You are on page 1of 90

Ako Man ay Bayani

Sundin
mo!
• Isulat mo ang buo mong pangalan
sa loob ng kahon.
• Isulat ang isang malaking dahon at isulat
sa loob nito ang bilang kung ilang taon
kana.
• Bilugan mo ang bilang ng iyong
kaibigan sa paaralan
• Isulat sa loob ng lobo ang
pangalan ng nanay/tatay.
Basahin ang sinasabi ng guro
na si Bb Villano. Ngayon ay
tingnan ang mga bata sa silid
aralan ni Bb. Villano, kung
masunurin sila.
Mga bata,
makikinig
tayo ng isang
awit.
Bago natin ito
pakinggan,
kumuha
kayo ng isang
malinis
na papel.
Isulat ang inyong
pangalan sa
unang guhit sa
dakong kaliwa ng
inyong papel.

Isulat ang petsa


ngayon sa kanang
bahagi nito
Itaas ang inyong
papel upang
malaman ko kung
nakasunod
kayong lahat sa
aking sinabi
Ngayon ay
makinig
kayong mabuti
sa awit na aking
patutugtugin.
Itaas ang inyong
iginuhit. Ngayon,
mga bata, isa- isa
kayong pumunta
sa harapan at
ipakita ang inyong
iginuhit.
• Sino ang makikinig ng awit?
• Saan magsusulat ang mga bata?

• Paano malalaman ng guro kung


nakasunod sa kanyang mga sinabi
ang mga bata?
• Bakit pupunta sa harapan ang mga
bata?
• Ano ang sinunod ng mga bata?

• Nakasunod ba sa panuti ang mga


bata?
•Ano-ano ang mga sinunod
ng mga bata?

• Ano-ano ang ginamit ng guro


sa pagbibigay ng panuto ?
ANG PANUTO ANG MGA
GAWAING DAPAT
SUNDIN NG TAONG
KAUSAP. GINAGAMIT
ANG MGA SALITANG
PAUTOS SA
PAGBIBIGAY NG
Ginagamit din ang mga salita tulad
ng sa kanan, sa kaliwa, sa itaas, o sa
ibaba sa pagbibigay ng panuto.

Halimbawa:
Ilagay ang kanang kamay sa
kaliwang bahagi ng dibdib
habang inaawit ang “Lupang
Hinirang.”
Sundin ang mga
sumusunod na
panuto.
1. Humanap nga kapareha
2. Ilagay ang iyong kamay sa
kanang tenga ng iyong
kapareha.
2. Ilagay ang iyong kaliwang
kamay sa kanang tenga ng
iyong kapareha.
4. Ilagay ang iyong kanang
kamay sa kaliwang
balikat ng iyong kapareha.

5. Ipagdikit ang iyong mga


baywang.
Pag-aralan ang mga
larawan. Bumuo ng
limang panuto
batay sa
nakalarawan.
Sipiin ang mga pangungusap sa iyong
kuwaderno. Salungguhitan ang salitang
pautos na nasa bawat pangungusap.

1. Kumuha ng kwaderno.
2. Gumuhit ng malaking puso.
3. Sa gitna isulat ang iyong buong
pangalan.
4. Sa ibaba ng puso gumuhit ng
parihaba at isulat sa loob kung
saan ka nag-aaral.
tinaguriang
Siya ang tinaguriang
Prinsesa ng
Kumintang dahil sa
kanyang kagandahan.
Sumakabilang-buhay
Kalungkutan ang
nadarama niya sapagkat
sumakabilang-buhay na
ang kanyang lola.
nais
Nais niyang
makatapos ng pag-
aaral.
batid
Batid mo ang
nangyari sa iyong
kapatid?
itustos
Maliit lamang ang
perang kayang itustos sa
akin ng aking mga
magulang.
Ano ang dapat mong
gawin kung may nais
kang bilhin subalit hindi
naman kayang ibigay sa
iyo ng iyong mga
magulang?
Ngayon ay may kikilalanin
tayong bata na ang pangalan
at Pule.

