You are on page 1of 2

Ikalawang Markahan

Pagbasa sa Filipino
Grade 8 – Ikalawang Linggo

Pangalan: _______________________________ Baitang at Pangkat: _____________

ANG LOBO AT ANG KAMBING

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-
ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining
ang tinig ng lobo.

“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang
pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman


ngang siya’y niloko lamang ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay
tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano natin gagawin iyon.”

“Papaano?”

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas.
At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang
sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na
ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing,
“Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”

At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Basahin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pagsisinungaling ng lobo sa kambing?


a. may tubig ang balon
b. walang tubig ang balon
c. may pagkain sa balon
2. Ano ang ginawa ng kambing?
a. agad itong tumalon sa balon
b. umalis na ito at iniwan ang lobo
c. kumuha ito ng baging upang ihagis sa lobo

3. Sino ang nakaisip ng paraan upang sila’y makalabas sa balon?


a. ang agila
b. ang kambing
c. ang lobo

4. Paano nakalabas ng balon ang lobo?


a. Ipinatong ng lobo ang katawan nito sa kambing.
b. Kumuha ito ng hagdan at pinahawakan sa kambing.
c. Tinawag nito ang mga kasamahang lobo upang tulungan siya.

5. Ano ang naging wakas ng kwento?


a. Parehas na naiwan sa loob ng balon ang kambing at lobo.
b. Nakalabas ang kambing at naiwan ang lobo sa loob ng balon.
c. Nakalabas ang lobo at naiwan ang kambing sa loob ng balon.

You might also like