You are on page 1of 151

IBAYO ELEMENTARY SCHOOL

Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa


Unang Baitang

Gng. Rosalinda C. Hate


Guro
Si Olet
Anim na taon na si Olet.
Nag-aaral na siya.
Nasa unang baitang na siya.
Si Bb. Santos ang kanyang guro.
Ilan Silang Lahat
Tatlo ang kapatid ni Romy.
Isang babae at dalawang lalaki.
Linda ang pangalan ng kapatid niyang
babae.
Ramon at Raul naman ang mga lalaki.
Ang Bahay Nina Carding
Maganda ang bahay nina Carding.
Isa ang palapag ito.
Puti ang kulay ng bahay.
Pula ang pinta ng bubong nito.
Kaarawan ng Nanay
Kaarawan ng Nanay.
Naglinis ng bahay ang kuya.
Nag-ayos ng mesa ang ate.
Nagluto ng pagkain ang Tatay.
Ginulat nila ang Nanay.
Papel na Puso
Ika-14 ng Pebrero
Araw ng mga Puso.
Kumuha si Mario ng papel na pula.
Gumupit siya ng hugis-puso.
Ibinigay niya ito sa guro.

Nagbakasyon
Nagbakasyon ang mag-anak.
Nagpunta sila sa Baguio.
Sumakay sila sa bus.
Limang araw sila roon.
Sumakay sila muli sa bus sa pag-uwi.

Ang Lola
Matanda na si Lola.
Maputi na ang kanyang buhok.
Kulubot naang kanyang balat.
Ngunit malakas pa siya.
Inaalagaan niya kami.

Ang Saranggola
Gumawa ng laruan ang kuya.
Gumawa siya ng saranggola.
Kawayan ang kanyang ginamit.
Binalutan niya ito ng manipis na papel.
Tinalian niya ito ng pisi.

Ang Uniporme
Papasok na sa paaralan si Minda.
Nagsuot siya ng uniporme.
Puti ang kanyang blusa.
Asul ang kanyang palda.
Itim ang kanyang sapatos.

Tumbampreso
Maiingay ang mga bata.
Naglalaro sila.
Tumbampreso ang kanilang laro.
May mga pamato sila.
Itinutumba nila ang lata.

Ang Palaka
Nakakita ka na ba ng palaka?
Apat ang paa nito.
Nakaluwa ang dalawang mata nito.
“Kokak, Kokak,” ang sabi nito.
Ang Manika ni Dulce
May bagong manika si Dulce.
Rosas ang kulay ng bagong manika.
Mahaba ang itim na buhok nito.
Nakalalakad din ito kapag inaakay.
Ang Araw
Tingnan mo ang araw.
Nakasisilaw!
Kailangan ng halaman ang init nito.
Kailangan din ito ng hayop.
Kailangan ito ng lahat.
Si Cita

Nasa halamanan si Cita.


Namimitas siya ng mga rosas.
Ilalagay niya ito sa plorera.
Iaalay niya ito sa Birhen.

Ang Ibon
Nakalilipad ang ibon.
May pakpak at buntot ito.
Magaan at hugis-bangka
ang katawan nito.
Nababalot ang ibon ng
balahibo.

Ang Inang Bibe at ang Apat na


Sisiw

Namasyal ang inahing bibe.


Kasama ang limang sisiw.
Nagpunta sila sa ilog.
Lumangoy-langoy sila rito.
Masayang masaya sila.

Ang Batang Sakitin

Sakitin si Maring.
Wala siyang ganang kumain.
Ibig niya ng masarap na ulam.
Ibig niya ng karne at isda.
Ayaw niya ng gulay.

Bumili si Lita
Pumunta sa tindahan si Lita.
Bumili siya ng tatlong lapis.
Bumili rin siya ng tatlong buong papel.
Gagamitin niya ito sa pag-aaral
Ang Alaga ni Enteng
May alagang inahing manok si Enteng.
Mayroon itong pitong sisiw.
“Siyap, Siyap!” ang sabi nila.
Ibig sabihin, “Ibig namin ng butil.”
Ang Mga Laruan ni Manuel
Maraming laruan si Manuel.
Natanggap niya ang mga ito noong Pasko.
Bisikleta ang bigay ng Lolo.
Bola ang bigay ng Nanay at Tatay.
Damit ang bigay ng Ninang at
Ninong.
Ang Tuta ni Erika
Magkaibigan sina Erika at Vona.
Kaarawan ni Erika.
Binigyan siya ni Vona ng tuta.
Malago at puti ang balahibo nito.
“Aw, Aw!” ang sabi nito kay Erika.
Namalengke ang Nanay
Namalengke ang Nanay.
Nagdala siya ng basket.
Bumili siya ng isang kilong karne.
Bumili pa siya ng isda.
Bumili rin siya ng gulay.
Bumili pa rin siya ng saging.

Ang Santol
Nakakain ka na ba ng santol?
Ito ay isang prutas.
May santol na matamis.
May santol na maasim.
Lima ang buto nito.
Hindi ito nilulunok.
Ang Kartero
Masipag si Mang Boni.
Isa siyang kartero.
Nagdadala siya ng mga sulat.
Nagpupunta siya sa bahay-bahay.
Laging pagod si Mang Boni ngunit
masaya pa rin siya.
Sa Ilog

Namamangka sa ilog ang mga bata.


Nakasakay sila sa bangkang may katig.
Masasaya sila.
Nag-aawitan sila.
Kayganda ng paligid ng ilog.
Ang Laro ng Mga Bata
Naglalaro sa paaralan ang mga bata.
Nagpipiko sina Rita at Carmen.
Nagsisiklot sina Nena at Fely.
Nagsisipa sina Mely at Flor.
Naghahabulan naman ang mga batang
lalaki.
Ang Pasko
Malapit na ang Pasko.
Gumawa ng parol ang Tatay.
Isinabit niya ito sa bintana.
Inayos ng Nanay ang Christmas Tree.
Nilagyan niya ito ng mga palamuti.
Pista ng Bayan
Pista ng bayan.
May palamuti ang kalsada.
May musikong lumiligid.
Maraming bisita ang dumarating.
Masasarap ang mga pagkain.

Si Nene
Malikot si Nene.
Kinuha niya ang gunting.
Kinuha niya ang aklat ng Kuya.
Ginupit-gupit niya ito.
Nakita siya ng Nanay.
Nagalit ang Nanay.
Marumi Si Ineng

Ang dumi-dumi ni Ineng.


Pinaliguan siya ng Nanay.
Binihisan siya ng damit na panlaro.
Sinuklayan siya.
Nilagyan siya ng laso sa buhok.
Maganda na si Ineng.
Ang Lemonade Ni Mina
Naglemonada si Mina.
Kumuha siya ng isang basong may
malamig na tubig.
Pinigaan niya ito ng apat na kalamansi.
Nilagyan din niya ito ng asukal.
Masarap ang lemonade ni Mina.

Ang Maya
Nakakita ka na ba kayo ng maya?
Ito ay isang ibong maliit.
Pula ang kulay ng balahibo nito.
Maganda ang huni ng maya.
Palay ang kinakain nito.

Ang Ibon Ni Roming


May alagang ibon si Roming.
Ito ay isang loro.
Iba’t iba ang kulay ng balahibo nito.
Nasa hawlang bakal ang loro.
Pinakakain niya ng saging ang loro.
Ang ibig nitong kainin ay saging.

Ang Nanay
Masipag ang Nanay.
Maaga siyang gumising
Nagluluto siya ng pagkain.
Naglalaba siya ng damit.
Naglilinis siya ng bahay.
Tumutulong ba kayo sa inyong Nanay?

Si Mila
Gising na si Mila.
Tumayo siya.
Tinanggal niya ang kulambo.
Inayos niya ang kama.
Lumabas siya sa silid at naghilamos.
Handa na siya upang mag-agahan.

Ang Manika
Maganda ang manika ni Lorna.
Asul ang kulay ng damit nito.
Pumipikit ang manika ni Lorna.
Lumalakad din ito.
Umiiyak ito kapag idinapa.
Bigay ito ni Santa Claus kay Lorna.

Ang Dyanitor

Kaibigan natin ang dyanitor


Nililinis niya ang paaralan.
Pinagaganda niya ang paligid.
Dapat natin siyang tulungan.
Hindi tayo dapat magkalat
at magdumi sa paaralan.

Mga Bahagi ng Bahay


May Iba’t ibang bahagi ang bahay.
Ito ay may silid-tulugan, silid-kainan,
silid tanggapan, silid-lutuan, palikuran
silid paliguan.
Maganda ang malinis at maayos na bahay.

Mga Bituin
Maraming bituin sa langit.
Kumikislap-kislap sa langit.
Napakalayo sa atin ang mga bituin.
Hindi natin sila kayang abutin.
Hindi natin sila kayang bilangin.

