You are on page 1of 1

Pangalan: Rocelyn P.

Maraguinot Petsa: Enero 9, 2017


Asignatura: Pagbasa at pagsuri ng iba't ibang tekso tungo sa pananaliksik
Para sa: Sarili

Reaksyong papel sa"Hindi dapat gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas"

Hindi tamang gawing legal ang aborsyon, dahil kahit kailan hindi makatarungan
na ipalaglag ang inosenting bata sa sinapupunan ng ina. Karapatan ng bawat tao na
mabuhay sa mundo at walang sinuman ang maaaring tumutol dito. Makikita natin sa
mga balita na may mga batang tinatapon sa basurahan o kaya naman at sa ilog.
Karamihan sa mga Ito ay walang awang pinaslang o pinalaglag ng kanilang mga
magulang. Nadadamay ang mga sanggol dahil sa mga karanasan ng kanilang mga
magulang gaya na lamang ng panggagahasa. Karamihan dito ay hindi nila
matatanggap ang sanggol na kanilang dinadala kaya maisipan nilang ipalaglag na
lamang ito o kaya naman ay ipapamigay. Kung tutuusin mas makakabuti pa na
ipamigay ang sanggol o ilagay sa bahay amponan kung hindi nila ito matatangap. Kung
tayo ang nasa katayuan ng sanggol at ipapalaglag tayo ng atiing magulang, diba
napakasakit tanggapin na sarili nating ina ang mismong sisira sa atin o papaslang sa
atin. Kaya minsan may mga sanggol na malakas ang kapit dahil ayaw nilang mawala sa
piling ng kanilang ina at gustong-gustong mabuhay sa mundo na ipinagkait sa kanila.
Maraming magulang ang naghahangad na magkaroon ng anak na aalagaan subalit
hindi sila nabibiayayaan. Hanggat maaari huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay
ng Diyos dahil darating ang pagkakataon na hindi mo na maibabalik ang pagkakataon
na ipinagkaloob ng Diyos.

You might also like