Ano ang gusto ninyong


malaman kay Pule?
Si Apolinario Mabini
Hinalaw ni Nida C. Santos
Tinaguriang “Utak ng
Rebolusyon” at “Dakilang
Lumpo” sa kasaysayan ng
ating bansa si Apolinario
Mabini. Pule ang palayaw
niya. Isinilang siya sa
Talaga,
Tanauan, Batangas noong
Hunyo 23, 1864.
Ang kanyang pinagmulan ay
sa
isang mahirap na pamilya
lamang.
Gayon man, masipag
at matipid ang kanyang mga
magulang. Kaya, sa kabila ng
kahirapan ay nakapag-aral
itong si Pule.
Maraming humahanga
kay Pule. Matalino,
masipag. masikap, at
masunurin ang batang
ito. Nais niyang
makatapos sa pag-aaral.
Nakapag-aral siya sa Maynila sa
Colegio de San Juan de Letran. Batid ni
Pule na pinaghirapan ng kanyang mga
magulang ang ginagastos niya sa pag-
aaral. Kaya nawiwika niya sa kanyang
sarili na “ Magtitipid ako. Kailangan
kong mapagkasya ang halagang kaya
lamang itustos ng aking mga magulang.
Naging isang ganap na abogado si
Pule. Naging isang mahusay na
manananggol. Ngunit siya‟y
nagkasakit ng malubha hanggang
maging lumpo. Sa kabila ng kanyang
kapansanan siya ay ginawang kalihim
at tagapayo ni Heneral Emilio
Aguinaldo.
Isinasama siya ng Heneral
Aguinaldo saan man magpunta.
Isinasakay siya sa duyan. Sa kabila ng
mahinang katawan, naipakita ni
Apolinario Mabini ang matapat na
pag-ibig sa bayan.
Sumakabilang- buhay siya noong
ika-13 ng Mayo, 1903.
Sagutin
natin:
1. Sino ang batang si
Pule?
Si Apolinario Mabini
2. Ano ang tawag o
taguri sa kanya?

Utak ng Rebolusyon” at
“Dakilang Lumpo”
3. Bakit tinaguriang
“Dakilang Lumpo”?
Dahil sa kabila ng kanyang
kapansanan siya ay ginawang
kalihim at tagapayo ni Heneral
Emilio Aguinaldo.
4. Ano ang pangarap
ni Apolinario Mabini?
Nais niyang makatapos sa pag-
aaral. At maging isang ganap
na abogado.
5. Paano siya
nakapag-aral?
Dahil sa pagiging matipid ng
kanyang mga magulang.
6. Ano ang natapos
niya sa pag-aaral?
Nakatapos siya ng Abogasya.
7. Anong katangian mayroon si
Pule na nakatulong sa kanya
upang matamo ang kanyang
pangarap?
Ang pagiging matipid.
8. Kung ikaw si Pule
gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa?
A. Sagutin ng Oo kung sang-ayon at
Hindi kung ikaw ay hindi sang-ayon.
____1. Ang palayaw ba ay maikling
pangalan ng isang tao?
____2. Nakakalakad ba ang isang
lumpo.

____3. Ang manananggol ba ay


isang abogado?
A. Sagutin ng Oo kung sang-ayon at
Hindi kung ikaw ay hindi sang-ayon.
____4. Ang sipon ba ay isang
malubhang sakit?
____5. Ang salitang itustos ba ay
kasingkahulugan ng ibibigay?
B. Isipin ang salitang angkop sa
patlang. Isulat ang tamang baybay
nito.

1. Si Apolinario Mabini ay _________


”Utak ng Rebolusyon at Dakilang
Lumpo”.

2. __________ siya noong ika-13 ng


Mayo, 1903
3. ______ ni Pule na pinaghihirapan
ng kanyang mga magulang ang
perang ginagastos niya sa
pag-aaral.
4. Kailangan na mapagkasya niya
ang perang kayang ______ ng
kanyang mga magulang.