Mga Kaibigan
Marami tayong kaibigan sa paaralan.
Tinuturuan tayo ng mga guro.
Ginagamot tayo ng doctor.
Ginagamot din tayo ng nars.
Nililinis ng dyanitor ang paaralan.
Sila ang ating mga kaibigan sa paaralan.

Laging malinis si Lani


Malinis ang kanyang damit.
Malinis ang kanyang kamay.
Malinis ang kanyang damit

1. Anong uri ng bata si Lani?

A. Malinis B. Maliit C. Mabait

2. Maganda ba ang batang malinis?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Dapat ba anting tularan si Lani?

A. Oo B. Hindi C. Marahil
B.

May mga bagay na may buhay.


May buhay ang mga hayop.
May buhay ang mga halaman.
May buhay ang mga tao.
1. Tungkol sa ano ang iyong binasa?

A. Mga halaman B. Mga hayop C. Mga bagay na may


buhay

2. May buhay ba ang lahat ng bagay.


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Alin dito ang may buhay?

A. Mga halaman B. Mga bato C.Mga bahay

Mabuti sa katawan ang gatas.


Mabuti sa katawan ang itlog.
Nagpapalakas ang gatas at itlog.
Nakapagpapalusog ang mga ito.

1. Tungkol sa ano ang iyong binasa?

A. Gatas B. Itlog C. Gatas at itlog

2. Mabuti ba ang mga ito sa katawan?

A. Oo C. Marahil C. Hindi
3. Ano ang nagagawa ng mga ito?

A. Nagpapaliit B. Nagpapalusog C.Nagpapasaya

Maraming bagay ang luntian.


Ang damo ay luntian.
Luntian din ang abokado.
Ang damo at abokado ay kapwa luntian.
1. Tungkol sa ano ang iyong binasa?

A. Asul B. Pula C.Lutian

2. Alin dito ang kakulay ng damo?

A. Bulaklak B.Puno C.Dahon


3. Magkakulay ba ang abokado at damo?

A. Oo B. Hindi C. Marahil

Malaki na ako.
Tumutulong na ako sa Nanay.
Naghuhugas ako ng mga pinggan.
Tumutulong ako sa pagluluto.
Nag-aalaga ako ng aking maliit na kapatid.

1. Sino kaya ang nagsasalita sa kuwento?

A. Tatay B. Lola C.Ate

2. Saan siya tumutulong?

A. Sa paghahanapbuhay B. Sa pagluluto C. Sa mga Gawain sa bahay


3. Sino ang kanyang inaalagaan?

A. Lola B. Kapatid C. May sakit

Pawis na pawis si Piding.


Binunot niya ang sahig.
Winalis din niya ito.
Pinunasan niya ang mesa.

1. Ano ang ginawa ni Piding?

A. Nagluto
B. Naglinis
C. Natulog

2. Ano siyang uri ng bata?

A. Masipag
B. Tamad
C. Marunong

3. Matututwa kaya ang Nanay sa ginawa ni Piding?


A. Oo
B. Hindi
C. Marahil

Supi!
Supi!
Alis!
Alis!
Ninakaw mo ang isda sa mesa.
Hindi kita pakakainin mamaya!

1. Nagagalit kaya ang nagsasalita?

A. Oo B. Hindi C. Marahil

2. Kanino siya nagagalit?

A. Sa aso B. Sa pusa C. Sa anak

3. Ang nagsasalita ba ay isang tao?

A. Oo B. Hindi C. Marahil
Halika na, Ineng.
Tanghali na tayo.
Marami tayong bibilhin.
Ayaw kong maubusan tayo ng sariwang isda?

1. Sino kaya ang nagsasalita sa kuwento?

A. Si Ineng B. Ang Nanay C. Ang Tatay

2. Ano ang nais ng nagsasalita?

A. Magmadali si Ineng.
B. Maligo na si Ineng.
C. Bumili ng isda si Ineng.

3. Bakit bagmamadali ang nagsasalita?

A. Wala na silang masasakyan.


B. Darating na ang Tatay.
C. Mauubusan sila ng sariwang isda.
Ako ay may alaga.
Masipag manghuli ng daga.
Binibigyan ko siya ng isda.
Siya ang mahal kong pusa.

1. Bakit ko binibigyan ng isda ang aking alaga?


A. Masipag siya.
B. Mahal ko siya.
C. Mura lamang ang isda.
2. Kaibigan ba ito ng daga?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
3. Ano ang magandang pamagat sa tula?
A. Mahal Ko
B. Aking Alaga
C. Galit sa Pusa
Minda! Noel!
Halina kayo, mga anak.
Maghugas na kayo ng kamay.
Nakahanda na ang hapag-kainan.

1. Sino kaya nag nagsasalita?


A. Nanay
B. Ate
C. Kuya
2. Ano kaya ang edad nina Minda at Noel?
A. 7 at 9 na taon
B. 15 1t 17 taon
C. 18 at 20 taon
3. Bakit kaya sila pinaghuhugas ng kamay?
A. Matutulog na sila.
B. Aalis na sila.
C. Kakain na sila.
D.

Ako ay isang bulaklak.


Maliit man ay kay bango.
Putimputi aking kulay.
Sa altar laging pang-alay.

1. Anong bulaklak ang sinasabi sa tula?


A. Gumamela
B. Rosas
C. Sampagita
2. Ano ang sinasabi tungkol sa bulaklak?
A. Puti at mabango
B. Pula at maliit
C. Luntian at sariwa
3. Saan ito iniaalay?
A. Sa sanggol
B. Sa altar
C. Sa guro

Gising na, Anak.


Mataas na ang araw.
Magbihis ka na.
Mahuhuli ka na sa pagpasok.

1. Sino kaya ang nagsasalita?


A. Anak
B. Guro
C. Nanay
2. Bakit niya ginigising ang anak?
A. Gabi na
B. Umaga na
C. Hapon na
3. Ano ang kanyang inaalala?
A. Mahuhuli ito sa pagpasok.
B. Mauubusan ito ng pagkain.
C. Masisikatan ito ng araw.
D.
Tapos ng maghapunan ang mag-anak.
Tumulong si Mila sa Nanay.
Tumulong siya sa paghuhugas ng pinggan.
Inayos niya ang kama.
Nilinis niya ang kanyang kapatid.
Binihisan niya ng damit pantulog.

1. Bakit binihisan ni Mila ng pantulog ang kanyang kapatid?


A. Matutulog na sila.
B. Umaga na.
C. Aalis na sila.
2. Anong bahagi kaya ng araw noon?
A. Umaga B. Hapon C. Gabi
3. Ano kayang uri ng bata si Mila?
A. Masaya
B. Antukin
C. Matulungin

Ang kalabasa ay gulay.


Ang ampalaya ay gulay rin.
Marami at iba-iba ang mga gulay.
Mabuti ito sa katawan.
Nagpapalusog ito ng katawan.

1. Ano ang tinutokoy sa kuwento?


A. Mga kulay B. Mga tulay C. Mga gulay

2. Mabuti ba ito sa katawan?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Ano ang nagagawa nito sa katawan?


A. Nakapagpapaliit
B. Nakapagpapalusog
C. Nakapagpapahinga

Ako ang nagbabantay sa bahay.


Kagalit ko ang pusa.
Tinatahulan ko ito.
Hinahabol ko ito.
1. Sino kaya ang nagsasalita sa kuwento?
A. Daga
B. Aso
C. Ibon
2. Kaibigan ba niya ang pusa?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
3. Ano ang ginagawa niya?
A. Nanghuhuli ng daga.
B. Nag-aabang sa pusa
C. Nagbabantay sa bahay.
D.
K-r-r-r-ng!
K-r-r-r-ng!
“Helo, sino po ang gusto nilang makausap?”
Tanong ni Susan.
“Sandali lamang po at aking tatawagin!”
Tinawag ni Susan ang Nanay.
“Inay, kayo po ang kailangan.”
1. Ano kaya ang tumunog?
A. Telepono B. Kampanilya C. Timbre
2. Sino ang sumagot?
A. Nanay B. Tatay C. Susan
3. Paano siya makipag-usap sa telepono?
A. Mausisa B. Magalang C. Masungit

Heto na si Mang Egay.


Malaking bag ang kanyang taglay.
Mga sulat ang nakalagay.
Dinadala niya sa bahay-bahay.
1. Ano kaya ang hanapbuhay ni Mang Egay?
A. Kartero
B. Tindera
C. Minero
2. Ano kaya ang gagawin ni Mang Egay sa mga sulat?
A. Susunugin
B. Babasahin
C. Ihahatid sa may-ari
3. Nakatutulong kaya sa atin si Mang Egay?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil

Kaibigan ako.
Tumutulong ako kay Mang Ambo.
Magkatulong kami sa bukid.
Hinihila ko ang araro.
Binibigyan ko siya ng gatas.

