Professional Documents
Culture Documents
Mananaliksik:
Aspa, Ara A.
Panesa, Wendy O.
Desyembre, 2022
PASASALAMAT
Nais ipaabot ng mga mananaliksik ang kanilang taos pusong pasasalamat sa mga
sumusunod na mga indibidwal para sa kanilang di matatawarang ambag upang mas
mapaganda pa ang pananaliksik na ito.
- Mga Mananaliksik
Talaan ng Nilalaman
Pamagat ……………………………………………… i
Pasasalamat .…………………………………………….. ii
Talaan ng Nilalaman ……………………………………………… iii
Kabanata I : Ang Suliranin
Panimula o Intruduksyon ………………………………. 1
Paglalahad ng Suliranin ..……………………………… 2
Saklaw at Delimitasyon ………………………………. 3
Kahalagahan ng Pag-aaral ……………………………….. 4
Sanggunian ………………………………. 5
Kabanata II : Mga Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Literatura ………………………………. 6
Kaugnay na Pag-aaral ………………………………. 7
Balangkas Teoritikal ………………………………. 8
Balangkas Konseptwal ………………………………. 9
Katuturang Talakay ………………………………. 10
Sanggunian ………………………………. 11
Kabanata III : Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Paraan ng Pananaliksik ……………………………… 12
Pagkukunan ng Datos ……………………………… 13
Respondent ……………………………… 14
Instrumento ……………………………… 15
Paraan ng Pagsasagawa ……………………………… 16
Istatistikang Gagamitin ……………………………… 17
Sanggunian ……………………………… 18
KABANATA I
ANG SULIRANIN
PANIMULA
Hindi tamang pagtapon ng basura. Ang kalinisan ng bawat baranggay ay kailangan para
maituring itong maayus at magandang kapaligiran. Kailangan ng disiplina ng mga tao at
pagkakaroonn ng mga basura sa bawat baranggay at kailangan ding paghiwalayin ang mga
nabubulok at di nabubulok. Sa ating paligid hindi na natin maiiwasan ang epekto nito sa ating
kalusugan at kalikasan ng bawat tao. Ang makalat na basura ay maaaring maging sanhi ng
mga pesteng tulad ng langaw, ipis at daga na maaaring maging sanhi o pagmulan ng sakit ng
mga bata at tao.
Ang pangkahalatang layunin ng aming pag-aaral ay simple lamang, ito ay upang
malaman ng baranggay kung paano maayus na itapon ang basura, makahanap ng mga
alteratibong paraan sa pagtanggal ng kanilang mga basura at upang matiyak na mapanatili ng
komunidad ang kalinisan sa Baranggay Quitago. Ang pag-aaral na ito ay pangunahing
nakatuon sa kung paano ang mga gawi ng tao sa komunidad ay lubos na nakakaapekto, hindi
lamang sa ating kalikasan kundi sa ating kalusugan.
Isang maling gawain na naging sakit na ng iilang mamamayan na kung saan hindi na nila
napapatnubayan ang kanilamg sarili sa pagtatapon nila ng basura kung saan saan. Pagbaha,
Pagdumi ng mga ilog at paglaganap ng sakit. Ilan lamang yan sa mga epekto ng hindi tamang
pagtapon ng basura nating mga mamamayan. Ang basura rin ang isa sa pinakaproblema ng
karamihan sa mga baranggay ngayon. Dahil nga sa pagtuloy na pagrami ng mga basurang ito
hindi na alam ng karamihan kung saan pa ang dapat nitong paglagyan.
Halos karamihan saatin ay nagtatapon ng basura sa kung saan-saan halimbawana nito
ang mga balat ng kendi na ating kinakain maaaring maliit ito sa ating paningin ngunit
problema pa rin. Basura na napupunta sa mga ilog na nagiging dahilan ng pagkamatay ng
maliliit na isda dahil sa dami ng basura. Isa rin ito sa mga sanhi ng pagbaha tuwing pag-
ulan, dahil nga sa pagtatapong ng basura sa mga kalsada at hindi maayos na pagkakaimbak
nito sa isang lugar bumabara ito sa mga daluyan ng tubig o mga kanal na nagdudulot ng
matinding pagbaha.
