You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Korapsyon sa Pilipinas

Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang


pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang
dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at
makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil
sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na
nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang
mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.
Ang korapsyon sa Pilipinas ay isang malubhang suliranin na nangangailangan ng epektibong
solusyon. Ilang nagdaang administrasyon na nga ba ang nangakong wawakasan ang suliraning
ito? Sa bandang huli pala ay kabilang din sila sa mga kurakot.

Masigasig ang kampanya laban sa katiwalian at korapsyon ng kasalukuyang administrasyon ni


Pnoy. Ito ang kanyang pangunahing plataporma. Ang “Tuwid na Daan” ang nagluklok sa kanya
sa pwesto. Pero ang nakakalungkot lang ay tila ba may pinipili ang batas laban sa korapsyon.

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito.


Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas
ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang
pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa
mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon sa Ombudsman’s Finance and Management Information
Office, ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong
2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang
Philippine National Police (PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa
Ombudsman noong 2011.
Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong
2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau
of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs
(177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social
Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso).[1] Noong 2012, ang
Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na
rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa
publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia,
Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat
na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Korupsiyon_sa_Pilipinas

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2014/07/13/ang-korapsyon-sa-pilipinas/

You might also like