You are on page 1of 23

Naranasan mo na bang

tuksuhin o manukso ng kapuwa


mo mag-aaral? Kung ikaw
naman ay palaging tinutukso
ng iyong mga kalaro o kaklase,
madali ka bang mainis o
magtampo?
TUKLASIN
Sally, Batang Mapagtimpi
Buwan ng Agosto. Ang mga mag-aaral ay
naghahanda ng isang palatuntunan upang
ipakita kung paano maipagmamalaki ang
sariling wika.
TUKLASIN
Isang umaga, ibinalita ni Bb. Susan
Cruz sa kaniyang mga mag-aaral na
Pangkat Rosas ang tungkol sa
gaganaping dula-dulaan. “Mga bata,
magkakaroon tayo ng palatuntunan
tungkol sa pagpapahalaga sa sariling
wika. Tayo ay magpapakita ng isang
dula-dulaan. Pipili ako ng mga
gaganap,” wika ng guro.
TUKLASIN
Tuwang-tuwa ang mga bata. Sabay-sabay
silang nagsabi ng kanilang interes para
gumanap sa dula-dulaan. “Puwede po ba ako,
Ma’am? Maganda po ang boses ko. Maaari po
akong kumanta,” ang sabi ni Romeo. “Ako po
ay marunong sumayaw,” sabi naman ni
Haydee. “Ma’am, sanay po akong sumulat ng
script,” ang buong pagmamalaking sabi ni
Roy. “Lalo po ako, nakababasa nang may
damdamin,” dagdag ni Rommel. “Bb. Cruz,
magaling po ako sa drama,” ang sabi ni Sally.
TUKLASIN
Biglang may nagsalita na kaklase mula sa
bandang likuran. “Ma’am, huwag po ninyong
piliin si Sally. Hindo po siya sanay magsalita ng
Filipino.” Sabay-sabay na nagsipagsalita ang
mga bata, “Inglisera, Inglisera!”
Gustong-gusto nang magalit ni Sally at
magbitiw ng masasakit na salita ngunit naalala
niya ang palaging tagubilin ng kaniyang mga
magulang, “Huwag kang maiinis o magagalit
kapag ikaw ay tinutukso. Magtimpu ka sa
iyong sarili para wala kang kaaway.”
TUKLASIN
Kaya napagisip-isip ni Sally na dapat
niyang gawin ang tamang bilin ng
kaniyang magulang.
Hindi nakatiis si Bb. Cruz.
Pinangaralan niya ang mga mag-aaral.
Sinabi niya na dapat pamarisan si Sally
sapagkat siya ay naging mapagtimpi.
Hindi siya nagalit o nainis nang siya ay
tuksuhin ng mga kamag-aral.
SURIIN
1. Isa-isahin ang mga kaganapan sa
paaralan kung bakit tuwang-tuwa ang
mga bata sa kuwento.
2. Sino ang bata na naging tampulan ng
tukso sa kuwento? Bakit?
3. Ano ang reaksiyon ng mga kaklase sa
naisin ni Sally?
4. Paano tinaggap ni Sally ang
pangyayari? Bakit?
SURIIN
5. Patunayan ang malaking tulong
ng nanay ni Sally sa kanyang pag-
uugali.
6. Ano ang ipinangaral ni Bb. Cruz
sa kaniyang mga mag-aaral?
7. Kung ikaw si Sally, ano ang
iyong gagawin kung tinutukso ka ng
iyong kaklase?
PANGKATANG GAWAIN

Naglalaro ng holen sina Rudolf at


Rey. Natalo si Rey kaya siya ay
nagsalita ng masama. Kung ikaw si
Rudolf, ano ang gagawin mo?
Ipakita ito sa klase.
TANDAAN:
Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang
ugali na dapat isabuhay. Gaya ng ating mga magulang,
sila ay nagpapakita ng pagiging mapagtimpi sa
pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ang ating mga guro
ay ganoon din. Sa kabila ng mga kaguluhan, kakulitan
at pagiging pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan
nilang magalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang
ipaalam sa mga mag-aaral na kailngan ang ugaling ito
para sa Magandang pakikisalamuha at pakikipagkapwa-
tao. Naipakikita sa ugaling mapagtimpi ang
pagmamahal na tapat sa isang tao.
TANDAAN:
Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa
pakikipag-away. Dahil hindi siya madaling
magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng
marami: sa pamilya, paaralan, o
pamayanan.
Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin
ang magtimpi. Sa ganito, magiging positibo
ang pakikisalamuha natin sa kapwa saan
man tayo tumungo.
TAYAHIN
Iguhit ang kung ikaw ay kayang
magtimpi at malungkot na mukha kung
hindi.
1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit
madami akong ginagawa ay nasunod ko ang utos
niya.
2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na
laruan sa kuwarto ng nakababata kong kapatid,
muli niyang itinapon ang mga ito sa aking
harapan.
TAYAHIN
3. Naisasaayos ko angmga gamit na naiwan ni
Ate sa loob ng silid tanggapan kahit may utos
pa sa akin si Ama na pakainin ang aming aso.
4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hindi
ko siya iniintindi sapagkat marami akong
ginagawang takdang-aralin.
5. Punong-puno na ang aming basurahan,
inutusan ko ang aking nakababatang kapatid para
itapon ito ngunit ako ay kanyang ininis at
tinakbuhan.
Gumuhit ng isang
pangyayari sa iyong buhay
na nasabi mong nagpakita ka
ng pagtitimpi. Gawin ito sa
bondpaper.
1. Kayo ba ay may nakababatang
kapatid?
2. Paano kayo nagiging ate o kuya sa
kanila?
3. May mga pagkakataon bang
nasusubok ang inyong self-control o
pagtitimpi?
TUKLASIN
Tingnan at pag-aralan ang nasa larawan.
SURIIN
1. Ano ang masasabi mo sa
ipinakikita sa larawan?
2. Kung ikaw ang batang nasa
larawan ano ang gagawin mo?
3. Paano mo maipapakita ang
pagiging mapagtimpi sa
ganitong mga sitwasyon?
PANGKATANG GAWAIN

(Role Playing)
Gumawa ng isa dula-dulaan
na nagpapakita ng ugaling
mapagtimpi. Ipakita ito sa
klase.
TANDAAN:

Ang pagtitimpi ang


dumidisiplina sa emosyon
upang hindi mapunta sa
maling paghahangad ang kilos
na makasisira sa pagkatao.
TAYAHIN
Iguhit ang kung magandang dulot ng
pagtitimpi at kung hindi.
1. Nalalayo sa anumang away o gulo.
2. Kinagigiliwan ka ng marami.
3. Madalas kang mapapaaway sa ibang tao
4. Madami ang nagagalit sa iyo.
5. Magiging positibo ang pakikisalamuha
natin sa kapwa saan man tayo magtungo.

You might also like