You are on page 1of 2

Ikatlong Markahan

Pagbasa sa Filipino
Grade 8 – Ikawalong Linggo

Pangalan: _______________________________ Baitang at Pangkat: _____________

ANG ESPESYAL NA PANAUHIN

Si Doña Inez ay isang mayaman. Isang araw ay nanaginip si Doña Inez. Sa kanyang
panaginip ay nakausap niya si Hesus.
“Dadalawin kita sa bahay mo bukas,” sabi ni Hesus.
“Opo. Hihintayin ko po kayo!” sabi niya.

Masayang masaya si Doña Inez ng magising. Dadalawin kasi siya ng Panginoon.

Maaga kung gumising si Doña Inez pero mas maaga siyang bumangon ng araw na
iyon. Agad niyang inutusan ang lahat ng katulong sa bahay na maglinis na mabuti.
Nagpaluto rin siya ng masasarap na pagkain. Espesyal ang kanyang bisita at dapat
lang maging espesyal ang lahat ng makikita nito. Mga alas-diyes ay handa na ang
lahat. Malinis na malinis na ang bahay. Luto na ang mga pagkain. Naayos na ang mga
bulaklak sa sala at komedor. Bihis na rin si Doña Inez. Suot niya ang mga alahas niya
at magandang damit.

Isang batang pulubi ang dumating at nanghingi ng pagkain. Itinaboy ito ni Doña Inez sa
halip na bigyan ng pagkain.

Bandang tanghali ay isang matandang gusgusin naman ang dumating. Uhaw na uhaw
ito at gutom na gutom.

“Pahingi ng kaunting pagkain at tubig pakiusap ng matanda.”

Itinaboy din ito ni Doña Inez dahil mabaho ang matanda. Ayaw niyang maabutan ito ng
espesyal niyang panauhin.

Nang makapananghali ay isa namang buntis ang dumating. Humingi din ito ng tulong
pero hindi rin niya binigyan. Itinaboy din niya ito.

Maghapon siyang naghintay ngunit hindi dumating ang espesyal niyang panauhin.

Kinagabihan ay muling nanaginip si Doña Inez. Nakita niyang muli si Hesus.


Sinumbatan niya ito.

“Naghanda ako at naghintay ngunit hindi kayo dumating,” sabi ni Dona Inez.

“Nagkakamali ka,” sagot ni Hesus. Sa katotohanan ay tatlong beses akong dumating


pero hindi mo ako nakilala.”

Nang magising si Dona Inez ay naalala niya ang tatlong pulubing kanyang itinaboy.
Basahin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nakausap ni Donya Ines sa kanyang panaginip?
a. Don Esteban b. Hesus c. anghel

2. Ano ang sinabi sa kanya ng kanyang kausap?


a. “Dadalawin kita sa bahay mo bukas.”
b. “Bigyan mo ako ng pagkain at inumin.”
c. “Ingatan mo ang iyong sarili.”

3. Sino ang unang dumating sa bahay ni Donya Ines?


a. batang pulubi b. matandang gusgusin c. babaeng buntis

4. Sino ang ikalawang dumating?


a. batang pulubi b. matandang gusgusin c. babaeng buntis

5. Ano ang mensahe ng kwento?


a. Si Hesus ay nasa bawat isa sa atin.
b. Tulungan mo ang iyong kapwa.
c. Si Hesus ay laging nakabantay sa atin.

You might also like