You are on page 1of 36

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa sa binabasa ay mahalaga sa pag-aaral. Ang mga


babasahing tulad ng mga aklat, magasin, dyaryo, leaflets, brochures at iba pa ay matatagpuan sa
paaralan, pampublikong aklatan at mga bookstores. Nasubukan mo na bang basahin ang mga
ito? Madali bang maintindihan ang mga ito?
Kapag ikaw ay nagbabasa, alam mo dapat ang ninanais mong hanapin.
Maaari mong basahin nang mabagal at unawaing mabuti o alamin ang ilang pangyayari at
impormasyon sa mabilis na paraan.
Ang modyul na ito ay makatutulong upang mapabilis ang iyong pagbasa.
Ito ay binubuo ng dalawang aralin:
Aralin 1 – Mag-skim ng Impormasyon
Aralin 2 – Mag-scan ng Impormasyon

Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na


Ito?

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo nang:


♦ mag-skim upang malaman ang pangunahing kaisipan at mga layunin ng manunulat; at
♦ mag-scan upang makuha ang isang impormasyon

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago pag-aralan ang modyul na ito, gawin muna ang pagsubok na ito upang malaman kung
ano na ang alam mo sa paksang pag-aaralan.
A. I-skim ang sipi ng isang kwento sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
Ang Tahanang Puno ng mga Anak na Babae
Kerima Polotan

Kung ikaw ay may pitong anak na babae, maaari mong tingnan ang buhay sa maraming
paraan—pitong kaloob o bigay-kaya (at pitong mga manugang), o nakapangingilabot isipin,
pitong matatandang dalaga. O di kaya ay pitong pakulutan, pitong panaderya, o pitong
groserya? O di kaya ay pitong tagadisenyo ng damit, o posible namang pitong modelo?
Dati’y mayroon akong pitong babaeng sanggol ngunit isang araw pagtingin ko sa paligid di
na sila mga sanggol kundi mga batang may maruruming tuhod at sinisipon. Kailan lang
tiningnan ko sila at di na sila mga bata. Bagkus ay mayroon akong isang bahay na puno ng
mga dalagita, isang pangkat ng ganap na mga babae.

1
Mayroon akong naging pagkakasala bilang isang ina, naalala ko kung paanong masama
ang aking loob sa pagsilang ng bawat babae dahil puro lalaki ang aking gusto noon. Wala
akong maalala noong sila ay sanggol pa lamang, maliban sa walang katapusang pagpapakulo ng
tubig at pagbili ng mga tsupon. Lahat ng kainin ko ay lasang-lasa ang langis ng mansanilya.
Sa simula pa lamang, naniniwala ako sa disiplina, hindi dahil magiging matuwid ang isang
tao balang-araw kundi dahil mas nagiging maginhawa ang buhay ngayon. Dahil kung alam ng
bawat isa sa kanila ang dapat at di dapat gawin, di na sila kailangang pagsabihan pa. Isang
tingin lang o isang pagtaas ng kilay, o isang sipol o palakpak, at agad-agad ay susunod na sila.
Natatandaan ko ang mga kaibigan kong di makaimik sa pagtataka, na lahat ng mga anak ko ay
kaya kong patahimikin sa mahabang oras, sabihan ko lang sila na tumahimik. Ang totoo nga,
ang salitang tumahimik ang unang salitang kanilang natutunan at ginagamit nila ito sa isa’t isa.
Isang kaibigan ang nagsabi sa akin ng troma na maaaring maging bunga ng pagiging istrikto ko,
na maaaring humantong ito sa labis na pagkatakot, pagkatulala, at ng di maipaliwanag na pag-
uugali, ngunit ni minsan di niya narinig kung gaano katindi ang ingay na kanilang nililikha sa
tuwing sila’y malayang nagagawa ito.

Kailan ba natatapos ang pagiging bata ng isang babae at kailan naman sila nagsisimulang
maging ganap na dalaga? Kapag itinigil na nila ang pagbabasa ng komiks at nagpabili sa iyo ng
mga babasahing tungkol sa pag-ibig na sinulat ni Emily Loring. Minsan ay si Bertha Clay ang
kanilang paborito—iyong mga kuwento kung saan ang lahat ng babae ay nangagsisihimatay na
katulad ng bowling pins at palalakasin sila ng mga tauhang lalaki ni Bertha Clay na may suot na
guwantes at may mga bigote.
Ang mga anak ko ay lumipat na mula sa pag-iidolo sa mga artista sa pelikula at mga
mang-aawit, sa mga guro at kanilang tunay na mga kaibigan, pero may pagkasuplada ang mga
ito sa mga namimilit ng kanilang mga punto. Ang ilang mga batang babae ay dumadaan ngayon
sa bahagi ng kanilang buhay kung saan na ang importante ay ang pangongolekta ng mga kahon
ng kendi o ang box stage, pagkalagpas sa bahagi ng buhay na ang mahalaga ay interes ay nasa
ka-pen pal. Ang box stage ay isang obsesyon na nauuwi sa pangongolekta ng mga kahon ng
kendi o tsokolate kung saan itatago ang kanilang mga kayamanan, mga kakaibang butones,
sulat, litrato at pinatuyong bulaklak. Ang mga maituturing na matalino ay nasa kwarto at
kinakausap ang sarili, pinagagana ang malawak na imahinasyon. Ang medyo mas matatanda ay
hindi na naglalaro ng larong lalaki pero ang iba ay tumitili pa na parang baboy na naipit kapag
sinusubukan ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng isang tangkay at hukay sa lupa.

2
Noon kapag pumupunta sila sa parke ay nanghahabol pa sila ng mga palaka at
nanghuhuli ng mga alitaptap sa kanilang mga palda—ang ganoong uri ng pagkainosente ay
natapos na sa ilan at nagsimula naman sa iba. At sa halip ay tinitingnan nila nang patagilid ang
mga magkasintahang magkayakap sa plasa at pag-uwi ay magkukuwentuhan at
nagbubulungan at sa paghihiwalay ay maghahagikgikan. Ngunit minsan isang hapon nakita
ko ang isa kong anak na labinlimang taon, tulala sa kanyang nilalakaran. Nakatayo suot ang
gula-gulanit na uniporme. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at hindi ko alam kung ano
ang kanyang gagawin, kung poprotektahan niya ang sarili mula sa tamis at lungkot ng
takipsilim na iyon. Nang magkita kami sa hapag kainan ng gabi ding iyon, siya ay nagpakita
ng kakaibang kilos, kung paano’y di ko masabi, pero masikreto at malungkot, at ako’y
nalulungkot dahil alam kong malayo pa ang kanyang mararating.

Ngunit siya’y papunta na rin doon.


Kapag ganoon ang nangyari ano ang gagawin ng isang ina? Kung lahat ng ibinigay niya
sa kanyang anak ay pagtatama lamang at di pagtutuwid; puro anyo, di nilalaman;
pagpapakapitagan, di katotohanan at lahat ng ipinagkaloob niya pala sa kanyang anak ay
anino lamang, di kaluluwa. Dahil ni minsan hindi ako nagkaroon ng oras at lakas para sa
mga bagay na dapat kong matutunan bilang isang ina, pinalaki ko sila sa mga pangunahing
bagay at kaalaman—paliligo ng araw-araw at malinis na mga damit-panloob; wag
mandaraya;’wag magsinungaling; mag-aral ng leksyon; piliing mabuti ang mga kaibigan;
magbasa; tumulong sa mga gawaing-bahay; ‘wag sisigawan ang mga katulong;alagaan ang
mga nakababatang kapatid; umiwas sa mga estranghero; at sumampalataya sa Diyos.
Kung aking susuriin ang halos dalawampung taon na pagiging ina ko, ‘yun lang ang
kabuuan ng aking mga naituro sa kanila. Alam kong hindi ito kahanga-hanga. Maaari silang
nagtitiis ng hirap sa mga “beauty contests´, ligaw sa mga sayawan, ngunit hindi na rin sila
mahihirapan sa pagharap sa mga suliranin na kinakaharap ng isandang milyong kababaihan.
Sapagkat di ko ginustong sila’y maging ganap—nais ko na magkaroon sila ng
karanasan, natuto ng kaalaman na sinasabi ni Adlai Stevenson ay hindi galing sa libro kundi
sa mga pinagdadaanan ng mga tao, lugar, kilos, pagkakamali, kawalan ng tulog, pananalig,
pag-ibig—ang mga karanasan at mga damdamin sa mundo; at marahil, pati na rin munting
pananalig at pagbibigay-galang sa mga bagay na di mo nakikita.

