You are on page 1of 18

KAYA KO PO ITO!

UNANG MARKAHAN
Ito ang mga kasanayang dapat matutunan pagkatapos
IKALAWANG LINGGO
makumpleto ang mga aralin sa modyul na ito.

LAYUNIN para sa Ikalawang linggo:


Pag-aaralan natin ang mga sumusunod: Mga Kinakailangang Gamit sa Pag-aaral:
1. Nasasabi ang mga sariling pangangailangan. Matabang lapis
2. Nakakasunod sa mga itinakdang tuntunin at Matatabang mga
gawain (routines) sa bahay.
Krayola
Mga Gawaing Pagsasanay

________________________
LUNES
MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Ang mga bata ay may mga pangangailangan. Ito ay pagkain, tubig, tirahan at damit.
Kailangan natin ng pagkain upang hindi tayo magutom.
Kailangan ng katawan natin ang tubig.
Kailangan natin ng tirahan upang hindi tayo sa kalsada namumuhay.
Kailangan natin ng damit upang hindi tayo magkasakit.
Ang tawag natin sa pagkain, tirahan at damit ay mga pangunahing pangangailangan.

Maaari mo bang banggitin ang ating mga sariling pangangailangan?


(Sa mga magulang, hikayatin ang anak na banggitin ang sariling pangangailangan)

Ikaw, ano ang iyong kakayahan? Maaari mo ba itong sabihin sa amin?

GAWIN NA PO NATIN! Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Basic Literasi)
Gawain #1: Pakulayan ng pulang krayola ang mga sariling pangangailangan ng bata.
(Kasanayan sa Bilang)
Gawain #2: Bilangin ang mga larawan ng pangangailangan ng bata. Isulat sa loob ng kahon
ang tamang bilang.
(Sining)
Gawain #3: Pakulayan sa mga bata ang tatlong pangunahing pangangailangan. Ipabanggit
ang mga ito.
Karagdagang Gawain (Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #4: Ibakat ang mga salita sa tabi ng larawan ng mga sariling pangangailangan.

TATANDAAN KO PO!

Tayo ay may sariling pangangailangan. Ito ay damit, pagkain, tubig at tirahan.


Tinatawag natin itong mga pangunahing pangangailangan.

TINGNAN PO NINYO! Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Sabihin ang iyong sariling pangangailangan.


Ako po si _____________________________________________.
Kailangan ko ng ___________________________________________________.

1
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/UNANG ARAW
(Basic Literasi)

Panuto: Kulayan ng pulang krayola ang mga sariling pangangailangan ng bata.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Pagbilang)

Panuto: Bilangin ang mga larawan ng pangangailangan ng bata. Isulat sa loob ng kahon ang
tamang bilang.

2
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/UNANG ARAW
(Sining)

Panuto: Pakulayan sa mga bata ang tatlong pangunahing pangangailangan.


Ipabanggit ang mga ito.

GAWAIN #4
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Ibakat ang mga salita sa tabi ng larawan ng mga sariling pangangailangan.

tirahan pagkain
damit inumin
Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:
Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba

Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
3
_____________________ UNANG
MARKAHAN
MARTES
IKALAWANG LINGGO

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Ang mga bata ay may tungkulin sa loob ng tahanan. Tayo ay sumusunod sa mga itinakdang tuntunin
at gawain sa ating bahay. (routine)
Halimbawa ng pang araw-araw na tuntunin sa bahay:
1.Paggising sa umaga. 6.Pagliligpit ng mga gamit o laruan.
2.Pagsesepilyo bago at pagkatapos kumain. 7.Pagtulong sa paghahain ng tanghalian.
3.Pag huhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. 8.Pagtulog sa hapon.
4.Pagtulong sa gawaing bahay. 9.Pagdadasal bago matulog sa gabi.
5.Paggawa ng mga gawaing pampaaralan. 10. Paglilinis ng katawan.

