You are on page 1of 7

1

I. PANIMULA

Isa sa pangunahing isyung pampulitika na kinakaharap ng Pilipinas ay ang

Korapsyon. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang na walang pagbabago sa

ating bansa. Mayroon itong malaking epekto sa ating bansa gayun nadin sa mga taong

nasasakupan nito. Hindi makaalis-alis sa kahirapan ang Pilipinas at hindi makapagbigay

ng trabaho sa mga Pilipino. Ilan lamang iyan sa mga masamang epekto ng Korapsyon.

May roon mang mga batas na ipinatupad upang labanan ang korapsyon, hindi padin ito

naging sapat upang matigil ang masamang gawain na ito. Marami pa din ang naihahalal

sa posisyon na patuloy na gumagawa ng gawaing ito na nagiging dahilan ng

pagkawalang galang sa batas. Mahalaga na pag-aralan ang korapsyon upang

maliwanagan tayo kung ano nga ba ang iba’t-ibang uri nito upang tayo na mismo na ang

makatapos ng suliraning ito at upang maiwasan ang koapsyon. Mahalagi din na

pagtibayin ang mga ipinatupad na batas upang mas lalong tumubay at matugunan ang

hinaing ng mga Pilipino tungkol dito.

II. LAYUNIN

Isa sa primaryang layunin nito ay upang mamulat ang mga Pilipino sa iba’t-ibang

uri ng korapsyon. Ito ang magiging batayan at dahilan upang malaman natin kung sino

ang mga patuloy na gumagawa nito at upang maiwasan ang korapsyon. Isa ding layunin

nito ay upang malaman ng mga Pilipino ang mga batas na maaring malabag kung

sakaling sila ay makagawa ng korapsyon ng sa gayun ay matakot sila sa mga posibleng

mangyari kung sila man ay mahuhuli. Bukod dito nais din ng pamanahong papel na ito

na ito’y makatulong sa mga Pilipino na mamulat na sa mga tamang gawain na dapat ay


2

ginagawa ng isang mamumuno ng sa gayun ay atin ng tuluyan na mawakasan ang

korapsyon.

III. DISKURSO/REPORT

Korapsyon/Katiwalian. Ano nga ba ang korapsyon o katiwalian? Ang korapsyon ay

isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon. Ito ay

ang pag-aabuso sa hawak na possisyon upang magkaroon ng pakinabang. Samatalang

ang katiwalian naman ay isang anyo ng political na korapsyon kung saan ang opisyal ng

pamahalaan ay nagkamal ng pinansyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na

paraan.

Mayroon tayong pangkalahatang uri ng korapsyon at ito ay ang:

1. Petty na korapsyon ito ay kadalasang ginagawa ng opisyal na nasa pinakamababa

hanggang sa panggitna.

2. Grand na korapsyon ito naman ay ginagawa ng mga nasa matataas na posisyon at

kasdalasang nakakaapekto sa mga polisiya at tamang paggana ng burukrasya.

3. Systematic na korapsyon ito naman ay ang sitwasyon na halos lahat ng grupo ang

kasabwat sa koprapsiyon.

Mayroon din tayong uri ng korapsyon at ito ay ang mga sumusunod:

Embezzlement o paglustay Ito ay pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan

nito. Karaniwang ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglustay o maling paggamit ng

pondo ng pamahalaan. Sumunod naman ay ang Bribery O Lagay System Iyo ay pag-

aalok, pagbibigay, pagtanggap o paghingi ng ano mang bagay na may halaga upang

impluwensyahan ang mga aksyon ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan.


3

Mayroon din tayong Fraud o Pamemeke Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang sa

layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo. Isa ring uri ay ang

Extortion o Pangingikil Isang ilegal na paggamit ng kapangyarihan. Ito ay tumutukoy sa

panghuhuthot, panghihingi o sapilitang pagkuha ng salapi. Isa ding uri ay ang Tax

Evasion Ito ay talamak sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong

pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na

buwis sa pamahalaan. Mayroon ding Ghost Project o Ghost Payroll Ang mga hindi

umiiral na proyekto ay pinopondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral

na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance.

