You are on page 1of 9

Panimula

Ang baha ay ang pagtaas ng tubig mula sa mga daluyan at iba pang katawan ng
tubig. Nagsisimula sa mga ito ang baha kapag naipon ang maraming tubig-ulan.
Posibleng maging banta sa buhay at ari-arian ang baha kaya't dapat malaman kung
paano ito dapat paghandaan. Bumabaha kapag may malawakang pagdaloy ng tubig na
kumakalat sa lupa. Nangyayari ito kapag hindi na kaya ng lawa, ilog, at iba pang
daluyan ng tubig ang dami ng tubig. (https://www.rappler.com/move-ph/41132-baha-
flooding-philippines )

Mga mamamayan sana naalala niyo na ang pagbaha ay maaaring sanhi ng


maraming bagay tulad ng mabigat na pag-ulan, pagkasira ng dam, lokasyon ng bansa,
pagkalbo sa kagubatan o deforestation, at baradong daluyan ng tubig. Ang pagbaha ay
maaari ring magkaroon ng epekto sa ating kalusugan at kaligtasan tulad ng
pagkasugat, pagkalunod, at pagkamatay. Apektado rin ang kabuhayan ng bawat
mamamayan katulad ng mga magsasaka, mangingisda at maging mga negosyante
tuwing may baha. Maaari rin itong makapaminsala ng kapaligiran at kalikasan dahil sa
pagkalat ng basura, pagkasira ng iba’t ibang imprastraktura at tahanan, at iba pa.
(https://baha115193243.wordpress.com/module-3/)
Ang lupa na ating tinatapakan , ang tubig na ating iniinom at ang hangin na
ating nilalanghap ay mula sa Maykapal. Dapat natin silang pangalagaan bilang tanda ng
pagpapasalamat at upang maiwasan natin ang mga kalamidad Ano-ano ang mga dapat
nating gawin? Una, iwasan natin ang magtapon ng mga basura sa ating mga ilog at
kanal dahil ito ang karaniwang sanhi ng pagbaha. Pangalawa, iwasan din natin ang
pagputol ng mga puno para maiwasan ang pagguho ng lupa (soil errosion) at biglaang
pagbaha (flash floods). Higit sa lahat, dapat tayong tumulong na hikayatinang ating
mga kababayan na makiiisa rin sa mga proyektong ito na naglalayong pangalagaan ang
ating kapaligiran.( https://alstutor.wordpress.com/2013/10/23/sample-essay-4-paano-
maiiwasan-ang-pagdating-ng-kalamidad/)
Napakahalaga magkaroon ng sapat na kaalaman ukol dito upang makapagbigay
ng tiyak at malinaw na impormasyon. Sa pamamagitan nito'y magiging mulat ang mga
tao sa isang pangyayaring hindi nila inaasahan katulad ng pagbaha na maaring
magdulot ng pagiging disiplinado ng indibidwal sa pagtatapon ng basura. Gayundin ang
pagtanim ng mga puno upang mapigilan ito. Ang tag-ulan ay isa sa mga kinaiinisan
nating lahat dahil maraming gawain na naaantala at bukod pa rito ay maraming ring
makaselang lokasyon at pagpasok sa paaralan ng mga estudyante. Sa kabilang dako
maganda ang naidudulot ng tag-ulan sa mga magsasaka dahil nadidilig nito ang iba't-
ibang uri ng pananim subalit kapag ito ay lumabis nagdudulot na ito ng pagbaha kaya
bumaba ang suplay ng mga gulay at prutas sa pamilihan.

Ang pagbaha ay maaagapan kung tayo'y magkakaisa. Magtulungan tayo upang ang
bawat isa'y magkaroon ng isang kaginhawaan at masayang pamumuhay.
II. Thesis Statement

A. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kinahaharap na problema ng Baranggay Pala-


o, ang hindi ayos na pagdaloy ng tubig tuwing umuulan na dahilan ng pagkabaha. Sa
pag-aaral na ito sisikaping masasagot ang mga sumusunod na mga tanong:

1.) Mga dahilan ng pagkabaha sa Baranggay Pala-o

2.) Ano-ano ang epekto ng pagkabaha sa Baranggay Pala-o?

