You are on page 1of 27

PAGSASANAY 1

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Biag –ni – Lam-ang


ni: Pedro Bukaneng

Sa Nalbuan ay may nakarating mag-asawa


Na Sina Namongan at Don Juan
Nang malapit nang manganak si Namongan
Si Don Juan ay napasa-bundok
Upang parusahan pangkat ng mga Igorot
Hindi pa man nakababalik nang manganak
Si Namongan ng sanggol na lalaki

Pagkasilang, ang sanggol ay nagsalita


Hiniling ni Lam-ang ang ipangalan sa kanya
Siya na rin ang pumili ng magigin ninong niya
Saka itinanong ang kanyang ama

Nang siyam na buwan na si Lam-ang


At ang ama ay di pa nagbabalik
Ang bata’y sumunod sa kabundukan
Sa daan ay napanaginip niyang
Ipinangdiriwang ng mga Igorot
Pagkamatay ng ama

Galit siyang nagising at mabilis na nilakbay


Tirahan ng mga Igorot
Inabot pa niyang nangagsasayawan
Paligid-ligid sa pugot na ulo ng ama
Pinatay niya ang igorot
Maliban sa isang pinahirapan bago pinakawalan

Nang magbalik sa nalbuan


Si Lam-ang ay pinaliguan
Sa kapal ng libag at amoy sa katawan
Lahat ng mga isda sa ilog ay nangamatay
May naibigan si Lam-ang
Isang babaing nangngangalang Ines Kannoyan
Umuwi siya sa bayan nito upang manligaw,
Kasama ng isang puting tandang at isang aso.
Nakasalubong niya sa daan
Si Sumarang na manliligaw rin kay Ines.
Nag-away sila at napatay si sumarang.
Sa harapan ng bahay nina Ines
Nakatagpo niya ang kayraming manliligaw.
Pinatilaok niya ang tandang
Karaka-rakay isaang bahay sa tabi ang bumagsak.
Dumungaw si Ines.
Pinatahol ni lam-ang ang aso,
Sa isang iglap,ang bahay na natumba ay tuminding uli.
Nanaog si Ines na kasama ang nga magulang.
Ipinahayag ang pag-ibig ni lam-ang.
Ang mga magulang ni Ines ay sumagot
Payag sila kung kayamanan nila’y mapapantayan.

Umuwi si Lam-ang.
Nang magbalik sa kalanutian (bayan ni Ines)
sakay siya sa kakong puno ng ginto
ang halaga ay higit sa kayamanan nina Ines.
Kaya’t sila’y ikinasal at nagkaroon ng malaking pagdiriwang.

Pagkailang panahon
Pinag sabihan ng apo ng bayan si Lam-ang
Turo nito ang manghuli ng raring (isda).
Ipinagtapat Lam-ang kay Ines
May kutob siyang makakagat at mapapatay ng berkakan
Kapag nanghuli ng raring.
At nagkakatotoo.
Namatay si Lam-ang.

Sa laki ng lungkot ni Ines,


tinawag ng tandang ang isang maninisid
at ipinatipon ang mga buto ni lam-ang.
Nang mapagbuu-buo ang kalansay,
Sa pangangalaga ng tandang,ng aso,at ni Ines,
Si lam-ang ay muling nabuhay.
Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga sumusunod na


salita/parirala. Gamitin ito sa sariling pangungusap.

1 .kinamalasan -mapalad

Mapalad ako sa aking asawa at anak.

2. pinagpipistahan -

3. libag - malinis na balat

Kailangan panatilihin malinis ang balat para maiwasan ang problema.

4. pinupuksa -aayusin

Aayusin ko ang nagkalat na mga basura sa kalsada.

Pag-unawa sa Akda

1. Ano ang ginawa ni lam-ang nang mabatid ang nangyari sa ama?


 Nang mabatid ni lam-ang ang nangyari sa kanyang ama ay sinusumpa
niya ito na kanyang ipaghihigante. Pumunta siya sa lugar ng mga igorot
kung saan doon nakita niya ang pugot na ulo ng kanyang ama at hinamon
niya ito at kanyang napatay.

2. Paano nakuha ni lam-ang ang atensyon ni Ines sa kabila ng maraming


manliligaw ang naroroon sa kanila?
 Sa pamamagitan ng pagtahol ng aso ni lam-ang at nabuwal ang bahay at
nang tumilaok ang tandang muling tumayo ang bahay at doon napansin si
lam-ang , noong siya ay napansin sinabi niya ang kanyang layunin na
manliligaw kay Ines .

3. Bakit kailangang sumisid sa dagat si lam-ang at humuli ng isdang rarang


matapos ikasal?
 Sapagkat ito’y pamahiin at bilang pagtupad ng kaugalian ng taga
kalanutian.

