You are on page 1of 31

3

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Ang Klaster, Salitang Iisa ang
Baybay at Salitang Hiram
Filipino – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 2: Ang Klaster, Salitang Iisa ang Baybay
Ngunit Magkaiba ang Bigkas at Salitang Hiram
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling
Linangan Kit (SLK) na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Jayson T. Ruego


Editor: Corazon B. Coloma, Consuelo D. Guerero
Alma F. Rosalejos at Ligaya L. Perez
Tagasuri: Rene P. Sultan, EdD
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Aris B. Juanillo, PhD (EPS LRMS)
Alma C. Cifra, EdD (Chief, CID)
Reynaldo M. Guillena, CESO V (Schools Division Superintendent)

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Paunang Salita
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay inihanda para sa
mga mag-aaral ng ikatlong baitang ng asignaturang Filipino.
Lubos naming pinasasalamatan at pinahahalagahan ang mga
magulang, mga kapatid ng aming mga mag-aaral o ang
kanilang mga kamag-anak na naging katuwang namin sa
pagtuturo sa aming mga mag-aaral.
Makikita sa Sariling Linangan Kit na ito ang tekstong
babasahin, mga pagsasanay at paglalahat para sa isang tiyak
na aralin. Mangyaring isakatuparan ang mga gawain nang may
pagkukusa at katapatan. Isulat ang inyong mga sagot sa bukod
na papel. Huwag kailanman sulatan ang alinmang bahagi ng
sariling linagan kit. Kung may katanungan o agam-agam sa
alinmang bahagi ng linangan kit, itanong sa inyong mga guro.
Makipag-ugnayan sa kaniya sa telepono bilang_________________.

Para sa mag-aaral:
Malugod namin kayong tinatanggap sa Filipino sa Ikatlong
Baitang upang pag-aralan ang mga klaster, mga salitang iisa ang
baybay at mga salitang hiram.
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay may mga bahagi at icon
na dapat mong maunawaan.

3
Alamin Natin

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay idinisenyo at isinulat


para sa iyo. Ito ay makatutulong upang matukoy ang gamit ng
klaster, salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at
salitang hiram sa tulong ng isang kuwento, usapan, tekstong
balita at tula. Sumasaklaw ang SLK na ito sa iba’t ibang sitwasyon
na maaaring gamitin sa pagkatuto. Ang ginamit na wika ay
angkop sa bawat antas ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang
mga aralin ay nakaayos alinsunod sa pamantayan ng isang kurso.

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay pinagsanib sa dalawang


kompentensi:

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan,


teksto, balita at tula;
2. Nababasa ang mga salitang may klaster, salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang bigkas at salitang hiram.

Sa pagtatapos ng SLK na ito, inaasahang matutuhan mo ang


sumusunod na layunin:

1. Nakilala ang klaster gamit ang iba’t ibang pagsasanay.


2. Natutukoy ang mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang kahulugan.
3. Natutukoy ang mga salitang hiram na ginagamit sa iba’t
ibang sitwasyon.

1
Subukin Natin

Panuto: Piliin ang tamang titik at isulat mo sa sagutang papel.

Ako’y may alaga


Pusang mataba
Mahilig kumain ng isda
Hinuhuli ang mga daga.

1. Ano ang hilig kainin ng pusa?


A. daga B. isda C. gulay D. manok
2. Alin sa sumusunod ang may tatlong pantig?
A. pusa B. daga C. isda D. mataba

Kaarawan ni Mark. Ipinaghanda


siya ng kaniyang paboritong keyk at
spaghetti. Nagpasalamat siya sa
kaniyang Mama at Papa. Lahat sila ay
masayang kumain.

3. Sino ang may kaarawan?


A. Mark B. Mama C. Papa D. Kuya

4. Alin sa sumusunod ang salitang hiram?


A. kumain B. spaghetti C. kaarawan D. masaya

5. Alin sa mga salita ang may klaster?


A. Mama B. Papa C. keyk D. masaya

6. Nagpasalamat si Mark sa kaniyang mga magulang. Ang


salitang sinalungguhitan ay may _______ na pantig.
A. tatlo B. apat C. lima D. anim

2
Tiniyak ni Pangulong Duterte na
mabigyan ng ayuda ang mga
apektado ng COVID-19. Ang 200
bilyong pisong pondo ng pamahalaan
ang gagamitin para ibigay sa nasabing
pandemya.