3
Isa pang bagay na natutunan nila na aking huling sasabihin—mahalin ang isa’t isa. Ang
kagandahan nito ay di ko na kinailangang masusing pag-aralan kung paano sila tuturuan nito.
Ang isang bata na nasa Unang Baitang ay nakaiisip na ibili ng pasalubong ang kanyang
kapatid mula sa kanyang maliit na baon. Ang isa naman na nasa Ikalawang Taon ay
natutunan ding iayos ang kanyang kapatid na natutulog at ibalik ang nahulog na kumot nito.
Ang nasa Ikaanim na Baitang ay nagtitira ng bahagi ng isang keyk para sa kapatid na hindi
pa dumarating. Ang nasa Unang Taon ay tagatingin sa oras ng recess sa kanyang kapatid na
nasa kindergarten. At lahat ng yan, nang kahit hindi sila inuutusan

Ito ay isang hiwaga sa aking buhay, na matuto silang magmahal mula sa akin na hindi
nakapagbigay ng pagmamahal sa kanila, ako na sa simula pa lamang ay nagnais na
makaraos kahit napakarami nila. Nakatira lang kami sa isang maliit na bahay na
natatalukbungan ng mga puno at lagi kaming nagtatalo sa paliguan, pitong dalagita at ito ang
aking aanihin, pero sa aking masayang pagkalito, naghihiraman din kami ng mga laso sa
buhok at pare-parehong kumukuha ng pulbos sa iisang lalagyan– kahit papaano marami pa
rin kaming napagkakasunduan.

Ibigay ang bilang ng talata kung saan matatagpuan ang mga sumusunod na impormasyon:
1. kabuuang bilang ng mga anak na babae sa kanilang tahanan;
2. mga dalagitang iniidolo ang kanilang mga guro at kaibigan; at
3. mga anak na babaeng natutunan kung ano ang pagmamahal.

4
B. I-scan ang classified ads sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Isulat ang mga posisyon na maaari mong aplayan kung ikaw ay nakatapos ng kursong
sekretaryal.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5
2. Kung ikaw ay tapos ng kursong edukasyon, anong pagkakataon ang naghihintay sa iyo
ayon sa patalastas na nasa kabilang pahina? Isulat sa ibaba.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Kung nais mong pumasok bilang katulong, anong mga numero ang maaari mong
tawagan? Isulat sa ibaba.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Kumusta ang iyong mga sagot sa pagsasanay? Sa tingin mo ba nasagutan mong mabuti ang
mga ito? Ihambing ang iyong kasagutan sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 33. Kung lahat ng
iyong sagot ay tama, napakagaling. Nagpapakita lamang na marami ka nang alam tungkol sa mga
paksa sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul na ito upang pagbalik-aralan
ang nalalaman mo na. Malay mo, magkakaroon ka pa ng mga bagong kaalaman.
Kung makakuha ka naman ng mababang iskor, huwag sasama ang iyong loob. Ibig sabihin,
ang modyul na ito ay para sa iyo. Makatutulong ito upang maintindihan mo ang ilang mahalagang
konsepto na maaari mong gamitin sa araw-araw. Kung pag-aaralan mong mabuti ang modyul na
ito, masasagutan mo nang tama ang lahat ng pagsasanay at higit pa! Handa ka na ba?
Buksan ang susunod na pahina para simulan ang Aralin 1.

6
ARALIN 1

Mag-skim ng Impormasyon

Some books are to be tasted,


Others to be swallowed,
And some to be chewed
And digested.
—Francis Bacon

Ano ang sinabi ng sipi sa taas? Sa mga binabasa mo, kailangan mong mamili kung iyo itong
lalasahan (i-skim o i-scan), lulunukin (nangangahulugang iyong babasahin para sa kasiyahan) o
ngunguyain (nangangahugugang babasahin mo hanggang sa ikaw ay maging dalubhasa).
Ano ba ang layunin mo kapag nagbabasa ka ng isang gabay sa mga palabas sa telebisiyon,
mga buod ng balita o talaan sa direktoryo?
Kapag nagbabasa ng dyaryo, madalas na iniiskim mo ang mga artikulo bago tuluyang
basahin ang mga paksang gusto mo. Katulad din ito ng paghahanap ng mga aklat na bibilhin at
babasahin mo kapag ikaw ay nasa tindahan ng mga aklat.
Ituturo sa iyo ng araling ito kung paano mag-skim ng mga babasahin.

Alamin Natin

Alam mo ba kung ano ang kahulugan ng pag-iiskim? Ang ibig sabihin nito ay basahin, pag-
aralan, o siyasatin nang mababaw at mabilis,sulyapan ang babasahin upang makuha ang mga
pangunahing kaisipan. Bakit ka nag-iiskim?
♦ upang makuha ang kabuuang kaisipan ng isang lathalain, at
♦ upang malaman ang pangunahing kaisipan ng kwento o aklat.

Pag-iiskim upang makuha ang kabuuang kaisipan ng isang lathalain


Maaari kang mag-skim ng isang lathalain sa iba’t ibang paraan.
♦ Basahin muna ang pambungad at pangwakas na talata. Malalaman mo rito ang
nilalaman ng isang lathalain, maging ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito.
♦ Gamitin ang mata sa mabilis na pagbasa ng lathalain. Habang ginagawa ito, sikaping
hanapin ang paksang pangungusap o pangunahing punto, salita at parirala.
Ang paksang pangungusap ay magsasabi ng pangunahing kaisipan ng isang talata.
Kadalasan itong matatagpuan sa unahan o malapit sa pasimulang talata.

7
Subukan Natin Ito

Basahin ang mga sumusunod na talata at tukuyin ang paksang pangungusap ng bawat isa.
1. Tila may di pagkakaunawaan ang mga pinuno ng tribo mula sa mga lugar ng taniman at
paligid nito. Ayon kay Edtami Mansayagan, pinunong-kalihim ng Alyansa ng mga
Lumad sa Habatagang Mindanao Alang sa Demokrasya (ALUHAMAD). “Sinasabi
ng PNOC na nagtagumpay sila sa paghahati ng aking mga tauhan. Ngunit ito’y
nagpapapakita lamang na ang aking mga kaibigang magbubukid ay may kakulangan sa
pang-unawa sa sarili naming paraan. Ang aming lupain ay inangkin na ng di mabilang na
manananalakay, lahat sa layunin ng pag-unlad, at ang pinakahuli ay ang Bundok Apo.
Sa ngayon di na kami paaapi mula sa mga nagkakamkam ng aming minanang lupain.”
—Arquiza, Yasmin D. at
Lan Mercado-Carreon
Paksang Pangungusap: ____________________________________________
________________________________________________________________

2. Ang mga taong gumagawa sa syensya ay may iisang katangian. Ang ilan dito ay ang
pagkamausisa tungkol sa kapaligiran at ang pagnanais na masubukang unawain ito.
Ang iba pang katangian ay ang pagkakaroon ng makatwirang istratehiya sa paggawa at
ang pagnanais na maibahagi ang natutuhan sa iba.
—McLaren, James E.
Paksang Pangungusap: ____________________________________________
________________________________________________________________

3. Ang pagbibinata at pagdadalaga ay isang hakbang tungo sa pagbabagong pisikal,


emosyonal at sosyal. Kaalinsabay ng pagbabagong pisikal ay ang mabilis na paglaki at
pagbabago ng boses. Apektado rin maging ang iyong balat dahil sa pagdami ng langis
na inilalabas ng katawan at paglaki ng mga butas sa balat na sanhi ng taghiyawat sa
tuwing ang bakterya o dumi ay pumapasok sa balat. Kaya mayroon itong kapantay na
pangangailangan sa pag-iingat sa katawan katulad ng sa kahit ano pang bahagi ng
pagbabago.Nagbabago rin ang iyong damdamin. Ang pagkawili na makasama ng lalaki
ang babae at ng babae ang lalaki ay nagsisimula na sa ganitong panahon. Ikaw ay mas
palaayos, mas maingat sa iyong anyong pisikal, kasama na rin sa pananamit at pag-
aayos sa sarili. Higit pa rito, hinahanap mo ang pansinin ka o kilalanin, maipahayag ang
sariling saloobin, at makakilos nang nag-iisa.
—Alonzo, Rosario I.