4. Isa-isahin ang kultura ng mga Pilipino noon bago itakda ang kasal ng magnobyo.
Totoo pa rin ba ito sa kasulukuyan?

 Una hingin ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang, at kung itoy


pumayag ay itakda ang oras ng pamanhikan, ang lalaki ang siyang
magdadala ng lahat pagkain, at iba
 Pag-uusapan ng mga magulang ang kasal kung payag ba ang
magkabilang panig ay matutuloy at paghindi walang kasalan na
magaganap
 Kung tuloy ang kasalan ay pag uusapan ang petsa, lugar at simbahan na
pagdaraosan ng kasal pati narin mga gastusin bukod pa niyan ay
pagsasabihan ang magpapakasal kung sila naba ay seryoso sa kanilang
pag-iisang dibdib. Ika nga sa kasabihan na itoy hindi katulad ng isang
mainit na kanin na maaring isubo o iluwa kung ayaw muna.
 Sa aking palagay may ganun parin na pamamaraan ang nasusunod kahit
nasa makabagong panahon tayo ngayon, pero ito’y bihira na lamang o
iilaan lamang sa ngayon ang sumusunod sa pamamaraan ng
pagpapakasal. Marami na sa ngyon na magsama muna bago kasal.

5. Ano ang kabuluhan ng pamamanhikan sa buhay ng mga nais mag-asawa?


 Makabuluhan sapagkat nabibigyan payo ang magpapakasal kung sila
naba’y handa sa kanila pinapasok na kabanata ng kanilang buhay sa
pamamanhikan napag-uusapan din doon kung ano ang buhay may-asawa
ang mayroon.

Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Dapat bang paniwalaan ang mga katutubong kaugalian? Ipaliwanag.


 Para sa akin dapat sapagkat itoy tradisyon noong unang panahon at ito’y
may malaking kaugnayan sa kanilang paniniwala at pagkatao. Kung ating
iuugnay sa ating panahon ay bibihira nalang ang sumusunod sa mga
pamahiin ang pinakaimporte ay mabigyan ng basbas ang nag-iisang
dibdib.

2. Paano mo nakikita ang mga sumusunod na kahalagahan ng mga nakaugaliang


Tungkulin ginampanan ng pangunahing tauhan sa kwento?

2.1 sa minamahal
2.2 sa pamilya
2.3 sa lipunan
2.4 sa diyos
 Una sa minamahal malaki ang kanilang ginagampanan sa kahalagahan
ng nakaugalian tungkulin sapagkat kung wala ang ating minamahal itoy
hindi natin magagawa ng maayos, sa ating Pamilya naman na siyang
laging sumusubaybay at gumagabay sa atin,. Pamilya ang siyang
huhubog sa pagkatao natin, at sa Lipunan na siyang ginagalawan na may
malaking impluwensya sa ating pag-uugali at ang Panginoon na may
malaking ambang upang ang ating pagkatao ay lubusang nahuhubog ng
may magandang kaugalian, may pagmamahal sa sarili at kapwa higit sa
lahat may takot sa diyos.

3. Paano mo maiugnay ang mensahe ng akda sa sarili mong buhay? Pangatwiran.


 Para sa akin ang nais iparating ng may akda sa mambabasa ay huwag
nating maliitin ang isang tao , lalo na sa kanyang anyo sapagkat hindi
natin alam na baka siya ay nakakahigit sa atin maging, pantay ang
pagtingin sa ating kapwa maging malikhain at wag hahayaan na
mangibabaw ang galit para maisakatuparan ang paghihiganti. Mahalin
ang iyong magulang at gawin ang desisyong nararapat
Pagpapayaman sa Aralin
1 Magsaliksik ng mga kaugaliang panrehiyonal (mula sa apat na rehiyon)
patungkol sa:
1.1 Panunuyo
1.2 Panganganak
1.3 Pag-aasawa

 Rehiyon 1
( Ilokos )
Panunnuyo
 Ito ay ginagawa na kung saan ang lalaki ay nagkakaloob ng paglilingkod
sa kanyang nililiyag.

Panganganak
 Hilo –kalimitan ito ay babae , ngunit karamihan ay ang mga lalaki ang
siyang nagpapangak
Ang mga hilot ay gumagamit ng ibat-ibang halamang gamut,ang iba ay
pati sariling lakas,iisa ang tawag sa kanila ngunit iba’t-ibang istilo ang
ginagamit.
 Para mapadali ang panganganak ang asawang lalaki ay nagaasal ng
unggoy sa Binmaley, at ang iba naman ay binigyan ng hilaw na itlog ang
manganganak.
Pag-aasawa
 Ang mga magulang ay nakikipagkasundo para sa paglalagay sa tahimik
ng kanilang anak.
 Minsan ay nagkakaroon ng matandaan mga magulang ang
nagkakasundo.
 Tiyakang nagkakaibigan ang dalaga at binata
 Bago ang kasalan, ang puso ng isang baka o kaya’y kalabaw ay inihatid
sa bahay ng babaeng ikakasal.

