You are on page 1of 3

GUIDED GENERALIZATION FOR UNDERSTANDING TEMPLATE

Ang korapsyon sa pilipinas

Balitang-balita sa ngayon ang pagkakakulong ng tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Junggoy Estrada dahil sa kasong inerereklamo sa
kanila na plunder o pandarambong. Ayon sa ulat ng media, and tatlong senador di umano ay nakipagsabwatan sa tinguriang pork barrel queen na si janet Lim
Napoles upang magkmal ng limpak limpak na salapi. E ano nga ba ang bago sa balitang ito?

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit panay sa kalabang partido ang mga naaakusahan? Ang ibig sabihin ba nito ay “demonyo” ang mga nasa oposisyon at
“Santo o Anghel”ang kakampi ng pangulong Aquino? Lumalabas tuoly na tila ay pulitika ang pangunahing dahilan.

Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang
mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nurse doctor gamut at makabagong kagamitan; mababa ang kalidad
ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa n nagiging
dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa n gating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.

Ang korapsyon sa Pilipinas ay isang malubhang suliranin na nangangailangan ng epektibong solusyon. Ilang nagdaang administration n nga ang nangakong
wakasan ang suliraning ito? Sa bandang huli ay kabilang din sila sa mga kurakot.

Masigasig ang kampanya laban sa katiwalian at korapsyon ng kasalukuyang administration ni P-Noy. Ito ang kanyang pangunahing plataproma. Ang “tuwid na
daan” ang nagluklok sa kanya sa pwesto. Pero ang nakakalungkot lang ay tila ba may pinipili ang batas laban sa korapsyon.

Kapag kaaway sa pulitika ay agad nakukulong, ngunit kapag kaalyado naman ay tila tama dang pamahalan sa paghahanap, pag iimbestiga at pangangalap ng
ibidensya.

Hindi at ganito rin ang nangyari sa nagdaang administration ni Gloria.

Kung ganito ang systema sa paglaban ng korapsyon- kampihan at may kinikilingan- mas mabuti pa sigurong…….. kayo na po ang tumapos sa linyang ito.

Questions: (TEKSTO)

EQ: Paano nakakaapekto ang isyung pampulitikal sa ating buhay, pamahalaan, bansa at daigdig?

1. Ano ang corruption?


2. Tungkol saan ang nabasang teksto?
3. Ano ang posibleng mangyari sa bansa kung patuloy ang corruption?
4. Paano matuldukan ng pamahalaan ang suliraning ito?

Question: (Word Collage)


1. Anu-ano ang mga angkop na salita na tumutugma sa salitang corruption na makikita sa poster?
2. Anong bansa ang makikita sa larawan?
3. Sa inyong sariling pananaw, magbigay ng iba pang kahulugan ng corruption.
Question:(Video Analysis)

1. Ano ang napansin ninyo sa ating video presentation?


2. Sa pagkakaalam ninyo, sinu-sino ang mga taong sangkot na sa ganitong kaso?
3. Ibuod ang pinanuod ninyong video, pagkatapos iprisenta ito sa mga kapwa kamag-aral at pakinggan ang kanilang mungkahi.

You might also like