Professional Documents
Culture Documents
1
Si Olet
Anim na taon na si Olet.
Nag-aaral na siya.
Nasa unang baitang na siya.
Si Bb. Santos ang kanyang guro.
2
Ilan Silang Lahat
Tatlo ang kapatid ni Romy.
Isang babae at dalawang lalaki.
Linda ang pangalan ng kapatid niyang babae.
Ramon at Raul naman ang mga lalaki.
3
Ang Bahay Nina Carding
Maganda ang bahay nina Carding.
Isa ang palapag ito.
Puti ang kulay ng bahay.
Pula ang pinta ng bubong nito.
4
Kaarawan ng Nanay
Kaarawan ng Nanay.
Naglinis ng bahay ang kuya.
Nag-ayos ng mesa ang ate.
Nagluto ng pagkain ang Tatay.
Ginulat nila ang Nanay.
5
Papel na Puso
Ika-14 ng Pebrero
Araw ng mga Puso.
Kumuha si Mario ng papel na pula.
Gumupit siya ng hugis-puso.
Ibinigay niya ito sa guro.
6
Nagbakasyon
Nagbakasyon ang mag-anak.
Nagpunta sila sa Baguio.
Sumakay sila sa bus.
Limang araw sila roon.
Sumakay sila muli sa bus sa pag-uwi.
7
Ang Lola
Matanda na si Lola.
Maputi na ang kanyang buhok.
Kulubot naang kanyang balat.
Ngunit malakas pa siya.
Inaalagaan niya kami.
8
Ang Saranggola
Gumawa ng laruan ang kuya.
Gumawa siya ng saranggola.
Kawayan ang kanyang ginamit.
Binalutan niya ito ng manipis na papel. Tinalian
niya ito ng pisi.
9
Ang Uniporme
Papasok na sa paaralan si Minda.
Nagsuot siya ng uniporme.
Puti ang kanyang blusa.
Asul ang kanyang palda.
Itim ang kanyang sapatos.
10
Tumbampreso
Maiingay ang mga bata.
Naglalaro sila.
Tumbampreso ang kanilang laro.
May mga pamato sila.
Itinutumba nila ang lata.
11
Ang Palaka
Nakakita ka na ba ng palaka?
Apat ang paa nito.
Nakaluwa ang dalawang mata nito.
“Kokak, Kokak,” ang sabi nito.
12
Ang Manika ni Dulce
May bagong manika si Dulce.
Rosas ang kulay ng bagong manika.
Mahaba ang itim na buhok nito.
Nakalalakad din ito kapag inaakay.
13
Ang Araw
Tingnan mo ang araw.
Nakasisilaw!
Kailangan ng halaman ang init nito.
Kailangan din ito ng hayop.
Kailangan ito ng lahat.
14
Si Cita
15
Ang Ibon
Nakalilipad ang ibon.
May pakpak at buntot ito.
Magaan at hugis-bangka
ang katawan nito.
Nababalot ang ibon ng balahibo.
16
Ang Inang Bibi at ang Apat na Sisiw
Sakitin si Maring.
Wala siyang ganang kumain.
Ibig niya ng masarap na ulam.
Ibig niya ng karne at isda.
Ayaw niya ng gulay.
18
Bumili si Lita
Pumunta sa tindahan si Lita.
Bumili siya ng tatlong lapis.
Bumili rin siya ng tatlong buong papel.
Gagamitin niya ito sa pag-aaral
19
Ang Alaga ni Enteng
May alagang inahing manok si Enteng.
Mayroon itong pitong sisiw.
“Siyap, Siyap!” ang sabi nila.
Ibig sabihin, “Ibig namin ng butil.”
20
Ang Mga Laruan ni Manuel
Maraming laruan si Manuel.
Natanggap niya ang mga ito noong Pasko.
Bisikleta ang bigay ng Lolo.
Bola ang bigay ng Nanay at Tatay.
Damit ang bigay ng Ninang at Ninong.
21
Ang Tuta ni Erika
Magkaibigan sina Erika at Vona.
Kaarawan ni Erika.
Binigyan siya ni Vona ng tuta.
Malago at puti ang balahibo nito.
“Aw, Aw!” ang sabi nito kay Erika.
22
Namalengke ang Nanay
Namalengke ang Nanay.
Nagdala siya ng basket.
Bumili siya ng isang kilong karne.
Bumili pa siya ng isda.
Bumili rin siya ng gulay.