3.) Paano masolosyunan ang suliraning pinag-aaral?

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito'y ay nakaatas na matuklasan ang salik at epekto ng


suliraning kinahaharap sa Baranggay Pala-o na kung saan ang pagbaha sa kanilang
lugar tuwing umuulan. Ito ay naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng mga
mamamayan at bigyang solusyon ang kinahaharap na problema.

C. Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa salik at epekto ng naturang problemang


kinahaharap ng Baranggay Pala-o na kung saan ang hindi pagkaroon ng maayos na
daluyan ng tubig na kadahilang pagkakaroon ng pagkabaha. Ang aming grupo ay
nangangalap ng mga datos sa Baranggay Pala-o sa pamamagitan ng pagbibigay ng mg
kwestyuner sa mga residente na may kabuuang bilang ng tagatugon na 50 residente at
may edad na 16 pataas lamang.
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin

na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin na higit na malinaw na

kaalaman ang ma literatura at pag-aaral inilakip sa pananaliksik na ang layunin ay

madagdagan kaalaman ang mga mambabasa, lalo na sa suliraning pinag-aaral na

pagbaha sa partikular na lugar. Mayroon ding mga bahagi na nakapagbibigay -ambag

sa isyung pinag-uusapan.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang pagbaha ay kasama sa madalas at magastos na mga natural na sakuna. Ang


mga pinagmumulan ng pagbaha ay malakas o patuloy na pag-ulan ng ilang oras o araw
na nagbababad sa lupa. Ang mga biglaang pagbaha ay nagaganap dahil sa mabilis na
pagtaas ng tubig sa mga estero o mabababang
lugar.(https://www.redcross.org/content/dam/redcross/atg/PDF_s/Preparedness___Disaster_Recover
y/Disaster_Preparedness/Flood/FloodSafety_ENG_TG_final.pdf )

Taun-taong binabayo ang Pilipinas ng mga bagyo, at kaakibat nito ang kaliwa't
kanang pagbaha. Halos dalawampu't limang taon na ang nakalipas nang maganap ang
tinuturing na pinakamapaminsalang pagbaha na naganap sa Pilipinasna
pinaniniwalaang kumitil sa halos 8,000 buhay sa isang bayan ng Leyte. Ito ay nakasaad
sa artikulo ni FR Jimenez ng GMA News. Ayon pa ditto, kasabay ang pananalasa ng
bagyong “Uring” (Thelma) noong ika-5 ng Nobyembre taon 1991, bumuhos ang
malakas na ulan na lumikha ng flash flood sa Ormoc,Leyte. Ang resulta nito ay ang
pagkasawi ng may 4,900 na katao at pagkawala ng mahigit 3,000 iba pa. Tinatayang
14,000 kabahayan din ang nawasak at umabot sa mahigit ₱600 milyon ang pinsala sa
mga ari-arian. Kalunos-lunos din an gang eksena na dinadala sa mass grave ang mga
nakukuhang bangkay na isinasakay sa dump truck.

Noong taong 2009, lumubog sab aha ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil
sa bagyong Ondoy. Noong 2011 naman, halos 1,000 katao ang namatay nang
manalasa ang bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Central Visayas. Nakasaad ito sa
isang dokumentasyon ng GMA News Online. Dagdag pa dito, hindi panandalian ang
epekto ng baha. Hanggang sa kasalukuyan, bakas sa ilang komunidad ang pananalasa
ng tubig-baha.