Pinagkunan: CNN Philippines

7. Anong pandemya o sakit ang tinutukoy sa balita?


A. COVID-19 C. 200 bilyong piso
B. Dengue D. lagnat
8. Alin sa sumusunod ang salitang hiram?
A. ayuda C. COVID-19
B. pondo D. tiniyak

Kumuha ako ng tubig mula sa tubo


Hinugasan ko ang matamis na tubo
Habang pinagmamasdan ang bituin sa gabi
Kasingkulay pala ng laman ng gabi.

9. Sa unang taludtod ng tula, aling larawan ang tinutukoy?

A. B. C. D.

10.Alin sa larawan ang tinutukoy sa ikatlong linya ng tula?


B. B. C. D.

3
Aralin

1 Ang Klaster

Sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon,
mahalagang malaman ang paggamit ng mga titik sa pagbuo,
pagpantig ng mga salita. Ang mga katinig o konsonante at
patinig o bokablo ay may malaking ginagampanan sa larangan
ng wika.
Sa araling ito, ating malalaman kung ano ang gamit ng
klaster.

Bago tayo magsisimula, mahalagang balikan natin ang iyong


nagdaang aralin.
Gusto mo bang maglaro? Tara, maglaro tayo!
Panuto: Idikit ang angkop na pangngalan sa ibaba ng larawan.
Hanapin ito sa loob ng kahon. Gawin mo sa sagutang papel.

drayber groseri prutas


krayola dyip

Wow! Ang galing mo naman.

4
Aralin Natin

Malulungkot ka ba kung may lakad ang iyong pamilya


ngunit hindi kayo natuloy? Ganito kaya ang naramdaman ng
mga bida sa ating kuwento? Alamin.

Muntik Nang Hindi Matuloy


Masayang naglalaro ang magkakapatid na sina Bryan,
Blessy at Pritz. Dumating ang kanilang tatay na si Mang Troy na
isang drayber. Sira ang kanilang dyip kaya maagang umuwi
ang ama para kumpunihin ito. Malulungkot na sana ang
magkakapatid. Hindi yata matutuloy ang kanilang
pamamasyal.
Napawi ang lungkot nila nang iabot ni Tatay Troy ang
isang supot na punong-puno ng prutas. Dali-daling naghugas
ng kamay ang magkakapatid at inilabas ang laman ng supot.
“Wow! Matatamis at malalaking mangga. Talagang
katakamtakam! Hindi namalayan ng magkakapatid ang
paglipas ng oras. Natigil ang kanilang kuwentuhan nang
marinig si Tatay na tumatawag. Yari na ang kanilang dyip. Dali-
dali nilang ipinasok ang pinagkainan sa supot at nagtakbuhan
sa loob ng bahay upang magbihis at dalhin ang makapal na
dyaket.
Brmm…! Brmm…! Sumakay na silang lahat. Dadaanan na
nila si Nanay Glenda sa groseri na kaniyang pinagtitindahan.
Matutuloy din sa wakas ang pamamasyal ng pamilyang Santos
sa Tagaytay.
Sagutin ang mga tanong. Isulat mo sa iyong sagutang papel.
Pinagkunan: Batang Pinoy Ako, Ikatlong Baitang

1. Ano ang hanapbuhay ni Mang Troy?


2. Bakit maagang umuwi ang kanilang ama?
3. Ano ang nasa loob ng supot na iniabot ng magkakapatid?
4. Saan nagtitinda si Nanay Glenda?
5. Ano ang tawag sa mga magkasunod na katinig sa loob ng
isang pantig?

5
Nasagot mo ba ang mga tanong sa ating kuwento? Huwag
kang mag-alala, marami ka pang pagsasanay na matutuhan sa
araling ito.
Suriin ang mga kaalaman tungkol sa klaster at halimbawa nito
sa ibaba.

Alam mo ba?
Ang magkasunod na katinig sa loob ng isa o mahigit
pang pantig ay tinatawag nating klaster.
Tinatawag din itong kambal katinig.
Ito ay matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng isang
pantig.
Mga halimbawa ng mga salitang may klaster:
▪ blu-sa e-ro-pla-no re-laks
▪ bra-so kon-klus-yon nars
▪ dyip bis-kwit plas-layt
▪ dray-ber es-kwa-ter kard
▪ kra-yo-la pi-lan-tro-po kart
▪ gro-se-ri
▪ pla-no
▪ tra-ba-ho

Gawin Natin

Punan mo Ako!