Paksang Pangungusap: ____________________________________________

________________________________________________________________

Ihambing ang iyong kasagutan sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 33.

8
Alamin Natin

Pag-iiskim upang malaman ang pangunahing pangyayari sa isang kwento.


Sa pag-iiskim upang malaman ang pangunahing pangyayari sa isang kwento, maaari mong
sundin ang mga patnubay tulad din sa pag-iiskim ng mga lathalain:
♦ Basahin muna ang panimula at pangwakas na talata. Dito mo malalaman ang nilalaman
ng isang kwento maging ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito.
♦ Gamitin ang mga mata sa mabilis na pagbasa ng kwento. Habang ginagawa mo ito,
hanapin ang mga paksang pangungusap o pangunahing puntos, salita at mga parirala.

Subukan Natin Ito

I-skim ang sanaysay sa ibaba at pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Ang Pilipinas ay mayaman sa mga bihirang hayop. Isa sa mga kahanga-hangang hayop ay
ang 950 uri at kauri ng mga ibon mula sa mga cuckatoos hanggang sa mga loro, kalapati, at
maliliit na itim na ibong kadalasang matatagpuan sa palayan, maging ang 700 iba’t ibang uri ng
makukulay na mga paru-paro. Mayroon ding mga iskwirel at usa. Sagana sa dami ang mga
baboy-ramo na gustung gusto ng mga mangangaso at pinangangambahan naman ng mga
magsasaka dahil sinisira ng mga ito ang kanilang pananim.
Sa ilang liblib na lugar ay nabubuhay ang mga naglalakihang paniki sa mga kweba kung saan
sila nag-iipon ng duming guano na ginagamit na pataba ng mga magsasaka. Noon ay
napakaraming mga buwaya at Caymans sa mga latian sa Palawan, Mindoro, at Surigao. Ngunit
ang matinding pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan sa kanilang mga balat ay naging
dahilan ng masidhing paghahanap sa kanilang pinagtataguan. May mga lasong nakakubli sa mga
damuhan sa dami ng mga ahas tulad ng python at kobra. Taun-taon milyon-milyung itlog ng
pawikan ang kinukuha sa Dagat Sulu.
Anu-anong uri pa ng hayop ang matatagpuan sa ating bansa? Ang tarsius, na kilala bilang
pinakamaliit na unggoy, ay matatagpuan sa Mindanao. Ang mga pabo na kilala bilang bartik o
tandikan ay matatagpuan sa Palawan. Matatagpuan din sa Palawan ang dagang-usa. Ang
tamaraw naman ay makikita sa mga kabundukan ng Mindoro.
Ang kawili-wili sa lahat ay ang monkey-eating eagle na tinatawag na haribon, o “hari ng
mga ibon.” Ito ay nanganganib nang tuluyang mawala sa mga kagubatan. Ang kahanga-hangang
ibongito ay unang namataan noong 1896 sa Isla ng Samar ni John Whitehead, isang naturalistang
Ingles. Ang pagdami ng haribon ay mabagal: Ang isang pares ay nangingitlog tuwing ikalawang
taon, pero matagal ang kanilang buhay. Ang isang agila ay ikinulong sa zoo ng Roma sa loob
halos ng 40 taon. Ang haribon ay isang nilikhang lubhang malakas at napakaganda—halos apat
na talampakan ang taas nito mula buntot hanggang tuka. Ang ulo nito ay may palamuting taluktok
na mahaba at hugis-kandilang balahibo na nakatindig kapag may parating na panganib o kapag
susugurin ang kanyang nahuling bitag. Ito ay may malalaki at malalakas na mga kuko na kayang-
kayang manghuli at kumain ng buhay na unggoy. Kumakain din ito ng mga lumilipad na iskwirel,
daga, lawin, paniki, usa, hornbill, kuwago, bayawak, at ahas.

9
1. Ano ang pinakadiwa ng buong sanaysay? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
a. Ang monkey-eating eagle o haribon ay hari ng mga ibon.
b. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga bihirang hayop.
c. Ang Pilipinas ay may 950 uri ng mga ibon.
d. Ang ibon na kawili-wili sa lahat ng ibon sa buong Pilipians ay ang
monkey-eating eagle.

Pag-aralan ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama kung ito’y wasto. Kung
hindi naman isulat ang wastong salita kapalit ng sinalungguhitang salita upang maging tama.
_______ 2. Ang Pilipinas ay mayroong 700 iba’t ibang uri ng makukulay na paru-paro.
_______ 3. Naninirahan sa Pilipinas ang mga cuckatoos, loro, at kalapati,
_______ 4. Ang mga magsasaka ay tuwang-tuwa dahil sa dami ng mga baboy-ramo.
_______ 5. Ang guano na mula sa malalaking paniki ay ginagamit na pataba.
_______ 6. Ang malalaking paniki ay nakatira sa mga palayan.
_______ 7. Ang mga buwaya at caymans ay pinapatay dahil sa kanilang mga balat.
_______ 8. Milyun-milyong itlog ang nakukuha taun-taon mula sa mga pawikan sa
Dagat ng Timog Tsina..
_______ 9. Ang itinuturing na pinakamaliit sa lahat ng mga unggoy, ang chimpanzee, ay
makikita sa Mindanao.
_______10. Ang pinakamaliit na ibon na tinatawag na pabo o tandikan ay matatagpuan
lamang sa Palawan.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 33.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

I-skim ang kwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Maganda at ang Halimaw


Noong unang panahon sa isang malayong lupain, isang batang prinsipe ang nakatira sa isang
maningning na kastilyo. Kahit nasa kanya na ang lahat ng kanyang naisin, siya ay maramot at
masama pa rin.
Isang gabi ng taglamig, isang engkantada ang dumating sa kastilyo at nagpanggap na
matandang pulubi. Inalok niya ang prinsipe ng isang rosas kapalit ng masisilungan sa malamig na
gabing iyon. Ngunit kinutya lamang ng prinsipe ang kanyang inaalok na regalo at pilit siyang
pinaalis.

10
Dahil dito binago ng engkantada ang anyo ng prinsipe. Naging isa itong nakatatakot na
halimaw, maging ang kanyang mga tagapagsilbi ay ginawang kasangkapan sa bahay. Ang
sumpang ito ay maaalis lamang kung ang Halimaw ay matutong magmahal at mahalin din bago pa
malagas ang kahuli-huling talulot ng kaakit-akit na rosas.
Nagkulong na lamang ang Halimaw sa kastilyo dahil sa kahihiyan. Isang magarang salamin
lamang ang kanyang gamit upang makita ang mga nangyayari sa labas ng kanyang kastilyo.
Sa paglipas ng panahon, nawalan siya ng pag-asa. Sino nga ba ang iibig sa isang katulad
niyang Halimaw?
Sa di kalayuan mula sa kastilyo, sa isang maliit na baryo, ay may nakatirang magandang
dilag na nagngangalang Belle.