1. Sino ang nagsasalita sa kuwento?


A. Baka B. Kalabaw C. Kabayo
2. Ano ang turing ng nagsasalita sa kanyang sarili?
A. Kapitbahay ni Mang Ambo
B. Kaibigan ni Mang Ambo
C. Kaaway ni Mang Ambo
3. Ano ang nagagawa niya kay Mang Ambo?
A. Tagahila siya ng araro.
B. Tagagising siya sa umaga.
C. Tagapagbantay siya sa bukid.
D.
Maraming baon na pera si Lisa.
Hindi niya ito ginagasta.
Inihhulog niya ito sa alkansya.
Marami na siyang naipon.
1. Anong uri ng bata si Lisa?
A. Mabait
B. Malinis
C. Matipid
2. Ano ang kanyang ginagawa sa pera?
A. Iniipon
B. Ginagasta
C. Itinatapon
3. Dapat kayang tularan si Lisa?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
D.

Galing sa paaralan si Manoling.


Hinubad niya ang kanyang damit na pamasok.
Nagsuot siya ng damit na pambahay.
Itinabi niya nang maayos ang damit na hinubad.

1. Tama ba ang ginawa ni Manoling?


A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
2. Dapat bang ipambahay ang damit na pamasok?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
3. Dapat bang tularan si Manoling?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil

“Toti, halika rito!”


“Opo, Inay, Nariyan napo ako.”
“Heto ang piso. Bumili ka ng tinapay sa
tindahan.”
“Opo, Inay. Aalis na po ako.”
1. Anong uri ng bata si Toti?
A. Matulungin
B. Masaya
C. Masunurin

2. Kung ikaw ang Nanay, matutuwa ka ba kay Toti?


A. Oo B. Hindi C. Marahil
3. Dapat bang tularan si Toti?
A. Oo B. Hindi C. Marahil
B.

Nagdarasal si Melo bago matulog.


Nagdarasal din siya pagkagising.
Nagsisimba siya tuwing Linggo.
Mabait na bata si Melo.
1. Anong uri ng bata si Melo?
A. Matatakutin
B. Maawain
C. Madasalin

2. Mabuti ang pagdarasal?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Dapat kayang tularan si Melo?


A. Oo B. Hindi C. Marahil
B.
Kaaway natin ang langaw.
Ibig ng langaw sa maruruming lugar.
Nagdadala ito ng sakit.
Takpan natin ang nmga pagkain upang
hindi dapuan ng langaw.
1. Tungkol sa ano ang kuwento?
A. Sa sakit B. Sa langaw C. Sa basura

2. Kaibigan ba natin ang langaw?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Bakit dapat nating takpan ang mga pagkain?


A. Upang hindi mabulok
B. Upang hindi lumamig
C. Upang hindi dapuan ng langaw
Namasyal ang mag-anak.
Nagpunta sila sa “Zoo”.
Marami silang nakitang hayop.
May malalaki at maliliit na mga hayop.
May mga unggoy, leon, ibon, elepante at marami pang iba.
Ayaw pang umuwi ng mga bata.

1. Ano ang marami sa “Zoo”?


A. Mga hayop
B. Mga laruan
C. Mga pagkain

2. Lahat ba ng hayop ay malalaki?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Natakot kaya ang mga bata sa mga hayop?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

May bagong alaga si Minda.


Dilaw ang balahibo ng kanyang alaga.
Dilaw din ang mga pakpak nito.
Nakalagay ito sa kulungan.
Kumakain ito ng palay.
Humuhuni ito sa tuwina.
1. Ano kaya ang alaga ni Minda?
A. Ibo B. Baboy C. Kuneho

2. Ano kaya ang kulungan nito?


A. Kural
B. Hawla
C. Kahon

3. Tumatahol kaya ito?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

Hulaan mo kung ano ito.


May alaga akong munti.
Sa tubig ito nakatira.
May kaliskis ang katawan.
Mayroon din itong palikpik at buntot.
Hindi naisasara ang kanyang mga mata.
1. Ano ang aking alaga?
A. Tubig B. Isda C. Mata
2. Saan ito nakatira
A. Sa puno
B. Sa lupa
C. Sa tubig
3. Ano kaya ang nagagawa nito?
A. Nakalilipad
B. Nakalalangoy
C. Nakapipihit
D.
Palakad-lakad si Ramon.
Gustung-gusto niya ang kanyang suot.
Uy! Kaysarap ilakad.
Ang lambot sa paa.
At ang kintab-kintab pa!.
Binili ito ng kanyang Tatay.

1. Ano kaya ang suot ni Ramon?


A. Sapatos B. Kamiseta C. Sombrero
2. Bago kaya ito?
A. Oo, dahil kabibili lamang ng Tatay.
B. Hindi, dahil malambot na ito.
C. Marahil gamit na iyon.
3. Bakit sinasabing kaysarap yaong ilakad?
A. Madulas yaon at makapal.
B. Makintab-kintab pa yaon.
C. Malambot at maginhawa sa paa.

Maganda ang suot ni Nene.


Puti ang kulay nito.
May pula at rosas na bulaklak.
Mayroon itong malaking laso.
Isusuot niya ito pagpunta kina Ching.
Maraming batang papunta roon.
1. Ano kaya ang suot ni Nene?
A. Sapatos B. Tsinelas C. Damit
2. Bakit kailangang maganda ang isusuot ni Nene?
A. Sasali siya sa paligsahan.
B. Dadalo siya sa kasayahan.
C. Magsisimba siya.
3. Bakit kaya maraming pupunta kina Ching?
A. Maysakit si Ching.
B. Maglalaro si Ching.
C. Kaarawan ni Ching.

May alaga si Ronnie


Puti ang balahibo ng kanyang alaga.
Malago at malambot ang balahibo nito.
Malaki ang tainga at kulay rosas ang mga mata nito.
Ibig nito ng carrot at petsay.
1. Tungkol sa ano ang talata?
A. Kwago B. Kuneho C. Kabayo

2. Ano ang sinasabi tungkol dito?


A. Maiitim ang mga mata nito.
B. Ayaw nito ng gulay.
C. May puting balahibo ito at malaking tainga.

3. Kumakain ba ito ng palay?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

Takot na takot si Ramon.


Wala siyang lapis.
Magagalit ang guro.
“Heto, Ramon, gamitin mo ito.
Dalawa ang lapis ko,” sabi ni Danny.
1. Bakit takot na takot si Ramon?
A. Nagalit sa kanya ang guro.
B. Nawala ang kanyang lapis.
C. Nakalimutan niyang magdala ng lapis.
2. Anong uri ng bata si Danny?
A. Masunurin B. Matulungin C. Masakitin
3. Anong uri ng bata si Ramon?
A. Mahiyain
B. Malillimutin
C. Makulit

Masipag si Mang Berto


Lagi siyang may dalang walis.
May dala rin siyang pandakot.
Nililinis niya ang paaralan.
Nililinis niya ang paligid nito.
1. Ano si Mang Berto?
A. Pulis
B. Bombero
C. Dyanitor
2. Ano ang kanyang nililinis?
A. Kalsada
B. Paaralan
C. Simbahan
3. Masipag ba si Mang Berto?
4. A. Oo B. Hindi C. Marahil

Kay taba ng alaga ni Rolly.


Mahaba at kulot ang buntot nito.
Kumakain ito ng mga tira-tira.
“Oink! Oink!” ang sabi nito.
“Malapit na akong ipagbili.
Malapit na akong litsunin”.
1. Ano kaya ang alaga ni Rolly?
A. Baboy B. Unggoy C. Baka

2. Bakit kaya kaytaba ng alag ni Rolly?


A. Malapit na itong litsunin.
B. Alagang-alaga niya ito sa pagkain.
C. Tira-tira lamang ang pagkain nito.

3. Ano kaya ang gagawin sa alaga ni Rolly?


A. Kakainin B. Aalagaan C. Ililigaw

Manoling! Halika, Anak.


Mamitas ka ng kamatis.
Mamitas ka rin ng ilang pirasong talong.
Mamitas ka ng ilang pirasong patani at sitaw.
Yaon angating lulutuin.
1. Sino ang nagsasalita?
A. Guro
B. Nanay
C. Kuya

2. Saan kaya pupunta si Manoling?


A. Sa palengke
B. Sa tindahan
C. Sa halamanan

3. Ano kaya ang lulutuin ng Nanay?


A. Ginisang gulay
B. Sinigang na baboy
C. Pritong isda

Tuwang-tuwa si Lina.
Kasama siya ni Nanay.
Pupunta sila sa lalawigan.
Dadalaw sila sa Lolo at Lola.
Tsug.... Tsug .... Tsug !
Lumakad na ang kanilang sasakyan.
Mabilis na mabilis ang takbo nito.
1.Saan kaya sumakay sina Lina?
A. Bus B. Tren C. Traysikel

2. Madali kayang makararating sina Lina?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Malayo kaya ang kanilang pupuntahan?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

“Totoy, saan ba rito ang Recto?”