Isa din ay ang Evasion of public bidding in the awarding of contract o Pag-iwas sa

pagsusubasta sa publiko a pagkakaloob ng mga kontrata Upang makaiwas sa public

bidding ang mga ahensiya ng pamahalaan ay gumagamit ng estratehiya kung saan ito ay

bibili nang paisa-isa o patingi-tingi na suplay at mga kagamitan imbes na bilhin ito nang

isanag bagsakan o maramihan upang hindi umabot ang halaga sa presyong itinatalga ng

batas na dapat sumailalim sa public bidding. Mayroon ding Passing of Contacts o

Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa Ito ay isang kompanya na

nakakuha ng kontrata mula sa pamahalaan upang gawin o isagawa ang isang proyekto.

Karaniwang nagpapasahan ng mga kontrata ang mga contractor. Habang nagaganap ang

pagpapasahan ay nakapagtatago ng isang maliit na porsyento ng halaga ng proyekto ang

bawat pinagpasahang contractor. Isa pa ay ang Nepotismo at Paboritismo Ang mga

matataas na opisyal ay maaring maglagay o humirang ng mga kamag-anak at kaibigan sa

mga posisyon ng pamahalaan kahit hindi kwalipikado. At ang huli ay ang

Tong /Protection Money uri ng suhol na ibinibigay ng mga mamamayan sa mga


4

tagapagpatupad ng batas upang sila ay maprotektahan mula sa mga iligal na gawain.

Samatala Ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 ay lumikha ng mga katawan na

konstitusyonal upang sugpuin ang graft at korapsiyon at epektibong maipatupad ang mga

probinsiyan ng pagpapanagot na pampubliko. Ang mga katawang ito ay pinagkalooban

ng kapangyarihang piskal upang masigurado ang kanilang kalayaan at mga aksiyon ay

maapela lamang sa Kataas-taasabg hukuman. Una ay ang Commission on Audit (COA)-

ang bantay sa mga operasyong pangsalapi ng pamahalaan.Pangalawa ay ang Office of

the Ombudsman(OMB) siala naman ang nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong

inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagsisilbing “people’s

watchdog” ng pamahalaan. Pangatlo ay ang Sandiganbayan ito ay isang hukumang anti-

graft sa Pilipinas. It ay may hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at kriminal na

kinasasangkutan ng mga kasanayang graft at corrupt at ibang gayong mga paglabag na

ginagawa ng mga opiser at empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa

pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko. At ang

panghuli ay ang Civil Service Commission (CSC)- ang sentral na ahensiya ng tauhan ng

pamahalaan na inatasang magtatag ng isang sebisyong karera at magtaguyod ng moral,

kaigihan, integredad, pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa sibil.

Ang Republika ng Pilipinas ay nag patupad ng iba’t-ibang batas upang sugpuin ang

korapsyon. Ito ay ang mga sumusunod;

Artikulo XI ng Saligang batas ng Pilipinas ng 1987 na pinamagatang Pagpapanagot

ng mga Opiser na Pampubliko ayon sa Seksiyon 1. Ang opisinang pampubliko ay isang

pagtitiwalang pampubliko at sa Sekyison 2. Nagsasaad na ang Pangulo, Pangalawang

Pangulo, mga kasapi ng mga komisyong pang kontitusyonal at ombudsman ay maaring


5

alisin sa posisyon nito sa pamamagitan ng impeachment para sa panunuhol, graft at

korapsiyon. Nakasaad naman sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt

Practices Act of 1960)- ay nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng anumang

oipiser na pampubliko, nagdedeklara sa mga ito na hindi naaayon sa batas at nagbibigay

ng mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo ng 6 hanggang 15 taon) at walang

katapusang diswlakipikasyon mula sa pagtakbo sa opisinang pampubliko. Ayon naman

sa Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at Seksiyon 8 ng

Republic Act No. 6713 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga

Opisyal at Empleyadong Pampubliko" ay nag-aatas na magsumite ng Statement of

Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kada taon. Isinasaad naman sa Executive

Order No. 292 o Administrative Code of 1987- Ito ay nag bibigay din ng kapangyarihan

sa Pangulo na magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga ari-arian ng mga

opisyal at empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito nang hindi naaayon sa batas.