5. Ngunit siya ay nagkasakit ng ____


hanggang maging lumpo.
C. Tukuyin at isulat ang hinihinging
impormasyon tungkol kay Apolinario
Mabini.

1. Pook na sinilangan,
________________________________
2. Tawag sa kanya.
_________________________________

3. Petsa ng pagsilang.
_________________________________
C. Tukuyin at isulat ang hinihinging
impormasyon tungkol kay Apolinario
Mabini.

4. Magandang katagian
________________________________
5. Uri ng pamilyang pinagmulan.
_________________________________

6. pinasukan
_________________________________
D. Magbigay ng maaaring kalabasan
ng pangyayaring ito.

1. Ibig ni Pule na makapag-aral


ngunit mahirap lamang sila at
ipinaalala ng kanyang mga
magulang na wala silang
magagamit na pera upang siya
ay mag-aral.
___________________________________
___________________________________
D. Magbigay ng maaaring kalabasan
ng pangyayaring ito.

2. Umulan man o umaraw ay


pumapasok si Pule sa klase. Hindi
siya lumiliban. Puspusan siyang
nag-aaral kaya
___________________________________
___________________________________
D. Magbigay ng maaaring kalabasan
ng pangyayaring ito.

3. Isinama ni Heneral Aguinaldo si


Apolinario Mabini saan man siya
pumunta. Isinasakay siya sa duyan
at pinapasan ng mga kawal kaya
___________________________________
___________________________________
Paano ninyo mauunawaan ang
kuwento?
Mauunawaan ang kuwento sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
at pagbibigay ng detalye tungkol dito. Ang
pagbibigay ng hinuha, komento o
reaksyon ang magbibigay kahulugan at
ugnayan sa buhay.
Nakarating na rin ba
kayo sa bukid tulad ni
Resmin sa binasang
sulat noong nakaraang
linggo?
Basahin mo kung
paano inilarawan
ni
Resmin ang
Barangay na
narating niya
Barangay Tahimik
Akda ni Rejulios M. Villenes
Ito ang larawan ng Barangay Tahimik.
Hindi magulo rito. Payapa ang kalooban ng
naninirahan at tuwina ay nagtutulungan.
Malayo
ito sa polusyon. Sariwa ang hanging
malalanghap dito. Sariwa rin ang mga
gulay na galing sa kanilang mga itinanim.
Manamisnamis ang isda at iba pang lamang
dagat dahil sariwa rin ang mga ito.
Kaya naman
malulusog ang
mga mamamayan
ng Barangay na ito.
Hindi sila masasakitin.
Karamihan sa mga
nakatira rito ay may
malalawak na lupain.
Makikita rin ang
Maluluwang na taniman.
1. Anong barangay ang
binanggit sa kuwento?

Barangay Tahimik
2. Paano ito inilarawan?
Hindi magulo, payapa, nagtutulungan,
sariwa ang hangin,
3. Bakit malulusog ang mga
mamamayan sa Barangay
Tahimik?

Dahil Hindi sila masasakitin.


4. Anong uri ng salita ang
tahimik at payapa?
magkasingkahulugan
5. Bakit magkasingkahulugan
ang mga salitang ito?
Pareho ang ibigsabihin
Basahin ang mga
sumusunod na
salita.
tahimik - payapa
malawak-maluwang
tahimik - magulo
polusyon - sariwa
malulusog - masasakitin
Kailan masasabi na ang
salita ay
magkasingkahulugan at
magkasalungat?
Tandaan!
1. Ang dalawang salita ay
magkasingkahulugan
kapag pareho ang
kanilang ipinahihiwatig.

tahimik - payapa
malawak-maluwang
2. Ang dalawang salita ay
magkasalungat kapag ang
kanilang kahulugan ay
kasalungat o kabaliktaran ng
isa’t isa.

tahimik - magulo
malulusog - masasakitin
3. Mahalagang
malaman ang
kahulugan ng isang
salita upang madaling
maunawaan ang
ipinahihiwatig o nais
ipahatid
Ibigay ang
kasalungat ng mga
sumusunod na
salita.
1. mahirap mayaman
2. maganda pangit
3. masipag tamad

4. masikip maluwag
5. tahimik maingay
Hanapin sa hanay B ang salitang kasing
kahulugan ng salitang nasa hanay A.

