You are on page 1of 2

Ang parabula ay isang salaysay.

Ang mga sangkap na bumubuo sa isang maikling kwento, gaya ng tauhan, tagpuan, banghay,
tema, pananaw, at iba pa ay ang mga sangkap na maaari ring gamitin sa pagsulat ng parabola.
Kung babalikan ang napakinggang parabola na “Binhi ng Mustasa,” taglay rin nito ang mga
sangkap na mayroon ang isang maikling kuwento. Ang mga pangunahing tauhan nito ay sina
Kisagotami at Buddha. Ang tagpuan nito ay isang bayan sa India ilang siglo na ang nakaraan.
Ang banghay nito ay binubuo ng pagpanaw ng kaisa-isang anak ni Kisagotami; hindi niya
pagkatanggap sa pangyayari; paghingi niya ng lunas kay Buddha; paghahanap niya ng isang
tahanang hindi pa namamatayn upang humingi ng butyl ng mustasa; pagbalik niya kay Buddha
na naliwanagan; at pagiging tagasunod niya ni Buddha. Ang tema naman nito ay pagtanggap sa
kamatayan at ang pananaw na ginamit ay ikatlo dahil tila may hiwalay na tagapagkuwento na
naglalahad ng mga pangyayari.

Ang kinaiba ng parabola sa maikling kuwento ay wala sa mga sangkap na bumubuo rito kundi
sa uri ng mensaheng taglay nito. Ang isang parabola ay may nakatagong aral na maaaring
magturo sa mambabasa o magpabago sa kaniya. Sa parabulang tinalakay, ang nakatagong
mensahe na ito ay ang hiwaga ng buhay. Ang buhay pala ay may simula at may sadyang wakas,
na walang sinumang tao, gaano man kayaman o kadakila, ang makaliligtas sa likas na prosesong
ito. Dahil pinakikilos din ng mga parabola ang imahinasyon ng tao sa maraming paraan, iba’t
ibang interpretasyon ang maaaring mabuo. Maaaring ang sumulat ng parabola ay may layong
magturo lamang ng isang tiyak na aral ngunit may iba pang aral na mapupulot ang mambabasa sa
parabola, dapat ding tanggapin ang mga ito, lalo pa kung mapabubuti nito ang tao. Halimbawa,
ang pangunahing aral ng parabola ay ang pagtanggap sa likas na daloy ng buhay ngunit kung
may iba pang mensahe na mapupulot ang mambabasa, gaya ng wagas na pagmamahal ng
magulang sa kaniyang anak, o pagtulong sa nangangailangan, tinatanggap din ang mga ito.

2. Ang parabula ay isang metapora.

May mga pagkakataong nagkukulang ang tuwirang paglalarawan sa isang bagay upang
maintindihan ito ng tao. Sa ganitong mga sitwasyon angkop ang paggamit ng mas masining na
pagpapahayag, gaya ng paggamit ng metapora. Ang metapora ay isang masining na pananalita na
tumutulong sa isang tao na maintindihan ang anumang hindi niya alam o nakalilito sa kanya
gamit ang bagay na dati na niyang alam.

Sa parabula, ang pagkakatulad ay nasa karanasan ng tauhan at karanasan ng karaniwang


mambabasa. Bawat tao, minsan sa kaniyang buhay, ay nakakaranas nang mamatayan. Maaaring
ito ay kadugo, kaibigan, o alagang hayop. Kapag ang isang ito ay nawawalan ng isang mahal sa
buhay, nakatuon lamang siya sa sakit na nararamdaman niya. Minsan, dumarating pa sa puntong
hindi niya ito matanggap at sinisisi ang Langit o ang sarili. Bago maisip ng tao na hindi patas ang
kapalaran dahil nangyari na ito sa kanya, itinuturo ng parabula na hindi, ang kamatayan ay
dinaranas ng lahat. Likas ito sa sinuman o anumang may buhay kaya sa halip na hindi tanggapin,
dapat bukas itong

Advertisements
Report this ad
Report this ad

Share this:

 Twitter
 Facebook2
 Google

Related

Mga Uri ng Maikling Kuwento

Mga Halimbawa at Uri ng Maikling Kwento

Ang Parabula ni David at Goliat

You might also like