NATIONAL CAPITAL REGION


 SA PAGLILIGAW
-Paghingi ng permiso sa panliligaw.
-Pagpanhik ng bahay ng bintang manliligaw.
-Pagpapadala ng regalo
-Paghahanap ng padrino
- Pagbibigayan ng singsing ng magsing-irog.
 SA PAMAMANHIKAN
- Pagtatakda ng araw ng pagtatagpo ng mga magulang at mga kamag-anakan
ng magkasintahan na nagpasyang magpakasal na.
- Pagpapadala ng pagkain sa tahanan ng babae sa araw ng pamamanhikan.
- Pagpaparangal sa kanilang mga magulang.
- Despedida de Soltera/ “Shower party””Stag party”.

 SA PAGPAPAKASAL/ PAG-AASAWA
- “Something old, something new, something borrowed, something blue”.
- Pananatili sa bahay hanggang sa sumapit na ang araw ng kasal.
- Pagbabawal sa pagsusukat ng damit pangkasal.
- Pagtatapakan ng paa pagkatapos ng kasal.
- Pag-uunahan sa pagtayo sa harap ng altar pagkatapos ng kasal.
- Pag-una ng lalaki sa simbahan.
- Pagpapatunog sa baso kung nais na halikan ng bagong kasal na lalaki ang
babae.

 SA PANGANGANAK AT PAGPAPALAKI
- Pagtatago sa pinutol at natuyong pusod ng sanggol.
- Pagpapasuso ng Ina.
- Pagkuha ng pangalan mula kalendaryo.
- Paglalaan ng sariling kumot.
- Paghagod sa noo at buhok ng sanggol habang natutulog

Rehiyon 2 Cagayan Valley

- Bago ang pag-aasawa Ilocano


mga bata ay magtatanong para sa pag-apruba ng parehong hanay ng mga
magulang muna.
Ang mga magulang ay magpasya kung nais nila ay sumasang-ayon upang
ipaalam ang kanilang mga anak magpakasal.
Ito ay ang kanyang mga magulang kung sino ang magbabayad ng dote at
tustusan ang kasal.
Panagpudno ay kapag nagpapahayag ng batang lalaki ang kanyang
pagnanais na magpakasal ang babae sa kanyang mga magulang.

Panganganak

 Pagkatapos manganak bawal maligo ng isang linggo kasi baka


mabinat.
 Para lumakas ang gatas ng nanay, kumain ng mga pagkain tulad ng
tinola, sabaw ng halaan or tahong.
 ang mga babies, dapat daw lagyan ng parang ointment na pang-alis
kabag. tapos ang pusod dapat laging naka bigkis kahit nalaglag na
yung extra umbilical cord.
 Para iwas usog daw, lagyan ng lipstick o papahiran ng laway ang bata.
Pag may sinok ang bata, lagyan ng kapirasong sinulid sa may noo ng
bata para mawala.
 Ayon sa mga matatanda, kapag ang isang sanggol ay pinaliguan ng
unang tubig-ulan sa buwan ng Mayo, ito ay mas lalaking malusog.
“Agua de Mayo”ang tawag sa unang ulan sa buwang ito.
 Bawal magbiyahe or lumabas ng bahay ang bata kung hindi pa
nabibinyagan
Dapat daw isabit sa may bintana ang pinutol na pusod ng
magkakapatid para sila ay maging malapit sa isa’t-isa.

Rehiyon 8
Southern Leyte
Panunuyo
 Liligawan ng lalaki sa bahay ng babae.
 Kinakailangan na magpaalam ang lalaki sa magulang ng babae.
 Ang oras ng panliligaw ay 6:30 hanggang 7:30pm
 Sa pamamagitan ng chat nalang ang panliligaw

Panganganak
 Dapat masuso ang unang gatas ng ina.
 Dapat lagyan ng kulay pula ang bata para iwas usog.
 Bawal ilabas ang bata pag- gabi.
 Bawal paiyakin ang bata pag gabi

Pag-aasawa

 Bawal magsama kung hindi kasal.