Hello! Nasagot mo ba ang mga tanong sa kuwento? Huwag


kang mag-alala, marami pang mga pagsasanay sa araling ito.
Ngayon, tulungan mo akong punan ang mga nawawalang
klaster mula sa kuwentong “Muntik nang Hindi Matuloy” Gawing
gabay ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
malinis na papel. Handa ka na? Tara, punan natin!

6
____ip ____utas ___ayber

____oseri ____aket

Paano mo nakuha ang ganitong aktibiti? Sana ay naging


madali para iyo. Huwag kang mag-alala, marami pang aktibiti
ang iyong matutuhan sa ating aralin. Kaya, tara na!

Sanayin Natin

Bugtungan Tayo!

Para maunawaan mong mabuti ang mga klaster, ihanda


ang iyong sarili para sa ating pagsasanay.
Sagutin ang tinutukoy sa bugtong. Gawin mo sa iyong sagutang
papel. Tara na, magbugtungan tayo!
1. Nagsisimula ako sa titik T at sinusundan ako ng titik S,
Matamis ako kung kainin, kayumanggi at puti ang aking
kulay. Ano ako? ___ ___ ___ ___ ____ ___ ___ ___ ___
7
2. Ako’y nilalagyan ng pagkain,
Ako’y may iba’t ibang hugis at kulay.
Nagsisimula ako sa titik P at sinusundan ng titik L. Ano ako?
____ ____ ____ _____ _____

3. Isinusuot ko’y kulay puti,


Nag-aalaga ako sa maysakit,
Nagtatapos ako ng titik R at S. Sino ako?
____ ____ ____ _____

4. Ako’y may korona,


Pangalan ko’y Cinderella,
Nagsisimula ako sa titik P at sinusundan ng titik R.
Sino ako? ___ ___ ___ ___ ____ ___ ___

5. Lumilipad ako,
Sinasakyan ng maraming pasahero
Nasa gitna ang klaster ko
Ako’y may titik P at sinusundan ng L.
Ano ako?
___ ___ ___ ___ ____ ___ ___ ___

Klaster ko, Isulat Mo!

Panuto: Isulat sa patlang ang klaster sa sumusunod na salita.


Gawin sa sagutang papel.

_____1. krus _____6. plantsa


_____2. klase _____7. krisis
_____3. prito _____8. kard
_____4. kwaderno _____9. trumpeta
_____5. eroplano _____10. pluma

8
Tandaan Natin

Mahalagang tandaan at maunawaan ang gamit ng


klaster upang makabuo ng isang salita na ginagamit sa isang
kuwento, usapan, teksto, balita at tula.

❖ Ang mga salitang may klaster ay magkasunod na


katinig sa loob ng isa o higit pang pantig.
❖ Ang klaster ay tinatawag ding kambal katinig.
❖ Ito ay matatagpuan sa unahan, gitna, at hulihan ng
isang pantig.

Suriin Natin

Panuto: Piliin ang tamang salitang may klaster na tinutukoy sa


bawat pahayag. Isulat mo ang titik sa sagutang papel.

1. Magdadala si Aling Glenda ng ________dahil malamig sa


Tagaytay.
A. tsokolate B. plato C. ice cream D. dyaket
2. Inayos ni Bryan ang mga hiniwang prutas sa __________.
A. plato B. gripo C. braso D. trak
3. Paborito ni Pritz ang __________pero walang dala nito si Tatay.
A. braso B. plato C. tsokolate D. groseri
4. Dahil sa pagmamadali, nasugatan ang ______ni Mang Troy.
A. braso B. plato C. tsokolate D. groseri

