You are on page 1of 5

MAY LAKAS SA PAGKAKAISA

“Ang Gawain kapag pinagtutulungan ay gumagaan,” ito ang natanim sa aking isip
habang aking ginagawa ang lathalaing ito para sa ating bagong punung-guro na si G. Ramil
R. Cubales. Higit natin siyang kilalanin pa.

Unang nakita ni Sir ang ganda ng mundo noong ika-23 ng Marso 1965. Ang
kanyang mga magulang sy sina G. Benjamin T. Cubales at Gng. Gloria R. Rayela. Siya ay __ sa
__ magkakapatid.

Unang tumungtong sa paaralan si G. Cubales noong 1972 sa Balanga Elementary


School at nagtapos ng elementarya dito. Kanya naming ginugol ang Sekondarya sa Bataan
National School of Arts and Trade at kumuha ng technical course nang magtapos ng High
School.

Sadyang nasa puso ang pagnanais na magturo sinikap niyang makapag-aral ng Bachelor in
Elementary Education at nagtapos noong 1990 sa Tomas del Rosario College.

Una siyang nagturo sa T. Camacho Sr. Elementary School


sa loob ng tatlong buwan matapos nito ay naging Regular/ Permanent Teacher na
siya.

Si Daisy Lapaz ang nakataling puso niya noong ika-9 ng Abril 1994 at sila ay
biniyayan ng tatlong mababait na anak. Dahil sa pagnanais na mabigyan ng magandang
buhay ang pamilya pinili ni Sir na maghanapbuhay sa Japan mula 1992 hanggang 1999.

Sapagkat nakatatak sa puso ang pagmamahal sa pagtuturo bumalik siya ng bansa at


nagbalik turo noong 1999. Nagsimula siyang maging school head noong 2007 sa E. Bernabe
Elementary School ng pitong buwan. Sumunod siyang nadistinong punung-guro sa M.P.
Cuaderno Memorial Elementary School sa loob ng tatlong taon, sinundan ito ng Bani
Elementary School. Bago siya napunta na ating paaralan nanggaling s’ya sa Pto. Rivas
Elementary School.

Mula sa pagiging Elementary School Head Teacher (ESHT)-III ngayon ay Principal I


na si G. Ramil Cubales dahilnapasa niya ang national Qualifying Examination for School
Principal noong January 2012 “Sa ating pagtutulungan higit nating mapapabuti ang
kalagayn n gating paaralan. Natutuwa ako’t maganda ang samahan ng mga magulang, guro
at komunidad dito sa atin,” nasisiyahang wika ng ating bagong punung-guro.

“Para sa higit nating ikatatagumpay lagi nating isipin na United we stand. Divide
we fall,” pagwawakas pa ni Sir Ramil Cubales.
Iba't- Ibang Mukha ng mga Guro
ni: Jane Meryll C. Regidor

Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga guro sa pagdiriwang ng World’s Teachers’ Day nais
kong handugan ng pasasalamat ang aking mga guro sa pamamagitan ng mensahe na maglalarawan sa
kanila.

Sa dami na ng aking naging guro ay natuklasan ko na lahat sila ay may iba’t ibang mukha –
iba’t ibang paraan ng pagtuturo, pagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit.

Ang ilan ay tahimik at malumanay, laging handang makinig at magpasensiya ngunit huwag
pakasisiguro sa biglang buhos ng kanilang emosyon. Ngunit ganon pa man ramdam ko ang inyong
pagmamahal, salamat po ang aking guro.

Mayroon namang laging galit, laging masungit at madalas ay “full volume” kung tawagin. Pero likas
pa ring maawain at mapagmalasakit, ramdam ko pa rin ang inyong pagiging pangalawang magulang,
salamat po aking guro.

Ang iba naman ay parang kaibigan, nakakabiruan, medaling lapitan at huwaran,


gayunpaman, alam ko ang akig limitasyon lalo’t kung kailan sagad na ang inyong pasensiya, pero sa
kabila nito, ramdam ko parin ang inyong paggabay, salamat po aking guro.