Nakababahala ang inilarawan sa isang pag-aaral ng World Meteorogical Organization sa


Pilipinas. Ayon sa pag-aaral, ang tubig sa kapaligiran ng Pilipinas ay tumataas ng
tatlong ulit na mabilis kaysa sa average sa buong daigdig na 3.1 sentimetro bawat taon.
Kaya naman mappansing ang kaunting ulan ay maaari nang magdulot ng pagbaha sa
malaking bahagi ng bansa. Isa pa itong masamang balita para sa isang bansang
hinahagupit ng 20 bagyo taun-taon, at itinuturing ng United Nations na pangatlo sa
mga bansang nanganganib sa Climate Change.

Ayon naman sa daisy-fermin.blogspot.com, ang sanhi ng pagbaha ay ang maraming


basurang nakaimbak sa mga ilog, kanal, estero at sa iba pang daluyan ng tubig. Isa pa
ay ang malawakang pagputol sa mga punong kahoy (illegal logging) na sumisipsip sa
tubig na dulot ng labis na ulan at hindi maayos na drainage system. Ayon pa dito, ang
bunga naman ng pagbaha ay ang pagdami ng uri ng sakit, pagkawala ng kabuhayan at
pagkasawi ng maraming buhay.

Ayon sa environment management expert na si Diomedes Racelis, peligroso ang pagtira


sa maraming lugar na hindi lamang madalas bahain kundi landslide prone pa. Ngunit
paalala rin ni Racelis, mayroong short-term, medium term, at long term na solusyon sa
baha. Para sa short term, linisin ang mga estero o daluyan ng baha. Sa medium term
naman, huwag magtapon ng kahit anumang maaaring humadlang sa daloy ng tubig. At
para sa long term na solusyon, magsagawa ng comprehensive watershed management,
at pangangalaga at rehabilitasyon ng mga pangunahing bahagi ng tubig kagaya ng
Laguna de Bay at Manila Bay sa Central Luzon. Sa mga paraang ito ay maaaring
mabawasan ang mga kaso sa pagbaha na isang suliranin ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ayon sa radio.inquirer.net inaasahang matatapos ang proyekto ng


DPWH na Bluementritt floodwater interceptor para masolusyunan ang pagbah sa
Maynila. Ngunit sa kabila nito, ang pagkakaroon ng disiplina ng mga mamamayan ang
kinakailangan sa pagtugon ng baha na itinuturing na suliranin sa ating bansa.
Kaugnay na Literatura

Bilang isang arkipelago na bansa, ay direktang nasa bukana ng Karagatang


Pasipiko ang Pilipinas at madalas tamaan ng bagyo na namumuo sa nasabing karagatan
bago pa maranasan ng iba pang karatig bansa.

Tinatayang nasa 20 bagyo sa average ang nararanasan ng Pilipinas taun-taon.


Tinatayang siyam dito ang nagla-landfall o tumatama nang direkta sa bansa, sabi ni
Mesina. Nasa pagitan ng Setyembre at Nobyembre ang pinaka-peak nito.Bukod pa rito,
ang Pilipinas ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas ang
paglindol. Tinatayang nasa average na limang lindol ang nararanasan ng bansa araw-
araw. Nasa 22 aktibong bulkan ang mayroon sa Pilipinas mula sa datos ng Philippine
Institute for Volcanology and Seismology.Ayon sa disaster report ng Citizens’ Disaster
Response Center (CDRC), nanguguna ang Pilipinas sa talaan ng most disastrous na mga
bansa sa mundo sa taong 2011 mula sa pagiging pangatlo nito noong 2010. Ang
bagyong Sendong naman ang kinilala bilang world’s deadliest typhoon sa taong 2011
na pumatay sa mahigit 1,200 katao, samantalang mahigit 4,600 ang sugatan. Mahigit
sa 117,600 pamilya o mahigit sa 1,100,000 katao ang naapektuhan mula sa datos ng
NDRRMC.