Gustung-gusto ng dalagitang ito ang magbasa ng kwento tungkol sa malalayong lugar, sa


mga sumpa, at sa mga prinsipeng nagpapanggap. Nananabik siya sa kasiyahan sa kanyang
buhay—at sa isang taong makakasama niya sa pagtamasa nito. At kung sino man iyon ay hindi
ang gwapong si Gaston, na nagpahayag ng hangarin na pakakasalan si Belle dahil siya ang
pinakamagandang dalaga sa buong baryo. Para kay Belle si Gaston ay isang makasarili at
aroganteng lalaki. Bukod doon, may iba pang plano ang dalaga.
Ang ama ni Belle na si Maurice ay isang imbentor, kahit na ang lahat ng kanyang imbensyon
ay di nagtagumpay. “Gusto ko nang sumuko sa walang kwentang pag-iimbensyon,” sabi ni
Maurice isang araw, na sinisi pa ang kanyang bagong proyekto.
“Lagi mong sinasabi ‘yan,” ang natatawang sabi ni Belle. “Alam kong mananalo ka ng unang
gantimpala sa paligsahan sa perya.”
Dahil sa pagganyak ni Belle natapos din ni Maurice ang kanyang imbensyon. Nang hapon
ding iyon, inimpake niya iyon sa likod ng kanyang kabayong si Philippe at nagtungo na sa perya.

11
Pagkalipas ng ilang oras, sila’y naglalakbay pa rin. “Kailangan nating mag-iba ng daraanan
sa may kakahuyan para mapabilis tayo sa ating paglalakbay,” wika ni Maurice.
Ang daanan sa gubat ay madilim at nakatatakot. Nakarinig si Philippe ng ungol ng
mababangis na lobo, at napatindig ito sa takot.
“Hinto, Philippe,hinto!” sigaw ni Maurice. Pero sumibad ng takbo ang takot na takot na
kabayo at nahulog ang sakay nito.

Kumaripas ng takbo si Maurice upang makaiwas sa mababangis na lobo. At nang


maramdaman niyang papanawan na siya ng lakas, nasumpungan na lamang niya ang kalawanging
tarangkahan ng isang madilim na kastilyo.
Walang sinumang sumagot sa kanyang katok, kaya pumasok na lamang siya sa loob ng
pinto. “Tao po?” ang tawag niya.
“Shh! Walang magsasalita,” bulong ng orasan sa gintong kandelabra.
“Oh, Cogsworth, mahabag ka,” ang sagot ng kandelabra. At siya’y sumigaw, “Ginoo,
tumuloy ka.”

12
Nagulat si Maurice nang makita ang nagsasalitang kandelabra. Pero nang imbitahin siya ni
Lumiere sa tabi ng naglalagablag na apoy sa fireplace, buong pasasalamat siyang naupo sa isang
malaking upuan.
Nang dumating si Gng. Potts kasama ang kanyang anak at alukin siya ng isang tasang tsaa,
lubos siyang nasiyahan. “Pambihirang serbisyo!” wika niya.
Pero sa pagkakataong iyon, bumukas ang pinto at sumuklob ang anino ng Halimaw sa
buong silid. “Anong ginagawa mo rito?” angil nito kay Maurice.

Naramdaman na lamang ni Maurice na sinunggaban siya ng malalaking kuko at hinila siya sa


seldang ligid ng rehas sa bartolina.
Samantala sa baryo, habang naghihintay si Belle sa pagbabalik ng kanyang ama ay
mayabang na mayabang na dumating si Gaston dala ang isang alok kay Belle. “Tingnan mo ito,”
ang sabi ng lalaki, “isang malaking tirahan, ang bago kong huling hayop na nakasalab sa apoy, at
ang aking asawang nagmamasahe ng aking mga paa. At alam mo ba kung sino ang babaeng
mapapangasawa ko? Ikaw, Belle!”
Walang maisip sabihin si Belle. Sa wakas ay nasabi rin niya ang, “Patawad, Gaston, pero
hindi ka nararapat sa akin.” At nang siya’y kumilos upang iwasan ang lalaki, nahulog si Gaston
mula sa pintuan pabagsak sa putikan—sa harap ng mga taong kanyang inanyayahan sa kanyang
kasal. “Mapapangasawa ko rin si Belle,” ang nanggagalaiti niyang sabi. “Makikita niyo rin.”
Ngunit di na iyon napakinggan ni Belle dahil sa mga oras na iyon, nakita niyang kumakaskas
si Philippe sa kanilang bakuran.
“Nasaan si Ama?” iyak ni Belle. “Kailangang dalhin mo ako sa kanya!”

13
Bumalik sa kakahuyan ang pagod na kabayo sakay si Belle. Nang makita ni Belle ang
sombrero ng kanyang ama sa loob ng bakuran, alam niyang kailangan niyang pumasok sa
nakatatakot na kastilyo.
Isang tingin lamang ni Lumiere kay Belle at alam na niyang ito ang matagal na nilang
hinihintay—ang babaeng makakasira sa sumpa. Kaya dinala niya ito sa kanyang nakakulong na
ama.
“O, Ama ko! Kailangang mailabas kita nito!” ang iyak ni Belle. Ngunit sa pagkakataon ding
iyon ay pumasok ang Halimaw.

“Parang awa mo na, palayain mo ang aking ama. Siya’y may sakit,” pagmamakaawa ni
Belle.
“Hindi siya dapat nangahas na pumasok dito,” ang sagot ng Halimaw. “Wala ka nang
magagawa. Siya’y aking bilanggo.”
“Ako na lang ang kunin mo,” ang sabi ni Belle.
“Kung gayon ipangako mo sa akin na mananatili ka rito habang-buhay,” ang sagot ng
Halimaw.
Iyon nga ang napagkasunduan nila. Hinila ng Halimaw si Maurice sa engkantadang karwahe
at pinauwi ito sa kanilang tahanan.

14
Malungkot na malungkot na pinagmasdan ni Belle ang kanyang papaalis na ama. Hindi man
lang siya binigyan ng pagkakataong makapagpaalam. Ngunit alam niyang dapat niyang tuparin ang
pangako sa Halimaw.

Ang mga sumunod na pangyayari ay nagpakita na hindi naman ganoon kasama ang Halimaw
na katulad ng kanyang anyo—ang aparador sa kanyang silid-tulugan na puno ng magagarang
damit, ang masasarap na pagkain sa kastilyo—patunay ang lahat ng ito ng ugaling iyon ng
Halimaw. Kaya pinilit na lamang ni Belle na magtiyaga at makuntento sa gitna ng ganoong
kalagayan..
Samantala, sa pagbabalik ni Maurice sa kanilang baryo, humingi ito ng tulong sa mga tao.
“Tulungan ninyo ako! Ikinulong niya si Belle sa bartolina!” Ngunit nang ikwento niya ang
nakatatakot na halimaw sa mga ito, ang matandang imbentor ay tinawag lamang nilang isang
baliw.
Habang nagtatawa ang mga tao kay Maurice, may binalak si Gaston kasama ang kanyang
kaibigan na si Lefou. Nakaisip siya ng paraan kung paano mapipilit si Belle na makasal sa kanya.
Sa kastilyo, hindi naman totoong nakakulong si Belle. Pinayagan siya ni Halimaw na
magpunta sa kung saanmang bahagi ng kastilyo… huwag lang sa kanlurang bahagi nito.
Di naglaon, ang kanlurang bahagi ng kastilyong iyon ang palagi na lang naiisip ni Belle. Kaya
nang walang nakamasid, ingat na ingat na nagtungo siya rito. Natagpuan niya ang isang maruming
silid na puno ng mga basag na salamin at sira sirang kasangkapan. Ang tanging magandang
nilikhang nabubuhay ay ang mahiwagang rosas na nasa loob ng isang garapon. Hahawakan niya
na sana ito nang biglang umatungal ang Halimaw sa kanya.
“Bakit ka pumasok dito?” hiyaw nito. “Lumabas ka!”
Natakot si Belle. Nakita siya ni Lumiere at Cogsworth na tumatakbo sa pasilyo, pero wala
silang magawa upang pigilan ito. Lumabas siya sa pinto, dali-daling sumakay kay Philippe, at
tumakas sa malamig na gabing iyon.