GAWIN NA PO NATIN!
Kaisipan/Kognitibo)
Gawain #1: Ipakulay ng pulang krayola ang mga tungkulin o gawain na nasusunod ng ba-
ta sa loob ng tahanan.
(Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #2: Sabayan ng pagbasa ang mga bata at ipabakat ang mga salita sa loob ng
kahon.
(Kalusugan)
Gawain #3: Naghahanda ng pagkain para sa nakababatang kapatid/ibang miyembro ng
pamilya kung walang matanda sa bahay. (batay sa ECCD Booklet)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Tayo ay sumusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain sa loob ng bahay.


Ito ay kayang-kaya natin gawin at sundin.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Sabihin ang iyong mga tungkulin sa loob ng tahahan na kaya mong gawin.

(Sa mga magulang, isa-isahin ang mga tungkulin ng bata na dapat niyang nasusunod sa itinakdang oras.)

4
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALAWANG ARAW
(Kaisipan/Kognitibo)

Panuto: Kulayan ng pulang krayola ang mga tungkulin o gawain na iyong


nasusunod sa loob ng tahanan.

GAWAIN #2

(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Basahin at bakatin ang mga salita sa loob ng kahon.

Ako ay nakasusunod
sa mga itinakdang
tuntunin at gawain
sa bahay.
5
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALAWANG ARAW
(Kalusugan)

Panuto: Kuhaan ng litrato o video ang anak at ipasa o ipadala sa messenger ng guro.

Gawain: Naipapakita ang paghahanda ng pagkain para sa


nakababatang kapatid o ibang miyembro ng pamilya . (batay sa ECCD
Booklet)

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba

Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________

6
________________________ UNANG
MARKAHAN
MIYERKULES
IKALAWANG LINGGO

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Tayo ay sumusunod sa alituntunin ng ating tahanan.
Ginagawa natin ito upang tayo ay maging malinis, malusog, at ligtas sa loob ng tahanan.
Ang mga alituntuning dapat sundin ay ang paglilinis at pag-aayos ng tahahan.
Bilang bata paano ka makatulong mapanatiling malinis at maayos ang tahanan?
Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing kaya gawain pag liligpit ng mga ginamit na laruan at
marami pang iba.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Basic Literasi)
Gawain #1: Papiliin ang mga bata ng mga bagay na nagagawa sa loob ng tahanan
kulayan ito ng pulang krayola.
(Kasanayan sa Bilang)
Gawain #2: Papiliin ng mga bagay ang mga bata na ginagamit sa pag papanatili ng
malinis na katawan at pag bilang nito.
(Musika)
Gawain #3: Pag papaawit ng “Masipag na bata “
Youtube link: https://www.youtube.com/watch?v=RdKfaZdqVlg

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Tayo ay maraming kayang gawin. Ilan dito ay pagtakbo, paglakad at pagtalon.


Kaya rin nating ikilos ang mga gawain tulad ng paghuhugas ng kamay, paliligo at
pagsesipilyo at marami pang iba. Maaari natin itong gawin sa ating mga tahanan.
Tayo ay nakabibilang din (0...1...2…)
(Sa mga magulang, sabayan ang anak na bigkasin ang mga bilang upang maging pamilyar sakanila ito.)

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Bibigkasin ng mag-aaral ang mga kilos na kaya niyang gawin.


Bibigkasin ng mag-aaral ang bilang (0...1...2…)
(Sa mga magulang, hikayatin ang anak na bigkasin ang mga kaya niyang gawin)

7
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKATLONG ARAW
(Basic Literasi)

Panuto: Piliin ang mga bagay na iyong nagagawa sa loob ng tahanan.


Kulayan ito ng pulang krayola.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Bilang)

Panuto: Piliin ang mga bagay na ginagamit sa pagpapanatili ng malinis na katawan. Bilangin ito.

Isa sa ating tungkulin ay ang pagiging malinis sa katawan sa araw-araw.


Ilan ang mga ginagamit natin na panlinis sa ating katawan?
Isulat sa loob ng kahon.

8
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKATLONG ARAW
(Musika)

Panuto: Pagpapaawit ng “Masipag na bata”.

