You are on page 1of 33

I.

Panimula/Introduksyon

a. Pamagat
Paglalayag sa puso ng isang bata
b. May Akda
Si Genoveva E. Matute ay isang kilaláng kuwentista, mananaysay, at
guro sa Filipino.Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio
Edroza at Maria Magdalena Dizon. Naging asa-wa si Epifanio Gar. Matute,
ang lumikha ng sikat na programa sa radyo at serye sa telebisyon na
Kuwentong Kutsero noong dekada 50. Nag-aral siyá sa Manila North High
School (ngayon ay Arellano High School), Philippine Normal School (PNS),
Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University ngayon), at
University of Santo Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon sa mga eskuwelahang
Cecilio Apostol Elementary School at Arellano High School, at naging
tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa PNC.
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land
of the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post
Monthly. Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong
nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng
“Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag
sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling
kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang
sumunod na koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa
Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin.
Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang asawa sa Mga
Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga
Dula noong 1992.
Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng
mga timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s;
Outstanding PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at
Kalinangan Award ng Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni
Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad
CCP Para sa Sining noong 1992. Namatay siyá sa edad na 94 noong 21
Marso 2009 habang natutulog. Inilibing siyá sa Manila North Cemetery. (KLL
c. Sanggunian
 http://www.scribd.com
 http://Philippineculturaleducation.com.ph

II. Tauhan
 Guro
Siya ay patuloy na gumugunita sa kanilang pinagsamahan ng
Mabuting estudyante kahit na matagal na panahon na an
lumipas

 Bata
Pinakamaliit sa klase, pinakapangit, mayroong bilog at pipis na
ilong, may punto ang pagsasalita. Isa rin siyang munting ulilng galing
sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan, kalahating
araw na pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok
at pag-uwi ang anak ng kanyang amo.

III.Tagpuan
 Silid-Aralan
IV. Mga Simbolo/Tayutay
 Metapor
-Ang kanyang Goodbye Teacher sa pintuan ay tumaginting.
-Sa matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang panliliit
sa upuan
Aliterasyon
- Sa akin sya'y mananatiling isang batang may kaliitan at may kaitiman.

Simile o Pagtutulad
-Ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila isang matandang pagod.

V. Buod ng Katha
Isang araw ay ginunita ng guro ang pinagsamahan niya at ang kanyang
mabuting estudyante. Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang
pinakamaliit at pinakapangit sa buong klase. Mayroong kakatuwang punto na
nagpapakilalang siya ay taga ibang lugar.Ngunit sa kabila nito siya ay
palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa mga
tagalinis, tinutuwid ang upuan at bago umalis ay lumilingon upang magsabi ng
"Goodbye teacher!" At di nagtagal nalaman ng guro na siya aymunting ulilang
galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod upang mamasukan
bilang utusan kung kaya't napagtanto ng guro na maliban sa itsura ang mga
iyon ay dahilan din ng kanyang madalas na pagiisa.
Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito tinatawag na niya itong
madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa
kanya. Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan, ngunit isang araw
ay napagbalingan ang estudyante ng kanyang init ng ulo at dala niya ang
labis na pagkalungkot ng bata. Nang mga hapong iyo'y naging matamlay ang
bata.Ginawa ng bata ang kaniyangga nakasanayang gawin ang pag tuwid sa
mga upuan bawat hanay pagbili ng minindal sa tabing tindahan ang pagku sa
tsinelas at nagpaiwan din siya upang likumin ang mga kagamitan .ngunit di
lamang siya tumingin sa kanyang guro ngayo'y paalis na siya .Nagtungo siya
sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod .Ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng
"Goodbye Teacher!"nagtaka ang kaniyang guro bigla bigla ang maitim at
pispis na mukha ng bata'y nakita ng kaniyang guro sa may pontuan "Goodbye
Teacher!" ang sabi nya pagkatapos ay umalis na siya.Nag balik siya upang
sabihin iyon sa kaniyang guro. kung gagano katatgal ang pagkakaupo ng
kaniyang guro ay hindi na niya magunita ngayon ang tangi niya lamang
magunita'y ang pagpapakumbaba ng guro sa kalakhan ng puso ng munting
batang iyon nang mga sandaling ang bata ang kaniyang naging guro.

VI. Galaw ng Pangyayari


Nagsimula ang kwento sa pagbabaliktanaw ng isang guro sa karanasang
hindi niya malilimutan kasama ang kanyang batang lalaking estudyante. Kung
paanong napansin ng guro ang pagkakaiba ng bata sa iba pa niyang
estudyante. Kung paanong natuklasan niya ang pinagdadaanan ng bata at
ang kanyang paghanga sa katatagan nito. Hanggang sinubukan niyang
baguhin at guhitan ng ngiti ang mukha ng bata, ngunit nagtapos ang kwento
ng mlungkot na minsang nagkamali ang guro sa kanyang nagawa sa batang
estudyante.
a. Panimula
Sa simula ng kwento ay ipinakilala ang guro at ang bata bilang mga
pangunahing tauhan. Mababasa ito sa unang talata ng kwento na kung
saan ginugunita ng guro ang kanyang naging paboritong mag-aaral noon
at kung ano na kaya ang naging buhay ng bata ngayon. Masasabing
malaki ang naging epekto ng bata sa buhay ng guro dahil kalaunan man
ang mahabang panahon nananatili pa rin sa puso at isip ng guro ang
batang minsa’y naging kaibigan niya.

b. Katawan
Nalaman ng guro ang mga katotohanan tungkol sa buhay ng bata, isa
itong ulila at walang sinumang nag-aalaga nito kundi ang sarili lamang.
Lumuwas ito ng Maynila upang magtrabaho para buhayin ang sarili at para
makapag-aral. Pagkatapos malaman ng guro ang mga katotohanan tungkol
sa buhay ng bata ay iniisip niya ang mga bagay kung paano niya
mapapasaya at mababago ang ugali ng bata. Nadama niya ang kalungkutan
ng bata kaya gusto ng guro na makita ang bata na masaya at mamuhay tulad
ng isang normal na bata.Dumating ang araw na pinagalitan ng guro ang bata
dahil sa hindi malamang dahilan. Dahil sa bugso ng damdamin ay nagawa
niya ang bagay na ito at hindi man lang niya inisip ang maaaring
maramdaman ng bata at nalimutan niya rin ang pagiging mapag-isa at
kalumbayan nito. Labis ang pagsisisi ng guro sa kanyang nagawa sa bata na
hanggang sa lumipas man ang panahon ay hindi niya parin malimutan ang
mga pangyayaring iyon. Nagdulot ito ng pagkapoot ng bata sa kanya na
naging dahilan din ng paglayo ng loob nito sa kanya at dahil doon ay bumalik
nito ang dating pag-uugali, ang pagiging tahimik nito at ang pag iwas nito sa
iba.