15
Sa kanilang pagtakbo sa kakahuyan, namataan nila ang nanlilisik na mga mata ng
mababangis na lobo. Ngunit nang subukan nilang tumakbo nang mabilis, nasabit ang renda ni
Philippe sa isang sanga. Napatindig ito at tumilapon si Belle sa lupa. Kaagad-agad pinaligiran si
Belle ng mababangis na lobo.
Nang bigla na lang, kalmutin ng malalaking kuko ng halimaw ang isa sa mga lobo at ihagis
ito. Matapos ang mabagsik na labanan, tumatangis na tumakas ang mga lobo patungo sa
kagubatan. Ngunit ang Halimaw ay nasaktan.

Sasakay na sanang muli sa kabayo si Belle nang mapansin niyang hinimatay sa sakit ang
Halimaw. Sandali siyang nag-alangan bago tumakbo upang tulungan din ang Halimaw.
Inalalayan ni Belle ang Halimaw pabalik sa kastilyo.Ginamot ng dalaga ang mga sugat ng huli
hanggang sa gumaling ito. Di nagtagal, si Belle at ang Halimaw ay magkasama nang nagbabasa ng
mga aklat, kumakain, at namamasyal.
“Hindi ba’t napakaganda ng ganyan!” ang tuwang-tuwang sabi ng mga kasangkapan sa
kastilyo habang pinagmamasdan ang dalawang bagong magkaibigan.
Sa wakas, pumayag din ang Halimaw na siya ay suotan ng bagong damit ng mga
mahiwagang kasangkapan.
“Ngayong gabi, kung tama ang panahon, maaari mo nang ipahayag sa kanya ang iyong pag-
ibig,” ang payo ni Lumiere sa Halimaw.

16
Nang gabing iyon, matapos ang hapunan, niyaya ni Halimaw si Belle na sumayaw. At sila’y
nagsayaw sa saliw ng isang magandang tugtugin.

“Masaya ka bang kasama ako?” ang tanong ng Halimaw sa dalaga.


“Oo, ngunit …,” ang bantulot na sagot ni Belle, “kung makikita ko lang ang aking ama kahit
sandali.”
“Madali iyan,” wika sa kanya ng Halimaw. At inilabas nito ang mahiwagang salamin.
Nang tumingin si Belle sa salamin, nakita niya ang kanyang ama na naliligaw sa kakahuyan at
giniginaw, balisang naghahanap sa kanya. “O hindi! Siya’y may sakit! Baka siya’y mamatay!” ang
iyak ni Belle.
“Kung ganon, puntahan mo siya,” ang wika ng Halimaw. “Pinalalaya na kita. Ngunit dalhin
mo itong salamin, nang sa ganon maaalala mo ang lahat ng ito at maaalala mo rin ako.”
“Bakit mo siya pinalaya?” ang mangiyak-ngiyak na tanong ni Cogsworth.
“Dahil mahal ko siya,” sagot ng Halimaw.
Sa tulong ng salamin natagpuan ni Belle ang kanyang ama at dinala niya ito sa kanilang
tahanan. “Paano kang nakatakas sa malupit na halimaw?” tanong nito sa dalaga.
“Hindi ako tumakas, Ama. Pinalaya niya ako,” ang sagot ni Belle. “Nagbago na siya.”
Samantala, nakumbinsi ni Gaston ang namamahala ng ospital ng mga nasisiraan ng bait na
dalhin doon si Maurice. Simple lang ang kanyang plano—papaniwalain niya si Belle na siya lang
ang tanging makapagliligtas sa ama nito—kung papayag siyang mapakasal dito.

17
“Alam ng lahat na ang kanyang ama ay nasisiraan ng bait. Ikaw ba naman ang
magkwento tungkol sa isang malaking halimaw! Pero gagawin ni Belle ang lahat upang
protektahan ang ama,” ang paliwanag ni Gaston.
Ngunit nang dumating sa bahay nina Belle si Gaston at ang namamahala sa ospital,
kasunod ang maraming tao mula sa baryo, ipinakita ni Belle ang mahiwagang salamin na may
larawan ng Halimaw. “Hindi baliw ang aking ama!” ang tutol niya. “Totoong may Halimaw, ngunit
siya ay mabait.”

Napagtanto ni Gaston na may pagtangi si Belle sa Halimaw. Sa galit, ay kinuha niya ang
salamin sa dalaga.
“Baliw din siya tulad ng kanyang ama!” wika niya sa mga tao. “Papatayin ng Halimaw ang
inyong mga anak. Kaya patayin natin siya.”
Sumunod ang galit na mga tao kay Gaston patungo sa kakahuyan upang sugurin ang kastilyo
ng Halimaw.
Mula sa bintana ng kastilyo, nakita ng mga mahiwagang kasangkapan ang pulutong ng mga
tao, at naghanda sila ng panlaban sa mga ito.Nang sinisira na ng mga taga-baryo ang pinto ng
kastilyo, isang grupo ng mga nagngangalit na mga kasangkapan ang nakahanda nang lumaban sa
kanila.
“Ngayon na!” sigaw ng pinunong si Lumiere. Bigla na lang nagliparan ang mga tinidor, walis,
at iba pang kasangkapan patungo sa nagulantang na mga taga-baryo.
Ngunit dahil alam na ng Halimaw na nawala na nang tuluyan sa kanya si Belle, nawalan na
ito nang lakas para lumaban. “Anong gagawin natin, panginoon?” tanong sa kanya ni Gng. Potts.

18
“Wala nang halaga ang lahat ngayon. Hayaan ninyo silang pumasok,” ang matamlay na sagot
ng Halimaw. Nang pumasok si Gaston sa silid nito, hindi man lang nito ipinagtanggol ang sarili.
Ngunit agad namang dumating si Belle , at nakita niyang pilit inihuhulog ni Gaston ang
Halimaw.
“Huwag!” ang sigaw ni Belle.
Ang tinig ni Belle ay nagbigay ng lakas sa Halimaw upang lumaban. Sinakal niya si Gaston at
ibinitin sa gilid ng bubungan.
“Pakawalan mo ako! Gagawin ko ang lahat pakawalan mo lamang ako!” ang
pagmamakaawa ni Gaston.

Puno man ng galit, saglit na nag-isip ang Halimaw at napagtanto niyang hindi naman siya
ganoon kasama. Ibinaba niya si Gaston sa balkonahe, at tinungo ang kinaroroonan ni Belle na
dali-daling umakyat upang makita siya.
Ngunit nang yayakapin na niya si Belle ay biglang binunot ni Gaston ang patalim sa kanyang
sapatos at sinaksak ang Halimaw sa likod.
Napahiyaw sa sakit ang Halimaw. Nahintakutang umatras si Gaston, ngunit napatid ito sa
balkonahe at nahulog sa bubong tungo sa kanyang kamatayan.
Ngunit matindi ang sugat na natamo ng Halimaw. Tumakbo si Belle patungo sa kanya at
niyakap niya ito. “Nagbalik ka,” ang bulong ng Halimaw. “Kahit sa huling sandali ay nakita rin
kita.”

19
“Huwag kang magsalita ng ganyan. Gagaling ka pa rin,” wika ni Belle, habang pinipigil ang
pagpatak ng mga luha.

Sa loob ng silid ng Halimaw, ang huling talulot ng mahiwagang rosas ay babagsak na.
“Huwag mo akong iwan. Mahal kita,” hikbi ni Belle, at saka hinalikan nito ang Halimaw
kasabay halos ng pagbagsak ng huling talulot ng rosas.
Ngunit nakapagtataka! Biglang tumayo ang Halimaw at nagbalik ito sa dating anyo—naging
isa itong tao!
“Ako ito, Belle,” wika ng Prinsipe.
Niyakap ni Belle ang Prinsipe. Nang hagkan nila ang isa’t isa, napuno ng kahiwagaan ang
paligid. Hindi nagtagal sina Lumiere, Cogsworth, Gng. Potts at Chip at lahat ng mga kasangkapan
sa kastilyo ay nagbalik sa dati nilang anyo.
Sa gabing iyon, ang kastilyo ay napuno ng pagmamahalan nina Belle at ng Prinsipe nang
sila’y magsayaw ng magsayaw, nang hindi man lang inaalis ang pagkakatitig sa isa’t isa. At ang
kastilyo ay napuno ulit ng buhay at kasiyahan.
1. Ano ang buong diwa ng kwento?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Bakit ginawa ng engkantadang maging Halimaw ang Prinsipe?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

20
3. Bakit ikinulong ng Halimaw si Maurice?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Bakit pinalaya ng Halimaw si Belle nang malaman nito na may sakit ang kanyang ama
ng huli?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Paano naalis ang sumpa sa Halimaw?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34. Nakuha mo ba
ang lahat ng tamang sagot? Magaling. Ibig sabihin marami kang natutuhan mula sa araling ito at
handa ka na sa susunod pang aralin. Kung hindi naman, huwag mag-alala. Magbalik-aral lang sa
mga bagay na hindi mo nasagot nang tama bago tumungo sa Aralin 2.