Nasa 27 baha at 17 landslides ang nagaganap taun-taon sa pagitan ng 2000-2010. Sa


parehong panahon, hindi bababa sa 1.6 milyong mamamayan ang apektado ng
pagbaha at 24,212 sa landslides, ayon sa datos ng
CDRC.(https://www.pinoyweekly.org/2012/09/kalamidad-sa-mahihirap-di-lang-habagat-at-baha-
kundi-pati-polisiya-ng-gobyerno/ )

Sinabi ni Karl Marx: History repeats itself, first as tragedy, second as farce. At ngayon,
naulit muli ang trahedya na dulot ng baha at bagyo: dinaig ni Bagyong Sendong ang
pinsala na dulot ng Bagyong Ondoy (Ketsana): mahigit 1,000 kumpara sa 747 na
naitalang patay noong 2009.

Ayon sa Citizens’ Disaster Response Center, ang bagyo at pagbaha ay kabilang


sa pinakamadalas at pinakamalalaking disaster na tumatama sa bansa, kasunod ng
sunog at armadong labanan. Hindi ito nakakapagtaka. Ang Pilipinas ay nasa Western
Pacific Basin, kung saan nagmumula ang halos 20 bagyo kada taon; sa pagtatala, halos
lima rito ay mapanganib o mapanira dahil sa lakas at ulan nito. Tinataya ng mga
siyentista na dadalas at titindi pa ang mga bagyo dahil sa climate change. Katulad ng
Ondoy, ang trahedya ay dulot ng dami ng ulan na dala ng bagyo at ang
nagresultang flash flood. Nasa tinatawag na floodplain ang Iligan at Cagayan de Oro
(CdO); pinalibutan pa ng malalaki at matatarik na bundok. Dahil sa matinding buhos ng
ulan sa mga kalbong kabundukan, mas mabilis na lumaki at tumagas ang tubig—tangay
ang malalaking troso at putik—mula sa bundok, dadaan ng ilog hanggang sa karatig na
patag, kung nasaan ang maraming komunidad ng maralitang tagalungsod.
Noong Enero 2009, binaha ang CdO dahil sa ‘di karaniwang lakas ng ulan. Ilang
beses nang nagbababala ang mga siyentista at makakalikasang grupo na lubhang
maaapektuhan ng baha ang siyudad. Dapat maging handa ang mamamayan; pero ang
bigat ng sakuna ay lalaki pa kung patuloy na magiging pabaya ang pamahalaan.

Hindi dapat isinasantabi ang epekto ng pagkakalbo sa ating kagubatan. Kapag


umuulan, nasasalo at nasisipsip ng mga puno at halamang-gubat ang tubig. Kung
mawala ang kagubatan, mas mabilis na lumalaki ang tubig na napupunta sa mga sapa
at ilog. Ang malalaking troso ay matatangay rin ng tubig-baha upang manalasa sa mga
bahayan na madadaanan nito.

Sa kanyang opisyal na pahayag hinggil sa Bagyong Sendong noong ika-20 ng


Disyembre, sinabi ito ni Pang. Noynoy Aquino: Kailangan ko pong tanungin ang aking
sarili (at araw-araw ko pong itinatanong ang aking sarili): sapat ba ang nagawa ng
inyong pamahalaan para iwasan ang ganitong klaseng trahedya?

Tama lang na tanungin ng Pangulo ang sarili—araw-araw at oras-oras pa nga—kung


ano ang naging pagkukulang ng gobyerno sa pagkakataong ito.Palasak ang legal at
ilegal na pagtrotroso sa lugar. Sa Hilagang Mindanao, pinahihintulutan pa rin ng
pamahalaan ang pagtrotroso ng mga pribadong korporasyon sa pamamagitan ng anim
na Integrated Forest Management Agreement (IFMA) na sumasakop sa 53,578 ektarya
ng rehiyon. Kasama rito ang IFMA na ibinigay sa Vicmar Development Corporation ng
ARMM, na may 3,340 ektarya sa karatig na Lanao del Sur at sa Southwoods Timber
Corporation na may 11,476 ektarya sa Misamis Oriental, 120 kilometro mula sa CdO.
Matagal na itong tinutulan ng mamamayan pero nagbulag-bulagan ang lokal at
pambansang pamahalaan. Kahit na inaatasan ang mga korporasyon na magtanim ng
punong-kahoy, madalas hindi pa rin ito ipinapatupad.

