You are on page 1of 17

Baitang 3

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Ang Loro ni Lolo Kiko

May loro si Lolo Kiko.


Nagsasalita ang loro ni Lolo.
Keso ang paborito nito.
Aba! Nakawala ang loro!
Ay! Nasa puno na ang loro!

Bilang ng mga salita: 29


(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004

1. Ano ang alaga ni Lolo Kiko? (Literal)


a. aso
b. loro
c. pusa

2. Ano ang paborito ng alaga ni Lolo? (Literal)


Paborito nito ang __________________
a. makalipad sa puno
b. makatikim ng keso
c. makausap si Lolo Kiko

3. Ano kaya ang naramdaman ni Lolo nang mawala ang loro? (Paghinuha)
a. masaya
b. malungkot
c. nagalit
4. Saan kaya naganap ang kuwento? (Paghinuha)
Naganap ang kuwento sa ____________ .
a. bahay
b. gubat
c. paaralan

5. Ano ang isa pang magandang pamagat sa kuwento? (Pagsusuri)


a. Si Lolo Kiko
b. Ang Loro sa Puno
c. Ang Alagang Loro
B. O Pagong!

O, pagong na maliit
sa garapon nakatira.
Ikaw ba ay sasaya
kapag nakawala ka na?

O, batang mabait
tulungan mo ako.
Paglabas ko rito
masaya talaga ako.

Bilang ng mga salita: 30


(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004)

1. Nasaan ang pagong sa kuwento?


(Literal) Ang pagong ay nasa
___________________ .
a. loob ng hardin
b. loob ng garapon
c. labas ng garapon

2. Alin sa sumusunod na mga salita ang nagsasabi tungkol sa pagong?


(Literal)
a. mabait
b. maliit
c. masaya

3. Sino ang nag-uusap sa kuwento? (Paghinuha)


a. ang mga bata
b. ang mga pagong
c. ang bata at ang pagong

4. Ano kaya ang nararamdaman ng pagong sa


kuwento? (Paghinuha) Ang pagong ay ___________.
a. malungkot
b. masaya
c. galit
5. Bakit kaya sinulat ang kuwentong ito? (Pagsusuri)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-kaalaman.
c. Nais nitong magbigay ng aliw.

32
C. Reyna ng Duwende

Selina ang pangalan


ng reyna ng mga duwende.
Lagi siyang nakaupo
sa malaking balde.

Berdeng balde ang paborito niya


at balat ng saging
ang korona niya.
O! Kay saya ni Reyna Selina!

Bilang ng mga salita: 35


Sinulat ni:T. Nong

1. Para saan ang balde ng reyna? (Literal)


a. Upuan ito ng reyna.
b. Ginagamit ito sa paglalaba.
c. Lalagyan ito ng tubig ng reyna.

2. Ano ang nararamdaman ng reyna? (Literal)


______________ ang reyna.
a. Nag-aalala
b. Natutuwa
c. Napapagod

3. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa kuwento? (Paghinuha)


a. Hinahawakan ng mga duwende ang korona.
b. Ang korona ay may mamahaling diamante.
c. Galing sa prutas ang korona ng reyna.

4. Saan kaya naganap ang kuwento?


(Paghinuha) Naganap ang kwento sa
______________ .
a. kaharian ng mga balde
b. kaharian ng mga saging
c. kaharian ng mga duwende
5. Bakit kaya sinulat ang “Reyna ng Duwende”? (Pagsusuri)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Nais nitong magbigay ng aliw.

33
D. Manonood Ako!

May karera ng kotse.


Makukulay raw ang mga kotse.
Manonood ako ng karera.
Magdadala ako ng kamera.
Magsisimula na ito.
Sasakay na ako sa bisikleta.
Mabilis ang andar ko.
Naku! Dumulas ang bisikleta!
Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!

Bilang ng mga salita: 42


Sinulat ni:T. Nong

1. Saan papunta ang bata sa


kuwento? (Literal) Papunta ang bata
sa _____________ .
a. parada ng mga kotse
b. karera ng mga kotse
c. karera ng mga bisikleta

2. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa mapapanood ng bata?


(Literal)
a. Madaming bisikleta rito.
b. Makukulay ang mga kotse rito.
c. Makukulay ang mga bisikleta rito.

3. Bakit kaya mabilis ang andar ng bata? (Paghinuha)


a. Gusto niyang mapanood ang karera.
b. Sasali siya sa makulay na parada.
c. May kaibigan siya sa karera.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang nasaktan ang bata sa kuwento?