Tandaan Natin

♦ Ang ibig sabihin ng mag-skim ay basahin, pag-aralan, at siyasatin nang mabilis;


sulyapan ang babasahin upang makuha ang mga pangunahing kaisipan o pangyayari.
♦ Nag-iiskim tayo upang:
• makuha ang kabuuang kaisipan ng isang lathalain; at
• malaman ang buong pangyayari sa isang kwento o aklat.
♦ Maaaring mag-skim ng isang lathalain o aklat sa pamamagitan ng:
• pagbabasa muna ng panimula at pangwakas na talata upang malaman ang
nilalaman ng isang lathalain, pati na ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito; at
• paggamit ng mga mata sa mabilis na pagbasa ng lathalain o kwento habang
hinahanap ang paksang pangungusap o pangunahing puntos, salita, at parirala.
♦ Ang paksang pangungusap ay nagsasabi ng pangunahing kaisipan ng isang kwento o
talata. Kadalasan ito ay matatagpuan sa unahan o malapit sa panimulang talata.

21
ARALIN 2

Mag-scan ng Impormasyon
Nasubukan mo na bang tumingin sa classified ads ng isang dyaryo. Bakit ba binabasa ng
mga tao ang pahina ng classified ads?
Ang pahinang ito ay kadalasang nagbibigay sa atin ng ideya kung anu-anong mga trabaho
ang iniaalok sa buong bansa, maging sa labas ng bansa. Maaari ring makahanap dito ng mga
bagay/lugar na mauupahan o mabibili.
Ano kaya ang kinalaman nito sa ating aralin?
Simple lang! Ituturo sa iyo ng araling ito ang tungkol sa pag-iiscan, ang pamamaraang
ginagamit kapag tumitingin sa classified ads sa dyaryo, sa numero ng telepono na makikita sa
direktoryo, o kung saan ka man makakakuha ng impormasyon.

Subukan Natin Ito

Tingnan ang pahina ng directory sa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

22
1. Kung ikaw ay nakatira sa Kamuning at gusto mong tawagan ang pinakamalapit na
sangay ng Metrobank, anong numero ang dapat mong idayal upang makakuha ng
impormasyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paano kung ikaw ay nakatira sa Cubao? Itala ang mga numero ng sangay na iyong
matatawagan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay nakatira sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Lungsod Quezon,
anong hanay ang dapat mong tingnan upang makuha ang mga numero ng telepono ng
mga sangay doon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ihambing ang iyong kasagutan sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34.

Alamin Natin

Upang masagutan ang mga tanong sa itaas, anong kasanayan sa pagbasa ang iyong ginamit?
Kapag sinusubukan nating kumuha ng isang impormasyon ini-scan natin ang ating binabasa.
Ang ibig sabihin ng mag-scan ay sumulyap sa isang babasahin upang makita ang hinahanap na
impormasyon. Ito ay katulad ng pag-scan ng classified ads kung naghahanap ka ng trabaho o
pag-scan ng direktoryo kung naghahanap ng numero ng telepono o tirahan.
Mayroong dalawang paraan ng pagkilos ng kamay na makatutulong sa iyo kapag nag-scan
ng mga babasahin. Ang una ay ang tinatawag na sirkular o paikot na kilos ng kamay. Ito ay
maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpapaikot ng isang kamay nang mabilis. Tingnan ang
larawan sa ibaba upang makita kung paano ito ginagawa.

Ginamit mo ba ang ganitong paraan sa pag-i-scan sa pahina ng direktoryo sa pahina 22?


Kung ang sagot mo ay oo, napakagaling! Ang paraang ito ay makatutulong sa iyo upang madaling
makakuha ng impormasyong kailangan mo sa ilang sandali lamang.

23
Subukan Natin Ito

I-scan ang sanaysay sa ibaba para sa ilang detalye at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Ang Dengue fever, na ngayon ay kilala bilang H-fever, ay mabilis na kumakalat sa Kamaynilaan.
Ang nakapipinsalang mga lamok na babae na nagdadala ng sakit na ito ay nagkalat sa paligid.
Ang Dengue (H-fever) ay hindi nakahahawa. Ngunit kailangan itong pag-ukulan ng agarang
atensyon at maagap na panggagamot sa ospital kung saan ito ay masusuri nang maayos at
masusubaybayan. Maraming mga bata at matatanda ang maysakit ng H-fever.
Walang bakuna para sa sakit na ito. Sa kasamaang palad ang isang tao ay maaaring magkasakit
nito nang maraming beses. Kung sa di inaasahang pagkakataon ay makagat ka ng babaeng lamok na
nagdadala ng sakit na ito, maaari kang magkasakit nang paulit-ulit. Sa ilang sitwasyon, buong
sambahayan ang nagkakasakit nito. Ibig sabihin nito, ang ilang aktibong babaeng lamok ay abala sa
pagsipsip ng dugo mula sa iba’t ibang miyembro ng pamilya.
Marami sa mga subdibisyon at condominium ang nakatayo malapit sa sapa, dagat-dagatan, at
estero, kung saan nabubuhay ang mga lamok. Kailangan nating mangampanya upang masiguro ang
matagumpay na pagpuksa ng tagapagdala ng sakit na ito mula sa ating mga bakuran at tahanan.
Kailangan nating maglagay ng mga mosquito repellent kung tayo ay tutungo sa bakuran, lalo na kung
malapit ito sa sapa. Dapat ding magsindi ng mga insect repellent candles sa loob ng bakuran.
Isang magaling na paraan ng pagpuksa ng mga lamok na may dala ng sakit na ito ay ang pagtawag
sa mga taong makatutulong sa pagpapausok o fumigation ng bakuran. Ang pagsunog ng balat ng
lansones o mangosteen ay isang matandang kaugalian na pinaniniwalaang epektibo sa pagtataboy ng
mga lamok.
May mga nagsasabi na ang mga lamok na nagdadala ng sakit na ito ay iyong mga kumakagat sa
araw. Ngunit dapat pa rin tayong mag-ingat sa mga lamok sa araw man o sa gabi. Ang mga lamok ay
matatagpuan sa buong daigdig. Ngunit sa ibang bansang tropikal, tulad ng sa Pilipinas, sila’y mas
mabilis dumami. Mahigit sa 2,000 uri ng lamok ang natagpuan na. Ngunit bawat taon nakadidiskubre
ang mga siyentipiko ng mga bagong uri ng mga ito.
Mabuti na lamang at sa mga huling dekada ay nagtagumpay tayong puksain ang mga lamok na
may dalang malaria sa mga baryo. Tanging ang Palawan na lamang ang hindi pa kasama rito, pati na
ang ilang liblib na lugar. Gayon pa man, isang bagong uri ng malaria ang natuklasan. Ang sakit na dulot
nito ay hindi kayang labanan ng karaniwang gamot sa malaria.
Kailangan natin ng isang malinaw na plano at dapat ay patuloy ang ating pagsisikap na puksain ang
mapanganib na mga lamok na ito. Tinatawagan namin ang mga opisyal ng pamahalaan sa kalusugan at
ang mga tagabaryo na suportahan ang proyekto ng pagpuksa ng mga lamok sa paraang di makasisira
ng kalikasan. Ang mga maiingay na babaeng lamok na ito na sumisipsip ng dugo ay mapanganib.
Tayo’y magsama-sama at siguruhin ang kaligtasan ng ating pamilya, mga alagang hayop at ibon, mula sa
mga mga lamok na ito.
A. Ano ang paksa ng sanaysay na binasa mo? Lagyan ng tsek (4) ang patlang ng iyong sagot.
______ 1. Ang Dengue o H-fever ay hindi nakahahawa.
______ 2. Ang mga balat ng lansones ay mabisang pamuksa ng lamok.
______ 3. Kailangan nating puksain ang mga lamok na nagdadala ng sakit.