Bumili pa rin siya ng saging.
23
Ang Santol
Nakakain ka na ba ng santol?
Ito ay isang prutas.
May santol na matamis.
May santol na maasim.
Lima ang buto nito.
Hindi ito nilulunok.
24
Ang Kartero
Masipag si Mang Boni.
Isa siyang kartero.
Nagdadala siya ng mga sulat.
Nagpupunta siya sa bahay-bahay.
Laging pagod si Mang Boni ngunit
masaya pa rin siya.
25
Sa Ilog
26
Ang Laro ng Mga Bata
Naglalaro sa paaralan ang mga bata.
Nagpipiko sina Rita at Carmen.
Nagsisiklot sina Nena at Fely.
Nagsisipa sina Mely at Flor.
Naghahabulan naman ang mga batang lalaki.
27
Ang Pasko
Malapit na ang Pasko.
Gumawa ng parol ang Tatay.
Isinabit niya ito sa bintana.
Inayos ng Nanay ang Christmas Tree.
Nilagyan niya ito ng mga palamuti.
28
Pista ng Bayan
Pista ng bayan.
May palamuti ang kalsada.
May musikong lumiligid.
Maraming bisita ang dumarating.
Masasarap ang mga pagkain.
29
Si Nene
Malikot si Nene.
Kinuha niya ang gunting.
Kinuha niya ang aklat ng Kuya.
Ginupit-gupit niya ito.
Nakita siya ng Nanay.
Nagalit ang Nanay.
30
Marumi Si Ineng
31
Ang Lemonade Ni Mina
Naglemonada si Mina.
Kumuha siya ng isang basong may malamig na
tubig.
Pinigaan niya ito ng apat na kalamansi.
Nilagyan din niya ito ng asukal.
Masarap ang lemonade ni Mina.
32
Ang Maya
Nakakita ka na ba kayo ng maya?
Ito ay isang ibong maliit.
Pula ang kulay ng balahibo nito.
Maganda ang huni ng maya.
Palay ang kinakain nito.
33
Ang Ibon Ni Roming
May alagang ibon si Roming.
Ito ay isang loro.
Iba’t iba ang kulay ng balahibo nito.
Nasa hawlang bakal ang loro.
Pinakakain niya ng saging ang loro.
Ang ibig nitong kainin ay saging.
34
Ang Nanay
Masipag ang Nanay.
Maaga siyang gumising
Nagluluto siya ng pagkain.
Naglalaba siya ng damit.
Naglilinis siya ng bahay.
Tumutulong ba kayo sa inyong Nanay?
35
Si Mila
Gising na si Mila.
Tumayo siya.
Tinanggal niya ang kulambo.
Inayos niya ang kama.
Lumabas siya sa silid at naghilamos.
Handa na siya upang mag-agahan.
36
Ang Manika
Maganda ang manika ni Lorna.
Asul ang kulay ng damit nito.
Pumipikit ang manika ni Lorna.
Lumalakad din ito.
Umiiyak ito kapag idinapa.
Bigay ito ni Santa Claus kay Lorna.
37
Ang Dyanitor
38
Mga Bahagi ng Bahay
May Iba’t ibang bahagi ang bahay.
Ito ay may silid-tulugan, silid-kainan,
silid tanggapan, silid-lutuan, palikuran
silid paliguan.
Maganda ang malinis at maayos na bahay.
39
Mga Bituin
Maraming bituin sa langit.
Kumikislap-kislap sa langit.
Napakalayo sa atin ang mga bituin.
Hindi natin sila kayang abutin.
Hindi natin sila kayang bilangin.
40
Mga Kaibigan
Marami tayong kaibigan sa paaralan.
Tinuturuan tayo ng mga guro.
Ginagamot tayo ng doctor.
Ginagamot din tayo ng nars.
Nililinis ng dyanitor ang paaralan.
Sila ang ating mga kaibigan sa paaralan.
41
Laging malinis si Lani
Malinis ang kanyang damit.
Malinis ang kanyang kamay.
Malinis ang kanyang damit
42
May mga bagay na may buhay.
May buhay ang mga hayop.
May buhay ang mga halaman.
May buhay ang mga tao.
1. Tungkol sa ano ang iyong binasa?
43
Mabuti sa katawan ang gatas.
Mabuti sa katawan ang itlog.
Nagpapalakas ang gatas at itlog.
Nakapagpapalusog ang mga ito.
A. Oo C. Marahil C. Hindi
44
Maraming bagay ang luntian.