c. Wakas
Nagwakas ang kwento na na labis ang pagsisisi ng guro sa kanyang
ginawa sa bata. Hindi na bumalik sa dati ang kanilang pagsasamahan at ang
pagkakaibigang nabuo. Dahil sa mga nangyari nasabi ng guro sa kanyang
sarili na minsan ang bata ang kanyang naging guro at siya ang tinuturuan nito
sapagkat ang kanyang nagawang pagkakamali noon ay nagkaroon ng
malaking epekto sa kanyang katauhan at ito ay nagsilbing aral sa kanya.
VII. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
ito ay isang uri ng Maikling Kwento
B. Estilo ng Paglalahad
Ang paraan ng paglalahad ng akdang ito ay pasalaysay.
Isinasalaysay ng guro ang kanyang naging karanasan kasama ang isang
batang kanyang estudyante.Sa paraang ito ay ikinukwento mismo ng
tauhan ang kanyang karanasan habang iyong binabasa ang akda.
Mahihinuha rin ang pagkalarawan ng tauhang nagsasalaysay sa bawat
galaw kilos at katangian ng kanyang mga nasa paligid.kasama na din ang
eksatong itsura ng batang kaanyang naging estudyante, ang paraan ng
paggalaw at pagsasalita nito.
C. Teoryang Pampanitikan

VIII. Bisa sa Panitikan


a. Bisa sa Isip
Ang kwentong ito ay sadyang kamangha- mangha, angkop na
mabasa ng mga guro o magiging guro pa lamang. Nakatutuwang
malaman na kailangang huwag basta-basta magpadala sa bugso ng
damdamin, matutong kontrolin ang sarili ganoon din huwag dalhin sa
loob ng klase ang problema-pahupain muna ito upang maiwasan ang
gulo sao maiwasan na maapektuhan ang mga bata. Maaari rin gamitin
ang mga balyus nito sa pang araw-araw na buhay nang sa gayon
walang matapakan o masaktang tao.

b. Bisa sa Damdamin
Tunay na nakaka-antig ang kwentong ito. Mula sa simula ay madadala
ka na sa mundo ng isang batang mahiyain at kakaiba ang itsura ngunit
piniling manatili upang makapag-aral. Kahanga-hanga maging gurong
bumago sa kanya upang magkaroon ng ngiti sa kanyang mukha.
c. Bisa sa Asal
Mababatid sa kwento ang maling hakbang na nagawa ng guro nang
pagbuntuhan niya ng galit ang bata. Kailangan bilang isang guro o kahit sino
paman ay makipag –usap ng maayos kahit gaano pa kainit ang ating ulo
sapagkat maaaring katulad ng nangyayari sa bata ay makasakit tayo ng
damdamin ng iba.

IX. Sariling Reaksyon


Sa kwentong ito masasabi kong huwag agad husgahan ang pisikal na
anyo ng isang tao kung sino at ano paman siya. Laging isaisip na kung mainit
ang ulo mo o may problema ka man ay wag mong idamay ng mga taong
nakapaligid sa iyo upang di ka makasakit bagkus iyong gawin mo ito sa
tamaang lugar.
I. Panimula/Introduksyon
a. Pamagat
Mga Ibong Mandaragit
b. May Akda
Si Amado V Hernandez ay isang bantog na manunulat. Siya ay kilala
sa kanyang tapan sa pagpapahayag ngkanyang mga kuro-kuro ukol sa mga
„di maikakailang sakit ng lipunan. Siya ay isinilang noong ika-13 ng
Setyembretaong 1903 sa Hagonoy, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay
sina Juan Hernandez at Clara Vera. Nang siya aysumapit na sa hustong
edad, napangasawa niya si Atang dela Rama, kilala bilang Reyna ng
Sarswela. Sila ay biniyayaanng isang anak, at pinangalanan nila itong Rene
Hernandez. Siya ay sa Gagalangin Tondo na lumaki at nagtapos ng kanyang
pag-aaral sa Manila High School at sa American Correspondence School ,
naging iskolar din siya sa Harvard University . Sa murang edad pa lamang ay
kakikitaan na siya ng hilig at talento sa pagsulat. Nagsimula siyang magsulat
para sa dyaryo ng Watawat at „di naglaon ay naging kolumnista siya ng
pahayagang Pagkakaisa.Bilang isang dalubhasang manunulat, nakatanggap
na siya ng mga „di mabilang na pagkilala. Isa dito ay ang Ibong Mandaragit
na nanalo ng Balagtas award. Ilan pa sa kanyang mga natatanging gawa na
nagwagi ay ang kanyangtulang Pilipinas na nanalo ng Commonwealth
Literary Award at ang kanyang Isang Dipang Langit na nanalo naman ng
Republic Cultural Heritage Award.Dahil sa kagustuhang mapangalagaan ang
mga kababayang naaagrabyado gamit ang kanyang mga akda, siyaay
nakulong sa Camp Murphy sa Fort Aguinaldo nuong ika-26 ng Enero taong
1951. Limang taon siyang nabilanggo ngunit hindi ito naging hadlang at „di
nagtagal ay nakalaya din siya nuong ika -31 ng Mayo taong 1964 dahil sa
lagak.Pagkalaya ay nakatanggap siya muli ng isa pang pagkilala galing sa
Palanca Awards dahil sa mga nasulat niyang dula.Si Amado V. Hernandez ay
namatay dahil sa atake sa puso noong ika-24 ng Marso 1970. Taong 1973 ng
siya at tinaguriang Pambansang alagad ng Dining.
c.Sanggunian
 https://www.scribd.com
 https://www.slideshare.net
II. TAUHAN
 Mando Plaridel
- Alejandro Paminuan-Pangunahing tauhan-Nakahanap sa kayamanan ni
Simoun, na itinapon ni Padre Florentino sakaragatang Pasipiko, sa tulong ni
TataMatyas-Punong -patnugot ng Kampilan
 Dolores Montero
-“Dolly”
-Bugtong na anak ng pamilya Montero na nagging karelasyon ni KoronelMoto
noong Panahon ng Hapon atnabuntis ni Tiniyente Whitey sa Panahon ng
Liberasyon
-Makakarelasyon ni Mando sa Paris
 Don Segundo Montero
-Ang madugas na negosyante at nagmamay-ari ng Hacienda Montero
 Donya Julia Montero
-Asawa ni Don Segundo na nahuhumaling sa dating karelasyong si
Gobernador Doblado
 Tata Matyas
-Ama-amahan ni Mando na isang rebolusyonaryo sa Tatlong Panahon
ngPananakop mula sa Kastila, Amerikanohanggang sa Hapon- Nagmanman
sa mga lugar namaaaring pinagtapunan ni Padre Florentinosa mga
kayamanan ni Simoun.
 Magat
-Isang lider sa Kalayaan na namumuno sa mga isang disiplinadong
pangkatng gerilyero pagkat hawak niya anggobyerno doon-Magiging
pangunahing editor ng Kampilan
Karyo
-Isa sa mga kasamahan ni Mando na nakatakas sa paglusob ng mga
Haponsa huling kuwartel ng mga gerilyangPilipino sa may Tayabas, ang
Sampitan
-Siyang nagging tulay nina Martin at Mando upang maging mabuting
magkakasama.