 Lalaki at babae na ang gagastos sa kanilang kasal.
 Nauuna ang pagsasama kaysa kasal

https://cabactulanariel.wordpress.com/2013/10/21/pananaliksik-2/
https://www.academia.edu/36077947/158666233-module-filipino-grade-8.pdf?auto=download
Pagsasanay 2

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Tuwaang
G.E at E.G Matute

“hanggang nagdaraan”
Huwag kang magdamdam
Pagkat tulong ay di kita hihingan
Masalimuot ka kung maglalakbay
Pagkat liligoy ka pa
Sa matataas na kabundukan
Pagkat nais mong silay maglambingan
Sa tuktok ng mga punongkahoy
“Pagkat nais mong silay mamulaklak”

At tumindig si Tuwaang,
Ilang saglit pa’y pinanay ng taga
Ang umbok ng kalasag ng kalaban
Na mahahambing
Sa biglang potok ng kulong

Pagsapit ng katanghalian
Ay nagsalpukan ang mga umbok ng kanilang kalasag
At kanilang mamalayan
Sila’y nakataya roong umiigting sa galit
Silay dalawang minuvu
Sa gitna ng bakuran.

Wari’y iyong namamalas


Mga tutubing paroo’t parito sa mabilis na paglipad,
Ang paglulksu-luksong baliuwo
Nasa pinakamahigpit na pagsubok
Ang dalawang lalaki dahil sa palitan ng taga
Sa ilag at ganting ulos.
At manliliit ka sa pagtingin
Sa lupang malalim ang bitak
Na likha ng mga tama na sibat
Bunga ng taga ng mga itak”

At agad silang nagsakayan,


Lahat ng kanyang mga tauhan.
At si Tuwaangay nangusap,
“ang sinalimba ay hilahin nang pataas”
At inyong pagtatakhan
Ang nangungunyapit na diwata
Sa mga buho ng mga taling ginintuan
Na waring sa langit ay bulalakaw,
Bawat isa sa mga diwata
Habang sila’y pataas na hinihila.

Samantalang sinalimba’y tumataas


Sa langit na maaliwalas,
Tumindig si tuwaang
At silay kanyang pinasan
Ang dalawang binibini,
At matapos na ang balikat ay ikilos,
Nakatayo na siya roon
Sa pintuan ng kalangitan,
At matapos na iyong marating
Ginintuang sinalimbay dumating diin.

At doon sila’y namuhay


Sa bayan ng katuasan.
Sa lupaing walang kamatayan.

TALASALITAAN

PANUTO: ibigay ang kasingkahulugan salitang pinaitim gamitin ito sa pangungusap.

1. Sa paglalakad ni Bai ay tumitigil siya sa bawat buko ng sahig


 Umpukan
 Sa bawat kalye na kanyang dinaraan may mga taong nag-umpukan.
2. Isang dalagang may lambong na dilim ang dumating upang humingi ng tulong
 Belo
 May isang babae nakabelo habang naglalakad patungong simbahan.
3. Napakalakas ng dagundong ang biglang-bigla ay narinig nila.
 Ugong
 Napakalas ang ugong na aking narinig mula sa kalangitan.
4. Sa isang kisapmata ay nanlaban si Tuwaang at ang Higante
 Kumurap
 Siya ay kumurap ng dumapo ang malakas na hangin.
5. Malalim ang bitak sa lupa sa tama ng kanilang sandata
 Biyak
 Nabiyak ang lupa noong may lindol
6. Nawasak din pati ang kanilang mga kalasag
 Panangga
 Ginawa kung panangga sa ulan ang dahon ng saging.
7. Sa paglalabanan, nabali ang puluhan ng kanilang balaraw
 Tangkay
 Nabali ang tangkay ng bolo.
8. Kapwa nagliyab ang kanilang damit at katawan nang maghagisan sila ng apoy.
 Alab
 Biglang nag alab ng apoy ang katabing bahay.
9. Natupok nang lubos ang higante sa lakas ng hihip ng hangin
 Nasunog
 Nasunog ang kanin na aking sinaing.
10. Nang ibagsak ng hangin ang bunton ng abo ay naging isang halamang
namumulaklak.
 Kumpol
 Maraming basurang kumpol sa gilid ng kalsada.