Youtube link: https://www.youtube.com/watch?v=RdKfaZdqVlg

“Masipag na bata”
Alam ba ninyo na ang masisipag ay mina-
mahal ng Diyos at ng lahat.
Mga bata tayo na agad nang magumpisa
sa mga munting gawa’y
tumulong na.
Sa umaga higaan ay ayusin at mga damit
ay iligpit na rin.
Pagkatapos maglaro, laruan niyo’y itago
nang si Nanay ay masiyahan lalo.
At sa pagdating ni tatay sa bahay ang
kanyang tsinelas ating ibigay.
Kahit na konting lambing sana’y ialay natin
upang pagod niya’y tuluyang limutin.

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba

Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
9
______________________ UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
HUWEBES

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Ang Letrang Mm ay binibigkas ng /em/. Ang tunog ay /m/ nakasara ang bibig.
Ito ang mga larawan na nagsisimula sa letrang Mm.

manika mansanas martilyo mangga

(Sa mga magulang, sabayan ang anak na bigkasin ang ipinapakita ng bawat larawan.)

Mayroon tayong tinatawag na pangunahing kulay. Isa na rito ang kulay pula.
Marami tayong nakikita sa ating paligid na kulay pula.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.
(Kaisipan/Kognitibo)
Gawain #1: Ipakahon gamit ang pulang krayola ang mga larawan na nagsisimula sa
letrang Mm.
(Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #2: Ipabakat at Ipasulat ang salitang pula. Ipakulay ang mga larawan na kulay
pula.
(Buhay na Praktikal)
Gawain #3: Tignan kung matagumpay na nakapupunta sa tamang lugar upang umihi
o dumudumi. (Batay sa ECCD Booklet)
Karagdagang Gawain:
Gawain #4: Ipahanap at pakulayan ng pula ang mga bilog na may letrang Mm.
(Kognitbo/Kasanayan sa Paghawak)

TATANDAAN KO PO!

1. Mayroong iba’t-ibang salita na nagsisimula sa letrang Mm.


2. Isa sa mga tinatawag nating pangunahing kulay ay ang Pula.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutunan ng mag-aaral ang bagong aralin.

Isusulat ng mga mag-aaral ang mga unang tunog ng salita.


___anika ___ansanas ___artilyo ___angga

Banggitin ang tunog ng letrang Mm.


Maaring isulat sa patlang/maaring ipasulat sa sanayang papel
10
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKA-APAT NA ARAW
Panuto : Ipasulat sa patlang ang pangalan ng inyong anak. Maaaring gabayan ang
inyong anak sa pagsulat nang kanyang pangalan.

GAWAIN #2
(Basic Literasi)
Panuto: Sabihin ang larawan ng mga bagay na nagsisimula sa tunog /m/ at
isulat ang letrang Mm sa patlang :

11
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKA-APAT NA ARAW
Panuto : Ipasulat sa patlang ang pangalan ng inyong anak. Maaaring gabayan ang
inyong anak sa pagsulat nang kanyang pangalan.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Paghawak)
Panuto: Isulat ang salitang pula sa patlang pagkatapos ay banggitin ang pangalan ng
larawan at kulayan ang mga larawan gamit ang pulang krayola.
Halimbawa “Pulang Mansanas”

12
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKA-APAT NA LINGGO/IKA-APAT NA ARAW
(Buhay na Praktikal)

Panuto: Tignan kung matagumpay na nakapupunta ang bata sa tamang lugar upang
umihi o dumumi. Lagyan ng tsek (✓) ang patlang. (Batay sa ECCD Booklet)

__________ Nagagawa ng bata __________ Hindi nagagawa ng bata

GAWAIN #4
(Kognitbo/Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Hanapin at kulayan ng pula ang mga bilog na may letrang Mm.