Pastor
-ang magbubuklod sa nakaraan at kasalukuyan ni Mando.

III.Tagpuan
Kabundukan ng Sierra madre, Dagat pasipiko,Europa
IV .Mga Simbolo/Tayutay
“Natatandaan mo pa ba si Simoun,” muling tanong ni Tata Matyas.
“Ang bagong Makiabelo,” sambot ni Mando.
“Gusto mong sugpuin ang apoy, e binubusan (binubuhusan) mo ng
petrolyo.”

V.Buod ng Katha
Sa kabundukan ng Sierra Madre, 1944, kumatok sa pinto ni Tata Matyas
ang guerilyang si Mando Plaridel kasama ang mga kasamang sina Martin at
Karyo. Si Tata Matyas, na dating rebolusyonaryo at nanirhan sa isang kubo sa
bulubundukin ng Sierra Madre, ay ang puntahan at tuluyan ng mga guerilyang
lumalaban sa mga Hapon katulad ni Mando. Doon sa kubo nalaman ni Mando
na totoo ang mga pangyayari at katauhan sa mga nobela ni Rizal na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Dahil kay Tata Matyas, nalaman din ni Mando na
totoo rin ang kayamanan na inilubog ni Pari Florentino sa Dagat Pasipiko.
Hinimok ng matanda na kuhanin nina Mando ang nasabing mga kayamanan
upang hindi ipantustos para sa sarili ngunit ipantustos sa pagbangon ng
bansa pagkatapos ng digmaan.
Nagpatuloy sina Mando, Martin at Karyo sa paglalakbay upang kunin naman
ang nasabing kayamanan ni Simoun. Sa kanilang paglalakbay, nakilala nila
sa Magat na pinuno ng isang grupo ng mga guerilya. Doon nila napagtanto
ang kanilang pagkakatulad na magbubuklod sa kanila. Nagpatuloy sila sa
paghahanap sa kayamanan at napadpad sa tirahan noon ni Pari Florentino.
Natanaw nila ang karagatang Pasipiko at kanila itong sinisid. Naiwan sa
bangka si Martin dahil di ito marunong lumangoy habang sina Mando at Karyo
ang sumisid sa dagat. Ilang sandali ang lumipas, napansin ni Martin na
namula ang dagat dahil sa dugo. Sinalakay pala sina Mando at Karyo ng
isang pating at sila’y nakipagbuno rito. Malubhang nasugatan si Karyo na
kanya ring ikinamatay. Inilibing siya sa mga kagubatan ng Atimonan. Natigil
din pansamantala ang kanilang pagsisid sa kayamanan.
Nakalipas ang ilang araw, nagpatuloy sila sa paghahanap. Hindi naman sila
nabigo. Matapos ang kanilang kasawiang sinapit, bumungad sakanila ang
isang baul na naglalaman sa kayamanan ni Simoun. Puno ito ng mga alahas
at iba pang kayamanan ng mag-aalahas. Pero mapaglaro ang tadhana,
sinunggaban ni Martin si Mando. Inundayan ito ng taga sa iba’t ibang part ng
katawan at sa mukha pero nakipaglaban pa rin siya sa nagtaksil sa kanya.
Napatay ni Mando si Martin na gumuwa sa kanya ng pilat sa mukha na
magpapaalala sa kanyang sinapit. Bumalik si Mando kay Tata Matyas para
ipakita ang kayamanang natipon sa baul. Naglalaman pala ito ng limpak-
limpak na alahas na nabanggit din sa mga nobela ni Rizal.
Matapos ang “V-Day,” muling nagkita sina Mando at Magat. Kasama ni Magat
si Andres na nahuli ng kanyang grupo. Si Andres ay isang lider-Makapili na
laban sa mga Amerikano at kakampi ng mga Hapon. Nagustuhan naman siya
ni Magat dahil na rin sa kanyang paninindigan at pagmamahal sa bayan kahit
iba ang pakahulugan nila sa mga katagang ito. Napagdesisyunan nila na
magtayo ng isang pahayagan na gamit ang kayamanan ni Simoun upang
tumulong sa pagbabago sa lipunan. Pinangalanan nila itong Kampilan na may
islogan na Katotohanan, Katwiran at Hustisya. Ito’y pinamatnugutan ni Magat
pangkahalatan, Andres sa editoryal at si Mando ang publisista. Ginamit nila
ang pahayagan upang maghatid ng balanseng at makatotohanang balita na
iba sa mga pahayagan na umiiral noon. Ginamit din nila ito upang ilabas ang
listahan ng mga politikong dawit sa “graft and corruption.” Ang unang edisyon
nito ay lubos na ikinagalak ni Tata Matyas.
Itinampok ng pahayagan ang ginawang pagmamalupit sa mga magsasaka ng
Asyenda Montero. Hindi raw makatwiran ang pagtrato ng mga may-ari nito na
si Don Segundo Montero sa kanila lalo na ang hatian sa kita at mismong lupa.
Si Don Segundo ay asawa ni Donya Julia at ama ni Dolly. Si Dolly naman, na
naging kalaguyo ng isang heneral na hapon, ay nagpalaglag sa Hong Kong
(habang nagbabakasyon kasama ang ina) ng anak niya sa Amerikanong
sundalong iniwan siya para sa isang misyon sa Hapon. Sa Pilipinas, sinuway
ni Pastor ang utos ng Don na ibalik ang mga patakaran na hindi napatupad
noong kasagsagan ng giyera katulad na lang ng ‘di makatwirang hatian sa
kita ng saka. Dahil dito, tinanggal sa puwesto si Pastor. Dinalaw naman ng
kawani ng Kampilan si Pastor at mga kasamang magsasaka sa bahay nito
upang mapag-alaman ang mga pangyayari sa asyenda. Nagpetisyon kasi ang
unyon ng magsasaka sa gobernador ng probinsiya ukol pa rin sa mga
pagmamalabis ng may-ari nito sa kanila. At upang malinawan ang mga obrero
sa kanilang hakbang, sa hiling ni Mando, dinalaw ni Dr. Sabio, patnugot ng
Freedom University, ang mga magsasaka. Napag-usapan nila ang balak ni
Dr. Sabio na bilhin ang asyenda upang gawing laboratoryo ng pag-aaral ng
mga mag-aaral ng pamantasan at upang magkaroon ng patas na hatian sa
lupa. Napag-usapan din nila ang mabuting uri ng ekonomiya (pamamahala)
sa Pilipinas kung Kapitalista, Sosyalista o Komunista ba. Bago lumisan ang
grupo ni Mando, ipinangako niya kay Pastor at sa anak nitong si Puri na
ibibigay niya ang kahon na naglalaman ng tagubilin ng naglayas na kaanak
na si Andoy. Si Andoy, na si Mando kinalaunan, ay nanilbihan at pinag-aral ni
Don Segundo ngunit nilyasan niya ito ng sumanib sa guerilya. Ikinagalit ito ng
Don.
Mga ilang araw ang lumisan, bumalik si Mando dala ang kahon ni Andoy na
naglalaman ng sulat para sa amaing si Pastor at ng singsing para sa pinsang
si Puri. Pagkatapos nito, umalis si Mando pa-Europa. Nilibot ng dating
guerilya ang mga historikal na lugar sa Espanya, Britanya at Pranses pati na
rin ang mga pinuntahan ni Rizal at ang imprentahan ng La Soli. Naroon si
Mando upang bumili rin ng rotero para sa mabilisang pag-imprenta ng
kanyang tinutustusang pahayagan at upang ihahente ang mga alahas ni
Simoun. Doon nakilala ni Mando sina Helen, Mike at Heneral Mosca na
naghahente sa kanya at naglibot pa sa iba’t ibang lugar sa Europa at Latin
