You are on page 1of 1

Teacher’s Diary Review

Isang ordinaryong kwaderno na may apat na sulok kung iyo lamang pagmamasdan ngunit kung ito’y
iyong bubuklatin ito ay naglalaman ng pambihirang karanasan at napakahalagang kwento. “Teacher’s
Diary” ang pamagat ng pelikulang ito dahil ang kwento ay umiikot tungkol sa Diary ni Miss Ann.

Si Miss Ann ay magaling na guro ngunit hindi tinanggap sa pormal eskwelahan dahil sa kaniyang tottoo
sa braso. Upang patunayan sa Punong Guro na hindi hadlang ang pagkakaroon ng tattoo sa katawan
upang magawa ang kaniyang pagmamahal at dedikasyon sa pagtuturo, pumayag siyang ipadala sa
“House Booth School” sa Thailand kung saan matatagpuan ang paaralan sa gitna ng ilog. Malayo sa
sibilisasyon, walang kuryente at walang signal. Bukod sa mga problemang ito ay limang estudyante lang
ang kaniyang tuturuan na mula pa sa iba't-ibang baitang. “Sinong mag aakala na dito pala ako dadalhin
ng aking mga tattoo sa braso.” ang linyang ito ay kaniyang pinanindigan at sa araw-araw na pananatili
niya sa House Booth School siya ay nagsusulat sa kaniyang Diary. Ang Diary na ito ang nagsilbing
inspirasyon sa kasalukuyang guro dito. Si Mr. Song, dating wrestler ang bagong guro sa House Booth
School. Dahil sa kakulangan sa karanasang magturo siya ang napiling ipadala ng Punong Guro.

Sa simula'y nahirapan si Song na mag-adjust sa bagong buhay ngunit nang mapasakamay nito ang diary
ni Miss Ann ay nagkaroon ito ng kumpiyansa sa sarili. Sa tulong ng naturang diary ay naitawid nito ang
mga bata sa isang maayos na pag-aaral. Hindi naging madali ang kaniyang pananatili rito. Nang sila ay
hagupitin ng isang napakalakas na bagyo nagawa nitong sirain ang Diary at House Booth School na
nagdulot ng malalang trauma sa mga bata. Ngunit tulad ng isang Bamboo nanatiling matatag si Mr. Song
at ang mga bata. Nagtulong tulong sila upang ito’y muling buoin at ayusin. Ang diary na ang naging
katuwang ni Song sa araw-araw na pagsubok. Ito ang nagbigay aliw sa kaniyang buhay dito at ang naging
kaniyang inspirasyon sa pagtuturo at naging katulong sa paglutas ng mga problema. Hindi man nakilala
ni Song ng personal si Miss Ann na nasa likod ng diary, ay unti-unting nahulog ang loob niya dito. Ngunit
agad ding nawasak ang namuong pag-ibig nito nang mapag-alaman niyang malapit nang ikasal ang
babaeng nagmamay-ari ng diary.

Katulad ng isang guro, maraming aral na maituturo ang pelikula sa bawat isa. Katulad na lang ng
pagbibigay importansya sa edukasyon na marami sa atin ay hirap itong pahalagahan sa kabila ng dami ng
batang napagkaitan nito dahil sa kahirapan. Magsisilbi rin itong inspirasyon hindi lang sa mga guro na
mas magpursigi sa pagtulong sa mga batang nangangailangan ng kaalaman kundi maging sa mga mag-
aaral na igalang at respetuhin ang mga paghihirap na nararanasan ng mga guro sa kanilang propesyon.
Bawat guro ay may kani kaniyang paraan ng pagtuturo, at kung ito ang paraan upang matututo sila. Ito
ang dapat gawin. “Ang pagiging isang guro ay hindi lang puro sa ABAKADA at mga NUMERO.” wika ni
Miss Ann.

Ang pelikulang ito ay NAPAKAHUSAY! dahil sa pamamagitan ng pelikulang ito naipasilip sa atin ang
buhay ng mga batang hindi nabiyayaan ng atensyon. Kung papaano nila iginapang ang pag-aaral
makamit lang ang kanilang pangarap. Pagdating naman sa aspeto ng romansa at komedya, hindi ako
binigo sa aking inaasahan dahil hindi nagkulang ang pelikulang ito, tagos sa puso ang bawat linya at
damang dama ko ito. Ang tambalan ng dalawang Bida ay sobrang nakakahumaling kahit na walang
interaksyon. Kung teknikal naman ang pag-uusapan, may mga pagkakataong mabagal ng usad ng istorya
at dahil ito makaluma mababa ang kalidad ng Sinematograpiya. Sa kabuuan inirerekomenda ko itong
Teacher’s Diary.

You might also like