Professional Documents
Culture Documents
Anjanette D. Cunanan
HRM
301E
Augusto 23,
2016
1. Pang-unawang literal
a. Pagkilala / Panimula
Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o
pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa
kawalan ng integridad at karapatan. Ito ay karaniwang
tumutukoy sa pampulitika na korapsiyon na nangyari
kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa
pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang
opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na
talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na
kawalang nais na pag-aasal.
b. Paggunita
Maalala natin na ang plataporma ng nakaraang
administrasyon ni Benigno Aquino III, ang tuwid na daan,
ay naaayon sa pagsugpo ng korapsyon. Ang kaban ng
bayan ay nangangahulugang kayamanan ng bayan kung
saan ditto nilalagay ang mga buwis na binabayad ng mga
tao sa ating bansa. Ginagamit ito upang matustusan ang
pangangailangan ng isang bansa upang makapagtaguyod
ng mga proyekto na magpapaunlad ng ating bansa. Ito ay
nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.
Napakatagal na panahon na kaakibat ng salitang
pulitika ang korapsyon. At hindi kaila sa atin na
kapag naririnig natin ang salitang pulitika at
gobeyerno, pumapasok at pumapasok pa rin ang
salitang korapsyon. Kabilang sa mga paraan ng
korapsyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft,
panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa
likurang pintuan, at nepotismo. Maraming ahensiyang
nilikha upang sugpuin ang korapsyon sa Pilipinas tulad ng
Office of Ombudsman (OMB), Civil Service Commission
(CSC), Commission on Audit (COA), at Sandigang Bayan na
ang layunin nilay magsilbing hadlang at sumugpo sa mga
opisyales sa gobyerno at sa mga taong nananamantala sa
kaban ng bayan. Ganun pa man ang korapsyon ay patuloy
pa ring laganap sa kadahilanang ang mga nasabing
2. Interpretasyon
a. Pagbibigay Kuro-kuro o Opinion
Naniniwala ako na marami ang dahilan kung bakit
naghihirap ang karamihan sa ating bansa. Ang ating bansa
ay kulang sa pagtutulungan. Tayo din naman ang
naglalagay sa mga opisiyal sa kanilang mga posisyon, tayo
ang pumili sa kanila dahil na rin sa paniniwala sa kanilang
mga pangako. Mga pangako na iilan lang ang natutupad.
Naghihirap ng husto ang iba nating mga kababayan dahil
sa korapsyon at sa kurakot na mga opisyales, mas pinili
kasi nilang ibulsa ang pondo kaysa sa itulong sa mga
nangangailangan.
3. Kritikal, Mapanuring Pagbasa
a. Pagkuha ng Mahalagang Detalye
Isa ang Pilipinas sa pinaka-corrupt na bansa sa buong
mundo. Nangunguna ang Afghanistan, North Korea at
Somalia. Wala man sa top 10 ang ating bansa sa pinakacorrupt na bansa, an gating bansa ay kasama pa rin sa top
30. Halos 70% ng mga bansa sa mundo ay nagdadanas ng
korapsyon kaya bumabagsak ang mga ito. Ang Denmark at
New Zealand ay ang mga bansa na may pinaka mababa
ang korapsyon sa 200 bansa. Ang mga kaso ng korapsyon
sa mga bansang hindi umabot sa 50% transparency ay
nasasagasaan ng husto ang mga mahihirap. Nagsimula
naman ang korapsyon sa Pilipinas sa mga barangay pa
lamang paakyat sa mga
ahensya ng gobyerno. Ang
kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng
local na pamahalaan noong 2011. Ang Pilipinas ay
karanggo ng mga bansang Algeria, at Mexico. Ang 30% na
pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala
dahil sa graft at korapsyon kada taon.
4. Paglalapat / Aplikasyon
a. Pagbibigay konklusyon