Amerika. Sa isang nightclub sa Paris, nakita niya si Dolly na kinakaladkad ng
isang Pranses. Iniligtas ni Mando ang dating pinagsisilbihan at dahil dito
napaibig niya si Dolly. Ginamit ni Mando ang pagkakataon, hangga’t di pa siya
nakikilala bilang Andoy, upang maghiganti sa mga Montero dahil sa lupit na
naranasan.
Habang nasa Europa si Mando, patuloy pa rin ang mga operasyon ng
Kampilan. Kanilang ibinalita ang mga pangyayari sa loob ng Kongreso
hanggang sa simpleng istorya katulad ng isang inang pinatay ang mga anak
dahil sa sobrang hirap. Patuloy rin ang mga batikos ng pahayagan laban sa
Mga Ibong Mandaragit. Samantala, ang ilang mataas na opisyales at
maiimpluwensyang tao ay nagtipon sa bahay ni Gobernador Doblado
(gobernador ng mga magsasaka). Kasama sina Senador Botin, Obispo
Dimas, Huwes Pilato, Heneral Bayoneta at Don Segundo Montero, naglaro
sila ng poker sa isang air-conditioned room sa loob pa rin ng bahay ng
gobernador. Dumalaw si Dr. Sabio upang pag-usapan nila ng gobernador ang
problema sa Asyenda Montero at hilingin kay Don Segundo ang pagbili ng
kanyang pamantasan sa asyenda. Tumanggi ang don sa kanyang alok.
Napag-usapan din nila ang tungkol sa “peace and order” at lagay ng politika
at pamamahala sa bansa.
Sa pagbabalik ni Mando sa Pilipinas, naghanda ng piging si Don Segundo
para sa pagbabalik ni Dolly at inogurasyon ng kanyang bagong bahay na
gawa ng arkitektong si Pong Tua-Son na may pagtingin sa dalaga. Dumating
ang Presidente at ang mga kasamang “pokerista.” Dumating din si Mando na
nakipagtalastasan sa Presidente ukol sa kamalian ng pamahalaan. Matapos
ang piging, ang mga “pokerista” at si Son Tua, ama ng arkitekto, ay nag-usap
sa bagong negosyo nila na pagbebenta ng kontrabandong armas. Sina Son
Tua at Don Segundo ang mamahala sa puhunan habang sina Heneral
Bayoneta at Sen. Botin ang sa proteksiyon. Makalipas ang ilang araw,
nagkaroon ng miting sa Plaza Miranda ang mga obrero at kilalang tao na
tumutuligsa sa mga mapag-aping pamamalakad. Si Senador Maliwanag ang
tanging politikong nagsalita kasama ang mga lider-obrero katulad ni Pastor,
Danoy at Rubio. Si Maliwanag lamang ang maituturing makabayan at maka-
mahirap sa Kongreso.
Pero matapos ang miting sa Quiapo, sinunog ang sakahan sa asyenda. Isinisi
ni Kapitan Pugot, bagong katiwala ni Don Segundo, kina Pastor, Mang Tumas
at Danoy ang pangyayari dahil natagpuan umano ang mga baril, subersibong
dokumento at ginamit sa panunog sa bahay nila. Tinanggi nina Pastor at
Mang Tumas, na kakauwi palang galing Maynila, ang panunog. Inaresto pa
rin ang dalawa sa kabila ng kanilang pagtanggi ngunit di nila kasama si
Danoy na nagpaiwan sa Maynila. Hirap at hagupit ang kanilang dinanas sa
loob ng piitan at pinilit na pinapaamin sa mga bagay na di naman nilang
ginawa. Dahil sa pagmamatigas, pinatay si Mang Tumas. Pinalabas ito na
nagpumilit tumakas kaya napatay. Ngunit napalaya rin si Pastor dahil sa
mahina ang akusasyon laban sa nasasakdal. Tiningnan naman ng huwes ang
anggulo na pinatay ni kapitan Pugot si Tumas.
Habang nagaganap ang lahat ng ito, nasa Baguio ang pamilya Montero. Doon
din sila dinalaw ng mga kasosyo sa iligal na negosyo. Dumalaw rin si Mando
sa pamilya dahil nagkataon na may pagpupulong ang mga publisista sa
naturang lungsod. Nagkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan nina Mando
at Don Segundo tungkol pa rin sa hinaing ng mga magsasaka sa ayenda ng
pamilya. Bago magpaalam inamin ni Mando kay Dolly na siya ang dating
inaaping katiwala na si Andoy. Nagulantang si Dolly at pinalayas si Mando na
may matatalim na pananalita.Sa pagpunta niya sa opisina isang gabi,
tinambangan si Mando ng dalawang lalaki at nasugatan dahil sa bala. Dala na
rin ng dating pagkaguerilya, nagawang mapagtanggol ni Mando ang sarili sa
mga tauhan pala ni Don Segundo Montero. Sa hospital, inamin ni Mando ang
dating pagkakakilanlan sa mag-amang Pastor at Puri, na kasintahan na niya.
Hiniling din niya sa ama ng kasintahan (at pinsan) ang kamay ng dalaga.
Lumabas sa Kampilan ang nangyari kay Mando. Sunud-sunod nawala ang
mga taong may pakana nito sa kanya. Ang senador ay nangibang-bansa, ang
heneral ay nagpatalaga sa Visayas at Mindanao at ang mga negosyante ay
nagpunta ng Baguio. Doon din sa hospital napag-usapan ang pag-usad ng
kanilang planong pagtatayo ng isang korporasyon kung saan nakapaloob ang
Freedom University, Kampilan, ilang radyo at telebisyon, at maging ang
Asyenda Montero upang maglunsad ng pagbabago sa bansa. Ngunit sunud-
sunod ang nangyaring mga kaguluhan, laganap ang panliligalig ng mga
tulisan sa iba’t ibang lugar. Natagpuang patay si Kapitan Pugot. Dinukot si
Son Tua ng mga tulisan at palaging may gulo sa asyenda. Kaya nagpadala
ang Presidente ng telegrama kina Dr. Sabio, Mando atb. upang humingi ng
proposisyon sa ikalulutas ng kaguluhan. Ipinakita rin niya ang listahan ng mga
may pakana ng kaguluhan. Ngunit nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap. Iginiit
kasi ni Dr. Sabio na ibigay na sa mga magsasaka ang pagmamay-ari ng
Asyenda Montero upang matigil ang kaguluhan. Sinabi naman ni Mando na
kagagawan ng punong ehekutibo ang mga panliligalig dahil sa baluktot nitong
pamamahala. Ngunit tumanggi ang Presidente sa panukala ng dalawa. Iginiit
niya na walang sinuman ang maaaring magleksiyon sa kanya. Kasabay nito
ang pagbabanta niya ng pagdedeklara ng Writ of Habeas Corpus o ng pag-
aresto ng mga may pakana ng kaguluhan na hindi dumaraan sa husgado. Sa
Asyenda Montero kung saan nagpupulong ang mga magsasaka sa
pamumuno ni Rubio at Danoy, dumagsa ang pulutong ng mga sundalo dala
ang isang tangke. Pinaulanan ng bala ang mga magsasaka, dumanak ang
dugo sa lupa. Maraming namatay na magsasaka kabilang si Pastor. Sa isang
tagong lugar, naghanda ang mga dating guerilyanong sina Mando at Magat at
mga lider-obrero na sina Danoy at Rubio upang sugapain ang Mga Ibong
Mandaragit gamit abg dahas na tanging solusyon nakikita nila sa
pagmamalabis ng mga ito at para sa ikabubuti ng mga mahihirap na siyang
mukha ng bansa.