Isa din sa mga umiiral na batas ay ang Republic Act No. 6713 na kilala rin bilang Code

of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees of 1989 ay

nagtataguyod ng isang mataas na pamantayanng etika at nag-aatas sa lahat ng mga

tauhan ng pamahalaan na gumawa ng isang tumpak na mga pahayag ng ari-arian at

liabilidad, ibunyag ang kanilang net worth at mga ugnayang pang salapi. Ang Republic

Act No. 6770 na kilala rin bilang Ombudsman Act of 1989 ay nagbibigay ng

organisasyong pangtungkulin at pang-istruktura ng Opisina ng Ombudsman.

Samantalang ang Republic Act No. 7080 na kilala rin bilang Act Defining and Penalizing

the Crime of Plunder ay nagpaparusa sa sinumang opiser na pampubliko na sa kanyang

sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa


6

ugnayan o kadugo, mga ka-negosyo ay lumilikom o nagkakamit ng masamang nakuhang

kayamanan sa pamamagitan ng isang pagsasama ng sunod sunod na mga pangyayari ng

aktong kriminal na may kabuuang halaga ng hindi bababa sa 50 milyong piso

(P50,000,000). Ayon naman sa Republic Act No. 8249 na kilala rin bilang Act Further

Defining the Jurisdiction of the Sandiganbayan ay umuuri sa Sandiganbayan bilang isang

espesyal na hukuman at naglalagay rito na katumbas ng Hukuman ng Apela. Iyan ang

mga umiiral na batas sa Pilipinas kontra sa Korapsyon ngunit sabi nga ilan na batas sa

Pilipinas ay walang ngipin kung kayat hindi ganoon kahigpit ang pagpapanagot sa mga

taong nakagawa ng korapsyon.

IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Napakaraming maiaambag ang pag-aaral na ito sa mga tao. Ito ay maaring

makatulong sa mga Pilipino. Ang kahalagahan nito sa

Sa Administrasyon - upang mamulat sila sa mga gawaing pang korapsyon at maitama

nila ang mga maling gawain na ito upang sila ay mas pagkatiwalaan ng tao.

Sa Komunidad - upang magkaroon ng kaalaman at husay sa pag-pili ng ihahahal sa

pwesto. At upang mawala ang korupsyon sa lugar kung saan sila nabibilang

Sa mga Magulang- upang sila ay mamulat sa iba’t-ibang uri ng korapsyon at upang

maituro nila sa kanilang mga anak ang masamang dulot na korapsyon

Sa mga Guro- upang mas lalong lumawak ang kanilang kaalaman tungkol sa korapsyon

magiging dahilan ng mas magandang paguturo nito sa eskwelahan.

Sa mga Estudyante- Upang tuluyan na malinawan sa mga uri ng korapsyon ng sa gayun


7

at ito ay tuluyan ng mawawala sa panahon na sila na ang mga mamumuno.

V. KONKLUSYON

Malaking suliranin ngunit mayroon pa ding malaking tyansa upang masugpo. Kung

ang lahat ng Pilipino ay magkakaisa upang labanan ang korapsyon ay maari pang

masulosyonan ito. Kung lahat ay mulat sa katotohanan at may sapat na nalalaman

tungkol dito ay mas magiging maayos ang takbo ng sistema ng politika sa bansa. Kaya

mas mainam na habang nag-aaral pa lamang ang mga estudyante mahalagang malaman

na nila ang iba’t-ibang uri ng orapsyon ng sa gayon ay maliwanagan na sila at mas lalong

katakutan ang mga batas na kaakibat nito. Kagaya nga ng sinabi ng ating pambansang

bayani na si Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa na bayan, sila ay ang

natatanging pag-asa upang masugpo ang malawakang korapsyon sa bansa. Sa

pamaagitan ng pagpapalawak ng kanilang kaisapan at pagpapaliwanag sa kanila ng mga

masasamang epekto nito sa lipunan ay maari pa natin itong maiwasan.

VI. TALASANGGUIAN

www.bing.com/search?q=Mga+Anyo+ng+Korapsyon&qs=n&form=QBRE&sp=-

1&pq=mga+anyo+ng+koraps&sc=0-

18&sk=&cvid=234BEA49DC1D4F79A39A1013173A8E73

https://tl.wikipedia.org/wiki/Korupsiyon_sa_Pilipinas

You might also like