9
5. Nagmamaneho ng _____ si Mang Troy na ikinabubuhay ng
kaniyang pamilya.
A. bisikleta B. dyip C. eroplano D. trumpeta
6. Hinugasan ni Mark ang mga gulay sa _________.
A. trumpeta B. traysikel C. gripo D. tren
7. Isinuot ni Clara ang bago niyang _______.
A. blusa B. trumpeta C. tran D. dram
8. Nakakuha nang mataas na _______ si Brenda sa klase.
A. kard B. grado C. presyo D. krayola
9. Kumain ng gulay at ______ si Grace para lagi siyang malusog.
A. prutas B. tsokolate C. junkfood D. keyk
10. Ginamit ni Cris ang makulay na _________ sa kaniyang
pagguhit.
A. plato B. krayola C. pintura D. dram

Payabungin Natin

Palawakin pa natin ang iyong kaalaman sa tungkol sa


ating aralin. Tulungan mo akong bilugan ang mga klaster na
iyong makikita sa palaisipan. Handa ka na? Tara na!
Hanapin mo Ako!
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang may klaster sa loob
ng kahon gaya ng dram, trak at iba pa. Gawin mo ito sa iyong
sagutang papel.

k w a d e r n o b d
a s n a j n k p r r
a l a m b r e l a a
n t k t l a d a s m
a r r r u s a t o n
a e u a s m b o c s
s n s k a g r i p o
s r a b a h o l s b

10
Pagnilayan Natin

Mahalagang isipin natin ang gamit ng klaster. Nakatutulong


ito sa pagpapantig ng bawat salita lalo sa larangan ng pagbasa
sa isang bata na tulad mo. Hindi lahat ng salita sa Filipino ay
sinusundan kaagad ng patinig. Ito ay kadalasang magkasunod
na katinig na kung saan ito ang nagpapayaman ng ating wika.

Masaya akong natapos mo ang aralin na ito. Binabati kita!

Aralin
Salitang Iisa ang Baybay
2 Ngunit Magkaiba ang Bigkas

Sa Filipino, may mga salitang magkapareho ang baybay


ngunit magkaiba ang diin at ang kahulugan nito.
Sa tulong ng mga pagsasanay sa SLK na ito, tiyak na
mapalawak ang iyong kaalaman sa mga salitang pareho ang
baybay ngunit iba ang kahulugan ng mga ito. Kaya, ano pa ang
hinihintay mo? Tara na at alamin na ito!

Bago natin simulan ang araling ito, mahalagang balikan natin


ang inyong nagdaang aralin.
Handa na ba? Halika, hulaan natin!
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng isang salita.
Sabihin ang/mga klaster na ginamit.

11
P N R E S A I S S O R B E O R M T U M P E T A R

Aralin Natin

Ikaw ba’y masaya? Ganito ba ang iyong ginagawa sa tuwing


ikaw ay naglalaro? Alamin.

Si Maya Masaya
Ni Jayson T. Ruego

Ako si Maya Masaya


Ako’y may bagong saya
Na regalo ng aking Mama
Binili niya sa negosyanteng mama.

Kaibigan ko’y pito


Binigyan ko ng laruang pito
Naglaro kami sa puno
Galak ay punong-puno.

Kumain ako ng tubo


Hinugasan ko sa tubo
Nakita ko ang bituin sa gabi
Aba! kasingkulay ng laman ng gabi.

Pumunta ako sa sala


Upang maglaro at magbasa
Natabig ang tubig at ako’y nagkasala
Sa aklat na nabasa.
12
Sagutin natin ang mga tanong. Isulat mo sa sagutang papel.
1. Sino ang bata sa tula?
2. Sino ang nagbigay ng kaniyang regalo?
3. Anong laruan ang kaniyang ibinigay sa mga kaibigan?
4. Ano ang kaniyang kinain?
5. Saan niya inihantulad ang kulay ng bituin sa gabi?
6. Bakit nabasa ang aklat?

Nasagot mo ba ang mga tanong sa tula? Nalilito ka ba sa mga


salitang magkapareho? Huwag kang mag-alala, tutulungan
kitang maintindihan ang mga ito.
Sa araling ito, susuriin natin ang mga salitang iisa ang baybay
ngunit magkaiba ang bigkas at kahulugan. Narito ang iilang
halimbawa.