Pag-unawa sa Akda

1. Ano ang balitang inihatid ng hangin kay Tuwaang?


 Ay may isang dalagang na may lambong na dilim ang dumating sa bayan ng batooy
at humihingi ng tulong.
2. Bakit nagalit ang higante? Ano ang ginawa niya sa bayan ng dalagang taga-
langit ng buhong?
 Sapagkat hindi naibigan ng dalagang taga langit ng buhong kaya nagalit si higante.
3. Ilarawan ang paglalaban nina Tuwaang at ng higante. Ano ang nangyayari kapag
itinapon nila sa lupa ang kanilang mga sandatang nawasak.
 Sa kanilang kabilisan, tila sila mga tutubing paroo’t parito sa mabilis na paglipad.
Malalalim ang bitak sa lupa sa tama ng kanilang mga sibat at itak. Nawasak ang
kanilang mga kalasag. Tatangnan na lamang ang natira at sabay nilang itinapon.
Pagtama sa lupa, ang mga iyo’y nangaging punongkahoy. Nabali ang kanilang mga
sibat. Sabay nilang itinapon. Pagtama sa lupa, ang mga sibat nila’y nangaging
punongkahoy. Nabali ang puluhan ng kanilang mga balaraw kaya’t sabay nilang
itinapon. Pagtama sa lupa, ang mga iyo’y nangaging punongkahoy. Naubos ang
kanilang mga sandata. Naghagisan na lamang sila ng apoy. Kapuwa nagliyab ang
kanilang mga damit at katawan.
4. Paano natalo ni Tuwaang ang higante?
 Natalo ni tuwaang ang higante sa pamamagitan ng apoy kung saan noong tinawag
ni higante ang hangin ay mas lalong nagliyab ang kanyang damit at hanggang siya
ay natupok ng apoy.
5. Saan nagtungo sina Tuwaang, bai at ang Dalagang taga-langi ng Buhong
pagkatapos ng labanan?
 si Tuwaang at ang dalagang taga-Langit ng Buhong ay umalis na sa Bayan ng
Batooy. Sumakay sila sa kidlat, patungo sa bayan ni Tuwaang. Sinundo nila si Bai,
ang kapatid ng bayani. Si Tuwaang, si Bai at ang dalagang taga-Langit ng Buhong
ay sama-samang sumakay sa kidlat. Sila’y nagtungo sa Langit ng Katu-san, doon sa
pook na walang kamatayan.
6. Patunayan na ng epikong ito ay angat sa kalikasan o katotohanan.
 Pinatunayan sa epikong ito na kung kalikasan ang siyang mamalasa ay wala tayong
laban.
7. Anu-anong kaugalian ng mga Bagobo ang nakita mo sa epikong ito? Ihambing
ito sa mga kaugalian sa kasalukuyang panahon
 Ang kaugalian na mahilig magbibiro ng tao o manloloko na sa kasalukuyan ay
ganun parin, maaring ang paniniwala na mayroon tayo ay
paniniwala sa mga nakaugaliang gawi o tradisyon.
Madalas, ang ating mga paniniwala na mayroon tayo bilang tao ay nag
uugat sa mga bagay na ating nakikita, nararamdaman, naririnig, karanasan, at
maging sa ating mga obserbasyon sa kapwa tao o sa kapaligiran

Pagpapahalagang Pangkatauhan
1. Bilang estudyante, paano mo maipapakita ang iyang pagmamalasakit,
pangangalaga at pagpapahalaga hindi lamang sa mga punongkahoy kundi pati
na sa mga likas na kayaman sa ating kapaligiran.
 Sa pamamagitang ng” Disiplina” dahil pagmayroon tayo nito ay alam natin kung ano
ang ating dapat gawin .at ang hindi pagtatapon ng basura kung saan –saan,
sapagkat sa panahon ngayon maraming hindi nakakaalam kung saan dapat nila
itatapon ang basura. Nakakalungkot isipin.

Pagsasanay 5

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

Sa aking mga Kababata

( Dr. Jose P. Rizal )


Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa isang tunay na nagpala.

Ang wikang tagalog tulad din sa latin,


sa ingles, kastila at salitang anghel
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din


katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salita'y isang kahatulan


sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao'y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


mahigit sa hayop at malansang

sa iba
na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.

Talasalitaan

Panuto: gamitin sa pangungusap ng sumusunod na mga salita batay sa denotatibo at


konotatibong kahulugan nito.
1. Huwad
Denotatibo: Ang alahas na kanyang isinuot ay isang huwad.
Konotatibo: tunay na pakikitungo ang kanyang ipinapakita.