“Doon pos a gawiing kaliwa, Ingkong.”
“Malayo ba?”
“Hindi po. Tayo na po. Ihahatid kopo kayo roon.”
“Salamat, Totoy,” ang sabi ng matanda.
1. Sino ang nag-uusap?
A. Nanay at Tatay
B. Ingkong at Totoy
C. Nanay at Anak
2. Anong uri ng bata si Totoy?
A. Malinis B. Maramot C. Magalang

3. Dapat bang tularan ang ginawa ni Totoy?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

“Ayokong kumain.
Ayoko ng ulam.” Sabi ng bata.
“Hindi ganyan, Anak.
Kung ano ang nasa mesa,
ito ang ating kakainin.”
“Ganoon po ba?
Kung gayon, kakain na po ako.”
1. Sino kaya ang nag-uusap?
A. Magkapatid B. Magkaibigan C. Mag-ina

2. Bakit kumain ang bata?


A. Maysakit siya.
B. Malungkot siya.
C. Hindi niya gusto ang ulam.

3. Tama ba ang inasal ng anak noong una?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

“Ibig kong maging doktor paglaki ko.


Pupunta ako sa America,” sabi ng isa.
“Ibig kong maging nars.
Pupunta rin ako sa America,”
sabi ng ikalawa.
“Ibig ko ring maging doktor.
Ngunit hindi ako aalis sa Pilipinas,”
Sabi ng ikatlo.
1. Sino kaya ang nag-uusap?
A. Mga magulang B. Mga guro C. Mga bata

2. Ano ang ibig ng dalawang nauna?


A. Pumunta sa lalawigan B. Pumunta sa lungsod C.Pumunta sa America
3. Anong uri ng bata ang pangatlo?

A. Matalino B. Makabayan C. Walang Isip

“Heto ang limang piso, Lito.


Bumili ka ng suka”.
“Opo, Inay.”
Lumakad na si Lito.
Dalawa ang tindahang malapit sa kanila.
Kay Aling Iska ang isa.
Kay Lee naman ang isa pa.
1. Kung ikaw si Lito, kanino ka bibili?
A. Kay Aling Iska B. Kay Lee C. Kahit kanino

2. Bakit ka roon bibili?


A. Pag-aari iyon ng isang Pilipino.
B. Higit na mura kay Lee.
C. Higit na malaki ang tindahan.

3. Ano kayang uri ng bata si Lito?


A. Mayabang B. Mabagal C.Makabayan

Si Rene
Kumain ng agahan si Rene.
Nagbihis siya ng damit.
Sinuklay niya ang kanyang buhok.
Kinuha niya ang kanyang bag at lumakad na siya.
Ayaw niyang mahuli sa pagpasok.
1. Tungkol sa ano ang talata?
A. Paghahanda ni Rene sa pagpasok
B. Pagkain ng agahan
C. Gawain ni Rene sa bahay

2. Ano kaya ang laman ng kanyang bag?


A. Mga pagkain at inumin
B. Mga laruan at damit
C. Mga aklat, lapis at iba pa

3. Ano kaya ang kanyang gagawin?


A. Maglalaro B. Mag-aaral C. Magsisimba
Ang Mga Bata
Naglalaro ng bola ang mga bata.
Pak! Tumama ang bola
sa salamin ng bintana.
Nagtakbuhan ang mga bata.
Nagsipagtago sila.
1. Ano kaya ang nangyari sa salamin?
A. Nayupi B. Nabasag C. Nabagsak

2. Tama ba ang ginawa ng mga bata?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Ano kaya ang dapat nilang ginawa?


A. Magpatuloy sa paglalaro
B. Humingi ng paumanhin
C. Umuwi sa kanilang bahay

Si Rey
Malakas at maganang kumain si Rey.
Kumakain siya ng gulay.
Kumakain din siya ng itlog.
Umiinom siya ng gatas.
1. Ano kayang uring bata si Rey?
A. Masasakitin B. Malusog C. Mabagal

2. Mabuti ba ang gulay sa katawan?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Dapat ba nating tularan si Rey?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

Ang Pagbabasa Ni Niño


Mahilig magbasa si Niño.
Nagbabasa sila ng mga aklat.
Nagbabasa siya ng mga magasin.
Nagbabasa rin siya ng pahayagan.

1. Matalino kaya si Niño?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

2. Mabuti ba ang magbasa?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Ano ang maaaring mangyari kay Niño?


A. Magiging guro siya.
B. Lalabo ang kanyang mga mata.
C. Marami siyang matutunan.

Umalis Ang Nanay


Sabado noon.
Nagbihis ang Nanay.
Kinuha niya ang basket.
Lumabas siya ng bahay.
Sumakay siya sa dyip.
1. Saan kaya pupunta nag Nanay?
A. Sa paaralan
B. Sa kapitbahay
C. Sa palengke

2. Ano kaya ang gagawin niya roon?


A. Mamimili
B. Magdarasal
C. Magpapalista

3. Ano kaya ang kanyang bibilhin?


A. Mga aklat B. Mga pagkain C. Sapatos at damit

Bag Na Abaka
May regalo si Nita.
Ang regalo ay nasa kahon.
Binuksan ni Nita ang kahon.
May laman itong bag.
Yari ito sa abaka at yantok.
Napangiti si Nita.
1. Saan kaya gawa ang bag ni Nita?
A. Sa Hongkong B. Sa America C. Sa Pilipinas

2. Ano kaya ang dapat gawin ni Nita sa bag?


A. Itapon ito. B. Gamitin ito C.Ipagbili ito.

3. Naibigan kaya ni Nita ang bag?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

Nagmamadali
Nagmamadali si Nilo.
Bumaba siya ng hagdan.
May balat ng saging sa hagdan.
Bigla siyang sumigaw.
1. Ano kaya ang nangyari kay Nilo?
A. Nadapa B. Nahulog C.Natakot

2. Ano kaya ang dapat na ginawa ni Nilo upang hindi ito nangyari?
A. Tiningnan ang dinaraanan.
B. Hakbangan ang balat ng saging.
C. Sinipa pababa ang balat ng saging.

3. Dapat bang magtapon ng kalat sa hagdan?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

Ang Mag-aaral
Binuksan ni Arding ang kanyang bag.
Kumuha siya ng kuwaderno.
Kumuha siya ng lapis.
Biniklat niya ang isang aklat.
1. Ano kaya ang gagawin ni Arding?
A. Mag-aaral B. Maglalaro C. Mag-aalliw

2. Kailangan bang mag-aral mabuti?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

3. Dapat kayang tularan si Arding?


A. Oo B. Hindi C. Marahil

Napulot Ang Aklat


Oras ng meryenda noon.
Naglalaro ang mga bata.
Nakapulot ng aklat si Raul.
Wala itong pangalan.
Dinala niya ito sa guro.
1. Nasaan ang mga bata?
A. Paaralan B. Aklatan C. Silid-kainan
2. Bakit dinala ni Raul ang aklat sa guro?
A. Ireregalo niya ito sa guro.
B. Hihingin niya ang aklat.
C. Hahanapin ng guro ang may-ari ng aklat.
3. Ano pa ang maaari niyang gawin dito?
A. Ipagtanong sa kaklase kung sino ang nawawalan ng aklat.
B. Itapon ito sa basurahan.
C. Ilagay ito sa kanyang bag.

Si Aling Ana
Kinuha ni Aling Ana ang mga damit.
Kinuha niya ang sabon.
Kinuha niya ang batya.
Nagpunta siya sa may gripo.
1. Ano kaya si Aling Ana?
A. Tindera
B. Labandera
C. Guro
2. Ano kayang mga damit ang kanyang kinuha?
A. Marurumi
B. Malilinis
C. Magaganda

3. Ano kaya ang kanyang gagawin?


A. Maglalaba
B. Maliligo
C. Matutulog

Napagod
Takbo nang takbo ang mga bata.
Naghahabulan sila.
Mayamaya, tumigil sila.
Pumunta sila sa lilim ng puno.
1. Ano kaya ang gagawin nila roon?
A. Matutulog
B. Magtatago
C. Magpapahinga
2. Ano kaya ang kanilang naramdaman?
A. Takot
B. Pagod
C.Lungkot

3. Masaya kaya ang mga bata?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

Ang Bandila
Nagmamadali si Celso.
Takot siyang mahuli sa paaralan.
Magagalit ang guro.
Itinataas na ang bandila ng dumating siya.
1. Ano ang dapat gawin ni Celso?
A. Tumayo nang tuwid
B. Pumunta sa pila
C. Umuwi na

2. Dapat ba nating igalang ang bandila?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

3. Ano ang dapat tandaan ni Celso upang hindi siya mahuli?


A. Magmadali sa paglakad.
B. Gumising nang maaga.
C. Tumakbo sa pagpasok.

Dumating Ang Nanay


Naghahabulan ang mga bata.
Dumating ang Tatay.
Pagod na pagod siya.
Sinalubong siya ng mga bata.
1. Bakit kaya sinalubong ng mga bata ang Tatay?
A. Gugulatin siya.
B. Susugurin siya.
C. Hahalik sila sa kamay.

