You are on page 1of 14

Magbasa Tayo

(Hulihang Tunog-Katinig)
BAITANG 1

Baitang 1
Supplementary Reading Materials

1
Magbasa Tayo # 1

-ang -ing -ung -eng -ong


1. Ang uling ay nasa ilalim.
2. Nakaharang ang tangke sa daan.
3. Kinain ni Puring ang saging.
4. Wala bang ilong ang pagong?
5. Lumusong si Bong sa ilog.
6. Kunin mo ang tungkod ni Digong.
7. Masarap ang talong at monggo.
8. May nangyaring masama kanina.
9. Nagluto ako ng adobong kangkong.
10.Isang pusang ligaw ang nakarating sa
amin.

2
Magbasa Tayo # 2

-ay -iy -oy


1. Bagay kay inay ang kulay lila.
2. Kumakaway ang mga bata sa parada.
3. Gumawa ng bahay si tatay.
4. Ang pamaypay ni Pepay ay bigay ni
Liway.
5. Si Totoy ay mahusay lumangoy.
6. Paborito ni Buboy ang kasoy.
7. Tumulo ang luha ng palaboy.
8. Malaki ang alaga kong baboy.
9. Itinaboy ni Doy ang mga unggoy.
10. Kay Mang Pipoy ang kaban ng palay.

3
Magbasa Tayo # 3

-at -it -ut -et -ot

1. Tatlo ang kulay ng watawat.


2. Malaki ang pilat sa balat.
3. Nakakatakot sa gubat.
4. Mainit ang pansit.
5. Maganda ang damit ni Lolit.
6. Naipit ang gamit ni Boyet.
7. Masungit ang yaya ni Atet.
8. Malaki ang kumot ni Oyet.
9. Kumain ng balut ang binata.
10. May bitbit na supot ang ama.

4
Magbasa Tayo # 4

-an -in -un -en -on

1. Mayaman ang angkan ni Eman.


2. Naiwan ni Boyet ang kaniyang baon.
3. Kinuhanan kami ng larawan sa harapan
ng paaralan.
4. Habulin mo si Carmen.
5. Lagyan mo ng asin ang kanin.
6. Ang haligi ay yari sa semento.
7. Mga sabon ang laman ng kahon.
8. Lumundag ang palaka sa may beranda.
9. Kakaunti ang dumaan kanina.
10. Maganda ang halaman ni Lola Tina.

5
Magbasa Tayo # 5

-ak -ik -uk -ek -ok

1. Tumalsik ang laway ng kausap niya.


2. Sakto ang pera ng bata.
3. Binuksan niya ang bintana.
4. Tinapik siya sa balikat ng guro.
5. Nakita niya ang mga hukbo ng mga
sundalo.
6. Sinubok ng ama ang kaniyang anak.
7. Natusok ako ng istik.
8. May alagang biik si Jack.
9. Umiiyak si Emak.
10. Kinagat ako ng lamok.

6
Magbasa Tayo # 6

-ag -ig -ug -eg -og

1. Malamig kapag tag-ulan.


2. Nalaglag ang panyo ng dalaga.
3. Ang lakas ng bagyong Undoy.
4. Si Digna ay natutulog sa sahig.
5. Nilagyan ng pinipig ang haluhalo.
6. Mag-isang nagligpit si Aga.
7. Hindi dapat mawalan ng pag-asa
8. Masarap ang itlog na pula.
9. Tumugtog ang banda.
10.Nabugbog si Migs sa kanto.

7
Magbasa Tayo # 7

-am -im -um -em -om


1. Nakatira si Amparo sa dampa.
2. Nagtampo si Bambi kay Adam.
3. May siyam na kampana ang pari.
4. Nilagyan ng bimpo ang noo.
5. Si Impo ay may lihim na itinatago.
6. Nagsimba si Ginang Lim.
7. Makulimlim ang langit.
8. Natumba ang lumpo.
9. Nagugutom ka na ba?
10. Pitumpu silang mga bumbero.

8
Magbasa Tayo # 8

-as -is -us -es -os


1. May ahas sa puno ng bayabas.
2. Inalis ni Kulas ang kahoy.
3. Nilagyan niya ng tawas ang kili-kili.
4. Mapula ang bunga ng kamatis.
5. Napaos ang boses sa pagkanta.
6. Nakakadiri ang ipis.
7. Sinita ng pulis ang tindera.
8. Napuspos ang walis ni Tita.
9. Nadulas ang bata sa hagdan.
10. Nanalo sa pustahan si Kulas.

9
Magbasa Tayo # 9

-ad -id -ud -ed -od


1. May uod ang mansanas.
2. Natalisod ang bata sa bato.
3. Naghubad ng damit ang bata.
4. Ang takong ng sapatos ay napudpod.
5. Papuntang bukid si Tatay.
6. Si lolo ay may tungkod na.
7. Sinaid ni Boyet ang kaniyang pagkain.
8. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mata.
9. Binilad ni Pedro ang mga isda.
10. Agad naglaho ang diwata.

10
Magbasa Tayo # 10

-ap -ip -up -ep -op


1. Masarap ang sapsap.
2. Masaklap ang pangyayari sa buhay
ni Doris.
3. Pumunta sila sa aplaya.
4. Para siyang nakalutang sa alapaap.
5. Nainip sa paghihintay ang binata.
6. Sumilip ang bata sa bintana.
7. Masinop na bata si Benito.
8. Hinanap ni Inang Manok ang inakay.
9. Maaliwalas ang ulap.
10. Sumiyap ang bagong pisang sisiw.

11
Magbasa Tayo # 11

-al -il -ul -el -ol

1. Masarap ang aking almusal.


2. Pinisil niya ang palad ko.
3. Sapol sa mukha ang binata.
4. Naduwal si Almira.
5. Nagkabukol siya sa noo.
6. Kinasal na si Alma at Elmo.
7. Pinigil niya ang kaniyang galit.
8. Kinalmot siya ng pusa.
9. Nagpakumpil na si Val.
10.Kulay puti ang ataol sa burol.

12
Magbasa Tayo # 12

-aw -iw -uw -ew -ow


1. Humataw ng sayaw ang lola.
2. Masarap ang sitaw.
3. May sisiw sa silong.
4. Magiliw ang binata sa dalaga.
5. Nabulahaw ang mga hayop sa hawla.
6. Maagiw na ang kisame.
7. Ang kalaw ay isang uri ng ibon.
8. Masarap humigop ng sabaw.
9. Inaliw niya ang matanda.
10.Masipag ang kalabaw ni Islaw.

13
Magbasa Tayo # 13

-ab -ib -ub -eb -ob


1. Nagkubli ang lalaki sa likod ng bahay.
2. Subsob sa pag-aaral si Lita.
3. Naputol ang kable ng kuryente.
4. Masakit ang dibdib ni nanay.
5. Bumili si tatay ng tabla.
6. Si Abner ay nagtago.
7. Nakulob ng apoy ang bahay.
8. Nilusob ng magnanakaw ang tindahan.
9. Bilib ako sa anak ko.
10.Nataob ang baso sa mesa.

14

You might also like