Ang damo ay luntian.
Luntian din ang abokado.
Ang damo at abokado ay kapwa luntian.
1. Tungkol sa ano ang iyong binasa?
A. Oo B. Hindi C. Marahil
45
Malaki na ako.
Tumutulong na ako sa Nanay.
Naghuhugas ako ng mga pinggan.
Tumutulong ako sa pagluluto.
Nag-aalaga ako ng aking maliit na kapatid.
46
Pawis na pawis si Piding.
Binunot niya ang sahig.
Winalis din niya ito.
Pinunasan niya ang mesa.
A. Nagluto
B. Naglinis
C. Natulog
A. Masipag
B. Tamad
C. Marunong
47
Supi!
Supi!
Alis!
Alis!
Ninakaw mo ang isda sa mesa.
Hindi kita pakakainin mamaya!
A. Oo B. Hindi C. Marahil
A. Oo B. Hindi C. Marahil
48
Halika na, Ineng.
Tanghali na tayo.
Marami tayong bibilhin.
Ayaw kong maubusan tayo ng sariwang isda?
A. Magmadali si Ineng.
B. Maligo na si Ineng.
C. Bumili ng isda si Ineng.
50
Minda! Noel!
Halina kayo, mga anak.
Maghugas na kayo ng kamay.
Nakahanda na ang hapag-kainan.
54
Ang kalabasa ay gulay.
Ang ampalaya ay gulay rin.
Marami at iba-iba ang mga gulay.
Mabuti ito sa katawan.
Nagpapalusog ito ng katawan.
57
Heto na si Mang Egay.
Malaking bag ang kanyang taglay.
Mga sulat ang nakalagay.
Dinadala niya sa bahay-bahay.
1. Ano kaya ang hanapbuhay ni Mang Egay?
A. Kartero
B. Tindera
C. Minero
2. Ano kaya ang gagawin ni Mang Egay sa mga sulat?
A. Susunugin
B. Babasahin
C. Ihahatid sa may-ari
3. Nakatutulong kaya sa atin si Mang Egay?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
58
Kaibigan ako.
Tumutulong ako kay Mang Ambo.
Magkatulong kami sa bukid.
Hinihila ko ang araro.
Binibigyan ko siya ng gatas.
1. Sino ang nagsasalita sa kuwento?
A. Baka B. Kalabaw C. Kabayo
2. Ano ang turing ng nagsasalita sa kanyang sarili?
A. Kapitbahay ni Mang Ambo
B. Kaibigan ni Mang Ambo
C. Kaaway ni Mang Ambo
3. Ano ang nagagawa niya kay Mang Ambo?
A. Tagahila siya ng araro.
B. Tagagising siya sa umaga.
C. Tagapagbantay siya sa bukid.
59
Maraming baon na pera si Lisa.
Hindi niya ito ginagasta.
Inihhulog niya ito sa alkansya.
Marami na siyang naipon.
1. Anong uri ng bata si Lisa?
A. Mabait
B. Malinis
C. Matipid
2. Ano ang kanyang ginagawa sa pera?
A. Iniipon
B. Ginagasta
C. Itinatapon
3. Dapat kayang tularan si Lisa?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
60
Galing sa paaralan si Manoling.
Hinubad niya ang kanyang damit na pamasok.
Nagsuot siya ng damit na pambahay.
Itinabi niya nang maayos ang damit na hinubad.
62
Nagdarasal si Melo bago matulog.
Nagdarasal din siya pagkagising.
Nagsisimba siya tuwing Linggo.
Mabait na bata si Melo.
1. Anong uri ng bata si Melo?
A. Matatakutin
B. Maawain
C. Madasalin
63
Kaaway natin ang langaw.
Ibig ng langaw sa maruruming lugar.
Nagdadala ito ng sakit.
Takpan natin ang nmga pagkain upang
hindi dapuan ng langaw.
1. Tungkol sa ano ang kuwento?
A. Sa sakit B. Sa langaw C. Sa basura
64
Namasyal ang mag-anak.
Nagpunta sila sa “Zoo”.
Marami silang nakitang hayop.
May malalaki at maliliit na mga hayop.
May mga unggoy, leon, ibon, elepante at marami pang iba.
Ayaw pang umuwi ng mga bata.
65
May bagong alaga si Minda.
Dilaw ang balahibo ng kanyang alaga.
Dilaw din ang mga pakpak nito.
Nakalagay ito sa kulungan.
