You are on page 1of 7

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Itoy nagpapatunay na ang pananaliksik na pinamagatang ISANG


PANANALIKSIK TUNGKOL SA GAMPANIN NG MGA AKTIBIDAD SA
LABORATORYO SA MGA MAG-AARAL NG KURSONG MEDIKO TEKNOLOHIYA,
inihanda at iniharap nina Mungcal, Patricia Joy S., Navarro, Vince Daryll C., Nunag,
Rayven Joy D., Paguio, Kristel D. at Pelayo, Ryann Joyce B. ay matagumpay na
pinagtanggol at inaprubahan noong ______

Mungcal, Patricia Joy S.


Navarro, Vince Daryll C.
Nunag, Rayven Joy D.
Paguio, Kristel D.
Pelayo, Ryann Joyce B.
Miyembro / Member

Mrs. Annette L. Bagaoisan


Tagapayo / Kritikong Mambabasa-Adviser/Critic Reader

PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa Poong Maykapal
para sa kakayahan at paggabay na ipinagkaloob niya sa pagbuo ng pag-aaral na ito.
Gayon din sa mga magulang na walang sawang sumuporta sa mga mananaliksik. Nais
ding pasalamatan at bigyang kabuluhan ang mga taong nag-ambag at nagkaloob ng
oras upang maibahagi ang kanilang kakayahan para sa ikakatagumpay ng naturang
gawain. Sa laybrayan na umagapay sa pangangalap ng mga datos. Kina Gng. Annette
Bagaoisan,Bb. Maria Luisa R. Olano, RMT, MACT-MT, Ginoong Jonel Victoria, Gng.
Marites Mercado, Gng. Rowena Arceo na gumabay sa mga mananaliksik sa ikakabuti
ng pag-aaral. Nais ding iparating ang pasasalamat sa mga respondente na naging
instrumento sa pagtuklas ng mga kaalaman.
PJ. Mungcal
VD. Navarro
RJ. Nunag
K. Paguio
RJ. Pelayo

DEDIKASYON

Sa Panginoon na nagpigbay karunungan sa mga mananaliksik,


Mga pamilya na walang humpay na sumuporta,
Mga mag-aaral na nagsilbing respondent
At mga taong tumatangkilik sa pagtuklas ng bagong kaalaman,
Ang obrang ito ay taos pusong handog sa inyo.

Mungcal, Patricia Joy S.


Navarro, Vince Daryll C.
Nunag, Rayven Joy D.
Paguio, Kristel D.
Pelayo, Ryann Joyce B.

TALAAN NG MGA NILALAMAN


Pahina
PAMAGAT .........

DAHON NG PAGPAPATUNAY ..

ii

PASASALAMAT .

iii

DEDIKASYON ...

iv

TALAAN NG MGA NILALAMAN .

TALAAN NG TALAHANAYAN .

vi

TALAAN NG MGA FIGURA .

vii

ABSTAK ..

Kabanata
1

ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral
Pagpapahayag ng Suliranin ..
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon ..
Kahulugan ng mga Katawagan .

PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA


LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Pag-aaral

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK ..
Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral .
Pangongolekta ng datos
Pag-aanalisa ng mga datos ..
Estadistikong pagtalakay ng mga datos .

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA


DATOS

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


Lagom .
Konklusyon .....
Rekomendasyon

BIBLIYOGRPI .
CURRICULUM VITAE

MGA APENDIKS
Pahina
A.

Talatanungan .

B.

Talaan ng mga katanungan at Pakikipanayam

TALAAN NG MGA PIGURA


Pigura

Pahina

1
2
3
4

Abstrak

Pangalan ng mga Mananaliksik: Mungcal, Patricia Joy S., Navarro, Vince Daryll C.,
Nunag, Rayven Joy D., Paguio, Kristel D. at Pelayo, Ryann Joyce B.
Institusyon: Our Lady of Fatima University, Pampanga Campus
Kurso: Batsilyer sa Mediko Teknolohiya
Semestre / Taon ng Pag-aaral: Ikalawang semestre 2014-2015
Tagapayo: Gng. Annette Bagaoisan
Pamagat ng Tisis: Isang Pananaliksik Tungkol sa Gampanin ng mga Aktibidad sa
Laboratoryo sa mga Mag-Aaral ng Kursong Mediko Teknolohiya

Isinasagawa ang pananaliksik para mailahad ang gampanin ng mga aktibidad sa


laboratoryo sa mga mag-aaral at kung gaano ito nakakatulong sa kanila. Nangalap ang
mga mananaliksik ng mga mahahalagang datos upang matukoy kung ano ang
kahalagahan ng mga aktibidad sa laboratoryo sa mga mag-aaral.
Ginamitan ito ng pamamaraang palarawan o descriptive. Ang pangangalap ng
datos ay ginawa sa pamamagitan ng sarbey. May kabuuang bilang ang mga
respondente na isang daan (100) mula sa unang antas ng kursong Batsilyer sa Mediko
Teknolohiya ng Our Lady of Fatima University-Pampanga Campus. Dalawamput walo
(28) sa unang pangkat, dalawamput anim (26) na respondente sa ikalawang pangkat,
dalawamput lima (25) naman sa ikatlong pangkat at dalawamput isa (21) sa huling
pangkat.
Batay sa resulta, napag-alamang nakakatulong sa paglinang ng kakakayahan ng
mga mag-aaral ang pagsasagawa ng aktibidad sa laboratoryo. Natuklasan din na may
importansya ang pagsasagawa ng mga ito sa kanilang pagkatuto.
Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga rekomendasyon batay
sa kongklusyon: (a) pagpapaigting ng mga programa patungkol sa pagsasagawa ng
mga aktibidad sa laboratoryo; (b) gamitin ang pananaliksik na ito upang hikayatin ang
mga mag-aaral na maging mas aktibo at tumaas ang kanilang partisipasyon sa loob ng
laboratoryo; (c) palawakin pa ng mga susunod na mananaliksik ang pag-aaral tungkol
sa gampanin ng mga aktibidad sa laboratoryo sa mag-aaral at maglahad ng
makabagong impormasyon.

You might also like