You are on page 1of 1

Aubrey C.

Regunayan
10 – Rizal
“Tamis ng Dila”

“Aalisin ko ang korapsyon”. Isa yan sa madalas nating mapakinggan sa panahon ng kompanya.
Nakakarindiri man pero yan ang katotohanan. Madami ang nagsasabi at nangangako na aalisin nila ang
mga salot sa lipunan at susugpuin ang korapsyon kapag sila na ang nahalal sa pwesto. Karamihan sa atin
au nabubuyo nila dahil sa tamis ng kanilang pananalita.

Ang salitang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga sambayanang Pilipino. Napakasakit man isipin na
dahil sa kagagawan ng mga taong ating pinagkatiwalaan ay siyang magiging dahilan ng paghihirap at
pagkagutom ng karamihan sa lahat.   Hindi kaila sa atin na kapag naririnig ang salitang pulitika at
gobyerno pumapasok at pumapasok parin ang salitang korapsyon. Ito ay wala sa malaking sistema kundi
matatagpuan sa indibidwal na tao. Bawat isa sa atin ay may kakayahan para magkaroon ng korapsyon.
Ang simpleng pangongopya, pagbibigay ng lagay upang mas mapabilis ang transaksyon, pagnanakaw ay
ilan lamang na porma ng korapsyon. Karamihan sa mga ospital ay kulang ng nurs, doctor, gamot, mga
makabagong teknolohiya o kagamitan, mababa ang kalidad ng edukasyon, marami ang mga taong
walang trabaho at nangingibang-bansa upang hanapin ang kanilang kapalaran. Ilan lamang ang mga yan
sa mga epekto ng korapsyon sa ating buhay at higit sa lahat sa ating bansa. Isa sa pinakamasahol na
porma ng korapsyon ang Disbursement Acceleration Program o DAP na kamakaila’y idineklarang iligal
ng Korte Suprema. Marami na ang nagdaang administrasyon na nangakong wawakasan ang suliraning
korapsyon pero sa bandang huli kabilang din sila sa mga kurakot. Ang “Tuwid na Daan” ang plataporma
ng kasalukuyang administrasyong Pnoy na siyang nagluklok sa kanya sa pwesto. Pero nakakalungkot
lang isipin na tila ba may pinipili ang batas laban sa korapsyon. Kapag kaaway sa pulitika ay agad na
nakukulong, ngunit kapag kaalyado naman ay tila tamad ang pamahalaan sa pag-iimbistiga at
pangangalap ng ebidensya. Sa mga ganitong sitwasyon ipinapakita lamang na may pinapanigan ang
pamahaloaan, hindi pantay-pantay ang karapatan at walang katarungan. Hindi matatanggal sa pag-iisip
ng lahat, na kapag korapsyon ang pinag-uusapan siguradong gobyerno kaagad ang salarin.

Ang punto ko dito ay huwag sana tayong agad-agad naniniwala at nagpapadala sa tamis ng
pananalita ng mga gobyerno lalo na ang mga pulitiko dahil siguradong kapahamakan ang naghihintay sa
atin sa hinaharap. Sa pagpili ng mga kandidato na ihahalal huwag sanang padadala sa kanilang mga
sandamakmak na pangako. Alalahanin natin na tayo ay nakatira sa bansang may demokratikong
pamamahala. May kalayaan tayo na pipili ng kung ano ang sa tingin natin ang mas karapat-dapat.

You might also like