Kumakain ito ng palay.
Humuhuni ito sa tuwina.
1. Ano kaya ang alaga ni Minda?
A. Ibo B. Baboy C. Kuneho
70
Takot na takot si Ramon.
Wala siyang lapis.
Magagalit ang guro.
“Heto, Ramon, gamitin mo ito.
Dalawa ang lapis ko,” sabi ni Danny.
1. Bakit takot na takot si Ramon?
A. Nagalit sa kanya ang guro.
B. Nawala ang kanyang lapis.
C. Nakalimutan niyang magdala ng lapis.
2. Anong uri ng bata si Danny?
A. Masunurin B. Matulungin C. Masakitin
3. Anong uri ng bata si Ramon?
A. Mahiyain
B. Malillimutin
C. Makulit
71
Masipag si Mang Berto
Lagi siyang may dalang walis.
May dala rin siyang pandakot.
Nililinis niya ang paaralan.
Nililinis niya ang paligid nito.
1. Ano si Mang Berto?
A. Pulis
B. Bombero
C. Dyanitor
2. Ano ang kanyang nililinis?
A. Kalsada
B. Paaralan
C. Simbahan
3. Masipag ba si Mang Berto?
4. A. Oo B. Hindi C. Marahil
72
Kay taba ng alaga ni Rolly.
Mahaba at kulot ang buntot nito.
Kumakain ito ng mga tira-tira.
“Oink! Oink!” ang sabi nito.
“Malapit na akong ipagbili.
Malapit na akong litsunin”.
1. Ano kaya ang alaga ni Rolly?
A. Baboy B. Unggoy C. Baka
73
Manoling! Halika, Anak.
Mamitas ka ng kamatis.
Mamitas ka rin ng ilang pirasong talong.
Mamitas ka ng ilang pirasong patani at sitaw.
Yaon angating lulutuin.
1. Sino ang nagsasalita?
A. Guro
B. Nanay
C. Kuya
2. Saan kaya pupunta si Manoling?
A. Sa palengke
B. Sa tindahan
C. Sa halamanan
3. Ano kaya ang lulutuin ng Nanay?
A. Ginisang gulay
B. Sinigang na baboy
C. Pritong isda
74
Tuwang-tuwa si Lina.
Kasama siya ni Nanay.
Pupunta sila sa lalawigan.
Dadalaw sila sa Lolo at Lola.
Tsug.... Tsug .... Tsug !
Lumakad na ang kanilang sasakyan.
Mabilis na mabilis ang takbo nito.
1.Saan kaya sumakay sina Lina?
A. Bus B. Tren C. Traysikel
75
“Totoy, saan ba rito ang Recto?”
“Doon pos a gawiing kaliwa, Ingkong.”
“Malayo ba?”
“Hindi po. Tayo na po. Ihahatid kopo kayo roon.”
“Salamat, Totoy,” ang sabi ng matanda.
1. Sino ang nag-uusap?
A. Nanay at Tatay
B. Ingkong at Totoy
C. Nanay at Anak
76
“Ayokong kumain.
Ayoko ng ulam.” Sabi ng bata.
“Hindi ganyan, Anak.
Kung ano ang nasa mesa,
ito ang ating kakainin.”
“Ganoon po ba?
Kung gayon, kakain na po ako.”
1. Sino kaya ang nag-uusap?
A. Magkapatid B. Magkaibigan C. Mag-ina
81
Si Rey
Malakas at maganang kumain si Rey.
Kumakain siya ng gulay.
Kumakain din siya ng itlog.
Umiinom siya ng gatas.
1. Ano kayang uring bata si Rey?
A. Masasakitin B. Malusog C. Mabagal
82
Ang Pagbabasa Ni Niño
Mahilig magbasa si Niño.
Nagbabasa sila ng mga aklat.
Nagbabasa siya ng mga magasin.
Nagbabasa rin siya ng pahayagan.
83
Umalis Ang Nanay
Sabado noon.
Nagbihis ang Nanay.
Kinuha niya ang basket.
Lumabas siya ng bahay.
Sumakay siya sa dyip.
1. Saan kaya pupunta nag Nanay?
A. Sa paaralan
B. Sa kapitbahay
C. Sa palengke
85
Nagmamadali
Nagmamadali si Nilo.
Bumaba siya ng hagdan.
May balat ng saging sa hagdan.
Bigla siyang sumigaw.