(Paghinuha)
a. Mabilis and andar ko.
b. Naku! Dumulas ang bisikleta!
c. Aray! Kay daming putik ng tuhod ko!
5. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa
kuwento?
(Pagsusuri)
a. Parada ng mga Kotse
b. Karera ng mga Kotse
c. Karera ng Bisikleta
Baitang 4

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang Aso sa Lungga

May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad,


ibinubulong niya sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain. Nang
makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang
mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain sa loob ng
lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan. Nang lalabas na lamang
siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong.
Dumating ang isa pang aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang
aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”

Bilang ng mga salita: 116


(Bagong Filipino sa Puso at Diwa 2, Aragon et al, 1989)

1. Saan nangyari ang kuwento? (Literal)


a. sa bukid
b. sa gubat
c. sa kalsada
d. sa lansangan

2. Ano ang hinahanap ng aso? (Literal)


a. makakain
b. makakasama
c. mapapasyalan
d. matutulugan

3. Anong ugali ang ipinakita ng aso? (Paghinuha)


a. madamot
b. matakaw
c. masipag
d. mayabang

4. Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga? (Paghinuha)


a. may harang ang labasan
b. may bitbit pa siyang pagkain
c. lubos na marami ang kinain niya
d. mali ang paraan ng paglabas niya
5. Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso? (Inferential)
a. natakot sa kanya ang aso
b. para matuto siya sa pangyayari
c. nainggit sa kanya ang isa pang aso
d. hindi rin ito makakalabas sa lungga

Si Muning!

Muning! Muning! Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng
pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina. Wala
rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning? Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung
naroon si Muning. Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng
bahay. Ngiyaw! Ngiyaw! Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon.
May mga kasama si Muning sa loob ng kahon. Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga
kuting ang kasama ni Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng
kuting. Tuwang-tuwa si Susan!

Bilang ng mga salita: 122


(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

6. Sino ang naghahanap ng pusa? (Literal)


a. ang kuting
b. si Muning
c. si Nanay
d. si Susan

7. Bakit niya hinahanap ang pusa? (Paghinuha)


a. ipapasyal niya ito
b. paliliguan niya ito
c. pakakainin niya ito
d. patutulugin niya ito

8. Saan niya nakita ang pusa? (Literal)


a. sa silid
b. sa silong
c. sa kahon
d. sa kusina

9. Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon? (Paghinuha)


a. mga anak nito
b. mga kalaro nito
c. mga nahuli nito
d. mga kaibigan nito
10. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?? (Pagsusuri)
a. Nasaan si Muning?
b. Nasaan ang Kahon?
c. Ang Kahon ni Susan
d. Ang Pagkain ini Muning

Si Brownie

Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may
pumasok na malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang
siya nakatali nang mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito
nang mabilis palabas ng bakuran.

Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan
siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali
kong sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang
buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay.
Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.

Bilang ng mga salita: 122


(Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)

11. Saan naganap ang kuwento? (Literal)


a. sa bahay
b. sa paaralan
c. sa palengke
d. sa simbahan

12. Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie? (Paghinuha)


a. matapang
b. masungit
c. maharot
d. malikot

13. Ano ang napatay ni Brownie? (Literal)


a. pesteng ipis
b. pusang bahay
c. dagang bahay
d. ligaw na manok

14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo? (Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa
15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si Brownie”? (Pagsusuri)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Gusto nitong magbigay ng aliw.
d. Nais nitong magbigay ng bagong kaalaman.

Balat ng Saging

“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano
iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang
kanyang ate. “Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya
sa nagtapon ng balat ng saging. “Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina
ang kanyang tinig. “Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka
magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas
ako.” “E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako magtatapon ng
balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.” “Mabuti. Mabuti kung gayon,”
sabi ni Mina.

Bilang ng mga salita: 128


(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

16. Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal)


a. Mina
b. Lito
c. Lita
d. Tina

17. Bakit sumisigaw si Mina? (Paghinuha)


a. galit siya
b. maingay kasi
c. tinatakot niya si Lito
d. hindi marinig ang boses niya

18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw? (Paghinuha)
a. nagalit siya
b. natuwa siya
c. natakot siya
d. nagtampo siya

19. Bakit nadulas si Mina? (Literal)


a. madulas ang sahig
b. di niya nakita ang nilalakaran
c. natapakan niya ang balat ng saging
d. natapakan niya ang basang bahagi ng sahig
20. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento? (Pagsusuri)
a. Ang Basurahan
b. Ang Saging ni Lito
c. Pulutin ang Saging
d. Ang Sigaw ni Mina
Read each selection silently. Then read the questions that follow and write the letter of the
correct answer in the answer sheet:

The Best Part of the Day

Mia was in her bedroom when she heard a rooster crow. Then she heard a man yell,
“Hot pandesal! Buy your hot pandesal!” Mia wanted to sleep some more. But she knew she
might be late for school if she did. Finally, she began to smell fried eggs and fish. “It’s time
to get up,” she said. Mia jumped out of bed and ran down the steps.