Tunay ngang sila ay ating kaibigan, minsa’y ate, kuya, kalaro sa isports, kabahagi sa mga
bagong kaalaman, doktor kung tayo’y may masamang pakiramdam, tagapagtanggol sa kagipitan, referee
sa oras ng kaguluhan, magbubukid kung may gulayan, katuwang sa paglilinis ng silid-aralan, tagadisenyo
at tagalikha ng magandang lugar para sa ating pagkatuto, mananayaw, mang-aawit, tagapayo, kaibigan,
pangalawang ina/ama.. ngunit higit sa lahat, isang salita na maglalarawan na ng lahat ng ito- GURO, ang
nagtuturo sa ating lahat ng nais nating malaman, walang limitasyong pagmamahal na ating
nararamdaman sa iba’t ibang paraan.

Sa lahat ng ito, maraming maraming salamat po mga mahal naming guro!

Tuldok ng Isang Guro


Nonfiction by Ruel Soriano | October 17, 2010

Tandang – tanda ko pa ang paboritong itanong ng aking mga guro noong ako’y nasa
elementarya pa lamang. Tanong na paulit – ulit pinagagawan ng isang sanaysay sa aming
mga mag-aaral lalo na pag umpisa ng pasukan, o di kaya’y wala nang maisip pang ituro
ang guro o di kaya’y pagod ang kanyang lalamunan sa pagpapaliwanag ng kung anu-ano.

Ang tanong na: Ano ang gusto mong maging paglaki mo? At bakit?

O, di ba napaka simpleng tanong pero gugugulin na ng mga mag-aaral ang kanilang buong
oras sa pagbuo ng komposisyon tungkol dito. Kung minsan pa nga ay magiging takdang
-aralin pa dahil sa hindi matapus-tapos ang komposisyong ginagawa sa klase.

Ito ang tanong na paulit-ulit ko ring sinagot sa aking mga komposisyon. At ito ang
kadalasang mababasa ng aking guro sa aking sulating pangwakas:

“Ako ay si Ruel Soriano. Paglaki ko ay gusto kong maging isang tanyag na guro. Gusto kong
maging isang guro para matulungan ko ang mga kabataang maabot ang kanilang mga
pangarap at para matulungan ko rin ang mga mahihirap na bata na makapag-aral at
matutong bumasa at sumulat. ”

Pambungad na pangungusap pa lamang yan. Ang mga susunod pang mga paliwanag ay
kung paano mo maabot ang pangarap mo at kung ano ang kasalukuyan mong ginagawa
para maabot ito. Pipigain mo talaga ang utak mong magsulat dahil kinakailangang umabot
ka ng isang-daan at limampung salita at hindi bababa sa tatlong talata.

Noon, akala ko ay sinusulat ko lamang iyon dahil sa tingin ko iyon ang pinakamagandang
isulat para naman maramdaman ng aking guro na marami palang humahanga sa kanyang
napiling propesyon. Sinusulat ko ‘yon para ganahan ang aking guro sa pagtuturo at
syempre mataas rin ang makukuha kong marka sa aking komposisyon, dahil pumapanig
ako sa kanyang pananampalataya bilang isang guro.

Ngunit, hindi ko alam kung talaga nga bang sinubok ng tadhana ang aking mga salitang
sinulat sa komposisyong iyon. Dahil paglipas ng mahigit lalinlimang taon buhat ng isulat ko
ang aking huling komposisyon tungkol sa tanong na iyon ay heto ako at nakatayo sa harap
ng maraming mag-aaral at nagtuturo! Oo, tama ka, isa na akong guro ngayon. Siguro nga
talagang sinubok ang aking katapatan sa aking sulating pangwakas.

Subalit kagaya ng pagtitiis ko upang buuin ang aking sulatin, ay ganoon din ang aking
pinagdaanan upang masungkit ang aking diploma sa pagiging guro. Maraming pagbubura
ang aking ginawa sa aking buhay. Maraming pag-aalinlangan kung anong tamang bantas
ang dapat na gamitin sa bawat landas na aking tinahak. Maraming beses rin akong napagod
at muntik nang sumuko sa pagitan ng bawat talata ng aking buhay. Subalit nagpatuloy ako.
Ipinagpatuloy ko kahit na minsan ay nawawalan na ng tinta ang aking ipinaglalaban. Inisip
ko na kahit na anong mangyari ay dapat kong tuldukan ang aking sinimulan. Hindi kuwit,
hindi tuldok – kuwit, at lalong hindi tandang pananong ang wakas. Kinakailangan ay
TULDOK!