2. Ano kaya ang dapat na ginawa ni Nilo upang hindi ito nangyari?
A. Tiningnan ang dinaraanan.
B. Hakbangan ang balat ng saging.
C. Sinipa pababa ang balat ng saging.
86
Ang Mag-aaral
Binuksan ni Arding ang kanyang bag.
Kumuha siya ng kuwaderno.
Kumuha siya ng lapis.
Biniklat niya ang isang aklat.
1. Ano kaya ang gagawin ni Arding?
A. Mag-aaral B. Maglalaro C. Mag-aalliw
87
Napulot Ang Aklat
Oras ng meryenda noon.
Naglalaro ang mga bata.
Nakapulot ng aklat si Raul.
Wala itong pangalan.
Dinala niya ito sa guro.
1. Nasaan ang mga bata?
A. Paaralan B. Aklatan C. Silid-kainan
2. Bakit dinala ni Raul ang aklat sa guro?
A. Ireregalo niya ito sa guro.
B. Hihingin niya ang aklat.
C. Hahanapin ng guro ang may-ari ng aklat.
3. Ano pa ang maaari niyang gawin dito?
A. Ipagtanong sa kaklase kung sino ang nawawalan ng aklat.
B. Itapon ito sa basurahan.
C. Ilagay ito sa kanyang bag.
88
Si Aling Ana
Kinuha ni Aling Ana ang mga damit.
Kinuha niya ang sabon.
Kinuha niya ang batya.
Nagpunta siya sa may gripo.
1. Ano kaya si Aling Ana?
A. Tindera
B. Labandera
C. Guro
90
Ang Bandila
Nagmamadali si Celso.
Takot siyang mahuli sa paaralan.
Magagalit ang guro.
Itinataas na ang bandila ng dumating siya.
1. Ano ang dapat gawin ni Celso?
A. Tumayo nang tuwid
B. Pumunta sa pila
C. Umuwi na
91
Dumating Ang Nanay
Naghahabulan ang mga bata.
Dumating ang Tatay.
Pagod na pagod siya.
Sinalubong siya ng mga bata.
1. Bakit kaya sinalubong ng mga bata ang Tatay?
A. Gugulatin siya.
B. Susugurin siya.
C. Hahalik sila sa kamay.
92
Ang Buto
93
Umaga Na!
Madilim-dilim pa.
“Tiktilaok!” ang sabi ng manok.
Nagising si Aling Lina.
Tumayo siya at pumunta sa kusina.
1. Anong oras na kaya?
A. Umaga na
B. Hatinggabi na
C. Tanghali na
Naglilinis si Ana.
Natabig niya ang plorera.
Bumagsak ito sa sahig.
Narinig ng Nanay ang ingay.
97
Nagdarabog
Nagdarabog si Delia.
Inis na inis siya.
Naghuhugas na naman siya ng pinggan.
Ibinabagsak niya ang mga ito.
K-R-A-S-S!
Patakbong lumabas ang Nanay.
98
Si Rosa
Kaarawan ni Mely.
May handaan sa kanila.
Ibig ni Rosa na dumalo sa handaan
ngunit ngunit maysakit siya.
99
Sa Halamanan
Nasa halamanan si Marina.
Nasa halamanan din si Ligaya.
Namimitas sila ng rosas.
Mayamaya, nagtakbuhan sila.
Buzzz.... Buzzzz.... Buzzzz.....
Pumasok sila sa bahay.
100
Nasaan Si Melba
Nakahiga si Melba at dumaraing.
May tapal ang kanyang noo.
May pumasok na babaeng nakaputi sa silid.
May dala-dala itong bote at baso ng tubig.
101
Ang Balat Ng Saging
102
Ano Kaya Ang Nangyari?
Natutulog ang Nanay isang tanghali.
Naglalaro ang mga bata.
Mayamaya, may bumagsak.
K r a s s!
Biglang tumahimik ang mga bata.
Lumabas ang Nanay.
May hawak siyang tsinelas.
103
Ano Kaya Ito?
Nasa halamanan si Naty.
May nakita siyang lumilipad.
Kayganda nito.
Iba’t iba ang kulay ng pakpak!
Nagpalipat-lipat ito sa mga bulaklak.
104
Si Melo at Ang Inahin
105
Ano Ang Masakit
Umiiyak si Linda.
Namamaga ang kanyang pisngi.
Hindi siya makakain.
Mahirap ang kanyang pagnguya.
Masaki tang kanyang pangnguya.
