You are on page 1of 3

Sa ating butihing punong guro Gng. Bernadette N.

Opay, sa ating masipag na pang-


ulong Guro I Gng. Ma. Eloiza H. Brazil, sa lahat ng pamunuan ng paaralan, mga
butihing guro, mapagmahal naming mga magulang, kaibigan at kapwa ko
magsisipagtapos, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.

Kasabay ng pagtatapos ng ating pamamalagi sa ating sintang paaralan ay ang


pinakahihintay natin, ang magmartsa papunta sa bulwagan kasama ang
pinakamamahal na magulang, umakyat sa magarang entablado habang ang pangalan
ay binabanggit kasabay nito ang pagtanggap ng diploma at karangalang nakamit. Hindi
bat kay sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng dalawang taong pag-aaral bilang isang
Senior High School Student ay tayo'y makapagtatapos na. Marahil ang karamihan (ilan
sa atin) ay binalak o muntikan (naisip na) ng sumuko ngunit mas nanaig ang
kabutihang magpatuloy dahil may pangarap na gustong matamasa (matupad).
Mapapagod pero magpapatuloy dahil may gustong patunaya n.

Naalala ko nung una kong tapak sa aming silid aralan ako'y palinga linga at napaisip na
hindi ito ang aking nakasanayan. Bilang lamang sa aking mga daliri ang aking kakilala
sapagkat hindi sila ang dati kong kamag-aral nung ako'y nasa ikalabing isang baitang.
Nahiya pa nung una ngunit hindi naman masamang makipagkilala hindi ba? Noong una
akala ko hindi ko kaya ngunit nang lumaon ay nabuo ang isang pamilya sa apat na
sulok ng silid aralan na naging napakasaya, kulang pa nga ata ang sampung buwan
upang kami'y magsama. Bawat estudyante may kanya kanyang istorya na talaga
namang mapapahanga ka, naniniwala ako na isa ka sa mga estudyanteng pumapasok
sa paaralan na minsang kumakalam ang tiyan at nawawala pag ang guro ay nagturo
na, isa ka sa piniling magpatuloy pumasok kahit walang lamang pera ang iyong bulsa,
isa ka sa mag-aaral na nagkukumahog sa pag uwi sa munting tahanan, may trabahong
kailangan pang pasukan dahil sarili lamang ang sumusuporta, at batid kong may ilang
galing sa magulong pamilya na mas piniling pumasok sa paaralan para di malunod sa
kalungkutan. Isa karin sa inabot ng pag uwi ng hating gabi o di kaya'y inumaga na sa
bahay ng kamag-aral dahil may kailangang ipasa kinabukasan. At higit sa lahat isa ka
sa mga pumasok na kulang sa tulog sapagkat may mga aktibidad na dapat pang
habulin. Hindi madali ang maging isang mabuting estudyante lalo na at pag uwi sa
tahanan ay may nakaatang pa na responsibilidad. Saludo ako sa mga taong paulit-ulit
na nadarapa at pagkatapos ay biglang babangon(bumabangon) sa sarili nilang mga
paa, Saludo ako sa ating lahat kaya nama'y nararapat lang na tayo'y palakpakan ng
mga madla.

Sa aking magulang tanggapin ninyo ang aking lubos na pasasalamat sa paggabay sa


akin na tahakin ang tamang landas. Simula nung ako'y nag-aral hindi nyo ako
pinabayaan, bagkus na pagalitan sapagkat minsan ay di na nakagagawa ng gawaing
bahay ako parin ay inyong sinuportahan. Ang aking tagumpay ay inyong tagumpay
narin, ang inyong paalala na mag-aral ng mabuti ang palaging nakatatak sa aking isipan
na aking naging motibasyon upang pagbutihin pa mas lalo (ang pag-aaral). Kahit
minsan hindi sumagi sa akin ang sumuko sapagkat kapag ako'y napapagod biglang
lilitaw sa aking isipan ang inyong mga mukha na pagod sa trabaho pero nakukuha
pading ngumiti kaya sabi ko "magpatuloy at lalaban ako hindi lang para sa sarili ko
kundi para na rin sa magulang kong walang sawang nagtiwala sa akin" Ang inyong
sakripisyo ay hindi matatawaran, kay sarap sa pakiramdam na may magulang na
handang gawin ang lahat makapagtapos lamang ang kanyang anak at ang palaging
tinuturan ay "Edukasyon ang maipapamana ko sayo" kaya ang aking tagumpay ay
inaalay ko sa inyong dalawa, kapit kamay tayo at samahan nyo ako sa susunod pang
mga laban ko.