Mga Salitang IIsa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang


Kahulugan
puno- isang uri ng malaking halaman
puno-umuukupa sa lalagyan

pito- isang uri ng bagay na hinihipan


pito- isang bilang kasunod sa anim

tayo- pagtindig
tayo- isang panghalip na dalawahan o maramihan kasama
ang nagsasalita

gabi- uri na maharinang gulay


gabi- bahagi ng araw pagkatapos ng umaga

tala- isang bituin na makikita sa langit


tala- listahan o record ng mga paksa

paso-taniman ng mga bulaklak


paso-sakit na nararamdaman pagkatapos madikit sa main
na bagay

13
saya- maligaya
saya- paldang pambata o kasuotan

basa- initindihin ang mga nakasulat


basa-natapunan ng tubig

bukas- araw kasunod ng kasalukuyang araw


bukas- nakikita ang loob (ng isang bagay)

tubo- kita pagkatapos na magtinda


tubo- isang uri ng damo na naglalaman ng asukal
tubo- isang matigas na bagay na dinadaluyan ng tubig

likas – natural
likas- pag-alis sa isang lugar

sawa- isang uri ng ahas


sawa- suya o umay

baka- uri ng hayop na nagbibigay ng gatas


baka- hindi sigurado

sala- parte ng bahay kung saan tumatanggap ng bisita


sala- ihiwalay (ang dumi sa tubig)

baga- nakakapaso
baga- bahagi ng katawan na ginagamit sa paghinga

Malalaman ang kaibahan ng mga salitang ito sa


pamamagitan ng kanilang diin o stress sa pagbasa.
Maaaring bigkasin nang malumay, mabilis, malumi,
maragsa at diing mariin.

14
Gawin Natin

Larawan ko, Pusuan Mo!


Panuto: Lagyan ng hugis puso ang tamang larawan na ginamit sa
pangungusap. Handa ka na ba? Halika, pusuan natin!

1. Kumain ako nang matamis na .

2. Magandang tingnan ang mga bituin sa .

3. Hinipan ni Maya ang para sa isang hudyat.

4. Sumilong sa lilim ng ang mga ibon.

5. Tinamnan ng halaman ni Mama Jeanie ang .

Paano mo nakuha ang ganitong aktibiti? Sana ay naging


madali para sa iyo. Huwag kang mag-alala, marami pang
pagsasanay at aktibiti ang iyong matutuhan sa ating aralin. Kaya,
tara na!

Sanayin Natin

Tabihan Mo Ako!
Ngayon ay sanayin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa
ating aralin. Handa ka na? Tara, magsanay tayo!
Panuto: Gamitin ang mga parirala na nasa loob ng kahon at isulat
mo ito sa katabing larawan ng iyong sagutang papel.

15
1._________________ 4.______________
_ ____

2. __________________ 5.______________
____

3. __________________ 6.______________
____

isang uri ng ahas


pagkaumay ng isang pagkain
masaya
paldang pambata
isang hayop na tumatahol
usok na kulay puti o itim

Tandaan Natin

Mahalagang maintindihan natin ang mga salitang iisa ang


baybay ngunit magkaiba ang kahulugan at diin upang hindi tayo
malilito sa ating paggamit sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon.

Ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang


kahulugan ay malalaman sa kanilang bigkas.

16
Suriin Natin

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat


mo ang titik sa sagutang papel.
1. May nakita akong malaking sawa sa damuhan.
A. isang uri ng ahas
B. pagkaumay sa isang pagkain
2. Si Maya ay sawa na sa pagkaing matatamis.
A. isang uri ng ahas
B. pagkaumay sa isang pagkain
3. Tumahol kagabi ang alaga kong aso.
A. isang usok na kulay puti o itim
B. isang uri ng hayop na may makapal na balahibo
4. Sa kalayuan, nakita ni Jay ang makapal na aso sanhi ng
pagkasunog ng isang lumang bahay.
A. isang usok na kulay puti o itim
B. isang uri ng hayop na tumatahol
5. Nilagyan ko ng lupa ang bakanteng paso.
A. sakit na nararamdaman pagkatapos madikit sa mainit na
bagay
B. taniman ng mga halaman at bulaklak
6. Umaray si Joan nang mahawakan ang kaniyang paso.
A. sakit na nararamdaman pagkatapos madikit sa mainit na
bagay
B. taniman ng mga halaman at bulaklak

Payabungin Natin

Larawan ko, Ikonek Mo!