24
B. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at Mali kung ito ay
hindi wasto.
______ 1. Ang Dengue fever ay karaniwang tinatawag na H-fever.
______ 2. Ang H-fever ay isang nakahahawang sakit.
______ 3. May mga bakuna laban sa H-fever.
______ 4. Ang mga sapa at estero ay pinamamahayan ng mga lamok.
______ 5. Nakatutulong ang insect repellent candles na puksain ang mga lamok
_____ 6. Ang usok ng sinunog na balat ng lansones ay mabisa ring pantaboy sa mga
lamok.
______ 7. Ang mga lamok na may dala ng H-fever ay kumakagat tuwing gabi.
______ 8. Ang mga lamok ay makikita sa maiinit na lugar o sa mga bansang tropikal.
______ 9. Ang malaria ay napuksa na sa buong Pilipinas.
______10. May mahigit sa 2000 uri ng mga lamok.

Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34.

Alamin Natin

Ang ikalawang paraang ginagamit sa pag-iiscan ay ang zigzag pattern. Tingnan sa


larawan sa ibaba upang makita kung paano ito ginagawa.

Sinubukan mo bang pagalawin ang iyong kamay sa ganitong paraan? Ang mga ito’y
makatutulong upang mapadali ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga babasahin at
mabawasan ang pag-aaksaya ng panahon at lakas.

25
Subukan Natin Ito

Tingnan ang classified ads sa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Kung ikaw ay isang estudyante ng U.P. Diliman at naghahanap ng isang kwartong


maaari mong tuluyan, anong numero ang dapat mong tawagan upang makakuha ng
impormasyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Anong kategorya ang iyong titingnan kung ikaw ay naghahanap ng lugar na


tumatanggap ng bedspacer?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

26
3. Kung ikaw ay nagbabalak na magtayo ng kantina at nais mong umupa ng lugar na
malapit sa iba pang negosyo, alin sa mga lugar na nakapatalastas ang maaari mong
tingnan at tawagan para sa mga impormasyon?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Ihambing ang iyong kasagutan sa Batayan sa Pagwawasto pahina 34.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

I-scan ang unang pahina ng isang pahayagan sa ibaba at pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

27
1. Itala ang pamagat ng mga artikulo sa ilalim ng kategoryang “Breaking News.”
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga pangalan ng iba’t ibang kolumnista sa araw na iyon? (Tingnan ang
kategoryang “Inquirer Op-Ed.”)
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Sa anong pangunahing balita matatagpuan ang mga sumusunod na artikulo?
a. “Estrada, son must attend bail hearings – Sandigan”
____________________________________________________________
b. “After five years, Australian IT exec becomes Filipino at heart”
____________________________________________________________
c. “18 dead, 75 injured in suicide bombing in Tel Aviv”
____________________________________________________________
d. “Bright boy opted for lowest paying job”
____________________________________________________________
e. “Kidnap-for-ransom gang leader falls”
____________________________________________________________

Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 35.

Tandaan Natin

♦ Ang ibig sabihin ng pag-i-scan ay pagsulyap sa isang babasahin upang makuha ang
hinahanap na impormasyon.
♦ Mayroong dalawang pamamaraan ng pag-i-scan ng mga babasahin:
• paikot na galaw ng kamay
• zigzag na galaw ng kamay

Ito na ang katapusan ng modyul! Binabati kita! Nagustuhan mo ba ito? May natutunan ka
ba na magagamit mo mula rito? Ang buod ng bawat isa ay nasa kabilang ay nasa kabilang pahina.
Tutulong ito sa saiyo upang matandaang mabuti ang iyong natutunan.

28
Ibuod Natin

Ang modyul na ito ay tungkol sa:


♦ Pag-i-skim na ang ibig sabihin ay pagbabasahin, pag-aaral, o pagsiyasat nang mababaw
at mabilis;sulyapan ang babasahin upang makuha ang mga pangunahing kaisipan.
♦ Tayo ay nag-i-skim upang:
• makuha ang kabuuang kaisipan ng lathalain; at
• malaman ang pangunahing pangyayari sa kwento o aklat.
♦ Maaaring mag-skim sa pamamagitan ng:
• pagbasa muna sa panimula at pangwakas na talata upang malaman ang
nilalaman ng lathalain o kwento at maging ang layunin ng manunulat sa pagsulat
nito.
• mabilis na pagbasa ng mga artikulo o kwento habang hinahanap ang paksang
pangungusap o mga puntos, salita at mga parirala.
♦ Ang paksang pangungusap ay tumutukoy sa pangunahing kaisipan ng kwento o talata. Ito
ay kadalasang makikita malapit sa talata o sa unahan nito.
♦ Ang ibig sabihin ng pag-iiscan ay pagsulyap sa isang babasahin upang makita ang
hinahanap na impormasyon.
♦ Mayroong dalawang pamamaraan ng pag-i-scan ng mga babasahin
• paikot na galaw ng kamay; at
• zigzag na galaw ng kamay

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

A. I-skim at i-scan ang kwento sa ibaba. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Noong unang panahon, ang mga tao ay naniniwalang may mga diyos at diyosa na may
kapangyarihang mahika. Maraming kwento tungkol sa kanila. Ayon sa isa sa mga kwentong
ito, nilikha ni Jupiter, ang ama ng mga sinaunang diyos ng Roma, ang lahat ng mga hayop sa
buong daigdig.
Di nagtagal, tumalun-talon ang isang kabayo patungo sa tuktok ng palasyo ni Jupiter at
sumigaw ito nang:“O dakilang diyos na Jupiter, ayon sa lahat ng mga hayop, ako ang
pinakamaganda sa iyong mga nilalang. Sa aking palagay ito ay totoo; sapagkat ako’y tunay na
mas maganda, malakas, at mabilis kaysa ibang hayop.”
“A, oo nga,” ang wika ni Jupiter, na magiliw na nakangiti sa kausap. “Ngayon at taglay
mo ang lahat ng ganda, lakas, at bilis na iyan, may mahihiling ka pa ba?”
Pinagmasdan ng kabayo ang sarili. “May ilan lang akong gustong baguhin.”
“Talaga!” bulalas ng diyos. “Wala naman akong nakikitang di maganda sa iyo, ngunit
sabihin mo sa akin kung anong pagbabago ang gusto mong gawin ko.”

29
Itinaas ng kabayo ang isang magandang binti. “Ah,” wika niya, “kung ang mga binti ko ay
mahahaba at payat pa nang kaunti, mas magiging mabilis pa siguro ako.”
“Oo, maaari,” sang-ayon ni Jupiter.
“At hindi ba,” dugtong ng kabayo, na iniunat ang kanyang leeg, “na mas makisig ako kung
mas mahaba pa ang aking leeg na katulad halos ng isang sisne?”
“Marahil,” sagot ni Jupiter.
“Ako ang pinakamalakas,” ang pagpapatuloy ng kabayo, habang ipinangangalandkan ang
kanyang dibdib, “ngunit ako’y naniniwala na madadagdagang ang aking lakas kung mas malapad
pa ang aking dibidb.”
“Iyan ay posible,” wika ni Jupiter.
“At dahil nilikha mo ako upang magsakay ng mga tao, mas maigi siguro kung mayroon akong
upuan sa likuran ko?”
“Tama ka,” sagot ni Jupiter. “Maghintay ka lang saglit at titingnan ko ang aking magagawa.”
Ang dakilang diyos ay nagwika sa malalim na boses ng mahikong salita na umugong sa mga
bundok at umalingawngaw sa kalangitan. Umihip ang malakas na hangin at umalimpuyo ang
alikabok. Hanggang sa lumiwanag ang kapaligiran, at humantad sa paningin ang isang kamelyo.

