You are on page 1of 22

ESP 4

QUARTER 1 WEEK 8
Mapagtimpi (Self-Control)
Concept Notes:
Ang pagiging mapagtimpi ay isang
pinakamahalagang ugali na dapat isabuhay. Ang taong
mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag-away. Dahil hindi
siya madaling magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng
marami’sa pamilya, paaralan o pamayanan.
Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin
ang magtimpi. Sa ganito, magiging positibo ang
pakikipagsalamuha natin sa kapuwa saan man tayo
tumungo.
Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga
katanungan.

Sally, Batang Mapagtimpi


Buwan ng Agosto. Ang mga mag-aaral ay naghahanda ng isang
palatuntunan upang maipakita kung paano maipagmamalaki ang
sariling wika.
Isang umaga, ibinalita ni Bb. Susan Cruz sa kanyang mga
mag-aaral na Pangkat Rosas ang tungkol sa gaganaping dula-
dulaan. “Mga bata, magkakaroon tayo ng palatuntunan tungkol sa
pagpapahalaga ng sariling wika. Tayo ay magpapakita ng isang
dula-dulaan. Pipili ako ng mga gaganap.”wika ng guro.
Tuwang-tuwa ang mga bata. Sabay-sabay silang nagsabi
ng kanilang interes para gumanap sa dula-dulaan. “Puwede po ba
ako, Maám?Maganda po ang boses ko. Maari po akong kumanta,”
ang sabi ni Romeo. “Äko po ay marunong sumayaw,”sabi naman ni
Haydee. “Maám sanay po akong sumulat ng script,”ang buong
pagmamalaki ni Roy. “Lalo po ako, nakababasa ng may
damdamin,”dagdag ni Rommel. “Bb. Cruz, magaling po ako sa
drama.”ang sabi ni Sally.
Biglang may nagsalita sa kaklase mula sa bandang likuran.
“Maám, huwag ninyong piliin si Sally. Hindi po siya sanay
magsalita ng Filipino.”Sabay-sabay na nagsipagsalita ang mga
bata, “Inglisera, inglisera!”
Gustong-gusto nang magalit ni Sally at magbitiw ng
masasakit na salita ngunit naalala niya ang palaging tagubilin
ng kaniyang mga magulang. “Huwag kang maiinis o magagalit
kapag ikaw ay tinutukso. Magtimpi ka sa iyong sarili para wala
kang kaaway.” Kaya napag-isip ni Sally na dapat niyang gawin
ang tamang bilin ng kaniyang magulang.
Hindi nakatiis si Bb. Cruz. Pinangaralan niya ang mga
mag-aaral. Sinabi niya na dapat pamarisan si Sally sapagkat siya ay
naging mapagtimpi. Hindi siya nagalit o nainis nang siya ay
tuksuhin ng mga kamag-aral.
Mga tanong:
1. Bakit tuwang-tuwa ang mga bata sa kuwento?
2. Sino ang bata na naging tampulan ng tukso sa kuwento?
3. Ano ang reaksiyon ng mga bata sa nais ni Sally?
4.Papaano tinanggap ni Sally ang pangyayari?Bakit?
5.Ano ang ipinangaral ni Bb. Cruz sa kaniyang mga mag-aaral?
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
I. Ipahayag ang sariling reaksiyon sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Naglalaro ng patintero sina Tirso at Roy. Natalo si Roy kaya siya
ay nagsalita ng masama. Kung ikaw si Tirso, ano ang iyong
gagawin?

