You are on page 1of 20

Isang Eksperimento ukol sa

Pagsasala ng Tubig Kanal para sa


Pagkakaroon ng Alternatibo sa
Malinis na Tubig
Fidelino, Julian Pitiquen, Guia
Bautista, Jasmine Roque, Mikhael
Dacanay, Casey Sanchez, Nichole
Pilon, John Lester Vega, Cheska
Panimula
• Tubig ang pinaka-importanteng bagay sa mundo upang ang tao
ay mabuhay. Nangangailangan ang lahat nito mapa-halaman,
hayop o tao man.
• Upang magkaroon ng tubig, kinakailangan munang makahanap
ng mapagkukunan nito. Ang ilan sa mga pinagkukunan ng pang
araw-araw na tubig na ating ginagamit ay ang tubig bukal at
surface water.
• Sa panahon ngayon, patuloy na tumataas ang populasyon na
nangangahulugang tumataas din ang industriyalisasyon.
Samu’t-sari ang mga pabrika na nagpapaandar at kabilaan din
ang pagtatayo ng mga bagong establisyimento na mga pabrika.
• Ang kakulangan sa suplay ng tubig ang isa pang problemang
kinakaharap ng bansa ngayon. Dapat lang itong bigyang-pansin
ngpamahalaan upang masolusyonan agad ito at hindi na lumala
pa dahil ang mga tao rin ang mahihirapan.
• Taong 2008 ay nabahala ang lahat nang lumabas ang krisis sa
tubig. Sinasabi rito na nauubos na ang suplay ng tubig at
marami ang maapektuhan nito. Dahil dito ay marami ang
nabahala, kabilang na ang mga estudyante, dahil ang
sinasabing susunod na henerasyon ay ang mga kabataan.
Pagbanggit sa Suliranin
• Paano makakatulong ang paggamit ng iba't ibang bato
sa pagsasala ng tubig?
• Maaari bang magamit ang alternatibong ito sa
kasalukuyan?
• Magkakaroon ba ng malaking pagbabago sa kalinisan
ang tubig na dadaan sa filter?
• Posible kayang mainom ng isang tao ang tubig na
sasalain sa filter?
Kahalagahan ng Pag-aaral
• Ang eksperimentong gagawin ng mga
mananaliksik ay makakatulong sa mga
sumusunod:

oSa mga mag-aaral


oSa mga guro
oSa gobyerno
Kasaklawan at Katakdaan ng
Pananaliksik
• Sa gagawing experimental na pananaliksik, ang badyet
para sa eksperimento ay aabot ng hindi bababa sa 500
hanggang sa 1000 piso lamang.
• Ang mga kagamitan ay mga bato, uling, pino at
buhangin galing sa tabing-dagat, tela at bote na
gagamitin sa pagsasala ng tubig.
• Ang pag-aaral na gagawin ay limitado lamang sa
pagsasala ng tubig gamit ang mga bato. Ang ibang
klase ng pagsasala at paglilinis ay hindi kasama sa
gagawing eksperimento.
Disenyo ng Pananaliksik
• Ang naisagawang pag-aaral ay ginamitan ng
pamamaraang eksperimental. Naniniwala ang
mga mananaliksik na ito ang angkop na gamiting
disenyo sa paksang pinag-aralan sapagkat sa
disenyong ito makatutulong na mas mapadali ang
pangangalap ng datos.
Instrumento ng Pananaliksik
UNANG PAGSUBOK

1. Ang mga mananaliksik ay gumupit ng bote na nanggaling sa


isang junk shop na kung saan ang boteng ito ay kumukunsumo
ng anim na litrong tubig.

2. Inihanda ng mga mananaliksik ang 93 na gramo ng uling, 81


na gramo ng lupa, 215 na gramo ng buhangin, at ang 855 na
gramo ng mga bato, nag handa rin sila ng malinis na tela.
3. Matapos ihanda ang mga materyales, isa-isa na itong inilagay
sa bote, ang unang nilang inilagay ay ang tela isinunod nila ang
uling, lupa, buhangin at ang nasa pinaka ibabaw ay ang mga
bato.

4. Nilagyan nila ito ng isa pang lalagyan sa ilalim upang maging


taga-sapo ng mga sinasalang tubig, pag katapos nito ay
sinumulan na nila itong lagyan ng 1400mL na tubig na nag-mula
sa kanal.

5. Sinimulan ng obserbahan ang pagsasala.


IKALAWANG PAGSUBOK
1. Ang mga mananaliksik ay gumupit ng bote na nanggaling sa
isang junk shop na kung saan ang boteng ito ay kumukunsumo
ng anim na litrong tubig.

2. Iniayos ng mga mananaliksik ang mga materyales: 150 na


gramo ng lupa, 150 na gramo ng uling, 150 na gramo rin ng
buhangin, 500 na gramo ng mga bato at ang malinis na tela.

3. Inilagay ang 1400mL na tubig-kanal sa parehong


pagkakasunod-sunod ng mga materyales na nakalagay sa
pansala ng tubig.