Titigan ng kabayo ang bagong nilikha, takang-taka kung bakit ginawa ng diyos ang ganoon
kapangit na nilalang.

30
Natatawa si Jupiter na nakatingin sa kabayo. “Ikaw iyan,” ang sabi nito. “Ang mga binti
ay mas mahaba at payat. May mahabang leeg. At pagmasdan mo ang malapad na dibdib.
Anong lakas! Nakita mo ba ang dalawang umbok sa likod? Nakaayos na ang upuan dito.
Wala nang dapat pang ilagay. Gusto mo bang maging katulad niya?”
Nanginig ang kabayo sa takot, pero hindi ito nagsalita.
“Sa tingin ko ay ayaw mo,” wika ni Jupiter. “Mabuti na lang! Naging mabait pa rin ako
sa iyo. Nilikha ko ang nilalang na ito upang maipakita kung ano ang maaaring maging itsura
mo. Pero naniniwala ako na kailangang manatili ng hayop na ito sa lupa. Tatawagin ko siyang
kamelyo. Ito’y magpapaalala sa iyo na makuntento sa kung anong mayroon ka.”
Umalis na rin ang kabayo at di na siya narinig pang nagreklamo mula noon.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Tungkol saan ang kwento?
a. mga diyos at diyosa
b mga kabayo at kamelyo
c. Jupiter at ang kabayo
d. mga pagdaing at marami pang pagdaing
2. Ano ang mensahe ng kwento?
a. Ang mga diyos at diyosa ay may kapangyarihan mahiko.
b. Ang tao ay dapat makuntento sa anumang mayroon siya.
c. Lahat ng nasa daigdig ay maaaring mabago.
d. Ang mga hayop ay tulad ng tao dahil sa paghingi ng pagbabago.
3. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng kwento?
a. Ama ng mga Sinaunang Diyos
b. Ang Pangit na Nilikha
c. Ang Pinakamagandang Nilalang
d. Si Jupiter at ang Kabayo

B. I-scan ang kwento para sa mga detalyeng makatotohanan at mga detalye na kathang isip
lamang. Isulat ang katotohanan kung ang pangungusap ay makatotohanan at, kathang-isip
kung ang pangungusap ay hindi totoo.
___________ 1. Ang mga diyos at diyosa ng sinaunang panahon ay nagtataglay ng
kapangyarihan.
___________ 2. Si Jupiter ang ama ng mga sinaunang diyos ng Roma.
___________ 3. Ang kabayo ay mas maganda, malakas at mabilis kaysa ibang hayop
___________ 4. Ang mahahabang mga binti ay tumutulong sa mabilis na pagtakbo
ng mga hayop na may apat na paa.
___________ 5. Ang mahabang leeg ay makapagpapakisig sa kabayo.
___________ 6. Ang malapad na dibdib ay nakapagdudulot ng lakas sa tao at sa
hayop.

31
___________ 7. Ang mga tao ay makasasakay ng mabuti sa kabayo kung gagamit sila
ng upuan.
___________ 8. Kapag bumulong ng isang mahiwagang salita ang diyos, ang mga
alikabok ay umaalimpuyo.
___________ 9. Ang kamelyo ay may malapad na dibdib, mahaba at payat ng mga binti,
at dalawang umbok sa likod.
___________10. Ang kabayo ay di na muling nagreklamo sa kanyang anyo.

C. I-scan ang indeks sa ibaba at tukuyin kung sa anong pahina makikita ang impormasyon sa
bawat paksa.

1. Grating Method _ _____________


2. Intercept Method _____________
3. Median ____________________
4. Functional Notation ___________
5. Parallel Lines ________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 35. Nakakuha ka ba
ng mataas na iskor?

32
Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 1–6)


A. 1. unang talata
2. ikalimang talata
3. ikalabing-isang talata

B. 1. office clerk, secretary (kung ikaw ay isang babae), office staffs, telemarketer
2. office clerk, office staff, secretary, telemarketer, tutor
3. 8330946, 8330947, 3147232 (kung ikaw ay taga-Bisaya), 9273866,
8067246, 2881311, 8891171, 8671937, 9136810

B. Aralin 1
Subukan Natin Ito (pahina 8)
1. Ang mga pinuno ng tribo ay tila may di pagkakaunawaan.
2. Ang mga taong naghahanapbuhay sa syensya ay may iisang katangian.
3. Ang pagdadalaga at pagbibinata ay isang bahagi ng pagbabagong pisikal,
emosyonal, at sosyal.

Subukan Natin Ito (pp. 9–10)


1. (b)
2. Tama
3. naninirahan
4. Tama
5. Tama
6. kweba
7. Tama
8. Tama
9. Tarsius
10. Tama

33
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 10–21)
1. Ang kagandahan ay nasa taong tumitingin.
2. Binago ng engkantada ang anyo ng Prinsipe dahil hindi nito alam kung paano
magmahal.
3. Ikinulong ng Halimaw si Maurice dahil ito ay nangahas na pumasok sa
kastilyo.
4. Pinalaya ng Halimaw si Belle dahil umiibig siya rito.
5. Ang sumpa ay naalis sa Halimaw nang matutunan niyang magmahal at siya ay
mahalin din.

C. Aralin 2
Subukan Natin Ito( pp. 22–-23)
1. 9246989, 9207813,9207813,9207814, 9207816
2. 9110430,9213226
3. ikalawang hanay

Subukan Natin Ito (pp. 24–25)


A. May tsek ang bilang 3
B 1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Mali
10. Tama

Subukan Natin Ito (pp. 26–27)


1. 9215874 (kung ikaw ay babae), 9266843
2. Bed spaces
3. 7218135,3642902,3663946,3663947

34
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 27-28)
1 “Five hostages escape, Abu Sayyaf take four new captives”, “GMA wants
SEC to stress on capital market buildup”, “GMA stresses need for AFP
modernization”, “ Abu Sayyaf gunmen escape cordon”, “ Lack of teachers
still a major problem: Roco”, ‘Mediator Castillo to Abu Sabaya : call me”, “
Abu Sayyaf mounts counter attack on security forces:, “ Social welfare,
DOH ready food, medicine for wounded,evacuees”
2. Isagani A Cruz; Fr. Jerry M. Orbos,Svd; Randy David; Antonio T.
Carpio;etc.
3. a. “Nation”
b. “Business”
c. “World News”
d. ”Sunday Biz”
e. “Metro”

D. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pp. 29–32)


A. 1. c
2. b
3. d

B. 1. Kathang-isip
2. Katotohanan
3. Katotohanan
4. Katotohanan
5. Katotohanan
6. Katotohanan
7. Katotohanan
8. Kathang-Isip
9. Katotohanan
10. Kathang-isip

C. 1. pahina 71
2. pahina 185
3. mga pahina 464 at 505
4. pahina 166
5. mga pahina 195 at 328

35
Mga Sanggunian

Alonzo, Rosario I. Literature in Focus I. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 1998.
Arquiza, Yasmin D. and Lan Mercado-Carreon. “People or Power?” Saving the Earth:
The Philippine Experience. 4th ed. Metro Manila: Philippine Center for Investigative
Journalism, 1997.
“Beauty and the Beast.” Disney’s All-Time Favorite Classics. Canada: Brimar Publishing
Inc., 1998.
Borabo, Milagros L., et al. Skill Builders for Efficient Reading 4. 3rd ed. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 1997.
Inq7.net. (2000). http://www.inquirer.net/. June 3, 2001, date accessed.
Manila Bulletin. June 1, 2001.
McLaren, James E., et al. Heath Biology. U.S.A.: D.C. Heath and Company, 1991.
Sia, Lucy O. 21st Century Mathematics Second Year. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., 1995.

36

You might also like