VI. Galaw ng Pangyayari


Ang mga pangyayari ay sunod-sunod na inilahad batay na rin sa
takbo ng mga karanasan ni Mando. May mga kabanata lamang na hindi
kasunod ng naunang kabanata. Dito ipinapakita ang pagbalanse ng
istorya at mga tauhan ng nagbibigay sigla sa mambabasa upang buklatin
ang mga susunod na kabanata hanggang sa matapos ang nobela.

a. Panimula
Nagsimula ang unang kabanata sa kagubatan.Narating ni Mando Plaridel
ang dalawa pa niyang kaama, ang bahay-kubo ni Tatay matyas na nasa
kabundukan ng sierra madre.
b. Katawan
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang
gerilya, sina karyo at Martin. Si karyo ay namatay ng makagat ng paying.
Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit
siya ang napatay ni Andoy. nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na
ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagbalatkayong si Mando
Plaridel. Nakilala ni Din Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit
na salita. Didto ipinagtapat ni Mando na siya si Andoy na dating alila noon.
Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit ng unlitin iyon ni Mando ay
buong hinagpis na tumangis si Dolly. Sa tulong ng pahayagang kampilan at
ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang
mga masasamang pinuno ng pamahalaan.

c. Wakas
Nalaman ni Mando na si Son Segundo pala ang punk ng mga smugglers.
Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Din Segundo.

VII.Pagsusuri
A.Uri ng Panitikan
Ang Panitikan na into at isang Nobela

B. Estilo ng Paglalahad
Inilahad ang kuwento ng nobela batay sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari sa buhay at paglalakbay ni Mando at ng iba pang tauhan.
Inumpisahan ito ng umakyat si Mando sa bundok Sierra Madre nang
lusubin ang kanyang sinilangang bayang Sinampangan. Matapos ang
giyera, nakuha niya ang kayamanan at napunta siya sa sosyedad.
Natapos ang kuwento ng manumbalik ang kaguluhan ng dahil sa pag-
aapi ng kapwa Pilipino. Mapapansin na ang mga kabanata patungkol sa
partikular na tauhan ay minsan hindi nagkakasunod-sunod. Ito na rin ay
dahil sa pagkatapos ng isang tauhan ay panibagong tauhan ang
tatalakayin. Sa huli pinagsama-sama sila sa isang tagpuan, maging ang
kanilang layon at aksiyon. Ang mga nakalipas na pangyayari (batay sa
daloy ng kuwento) ay binabalikan ng mga taong may kuneksiyon dito,
hindi man pisikal o kahit sa salita lamang. Ang daloy na rin ng mga
pangyayari ang naglalahad ng mga ganitong uri ng panunumbalik na
binibigyan ng panibagong kabanata at tuldok ng mga tauhan. Halimbawa
nito ang ginawang pagpapatuloy sa kuwento ni Simoun at ng kanyang
alahas na muling binuhay ni Mando sa pamamagitan ng kuwento ni Tata
Matyas. Isa pa ang pagkukumpara ng mga ibong mandaragit noon at ng
mga ibong mandaragit sa panahon ng nobela. Inilahad ito ng ipakita ni
Magat ang kopya ang editorial sa El Renacimiento (Muling Pagsilang) na
pinamagatang Aves de Rapiña (Birds of Prey). Kung saan inatake nito
ang mga umano’y ibong mandaragit. (Ang mga ibong mandaragit na
tinutukoy sa Aves de Rapiña ay ang mga opisyales noong panahon ng
Amerikano katulad ni Interior Sec. Dean Worcester).

C. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Realismo

VIII. Bisa sa Panitikan

a.Bisa sa Isip
Maisasaisip ng mambabasa ang kalagayan ng mga pilipino Kong
bago pa man sila ipanganak. Ang mga pilipino noon at di lubusang
malaya sa kabila ng pagtatapos ng pananakop ng mga dayuhan.

b.Bisa sa Damdamin
Ang mga kaganapan sa kwento at isa sa mga nagpaigting ng
damdamin na kahit sino man huwag agad maniwala sa mga taong nasa iyong
kapaligiran.

c. Bisa sa Asal
Matutung tumayo sa kanang mga paa upang makipagtalastasan at
makipaglaban Hindi kanang sa sarili kundi pati narin sa nakakarami.