67 words

1. At the beginning of the story, where was Mia? (Literal)


a. She was in her bedroom.
b. She was in the bathroom.
c. She was at the kitchen table.
d. She was on a bench outside.

2. What time of the day was it? (Inferential)


a. middle of the day
b. late in the evening
c. early in the morning
d. late in the afternoon

3. What do you think will happen next? (Inferential)


a. She will have lunch.
b. She will have dinner.
c. She will have a snack.
d. She will have breakfast.

4. What will she say when she gets up? (Inferential)


a. “Good evening.”
b. “Good afternoon!”
c. “Good morning!”
d. “Thank you very much!”

5. What other title can be given for this story? (Critical)


a. The End of the Day
b. The Start of the Day
c. Just Before Sleeping
d. The Middle of the Day
Ice Cream for Sale

“Cling! Cling! Cling!” Benito and his sister Nelia raced out the door. He took some coins
from his pocket and counted them. “I can have two scoops,” he thought. But then his little
sister Nelia asked, “Can I have an ice cream?” Benito looked at his coins again. “May I have
two cones?” he asked. The vendor nodded. Benito and Nelia left with a smile.

65 words

6. Why did Benito and Nelia race out the door? (Inferential)
a. They wanted to buy something.
b. They wanted to open the door.
c. They wanted to find out what was going on.
d. They wanted to know what was making noise.

7. In the beginning, what did Benito plan to do? (Literal)


a. buy ice cream for himself and his sister
b. buy two scoops of ice cream for himself
c. buy two scoops of ice cream for his sister
d. reach the ice cream vendor ahead of his sister

8. Why were they smiling at the end of the story? (Inferential)


a. They each got a free ice cream cone.
b. They made the ice cream vendor happy.
c. They shared a cup with two scoops of ice cream.
d. They each had a scoop of ice cream on a cone.

9. A vendor is someone who ___________________. (Inferential)


a. sells things
b. buys things
c. counts things
d. gives things away

10. Which of the following best describes Benito? (Inferential)


a. He is selfish.
b. He is giving.
c. He is thrifty.
d. He is greedy.
At Last!

The spotted egg finally hatched. Out came a little bird who was afraid. The tree
where his mother built their nest was just too tall. “I don’t know how to fly,” he
thought. He looked around for his mother, but she was not there. Where could she be?
He looked down and felt his legs shake. He started to get dizzy and fell out of his
nest. He quickly flapped his wings. At last – he was flying.

84 words
11. Where did the bird come from? (Literal)
a. an egg with lots of spots
b. an egg with many colors
c. an egg with only one color
d. an egg with plenty of stripes

12. Why was the bird afraid? (Inferential)


a. He did not have any friends.
b. He did not know how to fly.
c. He did not know his mother.
d. He did not see his brothers.

13. Why was the bird’s mother not in the nest? (Inferential)
a. She had to look for a nest to house the little bird.
b. She had to leave the bird so he will learn on his own.
c. She had to find food to feed the hungry little bird.
d. She had to look for something to help the little bird fly.

14. How did the bird learn to fly? (Inferential)


a. by studying and practicing
b. by watching other birds fly
c. by having his mother teach him
d. by accidentally flapping its wings

15. At the end of the passage, how did the little bird feel? (Inferential)
a. lonely
b. afraid
c. nervous
d. excited
The Owl and the Rooster

While the other owls slept in the day time, Hootie slept at night. She always yawned
and fell asleep when her friends asked her to hoot with them. This made her sad because she
liked hooting a lot. One day, she met a rooster who could not wake up in the morning. He
could not awaken the villagers. This made the rooster unhappy. Hootie said, “I know how to
help you. I’ll hoot in the morning so you can wake up to do your job!”

84 words

16. What was the owl’s problem? (Inferential)


a. She slept in the morning.
b. She couldn’t hoot at night.
c. She was awake all night long.
d. She couldn’t wake the people up.

17. What was the rooster’s problem? (Literal)


a. He couldn’t hoot with the owl.
b. He couldn’t wake the people up.
c. He couldn’t sleep in the morning.
d. He couldn’t be with his friends.

18. The word rouse has a synonym in the selection. What is this word? (Inferential)
a. wake
b. solve
c. slept
d. hoot

19. How did the owl and the rooster feel at the end of the passage? (Inferential)
a. worried
b. alarmed
c. relieved
d. unhappy

20. What was the author's purpose when she wrote the selection? (Critical)
a. to inform
b. to entertain
c. to evaluate
d. to convince

You might also like