2. Ibon
Denotatibo: Ang ibon ay isang uri ng hayop.
Konotatibo: Ang ibon ay malayang lumilipad.

3. Lawa
Denotatibo: Ang lawa ay isang uri ng anyong tubig.
Konotatibo:

4. Isda
Denotatibo:
Konotatibo:

5. Malansa
Denotatibo: isang di kanais-nais na amoy.
Konotatibo:

Pag-unawa sa Akda

1. Ano ang damdaming nais ipaabot ng nagsasalita sa tula?


 Isang damdamin pagmamahal sa ating sariling wika.
2. Ano ang damdaming nais inihambing ng makata ang wika? Ipaliwanag ang
bawat pagtutulad ng ginawa.
 Ang salita nati'y huwad din
katulad ng ibong nasa himpapawid
Na may alpabeto at sariling letra. Ang wkang Tagalog ay may sariling letra
o palatitikan. Ito ay isang titik-pantigan (alphasyllabary) na kung tawagin
ay BAYBAYIN.
ito ay ang WIKANG TAGALOG na may ALFABETO at SARILING LETRA,
o BAYBAYIN.
 Ang hindi magmahal sa kanyang salita ay mahigit sa hayop at malansang
isda." Kaya marami sa atin ngayon ay mahigit sa hayop at malansang isda
sapagkat pinipili ng karamihan na wikang English ang kanilang gagamitin kaysa
wikang Pilipino dahil hindi nila minamahal ang WIKANG TAGALOG na panulat at
kung hindi alam ay maaari pang maunawaan, ngunit sa mga nakakaalam at
nagbale-wala at nagkibit-balikat na lang ay hindi dapat unawain!
3. Ipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ay patuloy ang walang katapusang
pagtatalo tungkol sa pagkakaroon ng wikang pambansa?
 Para sa akin patuloy itong pinagtatalunan sapagkat marami sa ating mga Pilipino na
nahihirapan sa pagsasalita ng sariling atin, mas pinapaboran nila ang wikang
English. Pero wala pa sa p
4. Anong diwa ang ipinahahayag ng unang saknong? Totoo ba ang mga
pahayag na ito?
 Para sa akin ay totoo sapagkat nakikita ang kahalagahan ng wikang pambansa.
kung taos-pusong mamahalin ng mga tao ang kanilang pambansang wika ay taos-
puso rin nilang ipaglalaban ang kanilang kalayaan. Ito raw ay parang isang ibong
lumilipad nang malaya sa himpapawid

5. Bigyang-reaksyon ang sumusunod na pahayag:``ang hindi magmahal sa


kangyang salita`y mahigit sa hayop at malangsang isda. Kaya ang marapat
ay pagyamaning kusana tulad ng inang tunay na nagpala``.
 Para sa akin ang pahayag na ito ay makatotohanan sa atin kaya ating pagyamaning
kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." na nagbibigay kahalagahan sa wika sa
buhay ng isang tao.Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na
nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga
kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang
ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa
na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.
Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.

Pagpapayaman sa Aralin

1. Manaliksik kung anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa


pagpapayabong ng wikang Filipino.
 Department of education,
2. Anu-anong proyiktong pampamahalaan ang ipinatupad upang
mapaunlad pang lalo ang wikang Filipino.
 Samahang KWF
Pagsasanay 6

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

May Pag-asa Pa

Andres Bonifacio

Sumandaling dinggin itong karaingan


Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,


Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali


Na ikinasira ng taas ng uri,
Ang bayang Tagalog ay may asa dili
Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang


Tanawin ng tao at wikang mainam
King mananatili ina nating Bayan
Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan

Kaya nga halina, mga kaibigan,


Kami ay tulungang ibangon sa hukay
Ang inang nabulid sa kapighatian
Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak


Sa mga balita ng Kastilang uslak;
Ugali ng isang sa tapang ay salat
Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

.
Sa Diyos manalig at huwag pahimok
Sa kaaway natin na may loob hayop,
Walang ginagawa kundi ang manakot
At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,


Diyos na poon ko’y huwag ipagkait
Sa mga anak mong napatatangkilik
Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.

Talasalitaan:

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Pagkatapos,


gamitin ito sa isang makabuluhang pangungusao na ang pinapaksa ay nauukol sa
kalayaang magpahayag.

1. Karaingan- (hinaing) ang karaingan mula sa salitang daing ay


isang kamalian o pagpapakasakit (paghihirap) na naranasan, na
maaaring totoo o sinasapantaha (ipinapalagay), na bumubuo ng
marapat na mga dahilan ng pagrereklamo. Sa nakaraang mga
kapanahunan, ang salita ay nangangahulugang katayuan ng mga
bagay na nakapaniniil.[
 Maraming karaingan ang taong bayan tungkol sa kahirapan.
2. Nahahandusay- nakabulagta
 Nakita ko ang isang payat na bata na nakabulagta sa kalsada.
3. Ganid- Ang ganid ay tumutukoy sa isang tao o grupo ng mga tao
na mapanghangad, umaabuso, at nanlalamang sa kapwa upang
magkaroon ng malaking bentahe o tubo, kung ang usapin ay
tungkol sa usaping pinansyal.
 Ang mga ganid na pulitiko tulad ni Manny Pacquiao at Pantaleon Alvarez ay
ginagamit ang taumbayan upang magkaroon ng mas maraming pera at
kapangyarihan.
4. Uslak-hangal
 Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin
5. Pahimok- Paghikayat
 Hinihimok ng mga guro ang mag-aaral na magsalita ng wikang Filipino sa loob ng
silid-aralan.