IX. Sariling Reaksyon


Sa nobelang into kapag ang tao at maraming karansan sa buhay ito'y
nagdadala upang ikaw aymagbago,mumulat sa katotohanan at higit sa lahat
maging matapang.dahil naniniwala ako na lahat ng karanasan mo sa buhay
ay iyo ring pagkatuto. Kapag ang tao ay gahum o masilaw sa kayamanan
maging sa pera ay siya mo ring ikajasama dahil hidndi mo na nakitakita na
minsan inaapakan muna sinasaktan at nakakagawa ka na ng Mali Para
lamang makuha mo ang iyong ninanais. Huwag magpalinlang sa mga
materyal na bagay na dulot nitoy masama bagkus gawin mo into sa tama sa
Mali.
I. Panimula/Introduksyon

a. Pamagat
Tata Selo
b. May Akda
Si Rogelio Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay
isangPilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo.. Si
Rogelio Sikat aynakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay
tanyag dahil sa "ImpengNegro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi
ng gantimpalang Palanca noong1962 sa Filipino(Tagalog). Si Rogelio Sikat ay
propesor at dekano ng Kolehiyo ng mgaSining at mga Titik sa Unibersidad ng
Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Ang akda niyang Tata Selo
ang pinagbatayan sa pelikulang “Munting Lupa” ni AngelitoTiongson, na isang
propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P.

c.Sanggunian
 www.scribd.com

II.Tauhan
Tata Selo-matandang magsasaka na pilit pinatigil sa pagsasaka, tumaga
Sa kabesa
Kabesa - may-ari ng lupa kung saan nagsasaka si Tata Selo
Presidente - kumausap kay Tata Selo tungkol sa nangyari
Alkalde - nagpatahimik sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari
Hepe - iniluklok ng Kabesa kaya't masama ang kanyang loob kay Tata Selo
Saling - anak ni Tata Selo na naging katulong kani

III.Tagpuan
Skated,San Roque, Poblacion, Sakahan, Tanggapan ng Alkalde,
Tanggapan ng Pulis(Istaked)

IV. Mga Simbolo/Tayutay


Isang matibay na bagay na makakapagbigay ng malalim na simbolismo sa
istorya ay ang "tagak". Dahil sa pagsusuring ito, umikot ang at nagbigay sabik
sa istorya ang pagtaga ni Tata Selo sa kay Kabesang Tamo. Ang tagak din ay
nagbigay suspense sa tila isang masipag at mapagmahal sa pamilya na si
Tata Selo.

V. Buod ng katha
Nag karoon ng Kaguluhan sa istaked nang malaman ng taumbayan ang
balitang pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamayari ng lupang
kung saan nag sasaka si Tata Selo, dahil sa kadahilanang matanda sa si Tata
Selo at gusto nang Palitan ni Kabesang Tano, Bago paman si Tata Selo ang
nag mamayari ng Lupa nung isinangla nat iniembargo. Dahil Dito pumunta
ang aklalde at ang hepe ng pulis upang tignan ang pangyayari. Nang
makulong si Tata Selo ang anak naman niyang si Saling ay dumalaw upang
Makita ang ama ngunit ito’y pinapauwi sa kadahilanang may sakit pa ito
ngunit si Saling ay di sumunod sa ama nito atpumunta sa tanggapan ng
alkalde dahil ito’y pinapatawag. At si Tata Selo at idinikta na lahat na ay
inagaw sa kanya.

VI. Galaw ng Pangyayari


a. Panimula
Sa bakuran ng munisipyo ng kaumagahan ay nagkukumpulan ang mga
tao sa kadahilanang kumalat ang balita na si kabesang tano ay pinatay at
tinaga ni Tata selo na isang magsasaka at ngayoy nakakulong sa istaked na
ngayo’y pinagkakaguluhan ng mga tao na tila di makapaniwala sa nangyari.
Nang tanungin kung bakit nagawa ni tata selo ang ganung bagay ay sinabi
niyang babawiin daw ang saka at nagpaliwanag na ni kailanman ay di niya
dinaya sa partihan ang kabesa at siya lamang daw ay kasama at dinugtong
pa nito na madaming tao ang nagagalit sakanya pagkat di siya nagbibigay ng
kahit isang pinangko sa tuwing siya’y umaani.

b. Katawan
Si Tata selo naman ay kinompronta ng mayaman na binat na anak
propitaryo sa San Roque na isang magilas na punong bayan, ito ay mataas,
maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo, at
sinabing din a dapat ginawa ang ganung karumal dumal na Gawain at
paliwanag naman ni tata selo na binabawi ang kanyang saka at wala silang
ibang matitirhan kapag siya’y pinaalis ngunit sumagot ang binata na hindi
katwiran iyon upang patayin ang kabesa dahil sa kabesang iyon ang lupain at
mayroon siyang karapatan na paalisin na kung sinoman sa kanyang lupain,
giniit naman ni tata selo na dating kanyang pagmamay ari ang lupain na iyon
naisangla lamang dahil nagkasakit ang kanyang asawa at naembargo lamang
ng kabesa at dugtong pa nito na siya’y nagmamakaawa na wag paalisin
sapagkat siya daw ay malakas pa at kaya pang magsaka ngunit siya daw ay
tinungkod ng tinungkod ng kabesa at tinuro ang pumutok niyang noo sa
binata, pagkatapos ay dumukot na ito ng sigrailyo at umalis. Sunod naman ay
tinanong siya nang isang batang magbubukid at napangiti nang Makita ito
dahil isa itong anak magbubukid na naniniwala sa kanya, tinanong siya ng
batang magbubukid at sinabi niya sa bata kung ano ang sinabi niya sa
mayamang binata at pahabol na tanong ng batang magbubukid ay pano na
ang kanyang anak na si Silang na maglalabimpitong anak ni tata selo na
naninilbihan sa kabesang napatay ni Tata Selo. Pagtapos ng iyon ay
dumating ang alkalde kasama ang dalawang hepe at pinadala sa kanyang
tanggapan at pinaliwanag na siya’y mabibilanggo sa kanyang ginawa anang
alakalde at siya din ay kinompronta na galit na alkalde at nagpaliwanag din si
Tata selo gaya nang pagpapaliwanag niya sa mayamang binata at sa batang
magbubukid at kanya ring tinanong ang anak ni Tata selo na naninilbihan sa
kabesang namatay, sinabing nakauwi na daw ang kanyang anak sapagkat ito
ay may sakit at pagsapit ng alas dose ay tumugtog ang kampana at don
umalis na ang alkalde upang mananghalian. Ang hepe naman ang sunod na
nakipagusap kay Tata Selo at ganun pa din ang kanyang paliwanag sa hepe
sabay na kinadyot ng hepe sa sikmura at ito’y napaluhod sa sahig habang
nakahawak sa uniporme ng hepe, kinabukasan naman ay nagkausap uli ang
alkalde at si Tata Selo at sinabing maaaring sa kabisera siya ikukulong at
baka patawan siya nang habambuhay na pagkakakulong dagdag pa nito at
sagot naman ni Tata Selo na patayin nlng din siya pagkat napatay niya ang
kabesa. Ilang sandal ay dumating na ang anak ni Tata Selo sa si Saling at
ito’y pinadala nang alkalde sa kanyang tanggapan at sinunod naman si Tata
Selo nang dalawang pulis at nang magkita ang magama ay giniit ni Tata Selo
na hindi na sana siya pumunta dahil siya ay may sakit at pagtapos noon ay
pinabalik na siya sa istaked at pagbalik ay pinanood naman siya ng mga tao
at habang nakahiga si Tata Selo sa sahig ay may gumising sa kanyang boses
at ito ay ang batang dumalaw sa kanya kahapon at inutusan na ayain umuwi
si Saling at habang nakakapit sa rehas ay nakatingin sa labas at sinasabing
lahat ay kinuha na sa kanila