Para lubos mong maunawaan ang mga salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang kahulugan at diin, tulungan mo
akong ikonek ang mga larawan sa ibaba.
Handa ka na? Tara na!
Panuto: Ikonek ang mga larawan gamit ang linya sa parirala sa
Hanay B. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
17
Hanay A Hanay B

hinihipang bagay

bahagi ng
katawan

intindihin ang
nakasulat

nakakapaso mula
sa panggatong

natapunan ng
tubig

naglalaman ng
asukal

bilang kasunod ng
anim

dinadaluyan ng
tubig

18
Pagnilayan Natin

Ngayong naunawaan mo na ang mga salita sa Filipino na


iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at kahulugan.
Gamitin mo ito sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa ating
kapwa. Mahalagang matutuhan mo ang mga ito upang
maunawaan ang mga bagay-bagay sa paligid.
Binabati kita sa pagtatapos mo sa aralin na ito. Hanggang sa
muli.

Aralin

3 Ang Salitang Hiram

Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro. Dahil sa


pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa, may mga salitang
banyaga na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin.
Sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili
kaya ay lumikha ng bagong salita. Walang masama sa
panghihiram ng salita.
Sa araling ito, malalaman mo ang mga gamit ng salitang
hiram. Sa tulong ng mga pagsasanay ay matutuhan ang iba’t
ibang salita na ginagamit natin sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon.

19
Aralin Natin

Magandang araw mga bata. Nais kong pag-aralan ninyo


ang isang diyalogo.

Magandang Magandang umaga


umaga, Jane. May rin sayo Clark. Opo,
dala ka bang baon may dala akong
para sa recess spaghetti, keyk, at
mamaya? tsokolate.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa


sagutang papel.
1. Sino-sino ang nag-uusap sa diyalogo?
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Sa tingin mo, saan sila pupunta?
4. Ano-ano ang baon ni Jane?
5. Ano ang tawag natin sa mga salitang ito: recess, spaghetti,
keyk at tsokolate?
Nasagot mo ba ang mga tanong sa diyalogo? Huwag kang
mag-alala, tutulungan kitang maintindihan ang mga ito.
Tara, alamin natin ang mga salitang hiram.

20
Salitang Hiram
Ang mga salitang banyaga o salitang hiram ay mga
salitang walang katumbas na salita sa Filipino kaya
hiniram na lang ang pagbigkas at pagbaybay ng
banyaga dito.
Salitang hiram ang tawag sa mga salitang galing sa ibang
wika.
Maaaring ang mga ito ay may taglay na mga hiram na titik
gaya ng: c, f, j, q, ń, v, x, z.

Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang hiram:


Jane alifugfug kompyuter bouquet
tsokolate Quezon zipper seńora
Clark x-ray masjid Francisco
cańao keyk zigzag Manila Zoo
spaghetti pizza Quirino likido

Gawin Natin

Kahunan Mo Ako!

Ngayon, handa ka na ba sa ating unang aktibiti? Huwag


kang mag-alala madali lang ito.
Panuto: Lagyan ng kahon ang/mga salitang hiram sa loob ng
pangungusap. Isulat mo sa iyong sagutang papel.
1. Kumain ng masarap na pizza si Roy.
2. Ipinaghanda ako ng masarap na spaghetti.
3. Tuwing Araw ng mga Ina, binigyan ko ng bouquet ng
bulaklak si Inay.

21
4. Ibinigay ni Jane sa kaniyang kaklase ang kaniyang tsokolate.
5. Mahirap magmaneho sa zigzag na daan.

Naintindihan mo ba ang iyong ginawa? Sana ay naging


madali para sa iyo. Huwag kang mag-alala, marami pang
pagsasanay ang iyong matutuhan sa ating aralin. Kaya, tara na!

Sanayin Natin

Saan nga Ba?


Ngayon ay sanayin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa
ating aralin. Handa ka na? Tara, magsanay tayo!
Panuto: Piliin ang salitang hiram sa loob ng kahon at ilagay sa
alapaap. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

1. ___________
buhay, mosque, braso, kahoy

___________
Quirino, aklat, damit, kulay
2.

palengke, prutas, zoo, gulay ___________


3.

22
x-ray, papel, lamesa, kumot ___________
4.

___________
ate, kuya, bunso, Francisco
5.

Tandaan Natin

Mahalagang maunawaan natin ang panghihiram ng mga


salita upang magamit natin ito nang tama.

