You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region III- Central Luzon


Division of Bulacan
DepEd Pandi North District
CACARONG BATA ELEMENTARY SCHOOL
Padre Pio de Pandi Resettlement Project,
Cacarong Bata, Pandi, Bulacan
Contact No. (0917) 143- 6615
e-mail ad: cacarongbataes@gmail.com

Banghay Aralin sa Filipino (Kinder)

I. Paksa
a. Nalaman ang letrang Yy at mga bagay na nagsisimula dito.
b. Nasasabi and tunog ng letter Yy.
c. Naisusulat ang letrang Yy.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: “Letrang Yy”
b. Sangunian: Gabay sa kurikulum at Gabay ng guro; Ika-dalawangpu at
anim na linggo
c. Kagamitan: Larawan ng letrang Yy at mga larawan ng bagay na
nagsisimula sa Yy.

III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
a.1. Pagdadasal
a.2. Pagbati
a.3. Pagtsek ng attendance
a.4. Drill: Pagsayaw at pag-awit ng “Alpabasa”

b. Pagbabalik aral
Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan na nagsisimula sa Kk
c. Paglalahad

1. Pagganyak
Kuwento:
Ang Batang si Yolly
Si Yolly ang batang mabait at masunurin. Mahilig siya sa yema na
luto ng kanyang ina. Isang araw binili siya ng kanyang ama ng isang
laruang yoyo. Masayang masaya si Yolly niyakap niya ng mahigpit
ang kanyang ama.
Sagutin:
1. Ano ang pangalan ng ating bida sa kwento
2. Ano ang hilig niyang kainin?
3. Ano ang laruan na binigay ng kanyang ama?
4. Bilang pasasalamat an gang ginawa ni yolly sa kanyang ama?
2. Pagtatalakay

a. Tingnan ang mga larawan batay sa kwentong nabasa at sabihin


kung anu-ano ang mga larawan.
b. Ano ang simulang letra ng bawat larawan?
c. Ano ang tunog ng letrang Yy.
d. Paano isulat ang letrang Yy
e. Magpakita pa ng ibang larawan nag sisimula sa Yy

3. Pagpapahalaga

a. Ano ang pangalan ng bata sa ating kwento?


b. Ano ang kanyang katangian?
c. Ano ang mga letra sa kanyang pangalan?
d. Bakit mahalaga nating matutunan ang mga letra?

4. Gawaing Pagpapayama
Ang bawat bata ay makakatangap ng sagutan. Isusulat nang maayos at
nasa linya ang Malaki at maliit na Yy.

d. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

1. Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat.


2. Ang bawat pangkat ay makakakuha ng malaking sagutan

e. Paglalahat
1. Paano isulat ang ang letrang Yy?
2. Ano ang tunog ng letrang Yy?
IV. Pagtataya
Kulayan ang mga bagay na nagsisimula sa Yy.

V. Kasunduan
Gumupit ng larawan sa lumang aklat o sa magasin na nagsisimula sa Yy.

1. 2. 3.

4. 5.

Inihanda ni:

JESSA L. VILLANUEVA
Teacher I

Binigyang pansin ni:

DULCE VILMA R. GALANG


Principal I

You might also like