2. Ano ba ang nararamdaman ng Tatay?


A. Magagalit B. Maiinis C. Matutuwa
3. Tama ba ang ginawa ng mga bata?
A.Oo B. Hindi C.Marahil

Ang Buto

Kumakain ng santol si Mila.


Matamis ang santol.
Inipon niya ang mga buto.
Ibinaon niya ito sa lupa.
Dinilig ng ulan ang lupa.
1. Ano kaya ang ginawa ni Mila sa mga buto?
A. Nilunok B. Itinapon C. Itinanim

2. Ano kaya ang mangyayari sa mga buto?


A. Tutubo B. Mabubulok C. Mawawala
3. Ano kaya ang magiging bunga nito?
A. Matamis B. Maasim C.Maliit

Umaga Na!
Madilim-dilim pa.
“Tiktilaok!” ang sabi ng manok.
Nagising si Aling Lina.
Tumayo siya at pumunta sa kusina.
1. Anong oras na kaya?
A. Umaga na
B. Hatinggabi na
C. Tanghali na

2. Bakit kaya pumunta si Aling Lina sa kusina?


A. Magluluto siya
B. Maglilinis siya
C. Matutulog uli siya.

3. Ano kaya ang inihanda ni Aling Lina?


A. Tanghalian
B. Agahan
C. Hapunan

Ang Mag-anak

Walang pasok ngayon.


Bihis na bihis ang mag-anak.
May dala silang maliliit na aklat-dasalan.
May pupuntahan sila.
1. Saan kaya sila pupunta?
A. Sa simbahan
B. Sa paaralan
C. Sa palaruan

2. Bakit kaya sila pupunta roon?


A. Maglalaro sila.
B. Magdarasal sila
C. Makikipagsaya sila.

3. Ano kayang araw noon?


A. Lunes
B. Sabado
C. Linggo
D.
Naglinis si Ana

Naglilinis si Ana.
Natabig niya ang plorera.
Bumagsak ito sa sahig.
Narinig ng Nanay ang ingay.
1. Ano kaya ang nangyari sa plorera?
A. Nawala
B. Nasira
C. Nabasag

2. Ano kaya ang dapat gawin ni Ana?


A. Itago ito.
B. Umiyak siya.
C. Sabihin sa Nanay.

3. Magagalit kaya ang Nanay?


A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
D.
Ang Papel Ni Romy
Kumuha si Romy ng papel.
Nilupi-lupi niya ito.
Kumuha siya ng palanggana.
Nilagyan niya ito ng tubig.

1. Ano kaya ang ginawa ni Romy sa papel?


A. Itinapon niya ito.
B. Ginawa niya itong bangka-bangkaan.
C. Ginawa niya itong abaniko.

2. Bakit kaya siya kumuha ng palangganang


may tubig?
A. Ilulubog niya ito.
B. Babasain niya ito.
C. Palulutangin niya ito.

3. Ano ang ginawa ni Romy?


A. Laruan
B. Pamaypay
C. Apakan

Nagdarabog
Nagdarabog si Delia.
Inis na inis siya.
Naghuhugas na naman siya ng pinggan.
Ibinabagsak niya ang mga ito.
K-R-A-S-S!
Patakbong lumabas ang Nanay.
1. Ano kaya ang nangyari?
A. May kumatok
B. May pumutok
C. May nabasag

2. Nakagalitan kaya si Delia?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

3. Dapat kayang tularan si Delia?


A.Oo B. Hindi
Si Rosa

Kaarawan ni Mely.
May handaan sa kanila.
Ibig ni Rosa na dumalo sa handaan
ngunit ngunit maysakit siya.
1. Dapat bang dumalo si Rosa?
A.Oo B. Hindi C.Marahil

2. Dapat ba siyang malungkot?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

3. Ano ang kailangan niyang gawin?


A. Umiyak
B. Malungkot
C. Magpagaling

Sa Halamanan
Nasa halamanan si Marina.
Nasa halamanan din si Ligaya.
Namimitas sila ng rosas.
Mayamaya, nagtakbuhan sila.
Buzzz.... Buzzzz.... Buzzzz.....
Pumasok sila sa bahay.

1. Ano kaya ang dumating?


A. Multo
B. Tutubi
C. Bubuyog

2. Bakit kaya sila nagtakbuhan?


A. Nagulat sila.
B. Natakot sila.
C. Naawa sila.

3. Ano ang dapat nilang gawin?


A. Hulihin ito.
B. Bugawin ito.
C. Patayin ito.

Nasaan Si Melba
Nakahiga si Melba at dumaraing.
May tapal ang kanyang noo.
May pumasok na babaeng nakaputi sa silid.
May dala-dala itong bote at baso ng tubig.
1. Sino kaya ang dumating?
A. Nanay
B. Nars
C. Guro

2. Ano kaya ang dala nito?


A. Aklat
B. Gamot
C. Guro

3. Nasaan kaya si Melba?


A. Sa pagamutan
B. Sa paaralan
C. Sa simbahan

Ang Balat Ng Saging

Kumain ng saging si Bert.


Itinapon niya ang balat sa sahig.
Dumaan ang kanyang kapatid.
Hindi nito nakita ang balat ng saging.

1. Ano kaya ang mangyayari sa kanyang kapatid?


A. Madudulas
B. Matutuwa
C. Matatakot

1. Saan dapat itapon ang balat ng saging?


A. Sa sulok
B. Sa daan
C. Sa basurahan

2. Ano ang dapat gawin kapag lumalakad?


A. Magmadali
B. Luminga-linga
C. Tingnan ang dinaraanan

Ano Kaya Ang Nangyari?


Natutulog ang Nanay isang tanghali.
Naglalaro ang mga bata.
Mayamaya, may bumagsak.
K r a s s!
Biglang tumahimik ang mga bata.
Lumabas ang Nanay.
May hawak siyang tsinelas.
1. Ano kaya ang nangyari?
A. May nabasag
B. May multo
C. Tapos na ang laro
2. Nagalit kaya ang Nanay?
A.Oo B. Hindi C.Marahil

3. Bakit may hawak na tsinelas ang Nanay?


A. Isusuot niya.
B. Itatapon niya.
C. Mamamalo siya.

Ano Kaya Ito?


Nasa halamanan si Naty.
May nakita siyang lumilipad.
Kayganda nito.
Iba’t iba ang kulay ng pakpak!
Nagpalipat-lipat ito sa mga bulaklak.
1. Ano kaya ang nakita ni Naty?
A. Ibon
B. Paru-paro
C. Paniki

2. Ano kaya ito?


A. Hayop
B. Insekto
C. Tao

3. Ano kaya ang ginagawa nito sa mga bulaklak?


A. Sinisira ang mga ito.
B. Sinisipsip ang nectar ng mga ito.
C. Pinipitas ang mga ito.

Si Melo at Ang Inahin

Sumilip si Melo sa pugad.


May inahin sa pugad.
Nakaupo ito.
“Ptak-putak,” ang sigaw nito.
Tumayo ito at lumipad.
May nakitang bagay na puti si Melo.
1. Ano kaya ang nakita ni Melo?
A. Multo
B. Itlog
C. Kumot
2. Ano kaya ang ginagawa ng inahin?
A. Naglilimlim ng itlog
B. Nangingitlog
C. Umiipot
3. Ano kaya ang gagawin ni Melo?
A. Kukunin niya ang itlog.
B. Kukunin niya ang sisiw.
C. Kukunin niya ang pugad.

Ano Ang Masakit


Umiiyak si Linda.
Namamaga ang kanyang pisngi.
Hindi siya makakain.
Mahirap ang kanyang pagnguya.
Masaki tang kanyang pangnguya.
1. Ano kaya ang masakit kay Linda?
A. Leeg
B. Bibig
C. Ngipin

2. Bakit kaya ito sumasakit?


A. Marumi ito.
B. May butas na ito.
C. Malinis ito.

3. Kanino siya dapat pumunta?


A. Sa doktor
B. Sa dentista
C. Sa nars

Si Mang Juan

Madilim pa ay bumaba na si Mang Juan.


Nagsuot siya ng malapad na sombrero.
Sumakay siya sa kalabaw.
Magkasama sila sa paggawa sa maghapon?