Marahil ay nagsisisi rin ngayon ang Pangulo kung bakit hindi niya inaprubahan
ang hininging P5 Bilyong badyet ng disaster preparation sa 2011 calamity fund; sinabi
pa nga na marapat gamitin na lamang ang pera para tugunan ang mga aktuwal na
kalamidad. Nagkatotoo nga ito; at ngayon ay lalong malulunod ang Pilipinas sa
dayuhang pautang para maibsan ang epekto ng Sendong.Mahalaga ang siyensiya. Kung
gagamitin ito sa wasto at maagap na paraan, mas maayos na matutukoy at
matutugunan ang mga banta sa buhay ng mga mamamayan. Ipinakita ng trahedya na
dapat lamang maging mas siyentipiko ang pagtugon ng pamahalaan sa
mga disaster. Hindi laging sasapat ang ayudang pang-relief at emergency, lalo na kung
lagi namang binabagyo ang bansa. Dapat maging handa sa lahat ng antas—teknikal,
pinansiyal, patakaran, edukasyon, at iba pa—at dapat may malawak na partisipasyon at
boses ang mga mamamayan sa bawat yugto nito.Pero hindi lang dapat magtapos
sa disaster preparedness. Higit na mahalaga ang maka-kalikasan at maka-
mamamayang pananaw at paraan ng pagtugon.

Malinaw sa kasalukyang trahedya na magkakaugnay ang usapin ng kahandaan para sa


sakuna, pangangalaga sa kalikasan, at pag-unlad na nagtataguyod sa kapakanan ng
mga mamamayan. Dapat harapin ang ugat ng pagkasira ng ating kalikasan at ang
bulnerabilidad ng mga mamamayan sa disaster. Mauulit lamang ang trahedya ng
Bagyong Sendong kung hindi ito matugunan.
(https://www.pinoyweekly.org/2011/12/pagbaha-ng-trahedya/)
Konseptwal na Balangkas

RESULTA
Sa pananaliksik na ito ay
malalaman kung ilang
porsiyento ng mga residente
sa Baranggay Pala-o ang
nakaranas ng pagdating sa
suliraning nakaatas sa
kanilang lugar. Sa
INPUT pamamagitan nito malalaman
ang malalaking porsiyento ng PROSESO
Demograpikong Batay sa sarbey na ito, ay
pagkakilanlan ng mga mga mamamayan na
nakaranas nito. itatally ang mga napiling sagot
kalahok galing sa mga residente sa
1.Edad Baranggay Pala-o at
-Ang mga residente na simula sa kokompyutin sa pamamagitan
edad na labing-anim(16). ng pormula ng porsyinto
2.Kasarian upang malaman ang anatas ng
-Sinasakop ang pag-aaral na ito Pananaw: mga residenteng nakaranas ng
ang lahat ng klase ng kasarian pagbaha sa kanilang lugar.
babae man o lalaki.
Ang pagbaha Matapos ang pagsuri ng
3.Antas sa Baranggay porsiyento ng bawat tanong ay
bibigyan na ito ng maikling
- Ang mga residente sa
Baranggay Pala-o
Pala-o deskripsyon na naglalarawan
ng resulta.

INPUT
Nais ng mga mananaliksik na PROSESO
masuri ang antas ng mga Ang pananaliksik na
residente sa Baranggay Pala- gagawin ay deskriptibo at
o sa pamamagitan ng sarbey na pananaliksik.
pagsasasagawa ng Ang mga mananaliksik
paglilimbag ng mga namamhagi ng mga
kwestyuner na naglalaman kwestyuner na naglalaman
ng pagksang pag-aaralan. ng mga tanong na may
Ang kwestyuner na ito ay kinalaman sa pagbaha sa
gagamitin para sa sarbey at kanilang lugar upang
ikakalat sa ibat-ibang panig masuri ang antas ng mga
ng Baranggay . residente tungkol sa
usaping ito.

You might also like