A B
_____1. mabilis a. marikit
_____2. maganda b. maalam
_____3.marunong__ c. matulin
___4. masaya d. madumi
_____5. madungis e. maliga ya
Piliin ang kasalungat na salita ng nasa kanan
sa talaang nasa kaliwa.

___1. mababa a. maingay


___2. tahimik b. mataas
___3. sariwa c. mura
___4. mahal d. makapal
___5. manipis e. lanta
Piliin ang kasalungat na salita ng nasa kanan
sa talaang nasa kaliwa.

___6. makipot f. maluwang


___7. tama g. mali
___8. malusog h. magulo
___9. malakas i. sakitin
___10. maayos j. mahina
Ikaapat na
Araw
Naranasan ba ninyong humingi
ng paumanhin sa pamamagitan
ng sulat?
Kung si Resmin ay nagpasalamat kay
Raquel. Si Fiela naman na kaibigan din
ni Raquel ay humingi ng paumanhin sa
hindi niya pagdalo sa kaarawan.
Basahin ang
liham.
169Santolan Street,
Sta. Rosa Laguna
Disyembre 23,2012
Mahal kong Raquel,

Natanggap ko ang iyong imbitasyon para sa iyong


kaarawan.Ikinalulungkot ko ang hindi ko pagdalo .
Maysakit ang aking tatay at kailangan ko siyang
bantayan sa ospital.
Lubos kitang naalala noong araw na iyon. Sana ay
maunawaan mo ako sa di ko
pagdalo.

Ang iyong kaibigan,


Fiela
Ano ang pagkakaiba nito sa
liham pasasalamat ni Resmin?

Ano-ano ang bahagi ng


liham paumanhin?
1. pamuhatan
2. bating panimula
3. katawan ng liham
4. bating pangwakas
5. lagda
Ano ang pagkakaiba ng
liham na ito sa mga
naunang liham na
pinag-aralan natin?
Ang liham ay may iba‟t ibang
nilalaman. May liham na humihingi
ng paumanhin. Sa bawat liham ay
may layunin o nais ang taong
sumulat nito. Bagamat iba-iba ang
nilalaman ng mga ito,
magkakapareho pa rin ang mga
bahagi nito.
Isulat ang mga bahagi ng liham sa angkop na
kinalalagyan. pamuhatan, bating panimula,
katawan ng liham, bating pangwakas at lagda.

____________1. Ipagpaumanhin mo ang


hindi ko pagdalo sa pagsasanay ng sabayang
awit noong Sabado dahil sa matinding sakit
ng aking ulo.
Nanghihinayang ako sa pagkakataong
nawala sa akin. Asahan mo na dadalo na ako
sa susunod na pagsasanay. Inaasahan ko ang
iyong pag-unawa.
pamuhatan, bating panimula, katawan ng
liham, bating pangwakas at lagda.

____________2 . Umaasa,
____________3. Sampaguita Homes,
Gulod Itaas, Batangas City
Oktubre16, 2012

____________4. Mahal kong Sabel,

____________5. Tess
Ikalimang
araw
Sumulat ng limang salitang
magkasingkahulugan at limang salitang
magkakasalungat ang kahulugan.

Magkasingkahulugan
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
Magkasalungat

1. ______________________
2. ______________________
3. ______________________
4. ______________________
5. ______________________
Sumulat ng isang liham na humihingi ng
paumanhin tungkol sa paksang ito.

Hindi mo naisauli sa takdang


araw ang hiniram mong aklat
sa iyong kaibigan.
____________________
____________________
____________________

____________________,

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
____________________________________________________

____________________,
____________________

You might also like