Upang maiwasan ang anumang mga problema na sanhi ng basura, dapat tayong
gumawa ng solusyon o paraan upang malutas ang suliraning sulot nito sa ating baranggay.
Una, dapat tayong matuto na pangalagaan at pahalagahan ang ating kapaligiran. Pangalawa,
dapat nating paghiwalayin ang nabubulok at di nabubulok na basura. Dapat din nating
malaman ang mga alternatibong paraan upang mabawasan ang mga basura halimbawa nito
ay ang mga bote na maari ring magpaganda ng ating kapalligirann sa ating baranggay.
Pangatlo, maaaring gumawa ang mga nangunguna sa baranggay ng isang proyektong
tulong-tulong ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang lugar at magsagawa ng seminars
na nagbibigay impormasyon ukol sa di tamang pagtapon ng basura. Sa panghuli, ang dapat
nating taglayin sa ating mga sarili. Ang pagiging disiplinado at responsable dahil kailangan
gawin natin ang tamang pagtatapon ng basura sa basurahan upang maging isang magandang
halimbawa sa ating mga kababayan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layunin ng pag-aaral na ito na ipaalam sa mga residente ng Baranggay Quitago kung paano
itatapon ang kanilang mga basura. Ilang salik ang nakakaapekto sa paraan ng pagtatapon ng
basura ng mga residente, ang mga salik na ito ay ang kawalan ng kaalaman sa wastong
pagtatapon ng basura, kakulangan ng mga garbage truck na maaring kumukuha ng kanilang
basura at nakasanayanna ng mga residente ang pagsusunog ng sarili nilang basura.
2. Ano-ano ang mga paraan na ginagamit ng mga residente sa pagtatapon ng kanilang basura?
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ito ay ang mga tungkol lamang sa mga impormasyong nakalap namin mula sa mga aklat at
mga naaangkop na pagpapaliwanag batay sa aming nalalaman.
Ang aming pag-aaral ay walang kinalaman kung anumang pagbibigay ng tamang paniniwala
ukol sa kanilang oroskopyo at paniniwala. Ang mga pag-aaral naming ito ay ibinatay lamang
namin sa kung ano ang nakikita namin sa aming baranggay na kailangan pagtuunan ng pansin
dahil ito ay hindi maganda sa kapaligiran at sa ating kalusugan.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga tao lubos na napakahalaga ang pag-aaral na ito upang mabigyan ng gabay,
mamulat at mabuksan ang kamalayan sa mga posibleng epekto sa kalusugan ng hindi tamang
pagtapon ng basura sa Baranggay Quitago.
Makakatulong ang pag-aaral na ito upang gawan ng paraan tulad ng tulong tulong na
maglinis sa Baranggay para ito ay maging maganda kapaligiran at mapahalagahan ito ng mga
tao na naidadala nito sa ating kalusugan.
Mag-aaral Ang kinahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano ang
sanhi ng pag dami ng mga basura.
Mga magulang Para sa aanyahan ng mga magulang ang kanilang mga anak na huwag
mag tapon ng basura kahit saan at dapat itapon sa basurahan.