Sa aming naging ikalawang magulang sa apat na sulok ng mga silid aralan na nasa likod ng
lahat,kung wala kayo ay wala kami.Ma'am Nerissa Torrecampo hindi lamang po matematika ang
inyong tinuro,inyo pong paulit ulit na ipinaliwanag samin kung gaano kahalaga ang edukasyon.
Ma'am Catherine DV. Guatato ang inyong pagiging masigla sa klase at pagbibigay ng salita ng Diyos
ang isa sa naging dahilan kung bakit kami mas nabigyan ng motibasyon na magpatuloy. Sir Noel
Sarmiento ang inyong mga ngiti ang siyang nagsilbing inspirasyon sa karamihan at talaga namang
kahit anong asignatura ay inyong kinakaya. Kay Sir Joseph Reyes na nagturo patungkol sa
teknolohiya at talagang ika'y mamangha kapag ito'y nagturo na. Kay Ma'am Rosemarie Gulapa na
napakagaling magsalita kami minsan ay napapatulala na- at palaging pinapalakas ang aming mga
loob at sinasabing "kaya mo yan" . Sir Carlos Reyes isa sa mga tumulong sa amin ng bukal sa
kaniyang puso at nagturo kung paano nga ba ang mga dapat na preparasyon bago kami sumabak sa
"defense", kay Ma'am Anna Mariel Alonzo na nagturo patungkol sa politika at walang sawang
gumawa ng visual aids, powerpoint presentation upang kami ay makasunod sa haba ng leksyon. Sir
Ryan Ventura guro sa Filipino ang inyong pagkahilig sa paggawa ng tula ay syang aming
nakuha,pwede na ata kaming maging makata. At pang

At panghuli kay Ma'am Carol Baylon tila nakakahanga na kaya ninyong sulitin ang isang oras natin
sa isang linggo upang kami ay maturuan, ang inyong mga tinuro sa p.e ay syang aming gagamitin
lalo na kapag kinakailangan. Kayong lahat ang nasa likod nitong aming tagumpay,hinubog ninyong
mas lalo ang aming mga kakayahan. Maraming salamat po.

Lahat ay nanabalik, walang mapaglagyan ng kalungkutan sa aming mga puso sapagkat puro
saya ang nadarama dahil pagkatapos makipagbakbakan at makapasa sa pagsusulit ,konting
araw nalang ay makakapagtapos na, ngunit napawi ang lahat ng dumating ang Pandemya
na inaasahan ngunit di gaanong biglaan. Mahirap kalabanin sapagkat hindi nakikita,
nagbigay ng takot sa mga magulang at estudyante na ngayong taon ang pag-aaral ay itigil
muna. Tila ba ito ay naging isang balakid upang mapaisip ang iba kung magpapatuloy o
hihinto muna. Isa lamang itong pagsubok huwag mawawalan ng pag-asa.
Ang daming nagbago, dami rin ang nanibago ngunit hindi ito magiging dahilan upang
tumigil tayo sa papakipagkapwa tao. Bawal man ang pakikipag hawak kamay at pakikipag
apir, tango tango nalang muna upang magkaalamang magkakasama tayo sa laban na ito.
Hindi man tayo nakatungtong sa magarang entablado, nakapagsuot ng ating pinakaasam
na toga ay hindi ito magiging dahilan upang di tayo magpatuloy na mangarap. Babalik din
ang lahat sa dati ipagpatuloy ang ating nasimulan hanggang sa makamtan natin ang
magandang kinabukasan. Huwag kalilimutan ang palaging sinasabi ng ating mga butihing
guro na kapag nadapa ay bumangon tayo at magsimulang muli dahil ang buhay ay puno ng
pagsubok, manalig at palaging magtiwala sa sarili na kaya mo.

(Isang kabanata sa aklat ng ating buhay ang tuluyan nang natapos, muli tayong
magbubukas ng panibagong kabanata ng ating buhay tungo sa inaasam nating
tagumpay.)

Pagbati sa ating mga magsisipagtapos, mabuhay tayong nakatingin sa ating pangarap at


palaging magsumikap kung saan sipag at tyaga ang gawing puhunan.

You might also like