c .Wakas
Napag tanto ni Tata Selo na ang kanyang buhay ay walang nang sibil,
Lahat ng kanyang hinagpis at galit ay madaling napalitan ng lungkot at pag ka
dismaya sa kanyang sinabi sa hulian na “Lahat ay kinuha sa Kanaya” ay
representasyon ng patong patong na problema sa kanyang buhay, una’y hindi
na niya pag mamay aria ng nasabing lupain dahil ito’y isinanla
niya at naembargo, pangalawa ay ang pagsalang niya kay Kabesang Tano na
nakuha ang kanyang kalayaan dahil siya ay gumawa ng matinding krimen, at
huli ang kanyang anak na si Saling na hindi sumunod sa kanyang payo at
diyan nawalan siya ng taong magmamahal sa kanya.

VII.Pagsusuri

A. Uri ng Panitikan
Ang Panitikan na ito ay maikling kwento

B. Estilo ng paglalahad
Ang paraan ng paglalahad ng akdang ito ay Nagkukwento
C. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Realismo at Teoryang Sosyolohikal

VIII. Bisa sa Panitikan

a. Bisa sa Isip
Hindi lamang sa kuwento nagyayari ang pagmamalupit ng mga
nasakapangyarihan. Maraming uri ng pagmamalupit o human rights
vilations.Isa na rito ay ang kawalan ng hustisya, pagsikil sa karapatang
pantao ngmga mahihirap at pagkawala ng due process sa pagpaptupad
ng bansa.

b.Bisa sa damdami
Lubhang nakakaawa ang hirap dahil sa pagmamalupit na dinananas
ng mag-amang Tata Selo mula sa kabesa, sa hepe at maging
saalakalde.Halos nahubaran na sila ng anumang dignidad ng pagiging
tao. Ganunkalupit kung silaý itrato ng mga nasa kapangyarihan sa bayan
ng San Roque.
.
c. Bisa sa Asal
May iba't-ibang uri ng tao sa mundo. May mga taong posisyon sa
lipunan ngunit Mali ang paggamit sa kanilang kapangyarihan. May mga
tao din namang mahihina na siyang inaapi-api lamang ng may mga
kapangyarihan. Ang mga mahihina, mahihirap at mga hikahos ay
babawian hanggang sa maging "walang-wala".

IX.Sailing Reaksyon
Lahat ng ginagawa ay planado,pinagiisipan ng mabuti lahat ng
aksyon.kung kaya’t huwag agad magtiwala sa kahit sino at kinakailangan
alamin mo muna bago ito pasukin. Huwg mag padala sa imosyon upang di
makagawa ng masama.
I. Panimula/Inyroduksyon

a. Pamagat
Ako ang Daigdig
b. May akda
Maituturing ang tulang “Akó ang Daigdíg” bilang pinakatanyag na likha ni
Alejandro G. Abadilla, na siyáng kinikilálang “Ama ng Makabagong Panulaang
Tagalog.” Una itong nalathala sa Liwayway noong Kabilang ito sa unang aklat
ng mga tula ni Abadilla, ang Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula (1955). Isa ito
sa laging-sinisipi at inilalathalang akda sa mga antolohiya ng tulang Filipino,
tulad ng sa Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas ng
Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario Mahalaga ang tula sa
kasaysayan ng panitikang Filipino. Masasabing kinakatawan nitó ang isang
pangunahing hangarin ni Abadilla sa kaniyang mga akda, ang paghámon at
pagsalungat sa de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na
sentimentalismo sa panitikang Tagalog. Kayâ dapat asahan ang
kontrobersiyang sumalubong sa pagkalathala nitó at nadagdag sa
kontrobersiyal nang karera ni A.G. Abadilla bilang makata at kritiko. Ang
mismong kasáma niya sa samahang Panitikan, si Clodualdo del Mundo ay
dagling bumigkas ng isang panayam na hindi ito tula.
c. Sanggunin
 Maestroromano.blogspot.com
 Http:// www.scribd.com

II. Tauhan
Ako

III.Tagpuan
Daigdig

IV. Mga Simbolo/Tayutay


 Aliterasyon
-Ako ang tula. Ako ang tula ng daigdig, ako ang tula ng daigdig

V. Buod ng Katha
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako


matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daidig

ako
ang daigdig
ng tula
ako

ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako

ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula
ako....

VI. Galaw ng Pangyayari


Ang galaw ng Pangyayari ng tulang ito ay walang ibang laman na salita
kundi,ako ang daigdig,tula,buhay na paulit-ulit lamang at pinagbabaliktad
lang. Ngunit sa huli'y pag maintindihan muna hindi na mahirap.

a. Panimula
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako


matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

b.Katawan
ako
ang tula
sa daidig

ako
ang daigdig
ng tula
ako

ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

c. Wakas
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig
ako
ang tula

daigdig
tula
ako....

VII. Pagsusuri

A. Uri ng Panitikan
Ang panitikan na ito ay isang Tula

B. Estilo ng Paglalahad
Ang Estilo ng paglalahad na ito ay paulit-ulit lamang ang mga salita ng
tula, binabaliktad lamang ito. Sobrang iba ang istilo ng tulang ito,ang porma
talagang masasabi mong Malaya siya.