Pag-unawa sa Akda

1. Sa kasalukuyan, natupad ba ang diwang nais ipahatid ng makata? Bakit?


 Para sa akin may diwa pa sapagkat naipapakita ang pag-asa natin sa bayan kung
saan tayo ay nakalaya at nagagawa ang ating nais gawin upang mas laolong
mapaunlad at yumabong ang ating bayan.
2. Ipaliwanag ang mga sumusunod: “ kung ang baying itoy mapapasa-panganib at
siya ay dapat na itangkilik, ang anak , asawa, magulang,kapatid, isang tawag
niyay tatalikdang pilit”.

3. Gaano kamahal ni Bonfacio ang kanyang bayan?
 Mas mahal pa sa kanyang sarili sapagkat Inialay niya ang kanyang buhay para sa
ating kalayaan, ganyan niya kamahal ang ating bayan kaya kailangan nating
pahalagahan.
4. Kung sakaling ikaw ay tawagin ng ating pamahalaan para ipagtanggol ang bayan
sa mga kaaway, papaya kaba?
 Para sa akin, oo sapagkat marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa
bayan.
5. Anu-anong mungkahi ang maibibigay mo kung paano makakatulong ang mga
kababaihan para sa kapakinabangan ng ating bayan?
 Para sa akin ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at pagtrato ng kababaihan,
sapagkat sa panahon ngayon marami ng magagawa ang kababaihan para sa
ikakaunlad ng bayan, di katulad ng dati ay limitado lamang ang pwdeng gawin ng
kababaihan.

Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Isa-isahin ang mga pag-uugali ng mga Pilipio sa kasalukuyan na maaring nating


sabihin itoy paraan ng pagpapakita ng pagmamalasakit sa sariling bayan.
1. Pagkamatulungin
2. Pagtitiwala sa Panginoon
3. Pagiging magalang
4. Mabuting pagtanggap at pakikipagkapwa
5. Pagsama-sama ng Pamilya

Pagpapayaman sa Aralin

1. Gumawa ng isang iskit o pag-uulat na tumatalakay sa mga proyekto ng mga


kabataan sa paaralan, sa barangay, sa simbahn at sa tahanan na
nakapagdudulot ng kontibusyon para sa ikauunlad n gating bansa.
 Ang ulat na ito ay tungkol sa kahirapan ng buhay kung saan ang edukasyon ang
siyang solusyon upang matugunan ang kahirapan,
KAPANALIG, ang edukasyon ang pinakatanging yaman ng maraming
pamilyang Pilipino. Karamaihan sa mga pamilya ang naniniwala na ito ang
pinakamainam na pamanang maiiwan nila sa kanilang mga anak.
Kaya lamang, ang pamanang ito ay naipagkakait na ngayon sa karamihan
dahil sa hirap ng buhay. Sa ngayon, tinatayang isa sa apat na pamilyang
Pilipino ay maralita. Isa naman sa 10 pamilya ay kabilang sa extreme
poverty. Ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing paraan ng ating
pamahalaan upang matapos ang kahirapan. Maraming pamilya rin ang
nangangarap na makaahon sa kahirapan matapos makapag-aral ang mga
anak.
Isa sa mga nakikitang solusyon ay ang conditional cash transfer (CCT).
Para sa ilang pamilya, ang direktang pagtulong na ito ay sapat na, ngunit
sa iba, kulang pa. Hindi sa pera, kundi sa values formation. Ito ay isa sa
mga areas na kailangang pagtuunan ng pansin ng ating lipunan upang
maging mas epektibo at masiguro ang edukasyon para sa lahat ng
kabataang Pilipino.
Ang edukasyon ay isa sa mga importanteng salik ng ating dignidad at ng
ating kaunlaran. Ayon nga kay Pope Francis, “Our generation will show
that it can rise to the promise found in each young person when we know
how togive them space. This means that we have to create the material
and spiritual conditions for their fulldevelopment; to give them a solid basis
on which to build their lives; to guarantee their safety and their education
so that they can be everything they can be.”
PAGSASANAY 13
Panahon ng Aktibismo

Pamagat: Laboratoryo at Dambana


Teo Baylen

Kung ako’y bigo at hindi natuto


Sa naiwang aral ng maraming siglo
Kung di ko makmtan sa mga likha ko
Ay saganang buhay at payapang dako
Kung ang kabihasnang ito ay patungo
Sa daang madugo na apo’y ang dulo
Kung ito’y bunga ng laboratory
Ang aking Kristal na subukang-tubo

Bayaang magbalik ako sa araro


Na pinanggalingan ng payak na tao,
Ang paniniwala at muling dadako
Sa tinalikurang sinag ng kalbaryo
Ako ay babalik na yuko ang ulo
Sa aking minsang dambana sa kubo.