SANGGUNIAN
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA
Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay isa sa mga problemang kinakaharap
ngayon ng Pilipinas sa kahirapan dahil tao ang ugat ng problemang ito. Mayroong ilang mga
pag-aaral na isinagawa sa mga nakalipas na taon na naghihinuha sa kahalagahan ng wastong
pagtatapon ng basura sa komunidad at ang mga epekto ng hindi tamang pagtatapon ng basura
sa komunidad, kapaligiran, at kalusugan ng mga residente. Ang lahat ng ito ay ipinakilala sa
seksyong ito. Ayon kay Khylle Tumala (Enero 2015) mula sa kanyang pag-aaral sa mga
epekto ng hindi tamang pagtatapon ng basura sa Pilipinas, “Improper waste disposal is one of
the biggest environmental issues here in the Philippines. Nagdulot ito ng mas malalaking
problema na hindi lamang nakakaapekto sa kapaligiran kundi pati na rin sa kalusugan at
buhay ng mga tao. Maaaring malutas ang problemang ito o mananatili itong problema sa
bansa sa mga susunod na taon”. Isang batas sa Pilipinas na inaprubahan ng Office on the
President noong Enero 26, 2001 ay nilikha bilang tugon sa mabilis na pagtaas ng rate ng mga
problema sa basura sa bansa dulot ng hindi tamang pagtatapon ng basura. Sa kasamaang
palad, kahit na may batas, ang hindi wastong pagtatapon ng basura sa Pilipinas ay niraranggo
sa ika-3 bilang nangungunang pinagmumulan ng kontaminasyon ng tubig sa isang pag-aaral
noong Pebrero 2015. Ang pagtatapon ng basura ay iba sa pamamahala ng basura. Ang
wastong pagtatapon ng basura ay kailangan upang maayos na maisagawa ang pamamahala ng
basura. Ang Pamamahala ng Basura ay tumutukoy sa pagre-recycle, pagpoproseso,
transportasyon, sari-saring uri, at pagsubaybay ng mga produktong basura. Ang mga
produktong basura ay pangunahing may tatlong uri: solid, likido o nasa estado ng gas. Ang
solid waste ay karaniwang kilala bilang non-biodegradable waste (UKEssays, 2015). Ang
kanilang pag-aaral ay nakasentro sa hierarchy ng basura o 3R’s – bawasan, muling paggamit,
recycle – at ginalugad ang pamamahala ng basura bilang isang konsepto at epekto ng
pagtatapon ng basura. Kung walang maayos na pagsasagawa ng pagtatapon ng basura, lilitaw
din ang kahirapan sa pamamahala ng basura. Napatunayan din na ang mga gawain ng tao at
kawalan ng disiplina ang pangunahing dahilan ng hindi tamang pagtatapon ng basura na
nagpapahirap sa pagresolba ng problema.
Ang isa pang pag-aaral, na tungkol sa mga epekto ng hindi wastong pagtatapon
ng basura (Boehlke, 2017), ay nagpapahiwatig din na hindi lamang mga tao ang apektado
kundi pati na rin ang mga hayop. Dahil ang tubig ay maaaring kontaminado, ang buhay sa
dagat ay nasa panganib din. Kapag nagkumpol-kumpol ang mga basura at namumulaklak ng
algal, maaari itong ma-suffocate at makontamina ang lahat ng malapit dito – maaaring ito ay
isang tirahan na kinabibilangan ng mga korales o isang organismo tulad ng mga isda,
mollusk, atbp. Gayunpaman, isang pag-aaral sa Ecuador na nakasentro sa pagbuo ng mga
organikong pataba mula sa Ang basura sa pamilihan ng pagkain at paghahardin sa lunsod sa
pamamagitan ng pag-compost (Jara-Samaniego, Pérez-Murcia, Bustamante, Paredes, &
Pérez-Espinosa, 2017) ay maaaring mabawasan ang mga epekto ng hindi wastong pagtatapon
ng basura at mapipigilan pa ang pagtatambak ng mga basura. Maaaring gamitin ang mga
biodegradable na basura para sa mga layuning pang-agrikultura dahil sa mataas na
konsentrasyon na makikita sa mga organikong bagay at nutrients na nilalaman ng mga basura
tulad ng sa food market at urban gardening wastes na maaaring pamahalaan at i-recycle sa
pamamagitan ng composting pagkuha ng mga end-product tulad ng compost o fertilizer .