1. Saan kaya pupunta si Mang Juan?


A. Sa palengke
B. Sa dagat
C.Sa bukid
2. Ano kaya ang kanilang gagawin doon?
A. Mag-aararo
B. Mamamasyal
C.Mangingisda

3. Kailangan kaya natin si Mang Juan?


A. Oo
B. Hindi
C.Marahil

Si Mang Maning

Kleng! Kleng! Kleng!


Narito na si Mang Maning.
Kilala ng mga bata si Mang Maning.
Ibig nila ang kanyang dala.
Nagtakbuhan ang mga bata
papunta kay Mang Maning.
1. Ano kaya ang dala ni mAng Maning?
A. Yelo
B. Sorbetes
C. Mais
2. Ano kaya ang gagawin ng mga bata?
A. Bibili
B. Hihingi
C. Makikipag kuwentuhan
3. Kaibigan kaya ng mga bata si Mang Maning?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil

Naglaro sa Kalsada

“Mario! Alex,” ang tawag ng Nanay.


“Halikayo!
Huwag kayong maglaro sa kalsada.
Pumasok kayo sa bakuran.
Baka kayo masagasaan diyan.

1. Dapat bang maglaro ang mga bata sa kalsada?


A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
2. Tinawag ng Nanay sina Mario at Alex
dahil nag-aalala siyang ________________.
A. Maaaring madapa siya.
B. Maaaring masagasaan sila.
C. Maaaring mawala sila.
3. Saan dapat maglaro ang mga bata?
A. Sa loob ng bakuran
B. Sa labas ng bahay
C. Sa kalsa
D.
May Sunog!
Nagsisigawan ang mga tao.
Nagtatakbuhan sila.
May mga dala silang balutan.
Dumating ang isang pulang trak.
Klang! Klang!
Tumabi kayo.

1. Ano kaya ang nangyayari?


A. May sunog
B. May pista
C. May katuwaan
2. Sino ang sakay ng pulang trak?
A. Mga pulis
B. Mga bumbero
C. Mga sundalo
3. Ano kaya ang kanilang gagawin?
A. Gagamutin ang mga tao.
B .Papatayin ang apoy.
C. Huhulihin ang mga tao.

Sa Duyan

Nasa duyan si Lina.


Tuwang-tuwa siya.
Napalakas ang ugoy ng duyan.
Huwag, mahuhulog ako!
Ay! Gog! Aray! Aray!
1. Ano kaya ang nangyari kay Lina?
A. NAlula siya.
B. Nahulog siya.
C. Natuwa siya.
2. Bakit siya nahulg?
A. Napatid ang duyan.
B. Napalakas ang ugoy ng duyan.
C. Napahina ang ugoy ng duyan.
3. Nasaktan kaya siya?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
D.

Nanood Ng TV
Maganda ang palabas sa TV.
Gabing-gabi na.
Ayaw pa ring matulog ni Rene.
Tinanghali siya ng gising.
Nasa silid na ang mga bata
nang dumating siya sa paaralan.
1. Ano kaya ang nangyari?
A. Nahuli si Rene sa klase.
B. Nauna si Rene sa paaralan.
C. Hindi nahuli si Rene.
2. Ano kaya ang gagawin ng guro?
A. Papaluin si Rene.
B. Kagagalitan si Rene.
C. Pauuwiin si Rene.
3. Ano kaya ang aral na natutunan ni Rene?
A. Huwag ng manood ng TV.
B. Huwag ng pumasok kung huli.
C. Huwag magpuyat kung may pasok kinabukasan.
Ang Posporo
Naglalaro si Nena sa kusina.
Nakita niya ang posporo.
Tuwang-tuwa si Nena.Naglaro siya ng apoy.
Mayamaya, lumabas sa kusina
ang Nanay.
1. Ano kaya ang naramdaman ng Nanay?
A. Natuwa
B. Natakot
C. Nagalit

2. Ano kaya ang gagawin niya?


A. Kagagalitan si Nena.
B. Bibigyan ng puto si Nena.
C. Pababayaan si Nena.

3. Ano kaya ang dapat gawin sa posporo?


A. Huwag ng gumamit nito.
B. Ilagay sa mataas na lugar.
C. Itapon sa basurahan.
Si Mang Ambo
Maagang nagising si Mang Ambo.
Kinuha niya ang lambat.
Sumakay siya sa bangka.
Nagpunta siya sa laot.
Dadalhin niya sa palengke
ang kanyang mahuhuli.
1. Ano kaya ang gagawin ni Mang Ambo?
A. Magtatanim
B. Mangingisda
C. Mamamangka
2. Ano kaya ang huhulihin niya?
A. Mga isda
B. Mga asong gumagala
C. Mga magnanakaw
3. Bakit niya dadalhin sa palengke
ang mga mahuhuli niya?
A. Ipagbibili ang mga ito.
B. Ipaluluto ang mga ito.
C. Ipamimigay ang mga ito.
Ang Pera Ni Danny

Pupunta si Danny sa tindahan


Binigyan siya ng Nanay ng pera.
Inilagay niya ito sa bulsa.
Pagdating sa tindahan, dumukot si Danny.
Walang laman ang kanyang bulsa.
1. Ano kaya ang nangyari?
A. Dinukutan siya.
B. Nahulog ang kanyang pera.
C. Nalimutan niya ang bibilhin.

2. Bakit kaya nangyari yaon?


A. Hindi siya binigyan ng nanay.
B. Butas ang kanyang bulsa
C. Kinuha ito ng kanyang kapatid.

3. Ano kaya ang dapat gawin ni Danny?


A.Umiyak
B.Humiram sa tindahan
C. Sabihin sa nana yang nangyari.
Nahilo si Marina
Gabing-gabi na.
Nag-aaral pa si Marina.
Tinanghali siya ng gising.
Hindi na siya kumain.
Pumasok na siya sa paaralan.
Mayamaya nahilo siya.
1. Bakit kaya nahilo si Marina?
A. Nalulungkot siya.
B. Napagod siya.
C. Nagutom siya.
2. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Umuwi
B. Umiyak
C. Kumain
3. Ano kaya ang aral ng kuwento?
A. Kumain ng agahan bago pumasok.
B. Magmadali sa pagpasok sa paaralan.
C. Huwag mag-aral nang gabing-gabi.

Naiwan si Mina
Oras na ng miryenda.
Naglabasan ang mga bata.
Kakain sila.
Maglalaro sila.
Naiwan si mina sa silid.
May pera sa mesa ng guro.
Nakita ito ni Mina.
1. Dapat kayang galawin ni Mina ang pera sa mesa ng guro?
A.Oo B. Hindi C.Marahil

2. Kanino kaya ang pera?


A. Sa kanya
B. Sa guro
C. Sa kanyang kaklase

3. Kung ikaw si Mina, kukunin mo ba ang pera?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

Si Manny

Nagmamadali sa pag-uwi si Manny.


Maaari siyang abutan ng ulan.
Wala siyang dalang payong.
Biglang bumagsak ang ulan!
Basang-basa siya.
Kinabukasan, hindi pumasok si Manny.
1. Bakit kaya hindi pumasok si Manny?
A. Nagkasakit siya.
B. Tinatamad siya.
C. Walang pasok noon.
2. Ano kaya ang nagging sakit niya?
A. Sakit sa puso
B. Sipon at lagnat
C. Sakit ng tiyan
3. Ano ang aral na natutunan ni Manny?
A. Huwag maliligo sa ulan.
B. Masama ang ulan.
C. Magdala ng payong kung tag-ulan.

Nagmamadali

“Dalian mo, Nora,”sabi ni Nilda.


Nagmamadali silang lumakad.
Hindi nila nakita ang kotseng paparating.
Mabilis ang takbo ng kotse.
Screech! Biglang huminto ito.
Sinigawan sila ng tsuper.
1. Ano kaya ang nangyari?
A. Nasiraan ang awto.
B. Nabunggo ang dalawang bata.
C. Muntik na silang masagasaan.

2. Nasaktan kaya sila?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

3. Mabuti ba ang labis na pagmamadali?


A.Oo B. Hindi C.Marahil

Mga Bilang

Isa, Dalawa
Tatlo, Apat
Lima, Anim
Pito, Walo
Siyam, Sampu

1. Isulat ang bilang na walo.

2. Isulat ang sagot sa 3 dagdagan ng 1.

3. Ilan lahat ang bilang n gating mga daliri?

Maikli! Mahaba!

Maikli, mahaba!
Mataas, mababa!
Maganda, pangit!
Malaki, maliit!
1. Gumuhit ng dalawang lapis,
isang maikli at isang mahaba.

2. Gumuhit ng isang maliit


at isang malaking bilog.