2. Pinagbilinan ka ng iyong magulang na huwag makipagkaibigan sa


batang mahilig manukso o makipag-away. Ano ang iyong gagawin?
Bakit?
Gawain 2
Ikaw bilang isang nilalang na ginawa ng Diyos, paano mo
maipalalabas ang iyong pagiging mapagtimpi sa bawat miyembro
ng iyong pamilya?Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Ama

Ina

Mga Kapatid

Lola at Lolo
Gawain 1
Panuto: Gumuhit ng kung nagpapakita ng pagiging mapagtimpi
at kung hindi.
________1. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-
aralan kaya sinipa mo siya
________2. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina.
________3. Itinulak ka ng isa mong kalaro dahil sa gusto niyang
mauna sa pagkuha ng tubig sa gripo.
________4. Kinuhang bigla ang iyong pencil case ng iyong kaklase.
________5. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo.
Gawain
I. Iguhit ang kung ipinapakita ang iyong kakayahang magtimpi at
kung hindi.
1. Maraming pinapagawa ang aking kapatid. Kaya ako ay umalis ng bahay at
nakipaglaro sa kapwa bata.
2. Hinahayaan ko ang labis na ingay ng mga batang naglalaro sa labas at
ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral para sa eksam.
3. Ipinagpatuloy ko ang pagtatanim ng gulay sa hardin na naiwan ni Ate kahit
na may utos pa si Ina na ligpitin ang mga nakakalat na laruan sa kuwarto.
4. Kahit na palagi akong inaaway ng aking mga kaklase ay hindi ako
gumaganti.
5. Hindi ako nagagalit kahit na ang aking kapatid ang palaging nabibigyan ng
laruan mula sa mga kapitbahay.
II. Iguhit ang kung ikaw ay kayang magtimpi sa mga sumusunod
na pangyayari at  kung hindi.
6. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan ng nakababata
kong kapatid, muli niya itong itinapon sa aking harapan.

7. Pulit-ulit akong tinutukso ng mga bata dahil luma na ang aking damit .
8. Ako ay tinutukso ng aking mga kamag-aral dahil ako ang nakakuha ng
pinakamaliit na marka sa exam .
9. Ginagawa ko ang mga utos ni Lola kahit na sunod-sunod ang mga ito.
10. Punong-puno na ang aming basurahan kaya inutusan ko ang aking kapatid
para itapon ito ngunit siya ay tumakbo papalayo
Dugo at Pawis
Namulat ako sa pamilyang mahirap lamang. Tatlo kaming
magkakapatid. Dalawang lalaki
at ako lang ang nag-iisang babae. Sa kabila ng kahirapan sa
buhay kami ay nakapagtapos ng pagaaral. Dahil para sa akin
hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang minimithing
tagumpay at
kaginhawaan sa buhay.
Ginawa ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.
Gagawin ko ang lahat,
hindi para sa aking sarili kundi para sa kapakanan ng
aking nagbubukod tangi at pinakamamahal
kong pamilya. Sa bawat pawis at pighati, iniisip ko
ang lahat ng sakripisyo at paghihirap na tinamo
ng mahal kong mga magulang.
Dugo at pawis ang kanilang ipinuhunan para
lamang maitaguyod
kaming mga anak. Kaya’t nararapat lamang na
mas tutumbasan ko pa ang kanilang ginawa
para
lamang sila’y mabigyan ko ng liwanag at saya.
214 St., Ilang-ilang
Kamias, Quezon City
Pebrero 2, 2020

Mahal kong Gng. Ramos,

Ipinagbibigay alam ko po sa inyo na labis ang aking


saya dahil sa ipinadala mong regalo sa akin. Maraming salamat po sa
biyayang bigay mo. Sana po ay patuloy pa rin ang iyong kabutihan sa
amin. Ngayon, ako ay patuloy pa rin na nag-aaral dito sa Laguna. Nasa
ika-apat na baitang na po ako ngayon.

Lubos na gumagalang,
Nasa Unang Baitang pa lamang ako, naranasan ko na ang
pagtitipid na ginagawa ni Inay sa amin. Bagaman hindi
kami naghihirap, nakita ko kung paano bumili si Inay ng
mga mura ngunit masustansiyang pagkain. Sa kaunting
kinikita ni Itay ay nakakain kami ng tatlong beses.
Nagtayo rin si Inay ng munting tindahan sa silong ng
bahay namin. Tumutulong kami sa pagtitinda at gawaing-
bahay hanggang ngayon.

You might also like