4. Sinimulan ng obserbahan ang pagsasala.


Paglalahad, Pagsusuri, at
Pagpapakahulugan sa mga Impormasyong
Nakalap
1. Paano makakatulong ang paggamit ng iba't ibang bato sa pagsasala
ng tubig?
-Ang mga mananaliksik ay gumamit ng 3 uri ng bato. Una, ang uling
na nagtatanggal sa mga sediments, organic substances, chlorine,
pangit na lasa, at sa mabahong amoy ng tubig. . Ang pangalawang
uri ng bato na ginamit ay buhangin na tumutulong sa pagtanggal ng
labo ng tubig at ng mga pathogenic organisms. Ang pangatlo naman
ay ang loam. Ang loam ay nakatulong sa mabilis na pagdaloy ng
tubig at pagpapanatili ng pagpapalusog o nutrients. Pang-apat ay
ang maliliit na bato. Ito ang nagsisilbing tiga-harang ng mga pisikal
na dumi na nasasala sa tubig.
2. Maaari bang magamit ang alternatibong ito sa kasalukuyan?
-Ito ay magagamit sa alternatibong pamamaraan sa pagsasala ng tubig
sa panahon ngayon. Ngunit hindi inirerekomenda ng mga mananaliksik
na ito ay pwedeng mainom dahil sa kakulangan ng iba pang pagsusulit
ng kalidad ng tubig.

3. Magkakaroon ba ng malaking pagbabago sa kalinisan ang tubig na


dadaan sa filter?
-Gumamit ang mga mananaliksik ng Bromothymol Blue na kung saan
malalaman ang pH level ng tubig. Unang sinuri ng mga mananaliksik ang
tubig-kanal. Lumabas sa resulta ang berdeng kulay na
nangangahulugang ang tubig-kanal ay acidic. Ang resulta naman na
lumabas sa tubig na nasala mula sa unang pagsubok ay kulay asul na
nangangahulugang ito ay may pH level na nagraranggo mula 8
hanggang 8.5. Ito ay nangangahulugang ang nasalang tubig ay isang
alkaline.
-Sa pangalawang datos naman na natamo mula sa tubig na
nasala sa ikalawang pagsubok ay nagkaroon ito ng resultang
kulay asul na nangangahulugang alkaline ang nasalang tubig
at may pH level na nagraranggo mula 8 hanggang 8.5

- Makikita ang kaibahan ng orihinal na tubig-kanal mula sa


tubig na nasala mula sa dalawang pagsubok na ginawa.
Nagbago ang pH level sa nasalang tubig. Mula sa acidic na
tubig ay naging alkaline ang tubig na nanggaling sa kanal.
4. Posible kayang mainom ng isang tao ang tubig na sasalain sa
filter?
-Base sa pagsusuri na isinagawa ng mga mananaliksik,
lumabas na alkaline ang mga nasalang tubig ngunit
kakailanganin pa ng iba pang mga pagsusuri ng mga eksperto
upang masabi kung ito ba ay ligtas inumin dahil lubhang
madumi at nagtataglay ng maraming mikrobyo ang tubig
kanal.
Lagom
• Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning malaman kung
naging epektibo ba ang paggamit ng pansala ng tubig gamit
ang uling, lupa, buhangin at mga bato sa pagkakaroon ng mas
malinis na mapagkukuhanan ng tubig. Ang ginamit na
pamamaraan ng pananaliksik ay eksperimental.

• Gumawa ang mga mananaliksik ng isang pansala upang


gamitin sa tubig kanal at oobserbahan ang pagbabago nito sa
kulay, kalinisan at iba pa para sa mga impormasyong kailangan.
Ang buong pag-aaral ay isinagawa sa akademikong taon 2018-
2019.
1. Paano makakatulong ang paggamit ng iba't ibang bato sa
pagsasala ng tubig?
2. Magkakaroon ba ng malaking pagbabago sa kalinisan ang tubig na
dadaan sa filter?
3. Posible kayang mainom ng isang tao ang tubig na sasalain sa
filter?

• • Base sa mga resultang nakuha, lumabas na kulay berde ang tubig


kanal na hindi idinaan sa pansala na nangangahulugang ito ay
neutral.
• • Naging asul naman ang kulay ng dalawang isinalang na tubig
kanal na nagpapakita na ito ay alkaline base sa pH indicator chart.
• • Base sa pagsusuring ginawa ng mga mananaliksik ay hindi
maaaring inumin ang naisalang tubig kanal dahil sa presensya ng
bakterya o mikrobyo pero pwedeng magamit sa iba pang paraan.
Kongklusyon
1. Ang ganitong klase ng pansala ay isa sa mga pwedeng gawing
alternatibo na maaaring gamitin sa iba't ibang sektor para
makatulong sa pagkakaroon ng malinis na tubig.

2. Base sa pagsusuri, naging epektibo ang ginawang pansala


kung pagbabasehan ang pagbabago nito ng kulay sa dalawang
pagsubok.

3. Lumabas na mas naging malinis ang nasalang tubig kapag


ginawang pare-pareho ang mga sukat o bigat ng bawat sangkap.
Rekomendasyon

• Maaaring gawin ang pansala ng tubig sa ibang bote at


dami ng kayang sakupin nito, pwedeng gawin sa 1.5L,
2.0L at iba pa.
• Salain ng maraming beses ang tubig upang makita
kung magiging epektibo ba talaga ang pansala.
• Gumamit ng ibang klase pa ng tubig katulad ng tubig
ilog, tubig dagat at marami pang iba.
• Maaaring gumawa ng iba pang mga test upang
malaman kung nagkaroon ba talaga ng pagbabago ang
nasalang tubig para magkaroon ng mas tamang resulta.
• Subukang gawing pare-pareho ang dami ng ilalagay na
bato, buhangin, lupa at uling.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na gumawa


pa ng ganitong uri ng pag-aaral tungkol sa pagsasala ng
tubig upang mas higit pang mapatatag at mapabuti at
madagdagan ang ating kaalaman sa ganitong gawain.
Talasanggunian

You might also like