3. Gumuhit ng isang magandang damit.

Mga Hugis

Bilog, parisukat!
Tatsulok, parihaba!
Iyan ay mga hugis.
Halika, iguhit mo nga.
1. Gumuhit ng isang maliit na bilog at isang malaking bilog.

2. Gumuhit ng isang parisukat. Kulungin ito sa isang tatsulok.

3. Gumuhit ng isang parihaba.

Ang Ating Bandila

Hayun ang ating bandila.


Puti, bughaw at pula.
Tingnan mo ang bandila.
Sagisag ng ating bansa.

1. Iguhit ang ating bandila.


2. Isulat ang mga kulat n gating bandila.

3. Sagisag ng ___________ ang bandila.


Isulat ang titik ng nawawalang salita.
A. Tao
B. Lupa
C. Bansa

Ang Halaman

Ang isang halaman.


May dahon sa sanga.
May bulaklak ang iba.
Kung minsan may bunga pa.

1. Isulat ang pangalan ng pinag-uusapan.


2. Ano ang mayroon sa sanga?

3. Gumuhit ng isang bulaklak ng halaman.

Ang Bulaklak Ni Nora

Pumunta sa halamanan si Nora.


Pumitas siya ng bulaklak.
Inilagay niya ito sa plorera.

1. Isulat ang pangalan ng bata.


2. Iguhit kung ano ang pinatas ni Nora.

3. Iguhit kung saan niya ito inilagay.

Pasukan Na Naman

Unang araw ng Hunyo.


Papasok na si Mina.
May dala siyang bag.
Lapis, papel at krayola ang laman nito.

1. Isulat ang buwan ng pasukan.

2. Isulat ang pangalan ng bata.


3. Isulat ang bilang ng laman ng kanyang bag.

Ang Mga Bata

Nasa bakuran ang mga bata.


Naglalaro sila ng bola.
Tuwang-tuwa sila.
Masayang-masaya sila.

1. Nasaan ang mga bata?


A. Sa bakuran
B. Sa bahay
C. Sa kalsada

2. Iguhit ang kanilang laruan.


3. Masaya ba sila?
Sagutin ng Oo o Hindi.

Mga Bahagi ng Bahay

Iba’t iba ang bahagi ng bahay.


May silid-tulugan.
May silid-kainan.
May silid-lutuan.
At may silid-tanggapan.

1. Iguhit ang isang bagay na makikita


sa loob ng silid-tulugan.

2. Iguhit ang isang bagay na makikita


sa loob ng silid-kainan.
3. Isulat kung saan silid tayo nagluluto.
4.
Ang Maya

Ang maya ay isang ibon.


Pula ang kulay ng balahibo nito.
Palay ang kinakain nito.
Gumagawa ito ng pugad.
Yari sa damo ang pugad.

1. Isulat ang pangalan ng ibon

2. Isulat at bilugan ang salitang nagsasabi ng kulay nito.

3. Iguhit ang pugad nito.


4.
Ang Sampagita

May isang maliit na bulaklak.


Ang bulaklak na ito ay sampagita.
Puti ang kulay nito.
Mabango ang sampagita.
Ito ang ating pambansang bulaklak.

1. Iguhit ang sampagita.

2. Isulat ang kulay nito.

3. Mabango ba ito?
Sagutin ng Oo o Hindi.

Si Ben
Maglinis ka na, Ben.
Maghugas ka ng kamay.
Maghugas ka ng paa.
Magsuot ka ng damit na pantulog.

1. Isulat ang pangalan ng bata.

2. Ano ang kanyang gagawin?


Bilugan ang tamang sagot.
Maglilinis
Mag-aaral
Magtitinda

3. Bakit siya maglilinis?


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Aalis siya.
B. Matutulog siya.
C. Napapagod siya.

Si Muning

“Ngiyaw, Ngiyaw!”
Halika, Muning.
Heto ang gatas mo.”
“Ngiyaw, Ngiyaw!
Masarap ang gatas ko!”
1. Ano si Muning?
Ikahon ang tamang sagot.
A. Aso
B. Pusa
C. Baboy

2. Isulat kung ano ang ibig ni Muning.

3. Ano ang sabi ni Muning?


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Halika
B. Heto
C. Ngiyaw

Lunes Na Naman

Lunes na naman!
Maagang gumising si Noel.
Kumain siya ng agahan.
Naghanda siya sa pagpasok.
1. Anong araw noon?

_________________

2. Ano ang pangalan ng bata?

________________

3. Saan kaya siya pupunta?


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Simbahan
B. Palaruan
C. Paaralan

Sa Halamanan

Nasa halamanan ang Nanay.


Namimitas siya ng mga bulaklak.
Ilalagay niya ang mga ito sa plorera.
Ilalagay niya ito sa altar.
1. Isulat kung sino ang nasa halamanan.

__________________

2. Iguhit kung ano ang kanyang pinipitas.

__________________

3. Iguhit kung saan niya ito ilalagay.

__________________

Kaarawan ni Niño

Kaarawan ni Nino sa Sabado.


Ipaghahanda siya ng Nanay.
Darating ang kanyang mga kaibigan.
Marahil, magiging masaya
ang kaarawan ni Niño.
1. Isulat ang pangalan ng may kaarawan.

_______________________

2. Isulat kung sino ang maghahanda


para sa kanya.

___________________

3. Sino ang mga darating?


Salungguhitan ang tamang sagot.
A. Mga kapitbahay
B. Mga kaklase
C. Mga kaibigan
Ang Bagong Tsinelas

May bagong tsinelas si Marivic.


Yari ito sa goma.
Malambot ito sa paa.
Maginhawa itong ilakad.
1. Iguhit ang bagong gamit ni Marivic.
____________

2. Isulat kung saan ito yari.

_______________

3. Masarap ba itong gamitin?


Sagutin ng Oo o Hindi.
Bilugan ang sagot.

Kokak! Kokak!

“Kokak! Kokak!”
“Kokak! Kokak!”
Ang sabi ng palaka.
“Halina sa baha!”
1. Isulat kung anong hayop ang binanggit sa tula.

________________
2. Ano ang sinasabi nito?
Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Ngiyaw . . .. . ngiyaw!
B. Kokak . . . . kokak!
C. Kwak . . . . kwak!

3. Saan siya naglalaro?


A. Bahay
B. Baha
C. Balon

Ang Bakasyon

Malapit na ang bakasyon.


Masasaya ang mga bata.
Maglalaro sila.
Pinakahihintay nila ang bakasyon.

1. Isulat kung ano ang malapit ng dumating.

________________
2. Isulat kungsino ang masasaya.

________________

3. Ano ang kanilang gagawin sa bakasyon.


Kopyahin ang titik ng tamang sagot.
A. Maglalaro
B. Mag-aaral
C. Magsisimba

Mga Kulay

Puti at pula,
Itim at luntian,
Asul, dilaw at rosas.
Lahat sila ay mga kulay
Nagpapaganda sa mga bagay.

1. Isulat ang kulay ng langit.

___________________
2. Isulat ang kulay ng damo.

___________________

3. Isulat ang mga kulay n gating bandila.

________________
Ang Laruan ni Boyet

Naglalaro si Boyet.
Naglalaro siya ng holen.
Maraming holen si Boyet.
Iba-iba ang kulay ng mga ito.
1. Ano ang laruan ni Boyet?
Isulat ang pangalan nito.

__________________

2. Iba’t iba ba ang kulay ng mga holen?


Sagutin ng Oo o Hindi.
__________________

3. Bilog ba ang hugis ng holen?


Sagutin ng Oo o Hindi.
Bilugan ang iyong sagot

__________________

Naghanda sa pagpasok

Naghanda sa pagpasok si Minda.


Naghilamos siya.
Nagbihis at nagsuklay.
Nagsuot siya ng sapatos.
Handa na siya sa pagpasok.
1. Sino ang handa na sa pagpasok?
Isulat ang kanyang pangalan.

______________________

2. Saan siya pupunta?


Iguhit ang larawan ng iyong sagot.
______________

3. Dapat bang maghanda sa pagpasok?


Sagutin ng Oo o Hindi.

_________________

Si Edna

“Halika, Edna!” ang sabi ng Nanay.


“Pumunta ka sa tindahan.
Bumili ka ng bawang at sibuyas.
Gagamitin ko ang mga ito sa pagluluto.”
1. Isulat kung sino ang nagsasalita.

_____________________

2. Isulat kung ilan ang mga


bagay ipinabibili kay Edna.

_____________________

3. Saan gagamitin ang bawang at sibuyas?


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Sa paglilinis
B. Sa pagluluto
C. Sa paliligo

Mga Alaga ni Tito

Maraming alaga si Tito.


May dalawa siyang kuneho.
May isang tuta at apat na kuting.
Mahal ni Tito ang kanyang mga alaga.
1. Isulat ang bilang ng alagang
kuneho ni Tito.