Ang salitang “Basura” ay hindi na bago sa ating lipunan anuman ang estado ng
pamumuhay gayundin ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot din ng pagkasira ng
kapaligiran at ano nga ba ang solusyon sa problema pagdating sa basura
Ayon nga sa isang popular na kanta ng “Asin”- hindi masama ang pag-unlad kung
hindi nakakasira ng kalikasan. Sa kantang yan ay naalala ko ang dati keng guro sa economics
noong ako ay nasa kolehiyo sa Mount Carmel College na namayapa na at akin din Ninong sa
kasal na si G. Roger Corbadura, dumarami daw ang mga produktong nalilikha ng tao mga
produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagpapabilis sa mga industriya ng
paggawa ng computer, damit, sapatos, tela; mga bagong tuklas sa mabilisang pagtatanim ng
palay at iba pang pinagkukunan ng pagkain: mga produktong nakakapagpada sa pagdadala ng
mga produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa
mga gawain sa loob ng tahanan, mga produktong pang-sining at marami pang klase ng
produkto na nalilikha sa sangkatauhan sa kabila ng pag-unlad na ito ang kapalit ay ang
problema sa basura. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki
ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito?
Sabi nga nila dalawa lang ang pinanggagalingan ng basura batay sa pag-aaral at maging sa
simpleng obserbasyon, dalawa lang ang pinagmumulan ng maruruming kalat sa ating
kapaligiran-mula sa labas at mula sa loob
BALANGKAS TEORITIKAL
Pamamahala ng
Basura
Aplikasyon ng Kontrol ng
Disiplina Basura
self-suffient
Pigura 1.1
BALANGKAS KONSEPTWAL
Input
-Kakulangan ng
pagtatapon Proseso
ng basura -Pagmamasid sa
Problema sa Outpot
-Kawalan ng mga
Baranggay -Paglalapat ng
trak ng basura
-Pagsusuri Panukalang
-Paghahanap ng Proyekto
-Compost pit
Pigura 1.2
Sa unang kahon na kung saan ay input, ito ay ipinahiwatig na ang pangunahing problema upang
malutas na kung saan ay ang kakulangan ng pagtatapon ng basura at kawalan ng mga trak ng basura.
Sa pangalawang kahon na proseso, ipinapahiwatig na ang mga mananaliksik ay nag-obserba at
nagsuri sa problema bago maghanap ng mga posibleng solusyon. Sa ikatlong kahon na output, ito ay
ipinahiwatig na ang mga panukala ay gagawin, sa kasong ito ang compost pit. Ayon kay E. Pongrácz,
P. S. Phillips, at R. L. Keiski’s Theory on Waste Management (2004), ang napapanatiling
pamamahala ng basura ay lubos na nakasalalay sa kung paano tinukoy ang basura. Ang kahulugan ay
ang pinaka-halata, at sapat na paraan ng pagkilala sa isang siyentipikong konsepto. Ang mga
kahulugan ay inaalok upang ipahayag o ilarawan ang tinatanggap na kahulugan, o mga kahulugan, ng
isang terminong ginagamit na ay tinatawag na mga deskriptibong kahulugan. Ang mga deskriptibong
kahulugan ay nasa anyo: Ang Definiendum ay may parehong kahulugan sa mga definiens.
KATUTURANG TALAKAY
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na masuri at malaman kung ano-ano ang mga epekto sa
kalusugan ng hindi tamang pagtapon ng basura sa Baranggay Quitago.
Mga sakit – May mga chemikal na kung itatapon na lamang nang basta na at hindi inalis ang
mga sangkap na nakakasama sa kalusugan at kapaligiran, tulad ng cyanide, atbp ay maaaring
makalason. Ang paglalantad o exposure sa mga ito ay magdudulot ng sakit o kamatayan.
Maaaring pananaliksik ang nagtitibay na ang mga taong expose sa hazardous waste ay
nagkakasakit ng Cancer.
Mga Panganib – Impeksyon, Maaaring magkaimpeksyon ang balat o dugo mula sa tuwirang
paghawak, paghipo, o pagdikit sa basura, at mula sa sugat na may impeksyon maari ring
magkakaroon ng impeksyon ang mga mata at paghinga galing sa alikabok, lalo na sa landfill
operations. Ang mga kagat ng kulisap at hayop nananginginain ng mga basura ay nagdadala
ng ibat-ibang sakit ; mga langaw na nabubuhay sa pagkain ng basura ay nag dudulot ng
impeksyon sa bituka.
