You are on page 1of 6

Salawikain

1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman

3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat

4. Ang may malinis na kalooban ay walang


kinatatakutan

5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa


kaysa pahayag na dakila

6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating


ng takdang panahon

7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising

9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan


mo munang igayak ang sarili

10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay


mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik
ay malalim.
Sawikain
1. Balat-Sibuyas
2. Binibuhat ang Sariling Bangko
3. Kape at Gatas
4. Bahag ang Buntot
5. Bakas ng Kahapon
6. Bukas na Aklat
7. Biro ng Tadhana
8. Binawian ng Buhay
9. Anak-Pawis
10. Kamay ng Bakal

Kasabihan
1.Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
2.Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.

3.Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay


pumasok sa puso ninuman,hahamakin ang lahat masunod
ka lamang.

4.Walang matimtimang birhen, sa matiyagang


manalangin.

5.Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay


kapahamakan.

6.Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.

7.Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na


pabulyaw.

8.Ang magtahi-tahi ng hindi tutoong kuwento, mabubuko


rin sa bandang dulo.

9.Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.

10.Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na


hindi nahahayag

Bugtong
1.Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.


Sagot: ampalaya

4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.


Sagot: ilaw

5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.


Sagot: anino

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.


Sagot: banig

7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.


Sagot: siper

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.


Sagot: gamu-gamo

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.


Sagot: gumamela

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.


Sagot: kubyertos
Ang Alamat ng Pakwan
Noong unang panahon may isang bata na ang pangalan ay
Juan. Si Juan ay ulila na at wala na s'yang mga magulang.
Nakatira lamang siya sa kanyang tiyo at tiya. Si Juan ay
masipag at palaging nagbanat nang buto. Malaki ang ulo ni
Juan at palagi siyang tinutukso sa kanyang mga kapwa. Ang
tawag sa kanya sa panunukso ay "Pak Juan"- ito ang
palaging sinasabi nang nanunukso sa kanya.Hindi pa
nakuntento ang mga tumutukso sa kanya. Siya ay sinaktan at
binabato.Umiiyak na lang si Juan at umaalis palayo sa
tumutukso at nanakit sa kanya.
Kapag ummuwi na nang bahay si Juan. Siya rin ang
nagtatrabaho sa mga gawaing bahay habang ang anak nang
kanyang tiyo at tiya ay walang ginagawa.Halos araw-araw na
lang naranasan ni Juan ang panunukso, pananakit, at
pagpapahirap sa kanya sa mga gawain.

Isang araw, hindi na matiis ni Juan ang hirap at sakit na


kanyang kinikimkim. Kaya, sabi niya na mas mabuti na lang
na kunin siya nang poong maykapal.Palagi niya itong sinabi
at dinadasal. Kaya isang araw. biglang umuulan nang
malakas na may kasamang kidlat at kulog. Biglang nawala si
Juan. At paghupa nang ulan. Hinanap si Juan nang kanyang
tiya at tiyo t nang ank nito. Ngunit hindi na nila ito makita.
Ngunit may nakita silang may tumutubo na halaman sa
kanilang hagdanan. Ang halaman ay may bunga na kahawig
sa ulo ni Juan. Laking pagsisi nang kanyang tiyo at tiya at
nang anak nito. Kaya bilang patawad ay inaalagaan nila ang
halaman at tinatawag nila itong "Pak Juan". Sa paglipas nang
maraming panahon at dekada. TInatawag na itong
"PAKWAN"

ANG ALAMAT NG SAGING


Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila
ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa.
Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan.
Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang
nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa


galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y
naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya
ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na


tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may
mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na
animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang
tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon


niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang
pangalan ni Aging.

Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa


katagalan ito`y naging saging.

You might also like