You are on page 1of 4

FILIPINO 1

Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 4

Pangalan:__________________________ Pangkat: ________________


Petsa: ____________________________ Iskor: _________________

Paggamit ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao


Layunin: Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao
tulad ng ako, ikaw, siya, tayo, kami at sila. (FIWG-IIg-i-3)

PAUNANG PAGSUBOK

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin at
kilalanin ang mga ginamit na pamalit sa ngalan ng tao. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Nena ang tawag sa akin. ______ay mabait na bata.
A. Ako B. Kami C. Sila
2. Mahal ako nina nanay at tatay. _____ ay mahal ko rin.
A. Ako B. Kami C. Sila
3. Nagluto si Rene ng ulam. ____ ay masarap magluto.
A. Ako B. Ikaw C. Siya
4. “Kokoy, Masayahin kang bata. Ako naman ay palatawa.
_____ ay magkasundo.
A. Ako B. Ikaw C. Tayo
5. Carlo mahusay kang umawit. ______ ay aking idolo.
A. Ako B. Ikaw C. Kami

BALIK-TANAW

GAWAIN 2
Panuto: Basahin/Pakinggang mabuti ang kuwento at sagutan ang
mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

Araw ng Biyernes nang nagkaroon kayo ng Online


Kumustahan sa inyong klase. Binigyan kayo ng takdang gawain
ng inyong guro na kayo ay gagawa ng album ng iba’t ibang uri
ng hayop.

1
FILIPINO 1
Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 4

Ikaw ay natuwa dahil alam mong ito ay iyong magagawa.


Palagi mang umaalis ang nanay at tatay mo para magtinda
ng gulay sa palengke, at wala ka mang kapatid na puwedeng
tumulong sa iyo. Naandiyan naman ang iyong lola na
nagbabantay, tumutulong at gumagabay sa iyo.

1. Sino ang palagi mong kasama sa bahay?


A. ate B. kuya C. lola
2. Ano ang ipinagagawa ng guro?
A. Album B. Mosaic C. Collage

3. Kailan nagkakaroon ng Online Kumustahan ang klase?


A. Biyernes B. Martes C. Miyerkoles

4. Saan nagpupunta ang nanay at tatay?


A. sa mall B. sa opisina C. sa palengke

5. Bakit ka natuwa sa ipinagagawa ng guro?


A. Kaya mong gawin ang album.
B. Nagalit ang guro sa mga mag-aaral.
C. Binabantayan ka ng iyong lola sa paglalaro.

PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao

Ako ang ginagamit kapag ang tinutukoy ng nagsasalita ay


ang kaniyang sarili, ikaw ang ginagamit kapag ang kausap
ang tinutukoy ng nagsasalita, at siya naman kapag ibang tao
ang tinutukoy ng nagsasalita.
Ginagamit din ang kami at tayo bilang pamalit sa ngalan
ng nagsasalita, kayo sa kinakausap, at sila sa pinag-uusapan.

2
FILIPINO 1
Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 4

GAWAIN 3
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangunusap. Piliin ang
mga salitang ginamit na pamalit sa ngalan ng tao. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

1. Ako ay nagsasagot ng modyul.


2. Kumain tayo ng masustansiyang pagkain.
3. Kami ay naglilinis sa paligid ng bahay.
4. Nagtutupi siya ng mga damit.
5. Nangongolekta sila ng mga basura.

1.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN

GAWAIN 4
Panuto: Piliin sa kahon ang salitang ginagamit na pamalit sa ngalan
ng tao upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

sila tayo ikaw ako siya kami

1. Kung sarili ang tinutukoy ng nagsasalita, _____ang ginagamit.


2. Ginagamit ang _________ kung ang kausap ang tinutukoy.
3. Kung iba ang tinutukoy, ________naman ang gagamitin.
4. Ginagamit ang _________ at _________ kung tumutukoy
sa taong nagsasalita at kaniyang mga kasama.
5. Sa mga taong pinag-uusapan, ______ naman ang
ginagamit.

3
FILIPINO 1
Ikatlong Markahan Worksheet Blg.: 4

PANGWAKAS
A. NA PAGSUSULIT

Gawain 5
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.
Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Si Nena ay anim na taong gulang ganoon din si Ana.


______ ay magkasing-edad.
A. ako B. ikaw C. Sila

2. “Salamat anak at nakikinig ka sa akin. _____ay masunuring


bata.” Ang sabi ng tatay. Anong pamalit sa ngalan ng tao ang
angkop na gamitin?
A. Ako B. Ikaw C. Siya
3. Tama ang itinuro ni nanay. _____ ay magaling magturo. Anong
pamalit sa ngalan ng tao ang angkop na gamitin?
A. Ako B. Ikaw C. Siya

4. Taimtim ______ng nagdarasal. Ito ang gawain namin bago


matulog sa gabi.
A. Ako B. Ikaw C. kami

5. Inaalagaan ako ng aking mga kapatid. ____ay mapagmahal.


A. Ako B. Ikaw C. Sila

_____________________ _______________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Lagda ng Guro
Petsa:___________________ Petsa:__________________

Inihanda ni:
AUREA U. MONTERA

You might also like