You are on page 1of 2

FILIPINO 2

3RD GRADING PERIOD )MODULE 1 PANGHALIP)1

I. Panuto: Piliin mo ang salita na maaring ipalit sa ngalan ng tao na may salungguhit
sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Si Nena at Totoy ay laging naghuhugas ng kanilang mga kamay.


a. Sila b. Ako c. Kayo d. Tayo

2. Si Kuya Orlan, Ate Mila at Ako ay nakikinig ng balita tuwing umaga.


a. Tayo b. Kami c. Ako d. Sila

3. Ikaw at ang iyong kapatid ba ay kumakain ng gulay?


a. Sila b. Tayo c. Kayo d. Ako

4. Si Ate ay isang magaling na nars.


a. Tayo b. Siya c. Kayo d. Ako

5. Ako, Ikaw at ang mga tao ay kailangang manatili sa ating mga tahanan.
a. Tayo b. Siya c. Kayo d. Ako

II. Panuto: Piliin mo ang wastong panghalip panao para sabawat pangungusap.

1. (Ako, Ikaw, Siya) ang iyong bagong kapitbahay.

2. (Sila, Siya, Kami) ang aming guro sa Filipino.

3. (Siya, Kayo, Ikaw) ang masipag at matulunging Kapitan ng aming barangay.

4. (Ikaw, Tayo, Sila) ba ang gumawa ng iyong saranggola?

5. (Ikaw, Sila, Kayo) ang mga nag-aalaga sa mga taong may sakit.

III. Panuto: Punan mo ng wastong Panghalip panao ang bawat patlang upang mabuo
ang pangungusap.Piliin mo ang angkop na panghalip panao sa loob ng panaklong.

1. Matalinong bata si Franco.________ (Ako, Siya, Tayo) ay masipag mag-aral.

2. Tumutulong sa gawaing bahay sina Marie at Nariz. ________ (Ako, Kami, Sila) ay matulungin.

3. Ako at ang aking mga kapatid ay kumakain ng masusustansyang pagkain. ________ (Tayo,
Kami, Ikaw) ay malulusog.

4. Ikaw at ako ang katulong ni nanay sa mga gawain. ________ (Sila, Kami, Tayo) ay masipag.

5. Si Lorine ay masiyahing bata.________ (Siya, Sila, Tayo) ay lagi tumatawa.


IV. Panuto: Piliin mo ang wastong panghalip panao para sa bawat pangungusap.

1. ________ (nagsasalita) ay mapagmahal sa aking mga magulang.


a. Ako b. Sila c. Tayo d. Siya

2. Umalis (si ate) ________ kaninang umaga para bumili ng ulam.


a. siya b. kayo c. tayo d.sila

3. (Ikaw at ako) ________ ay dapat sumunod sa mga ipinagbabawal gawin ng ating pamahalaan.
a. Ikaw b. Sila c. Tayo d. Kayo

4. Gabi-gabi ________ (ako at ang aking pamilya) ay sama-samang nanonood ng balita.


a.ako b. sila c. kami d. tayo

5. (ang aking nanay) ________ ay masarap magluto.


a.Ikaw b. Kayo c. Sila d. Siya

V. Panuto: Palitan mo ng wastong Panghalip panao ang pangngalang ginamit sa


pangungusap.

1. Si Susan ay matulungin sa kapwa.


a. Kami b. Siya c. Tayo d. Sila

2. Ikaw, Ako, at si Peter ay magsisimba sa darating na Linggo.


a. Tayo b. Sila c. Kayo d. Sila

3. Ako at ang aking mga kapatid ay dadalaw sa aming lolo at lola bukas.
a. Sila b. Siya c. Tayo d. Kami

4. Sina Angel at Angela ay magkapatid.


a. Kami b. Siya c. Tayo d. Sila

5. Inutusan si Ely ng kaniyang nanay kaninang umaga upang bumili ng suka.


a. Tayo b. Kami c. Siya d. Sila

VI. Panuto: Bilugan ang panghalip panao na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Kami ay sama-samang kumakain tuwing hapunan.

2. Ako ay laging nagmamano sa mga nakatatanda sa akin.

3. Tayo ang naatasang maglinis ng ating silid-aralan.

4. Sila ang mga kaibigan ng aking kapatid.

5. Umiinom ako ng walong baso ng tubig araw-araw.


VII.Palitan mo ng wastong panghalip panao ang mga salitang na sa loob ng panaklong.
1. Naliligo na (sina Ate at Bunso) ________.
2. (Si Ate at si Nanay) ________ ay maagang umalis para pumunta sa kabilang bayan.
3. (Ikaw, Ako, at si Kuya) ________ ang inutusan ni nanay na umigib ng tubig sa balon.
4. (Tumutukoy sa sarili) ________ na ang maghuhugas ng plato ngayong gabi.
5. (Si Mang Ruben at Tiyo Rudy) ________ ang kumuha ng bigas sa sako.

You might also like