At natupad nga naman, naging guro ako. Akala ko puwede ko nang tuldukan, hindi pa pala.
Akala ko tapos na dahil hangang dito lang naman ang aking sulating pangwakas, hindi pala.
Magsisimula pala ang panibagong yugto ng pagsusulat. Mas mahaba, mas masalimuot na
pagbubuo. Hindi na talata ang hinihingi sa pagkakataong ito, kundi mga kabanata na at
maraming tauhan na ang pumapasok sa bawat eksena.

Ang sabi ko magiging guro ako para matulungan ang mga batang mahihirap na matutong
bumasa at sumulat. Pero bakit ang mga mag-aaral ko ngayon ay mas magaling pa sa akin
sa paggamit ng kompyuter? Mas malaki pa ang kanilang mga baon sa loob ng isang buwan
kaysa sa aking sinasahod. Kung tutuusin ‘di hamak na nakaririwasa sila sa akin. Ito ba ang
aking mga pinangarap? Naging tapat ba ako sa aking komposisyon? Ito na ang mga
halimbawang komplikadong tanong na pilit kong hinahanapan ng mabisang kasagutan
upang mapayapa ang aking kalooban. Pero kung iisang anggulo lamang ang aking titingnan
ay masasabi kong hindi ako naging tapat. Kaya hindi ko binura ang aking inumpisahan.
Pinili kong magpatuloy sa aking paaralang pinapasukan. Sa paglipas ng isang taong pagiging
guro sa isang pribadong paaralan ay natuklasan ko ang mga kasagutan. Ang kasagutan na
tama ang aking pagpapatuloy. Ang kasagutan na kinakailangan ako ng mga batang aking
minahal at tinuring na parang mga kapatid. Kasagutan na hindi man sila nagdarahop sa
buhay ay kinakailangan nila ako sa iba pang aspeto. Na mas kinakailangan nila ang aking
pang-unawa at pagmamahal na inaasam nila. Maaring hindi ito diretsang kasagutan sa
aking mga tanong pero ito ang mga pinanghahawakan kong dahilan sa ngayon upang
ipagpatuloy ang kabanatang ito.

Sa aking pagiging guro ay natuklasan ko ang lihim sa propesyong ito. Naisip ko, naging
madaya ang aking guro sa elementarya. Hindi niya sinabi sa akin na mahirap pala ang
pinapangarap ko noon. Hindi niya man lang ibinahagi sa akin ang kanyang pinagdaanan
noong binabasa niya ang aking sulatin. Ngayon ko napagtanto ang hirap at sarap sa
pagtuturo. Masarap dahil alam mong nagiging bahagi ka ng bawat tagumpay ng iyong
mag-aaral. Nakikitalon ka sa bawat pagwawagi nila. At nakikipaglaban ka rin sa tuwing
napapahamak sila. Ang masakit ay dahil alam mong pagkatapos ng sampung buwan ng
inyong pagsasama ay aalis sila. Maiiwan ka at maghihintay ng mga panibagong mukha na
uupo sa iyong harapan. Masakit dahil sa loob ng inyong pagsasama ay hindi mo sila ituturing
na basta mag-aaral lamang. Hindi kagaya sa bangko na pagkatapos makuha ang tseke ay
alam mong tapos na ang lahat. Sa paaralan hindi ganito. Ituturing mo silang mga kapatid o
anak mo na kailangan mong turuan dahil gusto mong magtagumpay sila. Kapatid mo sila at
kaibigan dahil alam mong kinakailangan nila ng maiiyakan sa bawat kabiguan at suliranin
nila. Ang lahat nang ito ay hindi ko nakita at naisip habang sinagagot ang tanong sa aking
sulatin.

Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung paano tutuldukan ang kabanatang ito ng aking buhay.
Hindi ko alam kung sino pa ang mga panibagong tauhan na papasok sa mga susunod na
eksena. At lalong hindi ko alam kung hanggang anong kabanata at ano ang magiging
“twist” sa bandang huli. Ang alam ko lang, hangga’t may tintang dumadaloy sa aking
panulat, ay patuloy akong gagawa ng marka sa aking buhay, sa aking kapwa, at sa mundo.

—-

You might also like