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba

Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
13
________________ UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
BIYERNES

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Balikan natin ang ating napag-aralan na letra noong nakaraang araw.
Ang letrang Mm ay binibigkas ng /em/.
Ang tunog ng letrang Mm ay /m/. Nakasara ang bibig kapag ito ay sinabi.
Tayo ay nakabibilang mula 0 hanggang 1.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.
(Kamalayan sa Ponolohiya)
Gawain #1: Ipasulat sa loob mga linya ang unang tunog ng bawat lawaran. Ipabigkas ang
tunog nito.
Gawain #2: Ipabasa ang tunog ng letrang Mm.
(Kasanayan sa Bilang)
Gawain #3: Ipatugma ang mga larawan sa loob ng kahon sa tama nitong bilang.
Gawain #4: Ipabakat at ipagaya ang bawat bilang.
(P.E)
Gawain #5: Pagsasayaw sa saliw ng tugtugin.

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Ang letrang Mm ay may tunog na /m/ at binibigkas ito ng /em/.


Nakakabilang tayo mula 0 hanggang 1.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutunan ng mag-aaral ang bagong aralin.

Babasahin ng mga bata ang mga letra:


M M M M M
Babasahin ng mga bata ang mga bilang:
0 1

14
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALIMANG ARAW
(Kamalayan sa Ponolohiya)

Panuto: Bigkasin ang tunog ng letrang Mm.

M M M M
m m m m
Panuto: Bigkasin ang tunog Mm /m/. Itapat sa Mm ang larawang may unang tunog na /m/
gamit ang pulang krayola.

GAWAIN #3
(Kasanayan sa Bilang)

Panuto: Itugma ang mga larawan sa loob ng kahon sa tama nitong bilang.

15
UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALIMANG ARAW
GAWAIN #4 Panuto: Bakatin ang bilang at isulat sa patlang ang bawat bilang at salitang bilang .

wala 0 isa 1

GAWAIN #5
(P.E)

Panuto: Sumayaw sa saliw ng tugtugin.

Baby Shark
Youtube Link:

https://www.youtube.com/

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Gawain 5
Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
16
________________________ UNANG
MARKAHAN
SABADO
IKALAWANG LINGGO

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Ang araw na ito ay pagtatapos ng ating mga gawin at pagsasanay.
Upang lalo pa natin maintindihan ang mga aralin sa linggong ito, balikan natin ang ating mga
napag-aralan:
Mayroon tayong mga pangunahing pangangailangan. Ito ay pagkain, damit, tubig at tirahan.
Tayo ay sumusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain sa ating bahay.
Ang letrang Mm ay binibigkas ng /em/, ang tunog nito ay /m/.
Ang isa sa pangunahing kulay ay pula.
Nakabibilang tayo ng 0 hanggang 1.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.
Ito ang araw na ipatatapos sa anak ang mga gawain na hindi natapos sa una at ikalawang
linggo. Ang mga natapos na gawain ay ilalagay sa activity folder. Ipapasa ito sa kung saan
kinuha ang modyul. Muli ay magbibigay ng modyul ang paaralan para sa susunod na
dalawang linggo.
Karagdagang gawain para sa araw ng Sabado:
(Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #1: Bigyan ang anak ng gagayahan. Isulat ang buong pangalan, edad at
kaarawan.
Gawain #2: Magsanay magsulat ng bilang 0-1.
Gawain #3: Malayang Pagkukulay gamit ang pulang na krayola.
(Sa mga magulang, bigyan ang bata ng kanyang kukulayan)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
Ako ay may mga sariling pangangailangan at ako ay sumusunod sa tuntunin sa aming
bahay. Kaya kong bigkasin ang tunog ng letrang Mm. Kaya kong matukoy ang kulay pula.
Kaya kong bumilang. Kaya kong magsulat.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.
Babasahin ng mga bata ang mga letra:
M M M M M
Babasahin ng mga bata ang mga bilang:
0 1
Bigkasin ng mga bata ang kulay Pula.
17
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKA-ANIM NA ARAW
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Bigyan ang anak ng gagayahan. Isulat ang buong pangalan, edad
at kaarawan.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Magsanay magsulat ng bilang 0-1.Sa sanayang papel.

GAWAIN #3
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Malayang pagguhit ng mga bagay na nais at pagkukulay gamit ang


pulang krayola. (maaring bigyan ang bata ng kanyang kukulayan)

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________ 18

You might also like