuloy-tuloy ang pag-ulan, tone-toneladang mga face masks ang nakolektang basura.

Kamakailan ay napaulat din ang pagtatapon sa hindi tamang basurahan ng mga used na COVID-19

testing kits gaya ng syringe, medical gloves, at iba pa. Nakababahala talaga ang kawalan ng displina ng

mamamayan sa basura. Kahit sino pa ang mamuno sa bawat komunidad o lokal na pamahalaan kung

ang mamamayan ay walang disiplina sa tamang pagtapon ng basura, paulit-ulit natin itong mararanasan.

Magkaroon po sana tayo ng inisyatibo at disiplina sa tamang pagtapon ng ating basura.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1838358969834056&id=100009799123084

KAHALAGAHAN ~Ang kahalagahan ng aming proyekto ay mapuksa ang problemang baha sa aming

komunidad at maiwasan ang pagkamatay dulot ng sakit na lepthospirosis. Ang paglilinis ng kanal at
pagtapon ng basura sa tamang lalagyan ay nagbibigay salusyon sa problemang kinakaharap ng aming

komunidad. Ito ay para mabawasan ang mga basura na bumabara sa mga kanal na nagiging dahilan ng

malawakang pagbaha at pag sasa-ayos ng basura na maaari pang mapakinabangan tulad na lamang ng

mga plastic bottle at pagtatanim ng mga punong kahoy upang maiwasan ang pag baha. Mahalaga po ito

dahil bukod po sa nakaka tanggal ng baho ng kanal at nakakalinis ay nakakaiwas din sa mga maaaring

sakit na pwedeng maidulot ng dumi ng kanal, at nakakaaliwalas din tingnan ang kanal kapag ito ay

malinis.

IV. Layunin

1.) Layunin ng aming proyento na mapalinis ang kapaligiran at maiwasan ang pag baha sa mga

mabababang lugar at pamamagitan ng pag sasagawa ng proyektong ito.

2.) Layunin magkaroon ng pagkakaisa at pag tutulungan ang bawat kabataan.

3.) Layunin rin na mag bigay ng aral sa mga kabataan o sambayanan na magkaroon ng

pagpapahalaga sa kapaligiran at ng matutunan nila ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang

tapunan.

V. Deskripsyon ng Proyekto

Ang "OPLAN LINIS KANAL KABATAAN" ay isang proyekto upang masolusyonan ang problemang pagbaha

na nararanasan ng ating komunidad. Ang layunin ng proyekto ng ito ay upang maiwasan ang tumitinding

pagbaha na ating nararanasan ngayon sa ating komunidad. Ang proyektong ito ay gaganapin tuwing

sabado at linggo ng mga kabataan sa bawat baranggay. Makakatulong ang proyektong ito hindi lamang
sa amin, kung hindi pati na rin sa iba, sa pagiwas sa mga sakit na dulot ng paghaba katulad na lamang ng

dengue at leptospirosis

VI. Pamamaraan

PAMAMARAAN Una, isang linggo bago ang nakatakdang araw ng paglilinis.

Ipinakilala muna namin ang aming proyekto na "OPLAN LINIS KANAL KABATAAN" sa

aming brgy chairman na si______. Pangalawa, nang ito ay ma approve ng aming brgy chairman

ay magsasagawa kami ng group discussion at ipapatawag ang mga kabataan sa bawat bahay ng

brgy na nasa edad 18-20 yrsold na may kakayahang maglinis. Para malaman nila kung ano ang

nais namin para sa ikakaganda ng aming brgy. Ipinapaliwanag sa kanila kung para saan ang

proyekto, ano ang kailangan gawin, sino ang mga gagawa, at sino ang mga susuporta. Pangatlo,

pagkatapos ma bahagi ang nilalaman ng aming proyekto dito na namin isasagawa ang aming

proyekto. Simula sa nobyembre 7, 2022 araw ng lunes ay magsisimula ng maglinis ang mga

kabataan sa mga kanal na maraming basura.

Schedule Sabado 7:00-10:00 am

Linggo 7:00-10:00 am

Mga dapat gawin sa araw na ito ay ang mga sumusunod:

Sa araw ng sabado at linggo, ang mga kabataan na lalaki ay maglilinis ng kanal habang ang mga

kabataan na babae naman ay magwawalis ng mga basura sa kalsada (kalsada ng backside,

harapan ng mga bahay.) Mga kagamitan ay ang walis tingting, daspan, palakot, sako, _________

Pagkatapos malinis ang kalsada at kanal. Ang mga naipon na basura ay ilalagay sa sako at itatabi
pansamantala sa _____ at kokontakin ang garbage kolektor para maitapon sa tamang tapunan

ang mga basura.

Mga benepisyo ng aming proyekto: Gaganda ang kapaligiran Hindi na babaha ulit Lilinis ang

kapaligiran Benipisyo ng mga kabataan ay;. Ang mga kabataan ay may libreng pagkain

pagkatapos nilang maglinis MGA KASANGKOT OFFICIAL GROUP NG OPLAN LINIS

KANAL KABATAAN- isa din kami sa mga tutulong sa paglilinis para ma guide namin ng tama

ang mga gagawin ng iba pang mga kabataan. KABATAAN- taga pag linis ng kapaligiran Lalaki-

taga linis ng kanal Babae- taga walis ng kalsada BRGY CHAIRMAN: taga suporta sa aming

proyekto, at pagbibigay ng mga kagamitan sa paglilinis.

VII. Rekomendasyon/ Konklusyon

Ang "OPLAN LINIS KANAL KABATAAN" ay isang proyekto upang masolusyonan

ang problemang pagbaha na nararanasan ng ating komunidad. Ang layunin ng proyekto ng ito ay

upang maiwasan ang tumitinding pagbaha na ating nararanasan ngayon sa ating komunidad. Ang

proyektong ito ay gaganapin tuwing sabado at linggo ng mga kabataan sa Backside.

Makakatulong ang proyektong ito hindi lamang sa amin, kung hindi pati na rin sa iba, sa pagiwas

sa mga sakit na dulot ng paghaba katulad na lamang ng dengue at leptospirosis.

You might also like