106
Si Mang Juan
107
Si Mang Maning
110
Sa Duyan
111
Nanood Ng TV
Maganda ang palabas sa TV.
Gabing-gabi na.
Ayaw pa ring matulog ni Rene.
Tinanghali siya ng gising.
Nasa silid na ang mga bata
nang dumating siya sa paaralan.
112
Ang Posporo
Naglalaro si Nena sa kusina.
Nakita niya ang posporo.
Tuwang-tuwa si Nena.Naglaro siya ng apoy.
Mayamaya, lumabas sa kusina
ang Nanay.
Gabing-gabi na.
Nag-aaral pa si Marina.
Tinanghali siya ng gising.
Hindi na siya kumain.
Pumasok na siya sa paaralan.
Mayamaya nahilo siya.
116
Naiwan si Mina
Oras na ng miryenda.
Naglabasan ang mga bata.
Kakain sila.
Maglalaro sila.
Naiwan si mina sa silid.
May pera sa mesa ng guro.
Nakita ito ni Mina.
117
Si Manny
119
Mga Bilang
Isa, Dalawa
Tatlo, Apat
Lima, Anim
Pito, Walo
Siyam, Sampu
120
Maikli! Mahaba!
Maikli, mahaba!
Mataas, mababa!
Maganda, pangit!
Malaki, maliit!
121
Mga Hugis
Bilog, parisukat!
Tatsulok, parihaba!
Iyan ay mga hugis.
Halika, iguhit mo nga.
122
Ang Ating Bandila
124
Ang Bulaklak Ni Nora
125
Pasukan Na Naman
126
Ang Mga Bata
3. Masaya ba sila?
Sagutin ng Oo o Hindi.
127
Mga Bahagi ng Bahay
129
Ang Sampagita
3. Mabango ba ito?
Sagutin ng Oo o Hindi.
130
Si Ben
131
Si Muning
“Ngiyaw, Ngiyaw!”
Halika, Muning.
Heto ang gatas mo.”
“Ngiyaw, Ngiyaw!
Masarap ang gatas ko!”
1. Ano si Muning?
Ikahon ang tamang sagot.
A. Aso
B. Pusa
C. Baboy
132
Lunes Na Naman
Lunes na naman!
Maagang gumising si Noel.
Kumain siya ng agahan.
Naghanda siya sa pagpasok.
_________________
________________
__________________
__________________
__________________
134
Kaarawan ni Niño
_______________________
___________________
____________
_______________
“Kokak! Kokak!”
“Kokak! Kokak!”
Ang sabi ng palaka.
“Halina sa baha!”
________________
Puti at pula,
Itim at luntian,
Asul, dilaw at rosas.
Lahat sila ay mga kulay
Nagpapaganda sa mga bagay.
___________________
___________________
139
________________
Ang Laruan ni Boyet
Naglalaro si Boyet.
Naglalaro siya ng holen.
Maraming holen si Boyet.
Iba-iba ang kulay ng mga ito.
__________________
__________________
140
__________________
Naghanda sa pagpasok
______________________
______________
Si Edna
_______________________
___________________
___________________
143
Maghulaan Tayo
2. Mabango ba ito?
Sagutin ng Oo o Hindi.
145
Ang Alaga Ni Mario
147
Si Nony
Kaarawan ni Nony.
Masayang-masaya siya.
Marami siyang regalo: may baro,
aklat at may iba’t ibang laruan.
Isang manikang pumipikit,
ang ibig niya sa lahat.
__________________
_____________________
_______________
150
Umuwi Si Carlos
151
Sa Halamanan
152
Ang Laruan ni Lito
153
Tuwing Linggo
Linggo na naman.
Bihis na bihis ang Nanay at Tatay.
Bihis na bihis sina Linda at Manoling.
Pupunta sila sa simbahan.
Mamamasyal sila pagkasimba.
______________
__________________
3. Ano ang kanilang gagawin pagkasimba?
Ikahon ang titik ng tamang sagot.
A. Kakain
B. Uuwi na
C. Mamamasyal
154
Ang Alaga Ni Rene
155
Ang Sinigang ng Nanay
156
Ang Bagong Sapatos
157
Ang Hapag-Kainan
158
Masayang Kaarawan
Kaarawan ni Lilia.
Masasarap ang kanyang handa.
May malaking cake, sorbetes at pansit.
Masayang-masaya si Lilia.
Masayang-masaya rin ang kanyang mga kaibigan.
____________________________________________________
159