Sakit na Walang Lunas – Ang mga nagtatrabaho sa mga incinerator o plantang sinusunog ang
mga basura hanggang maging abo ang mga ito, ay nanganganib na magkaroon ng sakit sa
baga na hindi magagamot, kasama ang cancer bunga ng paglanghap ng mga alikabok at
mapanganib na mga naghalong sangkap.
SANGGUNIAN
https://bagongaurorawebsitengbayan.wordpress.com/2015/01/13/disiplina-sa-sarili-ang-
solusyon-sa-problema-sa-basura
https://www.academia.edu › DOMA…
(DOC) DOMAIL | Belle Daria
Academia.edu
https://www.academia.edu › Epekto…
(DOC) Epekto ng Basura sa Kapaligiran | zynox lopez
Scribd
https://www.scribd.com › document
Mga Epekto NG Hindi Tamang Pagtapon | PDF
https://www.researchgate.net/publication/
331702185_A_Case_Study_about_the_Improper_Waste_Disposal_in_Barangay_Mojon_Ta
mpoy
https://images.app.goo.gl/U48Ar3gPCwbtqK747
KABANATA III
PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay naglalahad at nililinaw ang lahat ng mga detalye ng mga
pamamaraang sinusunod sa pagsasagawa ng pag-aaral. Kasama sa kabanatang ito ang mga
pagtalakay sa disenyo ng pananaliksik, paglalarawan ng instrumentong gagamitin sa
pananaliksik, paglalarawan sa lugar ng pag-aaral, mga hakbang sa pangangalap ng datos at
mga pamamaraan ng pagsusuri at pagbibigay-kahulugan sa mga datos. Ang paghahanap ng
mga wastong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng datos at impormasyon para sa pag-
aaral na ito ay isang hamon para sa mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay naghanap
ng ilang artikulo, thesis at mga gawaing pananaliksik upang makakalap ng impormasyon at
magsagawa ng sampling upang makuha ang mga datos na kailangan para sa pag-aaral na ito.
PAGKUKUNAN NG DATOS
RESPONDENT
INSTRUMENTO
PARAAN NG PAGSASAGAWA
ISTATISTIKANG GAGAMITIN
Noong ika-20 ng Nobyembre 2022, nagtungo ang mga mananaliksik sa Barangay
Quitago na matatagpuan sa Quinobatan. Nilapitan ng mga estudyante ang mga residente nang
may paggalang at kabaitan. Ang mga mag-aaral ay pipili ng 10 bahay at pakikipanayam ang
bawat residente na nakatira doon. Una, sinimulan ng mga mag-aaral na sabihin sa kanila ang
layunin ng pagsasagawa ng panayam. Ang mga Tanong sa Panayam/Survey ay
kinabibilangan ng kanilang mga pangalan, trabaho, suweldo, edukasyong natamo at mga
miyembro ng pamilya, kabilang ang kanilang edad, katayuan sa pag-aasawa, edukasyon at
trabaho. Sinusundan ito ng mga tanong tungkol sa mga residente ng Barangay Quitago
tungkol sa wastong paghihiwalay at pagtatapon ng basura. Matapos sagutin ang survey form,
tinanong sila ng mga mag-aaral kung okay lang na magpakuha ng litrato kasama sila dahil
kailangan ito sa dokumentasyon. Tinapos ng mga mag-aaral ang panayam sa pamamagitan ng
mga salita ng pasasalamat sa pagkakataong magsagawa ng panayam sa kanila. Ang panayam
sa bawat bahay ay tumagal ng halos 5-15 minuto.
SANGGUNIAN
De La Salle University
https://www.dlsu.edu.ph › pdfPDF
komparatibong pag-aaral sa mga programang
uofa.ru
https://uofa.ru › kak-vliyaet-musor-…
Paano nakakaapekto ang basura sa isang tao. Pananaliksik sa trabaho …
Course Hero
https://www.coursehero.com › file
Reynaaa.docx – KABANATA I SULIRANIN SA BASURA TUNGO …
Reef Resilience
https://reefresilience.org › impacts-o…
Mga Epekto sa Kalusugan ng Tao