_______________________

2. Isulat ang bilang ng alaga niyang kuting.

___________________

3. Ilan ang tuta ni Tito?


Isulat ang bilang nito.
___________________

Maghulaan Tayo

May isang bulaklak.


Wala itong bango.
Pula ang kulay nito.
Anong bulaklak ang tinutukoy ko.
1. Ano ang pinahuhulaan?
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Bulaklak
B. Puno
C. Pagkain

2. Mabango ba ito?
Sagutin ng Oo o Hindi.

3. Alam mo ba kung ano ito?


Salungguhitan ang tamang sagot.
A. Gumamela
B. Rosal
C. Sampagita

Matamis na Santol

Kumain ng santol si Rosa.


Napakatamis nito.
Itinanim niya ang buto nito.
Tumubo, lumaki at namunga ito.
Matamis ang bunga ng santol ni Rosa.
1. Isulat kung ano ang kinain ni Rosa.

_______________

2. Iguhit kung ano ang itinanim niya.

________________

3. Matamis ba ang bunga ng itinanim niya?


Kung matamis, isulat ang “matamis”.
Kung hindi matamis, isulat ang “maasim”.
Ang Alaga Ni Mario

May alaga si Mario.


Matabang-mataba na ito.
Malapit na niya itong ipagbili.
“Oink, oink,” malungkot na sabi nito.

1. Ikahon ang salitang tumutukoy


sa alaga ni Mario?
A. Baka
B. Kuneho
C. Baboy
2. Isulat ang pangalan ng bata sa kuwento

___________________

3. Ano ang kanyang gagawin sa alaga?


Kopyahin ang titik ng tamang sagot
pagkatapos ay bilogan ito.
A. Ipamimigay
B. Ipagbibili
C. Lulutuin
Ang Tatay

Masipag ang tatay.


Maaga siyang pumasok sa tanggapan.
Tuwing hapon, may pasalubong siya para sa amin.
Masaya kami kapag dumarating na ang Tatay.
1. Piliin kung sino ang masipag.
A. Nanay
B. Kapatid
C. Tatay

2. Isulat ang salitang nagsasabi


kung saan pumapasok ang Tatay. Bilugan ito.

A. Paaralan
B. Simbahan
C. Tanggapan
3. Ano ang dala ng Tatay sa hapon? Ikahon ang sagot.

A. Pera
B. Pasalubong
C. Damit
Si Nony
Kaarawan ni Nony.
Masayang-masaya siya.
Marami siyang regalo: may baro,
aklat at may iba’t ibang laruan.
Isang manikang pumipikit,
ang ibig niya sa lahat.

1. Isulat ang pangalan ng may kaarawan

__________________

2. Isulat kung babae o lalaki siya.

_____________________

3. Iguhit ang pinakaibig niyang regalo.

Ang Bangka ni Romy


Kumuha ng isang malaking
pirasong papel si Romy.
Nilupi-lupi niya ito.
Nakagawa siya ng isang Bangka.
Pinalutang niya ito sa tubig.
1. Iguhit ang ginawa ni Romy.

_______________

2. Isulat kung ano ang gamit


niya sa paggawa nito.

3. Ano ang ginawa niya rito?


Isulat ang titik ng tamang
sagot at bilugan ito.

A. Itinapon
B. Kinain
C. Pinalutang

Ang Malusog na Bata

Malusog na bata si Cindy.


Umiinom siya ng gatas.
Kumakain siya ng itlog at gulay.
Masigla kung kumilos si Cindy.
Paano ay malusog ang kanyang katawan.

1. Anong uri ng bata si Cindy?


Kopyahin ang tamang salita.

Maganda Mabait Malusog

2. Iguhit ang mga nakapagpapalusog sa kanya.

3. Isulat ang kabaligtaran ng matamlay.

Umuwi Si Carlos

Naglalaro ng tumbampreso ang mga bata.


Si Carlos ang taya.
Bigla siyang tinawag ng Nanay.
Huminto sa paglalaro si Carlos.
Umuwi siya sa bahay.
Nagalit ang kanyang mga kalaro.

1. Tama ba ang ginawa ni Carlos?


Sagutin ng Oo o Hindi.

2. Isulat ang tawag sa kanilang laro.

3. Isulat kung sino ang nagalit kay Carlos.

Sa Halamanan

Nasa halamanan si Mang Arding


Katulong niya ang anak niyang si Eric.
Binubunot nila ang mga damo.
Inaalis niya ang mga ito at pagkatapos, kanilang sinisigaan.
1. Ano ni Eric si Mang Arding?
Ikahon ang tamang sagot.
A. Ama
B. Anak
C. Lolo

2. Saan naroon sina Eric at Mang Arding?


A. Bukid
B. Halamanan
C. Tabing ilog

3. Iguhit kung ano ang kanilang sinisigaan.

Ang Laruan ni Lito

Kumuha si Lito ng kahon ng posporo.


Kumuha rin siya ng papel na may iba’t ibang kulay.
Binalutan niya ng kahon at ginawa niyang laruan.
1. Ano ang ginamit ni Lito sa paggawa ng laruan?
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Kahon ng biskwit
B. Kahon ng gatas
C. Kahon ng posporo

2. Ano ang ipinambalot niya rito?


Ikahon ang tamang salita.

Tela Bulak Papel

3. Ano ang nayari ni Lito?


Isulat ang tamang sagot.
A. Kagamitan B. Aklat C. Laruan

Tuwing Linggo

Linggo na naman.
Bihis na bihis ang Nanay at Tatay.
Bihis na bihis sina Linda at Manoling.
Pupunta sila sa simbahan.
Mamamasyal sila pagkasimba.
1. Isulat ang araw na binanggit sa kuwento.
______________

2. Saan sila pupunta?


Isulat ang tamang sagot.
Kulungin ito sa bilog.

__________________
3. Ano ang kanilang gagawin pagkasimba?
Ikahon ang titik ng tamang sagot.
A. Kakain
B. Uuwi na
C. Mamamasyal
Ang Alaga Ni Rene

May alagang loro si Rene.


Periking ang pangalan nito.
Nakapagsasalita ang loro ni Rene.
Nasasabi nito ang “Kumusta Ka”at “Salamat po”.

1. Isulat kung ano ang alaga ni Rene.


_________________
2. Ano ang nagagawa nito?
Isulat ang titik ng tamang sagot.
A.Nakalalangoy
B. Nakapagsasalita
C. Nakalilipad

3. Anong uri ng hayop ito?


A.Kulisap
B. Isda
C. Ibon

Ang Sinigang ng Nanay

Nagluto ng sinigang si Nanay.


Bangus ang kanyang isinigang.
Kamyas at kamatis ang ginamit niyang pang-asim.
Kangkong, talong at sitaw ang inilahok niyang gulay.
1.Ano ang niluto ni Nanay?____________________

2.Anong luto ang ginawa sa bangus?


Kopyahin ang tamang sagot.
A.Nilaga
B.Inihaw
C.Sinigang

3.Ano ang kanyang ginamit na pang-asim?


A.Kamyas at kamatis
B.Sampalok at Santol
C.Bayabas at kamyas

Ang Bagong Sapatos

Sumama si Edwin sa Nanay.


Pumunta sila sa Quiapo.
Ibibili ng Nanay ng bagong sapatos si Edwin.
Tuwang-tuwa si Edwin.
Makintab na makintab ang kanyang itim na sapatos.
1.Isulat ang pangalan ng bata.
Bilugan ito.
2.Saan sila nagpunta ng kanyang Nanay?
Ikahon ang titik ng tamang sagot.
A.Makati
B. Quiapo
C. Pasay

3.Iguhit kung ano ang kanilang binili.

Ang Hapag-Kainan

Inayos ni Melba ang hapag-kainan.


Naglagay siya ng apat na pinggan.
Naglagay rin siya ng apat na baso.
Inilagay niya ang kutsara at tinidor sa tabi ng mga pinggan.
Handa na ang hapag-kainan.

1.Sino ang nag-ayos ng hapag-kainan?


Isulat ang kanyang pangalan at bilugan ito.

2.Saan niya inilagay ang mga pinggan?


Iguhit mo ito.

3.Isulat ang bilang ng mga taong kakain.

Masayang Kaarawan

Kaarawan ni Lilia.
Masasarap ang kanyang handa.
May malaking cake, sorbetes at pansit.
Masayang-masaya si Lilia.
Masayang-masaya rin ang kanyang mga kaibigan.

1. Isulat ang pangalan ng may kaarawan.


___________________________________________________

2. Isulat ang bilang ng pagkain na kanyang inihanda.

____________________________________________________
3. Masaya ba ang kaarawan ni Lilia? Sagutin ng Oo o Hindi.
Bilugan ang sagot.

You might also like