C.Teoryang Pampanitikan
Teoryang Existensyalismo

VIII. Bisa sa Panitikan

a.Bisa sa Isip
Ang nais lamang iparating o ipahiwatig sa tulang ito ay nais lamang niya
na maging malaya. Sa pagsulat ng tula gaya na lamang na Hindi sinusunod
ang hakbang at patakaran sa paggawa ng tula na ayon sa Panitikan pinag-
aralan. Na maaaring gawin ang anumang kanyang naisin. Sa tulang ito nakita
ko ang ugnayan na nagawa ng manunulat sa pagitan ng tula, ang daigdig at
ang sarili.

b.Bisa sa Damdamin
Dahil sa tula nilalabas natin ang katotohanan, ito maaring maging sangkap
o gamit para ipaalam sa nakakarami ang katotohanan, ang tunay mating
nararamdaman. Nasasabi nating ang to too na walang pag-alinglangan na
walang pumipigil. Kaligayahan o kalungkutan,pag-bigo,galit,pagsang-ayon o
pagkontra. Ang lahat na ito ay malaya nating maipakita sa tula. Hindi
kailangang mangambang mawala ito o may mag bawal na ito ay mailathala.

c.Bisa sa Asal
Minsan nakakaligtaan na natin ang mensaheng nakabaon isang tula at
nahuhuli lamang ang ating atensyon porma at ang mga salitang ginamit nito.
Ang tulang ito ay tula nagpapahiwatig na sa mga pilipino na bumangon at
huwag magpapa-api sa mga dayuhang sumakop sa bansa. Malaya tayong
lahat na ilahad ang ating saloobin na walang sinusunod na anuman.

IX.Sariling Reaksyon
Sa tulang into masasabi Kong ikaw ang sentro ng Mundo o ang tao ang
sentro ng Mundo.ikaw mismo ang magdidikta at controlin ang iyong mga
ginagawa dahil iyan ang iyong ninanain at buhay mo iyan.walang taong
magdidikta sa buhay,Malaya mong gawin ang iyong ninanais sapagkat sa
mundong iyong ginagalawan ikaw tsuper ng buhay mo.

I.Panimula/Introduksyon

a. Pamagat
Sa mga kuko ng Liwanag

b. May Akda
Si Edgardo M. Reyes ay isang nobelista, kuwentista at scriptwriter sa
wikang Filipino. Isa siya sa pinaka-prolific na awtor ng kanyang panahon.
Karamihan ng kanyang akda ay unang lumabas sa mga magasin na
Liwayway at Bulaklak. Kasapi si Reyes sa Agos sa Disyerto anthology.

Siya ay isinilang noong 20 Setyembre 1936 at pumanaw noong 15 Mayo


2012 sa Taytay, Rizal

b. Sanggunian
 Missmouthshutted.weebly.com

II. Tauhan
Julio- ay isang mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila
upang hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya.
Ligaya Paraiso - kasintahan ni Julo na lumuwas sa Maynila dahil
pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng
prostitusyon
Pol -ay ang matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa kanyang
mga problema
Atong- ang mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang
construction site
Ah Tek- ay isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution den;
nagkagusto siya kay Ligaya kaya pinakasalan niya

III.Tagpuan
Maynila
IV. Mga Simbolo/Tayutay

Kuko-kasawian, karahasan, bangis


Liwanag- pag-asa, kaginhawaan,kalayaan
Maynila- lungsod ng pangarap at kasawian
Estero- Karahasan na pumapalibot sa lungsod ng maynila
Gusali- ang siyudad na itinatayo kung saan nagsisilbing pundasyon ang mga
na pag sa sa man talaga ng manggagawa

V. Buod ng Katha

Si julio ay napadpad sa Maynila mula probinsya. Siya ay namasukan sa


isang construction site. Hindi sapat ang kanyang kita gayundin ng kanyang
mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa
kanyang kasamahan rin sa trabaho. Noong malapit nang matapos ang
gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa ng gusali.
Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil
doon ay umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay. Naisip niya ang
kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya
nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na
trabaho si Julio at kumikita na siya ng maayos. Isang gabi habang naglalakad
si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit
hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa
isang parang paupahan. Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang
wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa
probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni
Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may
nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si
Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan
nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose hanggang alas tres. Hindi
sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa
kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito
mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.Labis na naghinagpis si Julio nang
malamang patay napala si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang mailibing si
Ligaya. Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni
Ligaya na si Ah Tek.

VI. Galaw ng Pangyayari


Ang mga Pangyayari ay iniayos ayon sa pagkakasunod-sunod nito at
ayon sa karanasan ni Julio.

a. Panimula
Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay
namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kaniyang kita
gayundin ng kaniyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo
roon. Si Julio ay nakitira sa kaniyang kasamahan rin sa trabaho.

b. Katawan
Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng
mga trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at
nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis rin si
Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.Naisip niya ang kanyang kaibigang
si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan
niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at
kumikita na siya ng maayos. Isang gabi habang naglalakad si Julio ay
parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi
niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa
isang parang paupahann .Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang
wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa
probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni
Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay
may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio
si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya.
Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose
hanggang alas tres. Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni
Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si
Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan Labis
na naghinagpis si Julio nang malamang patay na si Ligaya. Tahimik
lamang siya hanggang mailibing si Ligaya.

c. WAKAS
Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni
Ligaya na si Ah Tek.

VIII.Pagsusuri

A. Uri ng Panitikan
Ang kathang ito ay isang Nobela

B.Estilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ay nasa parang linear o kombensyal na kung
saan ang balangkas ng kwento ay sumusunod sa kaayusang Panimula,
Gitna, Wakas.

C. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Realismo

VIII. Bisa sa Panitikan


a. Bisa sa Isip
Maisasaisip ng mambabasa na hindi dapat maging gahaman sa pera
dahil ito ang ugat ng kasamaam.

b. Bisa sa Damdamin
Naging malungkot ang katapusan ng kwento. Namatay si Ligaya at
napatay ni Julio si Ah Tek.
c. Bisa sa Asal
Nararapat na magkaroon tayo ng pantay-pantay na pakikitungo sa
mga taong nakapaligid sa atin. Huwag rin tayong mapang-api sa ating
kapwa.

Sariling Reaksyon
Sa nobelang ito masasabi kong lahat ng tao sa Mundo ay Hindi pantay-
pantay dahil Kong sino lang ang mataas sila lang ang kinikila.mahirap sa
mahirap ,mayaman sa mayaman.inaapakan ng matataas ang buhay ng mga
mababang uri dahil mas makapangyatihan sila kung kayat nagagawa nila ang
mga gusto nila. Sa buhay natin ang ranging hangad lamang nation ang
magkaroon ng magandang buhay at imaging masaya ngunit di maiiwasan na
may mga taong hadlang at mapanghusga sa buhay mo. Laging isaisip na
Hindi pag hihigante ang sulusyon sa problema.

You might also like