You are on page 1of 4

Kantahing Bayan

Bahay Kubo (Nipa Hut)


Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.

Salawikain

1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao,
pawang mga kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa
pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

Sawikain

1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
Sabi - Sabi
FIVE (5) EXAMPLES OF SABI (MAXIM)
1)Ang perang nilabas sa gabi ay madaling mawawaglit.
2)Gawing unan ang libro at ang nilalaman nito'y papasok sa utak mo.
3)Huwag kang magwalis sa burol kung ayaw mong matangay ang kayamanan ng
namatayan.
4)Huwag matulog nang basa ang buhok dahil baka mabaliw o mabulag ka.
5)Kapag ang butiki ay tumunog may bisitang darating.

Bugtong

Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Mga paa

Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


Sagot: Mga mata

Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.


Sagot: Tenga

Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.


Sagot: Suso ng Ina

Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.


Sagot: Ngipin

Kasabihan

Ang batang makulit, napapalo sa puwit.


Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
Ang batang iyakin, nagiging mutain.
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.

Palaisipan

Tinaga ko ang puno, sa dulo ang pagdurugo.


Isang lupa - lupaan sa dulo ng kawayan.
Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao.
Hawakan mo at naririto, hanapin mo ay wala ito.
Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng globo.
gumamela
sigarilyo
pangalan ko
tenga
titik g

Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito.

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa
si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang
pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali
at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria
ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng
maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa
loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang
limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi
niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda
ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 84-85.

You might also like