Pag-unawa sa Akda

1. Anong damdamin ang namayani ng pagsasalita sa akda?


 Ang damdamin na namayani sa may akda ay ang pagmamahal sa sariling bayan,
tulang pandamdamin, mayaman sa paglalarawan, payak at maiksi, ang
pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagbabago at kababaan ng loob.
2. Bigyang reaksyon ang sumusunod na saknong:
2.1 “Kung ako’y bigo at hindi natuto
Sa naiwang aral ng maraming siglo
Kung di ko makamtam sa mga likha ko”
 nagbibigay kabatiran sa wastong paggamit ng modernong teknolohiya at maging bukas ang
isipan sa anumang pagbabago.

2.2 “ako ay babalik na yuko ang ulo


sa aking minsang dambana sa kubo”!
 Ibig ipakahulugan nito ay babalik tayo sa ating panginoon upang yuko ang ating mga
ulo sa paghingi ng kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan.
3. bakit urong-sulong ang pananaw ng makata sa kanyang mga naobserbahan
sa kapaligiran?
 Sapagkat ang may mga taong hindi bukas ang isipan sa pagtanggap ng mga
pagbabagong nagaganap sa pamamagitan ng teknolohiya. May mga taong ang
lumang pamamaraan ang nais tangkilikin , para sa kanila ito ay makabuluhan.
Pagpapahalagang Pangkatauhan
1. masasabi mo bang ikaw ay isang taong Malaya? Paano mo ito nasabi?
 Oo sapagkat nagagawa ko ang nais kung gawin upang makatulong sa ating kapwa,
Malaya kung naibabahagi ang aking kaalam sa simpleng pagbibigay ng mga ideya,
kuro-kuro at opinion sa mga taong nangangailangan.

Pagpapayaman sa Aralin

1. Gawin ang mga sumusunod:


1.1 pagtalikod sa nakapamihasnang kaugalian ng mga sinaunang tao at
pakikiayon sa sarili sa mga pagbabagong dulot ng teknolohiya.
 Hindi namn kailangan ang pagtalikod sa mga kaugalian ng mga sinaunang tao,
ngunit dahil ang panahon ay nagbabago dulot ng teknolohiya kaya kinakailangan ng
pagtanggap para sa ikakabuti ng lahat.

1.2 Tama bang maging metatag at hanguin ang bawat isa sa maling
paniniwala? Ipaliwanag. Para sa akin tama na magiging matatag tayo
pero mali na ipagpapatuloy na hanguin ang maling paniniwala na
maari namn itoy ating itatama ,Kinakailangan wasto ang pagbibigay
ng mga impormasyon upang itoy mapakinabangan ng sunod pa na
mga henerasyon.Kababaang loob na tanggapin ang pagbabago.

PAGSASANAY 14

Panahon ng Aktibismo

Pamagat: Supling

Elynia S. Mabanglo
Bawat supling ay isang buhay,

Isang buhay sa lipon ng buhay,

Lipon ng buhay sa isang buhay

Hindi kita naglalamay upang ilarawan.

Ng titig ang magdamag,

Ang magdamag ay kapanangang

Lumalatag sa paglikha

Habang pinagbilingkis ang sarili

Ang angat ng mga bathala,

Tayo’y mga manlilikhang uhaw

Sa sining ng mga pintura

Kaya ang karimla’y pinagdudugo ka

Sa pagkakabuluhang hininga;

May nanunulay sa tangos ng glorya,

May dumudukal sa pakwang mamera

May mamamangka sa esterong alaala

Hindi ba ito ang wakas at simula

Sa kasaysayan ng bawat paglikha?

Talasalitaan
Panuto: Isaayos ang mga ginulong titik sa ibaba na angkop sa kahulugan ng salita.
Gamitin ito sa pangungusap.

ULISNG AYBHU NYASYNKAAS

SUPLING BUHAY KASAYSAYAN

1. Likha; anak 2. Kaloob ng Diyos 3. Nanagap na pangyayari

NIGISN
SINING
4. Kasingkahulugan ng art sa Ingles

Pag-unawa sa Akda

1. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang supling sa akda?


2. Bakit sinabi ng makata na Tayo’y mga manlilikang uhaw, sa sining ng mga
pintura, kaya ang karimla’y pinagdudugo ka.
3. Angkop baa ng pamagat na Supling ? Pangatwiran ang sagot.
4. Bigyang reaksyon ang sumusunod na pahayag
“ Hindi ba ito ang wakas at simula
Sa kasaysayan ng bawat paglikha”

Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Paano mo hikayating paunlarin ang mga nakatagong angking talent ng bawat


Pilipino?
2. Saliksikin sa Banal na Kasulatan ang paglikha ng Poong Maykapal sa
sangkatauhan. Sipiin ito at iugnay ang mensahe nito sa akda at paghambingin.

You might also like