Ang mga salitang hiram ay mga salitang walang katumbas na


salita sa Filipino kaya hiniram na lang ang pagbigkas at
pagbaybay ng banyaga dito.

Taglay na mga ito ay maaaring hiram na titik gaya ng: C,F,J,Q,


Ñ, V, X,Z.

23
Suriin Natin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo sa iyong sagutang


papel.
1. Alin sa sumusunod ang salitang hiram?
A. lamesa B. kuryente C. kahoy D. kompyuter
2. Alin ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Francis B. Quezon C. Clark D. aklat
3. Ang cańao ay isang pagdiriwang ng ating mga katutubo. Alin ang
salitang hiram sa pangungusap?
A. katutubo B. cańao C. pagdiriwang D. atin
4. Nagsisimba ang mga Muslim sa kanilang mosque. Saan
nagsisimba ang mga muslim?
A. masjid B. kapilya C. mosque D. paaralan
5. Binigyan ng cellphone si Mario ng kaniyang ina. Anong
salitang hiram ang ginamit sa pangungusap?
A. cellphone B. binigyan C. Mario D. ina

Payabungin Natin

Hanapin Mo Ako!
Para lubos mong maunawaan ang mga salitang hiram ay
tulungan mo akong hanapin ang mga salitang hiram sa isang
palaisipan. Kaya tara na hanapin natin!
Panuto: Bilugan ang mga salitang hiram sa palaisipan. Isulat mo sa
sagutang papel.

a l A p i z z a x r
z i H a u o l z a
m k O m p y u t e r
n i E c w s a a s v
s d S b x c v x a i
v o A z i p p e r s
a q M a x e c m n a

24
1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________
4. ______________________________
5. ______________________________

Pagnilayan Natin

Gaya ng iyong napag-aralan, may walong titik na


nadagdag sa ating alpabeto mula sa dalawampu ay naging
dalawampu’t walong titik. Ang salitang hiram na titik na ito ay
nakatutulong sa paggamit ng tanging ngalan ng tao o mga
bagay sa paligid.
Marami sa atin ang walang tamang kaalaman sa
panghihiram ng mga salita sa wikang Ingles o anumang wika. Sa
panghihiram ng mga salita, hindi lamang sa pagitan ng wikang
Ingles kundi nanghihiram din tayo sa ating wikang katutubo sa
ating kapuluan.
Ang ating panghihiram na mga salita ay
nakapagpapayaman ng iyong bokabularyo at madaragdagan
ang iyong kaalaman sa paggamit ng mga salitang ito.
Sa tulong na rin ng teknolohiya, yumayabong ang ating
etnikong wika at maging ang dayuhang wika. Ngunit tandaan
may mga tuntunin tayong dapat sundin sa panghihiram upang
matatawag pa rin natin na ang wika ay puro.
Binabati kita sa iyong pagtatapos sa aralin na ito. Hanggang
sa muli!

25
Susi sa Pagwawasto

Makipag-ugnayan sa iyong guro.

26
Sanggunian

Nakpil, Daniel. CNN Philippines. “Duterte assures ₱200-billion aid for


the 'most affected' in COVID-19 crisis”accessed June 11,
2020
https://www.cnnphilippines.com/news/2020/3/31/Duterte-
assures-%E2%82%B1200-billion-aid-for-the-most-affected-in-
COVID-19-crisis--.html
Alde, Amaflor et.al.. “Batang Pinoy Ako” Kagamitan ng Mag-aaral
Filipino 3. Accessed June 11, 2020
Maestro, Valley Rey. Kambal Katinig- Ang Kahulugan at Mga
Halimbawa. Accessed June 11, 2020
https://philnews.ph/2019/07/20/kambal-katinig-kahulugan-
halimbawa/
Miss T. Tutorials Mga Salitang Iisa Ang Baybay Ngunit Magkaiba
Ang Diin at Kahulugan. Accessed June 13, 20120
https://www.youtube.com/watch?v=WcJVl7OG07c
General Clover 2496 –Nabibigyang Kahulugan ang salitang-hiram.
Accessed June 18, 2020:
https://www.coursehero.com/file/44183927/July-19-2019-
Nabibigyang-kahulugan-ang-salitang-hiram-Copypptx/

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Davao City


E. Quirino, Avenue, Davao City
Telephone: (082) 227-47-26

28

You might also like